Napanganga ako sa narinig.At unti-unti parang tumaas isa-isa ang mga balahibo ko sa kamay.Totoo ba ang narinig ko?Tinawag niya akong Celine.Gusto ko sanang sumigaw ng mga oras na 'yon pero pinigil ko na lang ang sarili ko.
'Oh Lord!Huwag niyo pong sabihing nakikita ni Drew si Celine ngayon!'
Hindi na halos ako makahinga ng mga oras na 'yon.Bukod kasi sa nararamdaman kong takot ay ang higpit pa ng yakap ni Drew sa akin.Sinikap kong itulak siya pero tila wala ding magagawa 'yon.Parang wala kasi itong balak pakawalan ako sa mga bisig nito.Hahayaan ko na lang sana siya pero paulit-ulit niya kasi akong tinatawag sa pangalan ni Celine at hindi tama 'yon.Isa pa'y natatakot na talaga ako.Marahil sa sobrang pagkamiss niya sa nobya ay naipagkamali niya ako dito.At ayaw ko mang sabihin pero nakakailang na din para sa akin ang hitsura namin ngayon.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa---?"Natigil ako sa pagsasalita ng biglang gumalaw ang ulo niya at ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang malambot na labing iyon sa labi ko.At sa ilang segundo parang tumigil ang mundo ko.Hindi ako makakilos at nararamdaman kong nanlalamig ang katawan ko.Hindi ko inasahan ang bagay na 'yon kaya hindi agad ako nakapag-isip ng maayos.Tila lumilipad ang isip ko kung saan habang ang labing 'yon ay nakadampi pa rin sa labi ko.Ang takot at kabang naramdaman ko kanina ay tila naging triple na ngayon.Pakiramdam ko'y nanginginig din ang buong katawan ko ng mga sandaling 'yon.Pero hindi matatapos ang kabaliwang ito kung wala akong gagawin.Kaya naman inayos ko ang sarili ko at inipon ko lahat ng lakas na mayroon ako at buong puwersang itinulak si Drew.At kahit ayaw ko sanang gawin ay sinampal ko siya para matauhan ito.Tila nahimasmasan naman ito sa ginawa ko.Sapo-sapo ang pisnging nasampal ay tumitig siya sa akin.
"A-Allycia..."
"Oo ako nga,Drew at hindi si Celine..."Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sumagot ng mga sandaling 'yon.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makamove on sa nangyari.Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko at bilis ng t***k ng puso ko.Kabaliwan mang masasabi pero tila nararamdaman ko pa din ang mga malambot na labing 'yon sa labi ko.Pasimple kong kinurot ang braso ko.
'Umayos ka nga,Allycia!Mahiya ka nga naman na salat mo!Nagagawa mo pa talagang mag-ilusyon sa mga oras na ito!'
Tumalikod siya sa akin at humakbang papunta sa kama niya.Tila hinang-hina itong naupo doon habang wala sa sariling inihilamos nito ang dalawang palad sa mukha.Kitang-kita sa mukha nito ang labis na pagkalito ng mga oras na 'yon.Marahil ay hirap din itong maniwala sa nagawa kaya ganun.Maging ako'y apektado pa rin sa nangyari.Sa iba siguro simpleng kiss lang na matatawag 'yon pero sa akin hindi.First kiss ko 'yon at hindi ko inaasahang ang taong mahal ko pa mismo ang nakahalik sa akin.Oh Gosh!Naiisip ko pa rin talaga 'yon.Hay!Nakakainis talaga!Gusto ko ng batukan ang ulo ko ngayon pero hindi ko ginawa.Ayaw kong makita ako ni Drew at baka mahalata nitong apektado ako ng husto sa nangyari.Kaya ang ginawa ko na lang ay huminga ako ng ilang beses saka pilit kong kinakalma ang sarili ko. Nagbabakasakaling sa ganoong paraan ay bumalik na sa katinuan ang isip kong lumilipad kung saan.
"I'm sorry.Hindi ko dapat ginawa 'yon.A-akala ko kasi....Akala ko kasi ikaw si..."Hindi niya magawang mabanggit ang pangalan ni Celine ng mga oras na 'yon.Oo alam ko naman at naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin.Naipagkamali niya ako kay Celine kaya nagawa niya akong halikan ng wala sa oras.May kurot akong naramdaman sa puso ko ng mga sandaling 'yon pero hindi ko na lang masyadong pinansin.
'Asa ka pa kasi,Allycia.Parang hindi ka natututo!'
"Alam ko namang hindi mo sinasadya..."Wala sa sariling sabi ko.Kailangan kong magsalita para hindi ko masyadong maramdaman 'yong sakit na bumabalot sa puso ko.Isa pa'y kailangan kong basagin 'yong tensyon sa pagitan namin ngayon.Aminin ko man o hindi ay batid kong pareho kaming naiilang sa isa't-isa sa mga oras na ito.Nakakainis lang kasi nahihiya din ako sa sarili ko ngayon.Dapat may nagawa din sana ako para hindi mangyari 'yon.Pero wala,eh.Hindi ko rin kasi inaasahan ang bagay na 'yon.
"Sorry talaga,"hinging paumanhin niya na halos hindi makatingin sa akin ng maayos.Kitang-kita sa mukha nito ang guilt ng mga sandaling 'yon.
"Oo okay lang 'yon."Pilit akong ngumiti sa kanya para ipakita ditong okay lang ang lahat kahit sa loob-loob ko ay kabaligtaran niyon ang nararamdaman ko.
'Kainis!Ang hirap talagang magpakaplastic.'
Ilang sandali ang lumipas at namayani ang katahimikan.Ayaw ko mang sabihin pero ramdam kong naiilang pa rin kami sa isa't-isa.Pareho kaming nakikiramdam at parehong tikom ang bibig dahil walang maisip sabihin.Pero ako ang unang bumasag ng katahimikang 'yon.
"Miss na miss mo na siya,'no?"
Tumingin lang siya sa akin at marahang tumango.
"Alam kong hindi madali para sayo ang nangyari sa kanya.Pero ang masasabi ko lang, huwag mo din sanang pababayaan ang sarili mo.Kahit mahirap, matuto ka pa rin sanang bumangon at magpatuloy.Hindi dahil iniwan ka niya ay naiwan ka na ding mag-isa.Marami pa ring nagmamahal sa paligid mo,Drew.Isipin mo din sanang sila ang unang nasasaktan mo habang nananatili kang ganyan.Kaya pakiusap,ayusin mo na din ang buhay mo para man lang sana sa kanila..."Ewan ko pero parang gusto kong umiyak pagkatapos kung sabihin ang mga 'yon sa kanya.Dala siguro ng samo't-saring mga emosyong nararamdaman ko kaya parang nadadala din ako ng mga 'yon.
"Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.Nahihiya ako sa sarili ko ngayon kasi ang dami mo ng ginawang sakripisyo para sa akin."
Totoo ba ang mga sinasabi nito ngayon o baka nananaginip lang ako?Pero medyo natutuwa ako dahil nakikita pa rin pala nito ang mga sakripisyo ko para sa kanya.Kahit papaano pala ay mukhang may napuntahan din ang mga 'yon.
"Tumigil ka nga. Alangan namang pabayaan kita.Siyempre best friend kita,eh. Lahat gagawin ko para sayo,"nakasimangot kong sabi sa kanya.
At least nagagawa pa din niyang magpasalamat sa akin kahit papaano lang bigla parang unti-unti kong nararamdaman na nawawala na din ang tensyong namamagitan sa aming dalawa kanina.
Ngumiti ito."Salamat,ah.Huwag kang mag-alala.Papasok na din ako bukas para hindi masayang 'yong mga mala MMK mong mga payo sa akin."
'Teka nga.Tama ba 'yong narinig kong sinabi niya.'
"Talaga?!"Halos mapasigaw ako sa tuwa sa narinig.Mahirap lang paniwalaan pero malinaw na narinig ko 'yong sinabi niya.Sa wakas nakapag-isip na din ang mokong na ito.
'Naghimala din ang langit!'
"Oo.Hindi mo na kailangan pang sumigaw."Ngumiti siya sa akin.Ngiting halos magpalaglag ng puso ko ng mga oras na 'yon.Ang gwapo pa rin talaga niya.
'Diyos ko!Pigilan niyo po ako kasi lalo pa yata akong nai-inlove sa kanya ngayon.'
"Hay!Salamat naman.Mukhang narindi na 'yang tenga mo sa mga panenermon at payo kaya nakapag-isip ka na din ng maayos."
Tumawa ito."Oo nga,eh.Pero salamat talaga sayo,ah."
"Tse!Paulit-ulit lang talaga,"nangingiti kong sabi.Pero natutuwa talaga ako para sa kanya.Magandang senyales 'yon para unti-unti na din siyang makamove on.
"Oo,ah para marindi din 'yang tenga mo."
"Nakakainis ka talaga."Kamuntikan ko ng ibato ang bag ko sa kanya ng mga oras na 'yon pero pinigil ko lang ang sarili ko."Okay,paano ba 'yan?Kita na lang tayo sa school bukas."
"Aalis ka na?"
"Oo.Pasensiya ka na,ah.May sarili din kasi akong lakad ngayon."
Gusto ko pa sanang magtagal pero bigla kong naalala 'yong group project namin kaya agad din akong nagpaalam sa kanya at mukhang naiintindihan naman niya 'yon.'Di bale kay Drew at isinali naman na siya ni Rafael sa group niya kaya wala na siyang poproblemahin pagpasok niya bukas.Salamat nga at mabait din 'yong taong 'yon.Dealine na bukas ng project na 'yon kaya dapat naming matapos 'yon ngayon.Nasimulan na 'yon kaya lang hindi agad namin natapos dahil pareho kaming busy nitong nagdaang araw.Apat lang kami sa project na 'yon at ang teacher namin ang namili mismo ng mga magiging kagroup namin.Ako,si Elaiza,si Jessie at si Christina ang magkakasama.Sa totoo lang naiinis talaga ako kasi sa bahay pa talaga nila Christina kami gagawa ng project.Ipinagpilitan kong sa ibang bahay na lang sana kami gagawa pero ayaw pumayag ng bruha.Sa huli siya din lang ang nasunod at no choice ako kundi pakisamahan na lang muna siya.Ewan ko ba pero pareho kasing mabigat ang dugo namin sa isa't-isa ng babaeng 'yon.Sa simula pa lang hindi na kami maggkasundo dahil sobrang pangit ng ugali nito.