5

1360 Words
NAPATINGIN ako bigla sa kanya sa sinabi niyang 'yon.Napagdesisyonan ko na kasing ibaon na lang sa limot ang damdamin ko sa best friend ko at manatili na lang bilang isang kaibigan para dito.Pero hindi 'yon madali tulad ng inaakala ko.Hindi ko rin pala basta-basta na lang makakalimutan 'yon lalo't matagal ko din 'yong iningatan dito sa puso ko.Taon ko 'yong itinago kaya malamang taon din ang bibilangin ko bago ko magawang kalimutan ang damdamin ko para sa kanya.Hindi rin siguro ako masisisi sa bagay na 'yon dahil minahal ko talaga si Drew ng higit pa sa inaakala ko. "Ewan ko.Hindi ko alam."Wala sa isip na sabi ko sa kanya. Napatango-tango lamang ito saka mahinang tumawa.Tila insullto ang dating ng tawang 'yon sa akin pero hindi ko na lang pinansin. "Ayos,ah.Ibang klase ka din pa lang magmahal.Nasasaktan na't lahat-lahat pero hindi pa rin sumusuko." "Hindi naman sa ganun.Alam ko namang walang patutunguhan 'yong damdamin ko sa kanya,eh.Kaya lang nahihirapang din kasi akong makalimot.Hindi naman pwedeng paggising ko wala na kaagad 'yong damdamin ko sa kanya 'di ba?" "Sabagay tama ka nga naman.Kung bakit ba naman kasi kay Drew ka pa umibig,eh.Alam mo na nga lang na masasaktan ka lang sa kanya ipinagpatuloy mo pa rin 'yang damdamin na 'yan,"nakaismid nitong sabi. "Alam ko naman 'yong bagay na 'yon.Pero siyempre hindi ko rin naman kayang turuan ang puso ko kung sinong gusto niyang mahalin.Malay ko bang mai-in love ako sa best friend ko."Isa pa'y bata pa lang kami ay pinili na siya ng puso ko.Gusto ko sanang idugtong 'yon pero minabuti ko na lang na huwag gawin.Mas mabuti siguro kung hindi na niya malalaman ang bagay na 'yon dahil tiyak uulanin na naman niya ako ng kantiyaw at siguradong pagtatawanan.Itong walang hiyang ito ang sarap ngang sapakin sa mukha,eh. "May tao din namang handang magmahal sayo sa paligid pero hindi mo lang kasi makita dahil nasa iisang tao lang ang focus ng mata mo."Kung nakatingin lang sana ako sa kanya ngayon ay marahil makikita ko kung paano niya ako titigan ng may paghanga.Pero dahil sa ibang diresksyon ako nakatingin ay hindi ko na nakita 'yon. "Hay naku,Rafael!Pwede ba huwag mo na nga akong bula-bulahin pa diyan.Alam ko namang walang magkakagusto sa akin kaya huwag ka ng magpaasa pa ng tao." "Hindi ako basta nagpapaasa lang dahil nagsasabi ako ng totoo.Sabagay pareho naman kasi kayong may problema sa mata ni Drew kaya hindi niyo makita 'yong mga taong totoong nagmamahal sa inyo."Medyo sumeryoso ang mukha niya ng mga oras na 'yon pero hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin ang bagay na 'yon.Hmpft!Isa pa'y imposible din kasi ang sinasabi niya.Sino namang engot ang magkakagusto sa isang tulad ko?Hello?Wala ngang mangahas manligaw sa akin,eh.Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ang mga tipo ko ang gusto ng mga lalaki.Iba na kasi ang panahon ngayon.Hindi na mga simpleng babae ang nagugustuhan at napapansin ng mga lalaki. Mas gusto nila 'yong mga magaganda at sexy.Kung babalik tayo sa panahon ni Maria Clara maniniwala siguro akong may magkakamaling magkagusto sa akin.Pero ngayon?Ay ewan ko na lang. "Kay Drew mo sabihin 'yan kasi siya ang manhid sa aming dalawa." Tumawa lang ito sa sinabi ko."Pareho lang kaya kayo.Subukan mo din kasing tumingin sa iba. Para malaman mong totoo ang sinasabi ko." Pinaikot ko ang mga mata ko."Wala ng kuwenta 'yang mga sinasabi mo Rafael Alonzo." "Ganyan ka naman kasi palagi.Akala mo laging biro lang ang mga sinasabi ko."May nahimigan akong tila pagtatampo sa boses niya.Pero bakit naman ito magtatampo.Wala naman akong nasabing hindi maganda sa pagkakaalam ko. "Tama na nga lang 'yan.Tara na lang magmerienda kasi bigla akong ginutom,"aya ko sa kanya para matapos na ang pag-uusap na 'yonI.Bigla kasi'y parang gusto kong kumain.Ginutom marahil ako dahil sa kaiisip kay Drew. Napabuntong-hininga ito."Sige na nga pero libre mo ako,ah.May pinaglalaanan kasi ako ng pera ko ngayon kaya nagtitipid ako.May gusto kasi akong bilhin kaya hangga't maaari sana ayaw kong gumastos muna." "Ganun?Eh,anong balak mo sa sarili mo.Gugutumin mo ba?" "Hindi naman sa ganun.Kailangan ko lang talagang pag-ipunan 'yong bagay na 'yon.Isa pa'y hindi naman ako magugutom.Andiyan ka naman,eh.Sagot mo muna ako.Babawi na lang ako sa susunod",nakaingos nitong sabi. "Grabe ito.Ako pa talagang maglilibre sayo",reklamo ko sa kanya.Pero ano nga kayang pinag-iipunan ng mokong na ito. "Talagang ganun.Ikaw nag-aya,eh.Saka sabi ko naman sayo nagtitipid ako." "Sige na nga lang.Pero sa susunod ako din ililibre mo." "Oo.'Yon lang pala,eh.Kahit buong tinda ng canteen bibilhin ko kung gusto mo." "Yabang nito.Akala mo naman ganoon karami ang pera niya ",sabi ko sa kanya sabay suntok sa dibdib nito.Mahina lang naman 'yon kaya hindi naman ito nasaktan. "Alalahanin mo nag-iipon ako kaya hindi imposible 'yon",nakangiti nitong sabi. "Ewan ko sayo.Tara na nga lang at baka magbago pa 'yong isip ko."Nauna na akong tumayo sa kanya at nagsimula ng maglakad. "Yes ma'am",sabi naman nito na agad ding sumunod sa akin.Ilang sandali pa ay nasa canteen na kami at masayang kumakain. PAGKATAPOS ng klase ko ng hapon ay ipinasya ko uling dalawin si Drew.Gusto rin sanang sumama ni Rafael sa akin pero iniwan ko na lang siya dahil mukhang matatagalan pa ito bago makauwi.May meeting pa kasi ang Music Club dahil naghahanda ang mga ito sa gaganaping Battle of the Band sa school.Sayang nga lang kasi mukhang hindi makakasali si Drew.Matagal pa naman na niyang inaabangan ang kompetisyong 'yon at nakakapanghinayang lang na ngayong magaganap na 'yon ay hindi niya magagawang ipakita ang talent niya sa harap ng maraming tao.Ang totoo niyan maganda talaga ang boses ni Drew.Bata pa lang siya ay mahilig na siya sa pagkanta at pagtugtog ng mga musical instruments.At pangarap niya talaga ang magkaroon ng sarili niyang banda balang araw.Yon ang isang nagustuhan ko sa kanya.Hindi siya takot mangarap kahit alam niyang mahihirapan siyang abutin 'yon.Sa tuwing kasama ko siya hindi rin ako natatakot mangarap tulad niya.At masaya lang sa pakiramdam na lahat ng pangarap ko ay nabuo ng dahil sa kanya...Pero naiinis ako sa sarili ko ngayon kasi bilang isang kaibigan ay wala akong magawa para sa kanya.Habang sinasayang niya ang mga oras niya sa pagmumukmok at pag-iisip kay Celine ay tila unti-unti ding gumuguho ang mga pangarap niya.Isang bagay 'yon na sobrang bumabagabag sa akin ngayon.Napapabayaan na nga din niya pati kalusugan niya,eh.Pumayat na siya dahil halos hindi na rin niya maasikaso ang kumain.Kung wala siya sa kuwarto na nagkukulong ay tiyak nasa puntod siya ni Celine at doon umiiyak.'Yon na halos ang ginagawa niya araw-araw.Nakakaawa pero wala akong magawa.Hindi ko tuloy maiwasang hindi itanong sa sarili ko kung bakit may mga taong ganun umibig.Na kahit wala na 'yong mga taong mahal nila ay hindi pa rin sila tumitigil para mahalin 'yong taong 'yon.Pero marahil 'yon talaga siguro ang hiwagang meron ang pag-ibig.Parang ako lang.Nagmahal sa taong hindi ako mahal.Nakakatawa 'di ba?Isang uri ng pagmamahal na may halong sakripisyo at katangahan.Katangahan dahil sa lahat ng tao ay sa best friend ko pa ako na-inlove.At ang masakit,handa akong tiisin lahat makita ko lang siyang masaya. Naabutan kong nakaupo si Drew sa kama niya nang buksan ko ang kuwarto niya.Tumingin ito sa akin at tila nakakita ng multo ng makita ako.Pero marahil nagulat ito dahil hindi nito inaasahang dadalawin ko na naman siya ngayon. "Sabi ni Tita hindi ka na naman daw kumain kaninang tanghalian.Talaga bang pababayaan mo na lang ang sarili mo,Drew",sabi ko sa kanya.Naupo ako sa sa silyang naroon.Nagtaka ako kung bakit hindi ito sumagot.Nakatunganga lang ito sa akin at titig na titig sa akin na parang hindi makapaniwala sa hindi ko malamang dahilan. "Hoy,Drew!Sumagot ka nga.Kinakausap kaya kita." Pero nagulat na lang ako ng bigla itong tumayo at lapitan ako.Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at ilang segundo ding tinitigan sa mukha.Bigla akong kinabahan lalo na ng magawi ang tingin ko sa mga matang 'yon.Mabibilog at sing-itim ng gabi.At kung tumitig ng mga oras na 'yon ay parang tumatagos sa akin.May mga emosyon akong nababasa sa mga matang 'yon pero hindi ko mawari kung ano. "Drew,ano bang nangyayari sa-----."Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong niyakap.Gusto ko sana siyang itulak pero dahil nabigla din ako ay hindi ko na naisipan pang gawin 'yon. "Celine, I miss you..."sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD