7

1416 Words
Christina Michaela Romualdez.Marinig ko pa lang ang pangalan na  'yon ay nanggagalaiti na ako sa galit.Sa totoo lang hindi talaga kami magkasundo ng babaeng 'yon.Lagi ba naman kasi akong pinag-iinitan ng ulo.Ako naman dahl likas na palaban,hindi ko rinsiya inuurungan.Kaya madalas kaming nagsasagutan at nagsisigawan sa school.Kawawa tuloy si Drew sa kaaawat sa amin.Sumosobra din kasi ang babang 'yon.Campus Sweetheart kuno pero ang sama naman ng ugali.Dala marahil ng popularity kaya lumaki din ang ulo.Naging habit tuloy niya ang mangbully sa kapwa niya estudyante.Kaya naman ang dami na tuloy naiinis sa kanya.Kulang na lang ay isumpa na siya ng mga tao sa paligid niya.Siya na yata kasi ang may pinakapangit na ugali na nakilala ko.Tsismosa na't lahat-lahat ay napakagaling pang manlait.Ni hindi niya muna sana tingnan ang sarili niya.Ganda lang naman ang mayroon siya,eh.Pero wala namang laman ang utak.Ang sarap ngang apakan na lang,eh kasi wala din lang namang laman.Hay!Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang napahiya sa mga beauty contest na sinalihan niya.Paano ba naman hindi kasi makasagot ng Q & A.Hirap na hirap ang bruha kaya laging napapahiya.Madalas siyang natatameme at nauutal.Tuloy wala ng kumukuha sa kanya ngayon kahit  iprisinta pa niya 'yong sarili niya.Ah,isa pa pala.Ang bruhang 'yon ay patay na patay lang naman kay Drew.'Yon din siguro ang isang dahilan kaya lagi siyang nagagalit sa akin.Ako kasi walang kahirap-hirap na nalalapitan si Drew.Samantalang siya kahit buong araw yatang magpapansin ay hindi man lang magawang sulyapan ng best friend ko.Asa pa kasi siyang magugustuhan siya ni Drew.Nunca na mangyayari ang bagay na 'yon. Pagdating ko sa bahay nila Christina ay  nandoon na din sina Elaiza at Jessie.At agad akong nabwisit ng makita ko ang maasim ng mukha ng bruha.Parang anumang oras ay may ibabato na naman itong salita sa akin.At hindi nga ako nagkamali sa bagay na 'yon. "Late ka na.Kanina ka pa kaya namin hinihintay.Dapat hindi ka na lang nagpunta,eh,"banat niya kaagad sa akin. 'Hay!Bwisit na babaeng ito!Kararating ko pa lang binungangahan na agad ako!' "Aba,makapagsalita ka parang sampung oras akong nalate,ah,"buwelta ko sa kanya."Alas sais 'yong usapan natin 'di ba?Para sampung minuto lang na nahuli ang tao naging big deal na kaagad sayo." "Siyempre  kung maaga ka sana eh, 'di nasimulan natin kaagad.Ganun lang kasimple 'yon.Alam mo naman sigurong naghahabol tayo ng oras 'di ba?"maangas pa rin nitong sabi. "Wow naman!Kung magsalita akala mo naman may maitutulong din lang."Gigil na gigil talaga ako sa bruhang ito ngayon.Kahit pa andito ako ngayon sa pamamahay niya papatulan ko pa din siya." "Guys,pwede ba tam na 'yan?Wala tayong matatapos nito kung ganyan kayo,"awat ni Elaiza. "Kaya nga.Ang mabuting gawin ngayon ay magsimuula na tayo para matapos na natin.Dealine na bukas,eh,"sabi naman ni Jessie. Tumalima naman kami at agad na ngang nagsimula.At tulad nga ng sabi ko,nanunuod lang at walng ginagawa ang bruhang babae.Kami nagpapakahirap ngayon samantalang siya patext-texl lang at paselfie-selfie.Nakakainis lang talaga.Bakit ba kasi nakasama pa namin ito sa grupo?Pero imbes na patuloy ko siyang pansinin ay pinagtuunan ko na lang ang ginagawa ko.Kaya lang namin sigurong matapos ito ngayon dahil pareho din namang magagaling si Elaiza at Jessie.Hay!Sana nga magawa namin itong maipasa bukas kasi walang consideration 'yong teacher namin sa subject na ito.Nakakatakot pa naman kasi talagang nagbabagsak  siya.Isa ding manhid dahil hindi marunong makinig sa hinaing ng mga estudyante niya.Nakakainis 'yong mga ganung klase ng tao.Hindi niya pinapahalagahan 'yong mga sakripisyo ng mga tao sa paligid niya. Medyo nalibang na kami sa aming ginagawa kaya halos hindi na rin namin namalayan ang oras.Kung hindi pa tumawag ang Mommy ni Jessie ay hindi pa namin malalaman na gabi na pala.Quarter to nine na pala! "Guys,paano ba ito?Pinapauwi na ako ni Mommy.Nagagalit na siya kasi gabi na daw,"sabi ni Jessie.Halatang problemado at natataranta ito ng mga oras na 'yon.Marahil talagang galit na galit ang Mommy nito kaya ganun.Napabuntong-hininga ako.Buti na lang nakapagpaalam ako ng maayos kay Mama kanina.Dahil kung hindi ay baka magaya din sana ako kay Jessie na masasabon pag-uwi. "Ganun ba?Pero paano kaya ito.Hindi pa natin tapos itong project natin,"nababahala kong sabi.Grades namin ang siguradong magdurusa nito kapag hindi namin ito naipasa bukas. "Iyon nga din ang iniisip ko ngayon.Ipinaliwanag ko naman kay Mommy 'yon pero ayaw niyang makinig sa akin.Huwag ko na daw hintaying kaladkarin pa niya ako dito pauwi sa bahay,"paliwanag ni Jessie. "Grabe naman pala 'yang Mama mo.Nakakatakot di pala,"sabat naman ni Christina. "Huwag ka ngang sumabat kung wala din lang kwenta 'yang sasabihin mo,"inis kong sabi sa kanya. "Wala kang pakialam!May bunganga ako kaya natural lang na magsalita ako kung kailan ko gusto."Inirapan pa talaga ako ng bruha.Wala na ngang naitutulong hindi pa niya isara ang bunganga. "Ah.bakit 'di na lang kaya ikaw ang tumapos sa project natin.Huwag kang mag-alala kasi kayang-kaya mo naman na 'yon,"balik ko sa kanya. 'Tingnan ko nga ang galing mo ngayon impakta ka!' Nakita kong tila nataranta  ito sa sinabi ko.Marahil kinabahan siya dahil hindi nito alam ang gagawin sa project namin 'pag nagkataon. "Bakit naman ako?Kayo ang nakakaalam dun kaya kayo din dapat ang tumapos nun,"iling nito.Sabagay ano pa nga bang aasahan sa kanya.Kahit pa siguro pigain niya ng husto ang utak niya ay tiyak wal ding mangyayari. "Guys,pwede ba tama na 'yan?Mag-aaway na naman ba kayo ng dahil lang diyan."Si Elaiza na namagitan na sa amin ni Christina.Natahimik kami pareho ng magsalita ito. "Okay, sige ganito na lang.Ako ng tatapos nitong project natin para wala ng problema."Nagprisinta na si Jessie. "Sigurado ka?"tanong ko sa kanya. "Oo.Kayang-kaya ko na ito,"paniniguro naman niya."Di bale ng pagpuyatan ko." Pagkatapos naming maiayos ang mga gamit namin ay umuwi na din kami sa sarili naming nga bahay. 'Tomorrow is another day.At papasok na si Drew!' Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.Gusto kong matulog pero hindi ako makatulog.Tuwing pipikit kasi ako ay naaalala ko ang ginawa kong paghalik kay Allyccia kanina.Shit!Ilang beses na ba akong napamura sa sarili ko dahil sa kaiisip dun. 'Ano ba kasing kalokohan ang ginawa ko?' Alam kong nabigla din at natakot si Allycia dahil sa nangyari kanina.Sabagay sino ba naman kasing hindi mabibigla kung hahalikan ka na lang ng walang pasabi.Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko ng nung mga oras na 'yon.Nung pumasok kasi siya sa kuwarto ko kanina ay biglang naging si Celine siya sa paningin ko.Kabaliwang matatawag pero 'yon ang totoo.Dala din siguro ng sobrang pagkamiss ko sa girlfriend ko kaya naipagkamali ko siya sa best friend ko ng wala sa oras.Pero paano nga ba nangyari 'yon.Oo magpinsan nga sila ni Celine pero kahit kailan hindi sila magkamukha.Masakit mang sabihin pero malayong mas maganda ang namayapang girlfriend niya kaysa kay Allycia.Hindi rin naman sila magkapareho dahil style pa lang ng pananamit ay wala ring binatbat ang best friend niya kaysa sa nobya.Hindi kasi marunong mag-ayos sa sarili niya si Allycia.Kontento na ito sa simpleng pananamit.At kahit kailan hindi ko pa siya nakitang nagmake up man lang.Kaya nagtataka ako kung paano ko siya naipagkamali kay Celine kanina.Hitsura pa nga lang ang layo na,eh.Hindi naman ito pagit kaya lang kung para sa akin lang ay hindi kosiguro magagawang magustuhan ang kagaya niya.Oh gosh!Anong klase akong kaibigan at nagagawa ko pa talaga siyang lait-laitin ngayon.Nagawan ko na nga ng hindi maganda ay kung ano-ano pa sng iniisip ko sa kanya.Ang nakakainis pa'y hindi man lang ako nakapagsorry ng maayos sa kanya kanina. Sa totoo lang ay malaki ang utak na loob ko sa kanya.Kung hindi dahil sa kanya ay hindi siguro ako makakapag-isip ng maayos para sa sarili ko ngayon.Kailan man hindi kasi siya sumuko sa akin.Lahat ginawa niya para matulungan akoMula noon hanggang ngayon ay nanatili pa rin siya sa tabi ko.Kahit pa nga sabihing hindi na kami masyadong nag-uusap at nagkakasama nitong mga nakaraang buwan ay hindi pa rin siya nagbago sa akin.Siya pa rin ang dating Allycia na nakilala ko noon na mas inuuna ang ibang tao na tulungan kaysa sarili niya.Ao nga ang nahihiya ngayon sa kanya,eh.Nangako kasi akong hindi siya iiwan at laging poprotektahan.Pero anong ginawa ko?Ni hindi ko natupad ang pangako kong 'yon sa kanya.Kaya bukas papasok na talaga ako para sa kanya.Para naman hindi masayang 'yong mga efforts niya sa akin.Isa pa'y kailangan ko ding tuparin ang pangako ko kay Celine.Magsisikap akong makatapos para sa kanya.Dahil lahat naman talaga ng pangarap ko ay sa kanya ko iaalay.Napabuntong-hininga ako ng  maalala ko na naman siya.Namimis ko na talaga siya...Bago pa tumulo ang luha ko ay agad ko na 'yong pinahid ng kamay ko. 'Mahal na mahal ko talaga siya at marahil siya na una at huling babaeng mamahalin ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD