4

1303 Words
TULAD ng dati hindi pa rin pumasok si Drew. Kaya lalo lang akong nabahala sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung may plano pa ba siya sa buhay niya o wala na. Pero bilang best friend niya, ako ang labis na naaapektuhan sa ngyon ginagawa niya sa buhay niya. Lahat ng taong nagmamahal sa kanya ay sobra-sobra nang nag-aalala. Hindi ko na nga rin alam kung anong magagawa ko pang tulong sa kanya.Pero sa tingin ko siya din lang ang makakatulong sa sarili niya ngayon.Siya lang kasi ang makakapagdesisyon kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya.Pero hindi naman nangangahulugan 'yon na basta na din akong susuko sa kanya. Kahit anong mangyari hindi ko 'yon gagawin. Alam kong kailangan pa rin niya ng taong aalalay sa kanya at magsasabi kung anong mas tamang gagawin niya. At alam kong ako yon. Ang totoo niyan bakante namin ngayon kaya tumambay muna ako dito sa bench sa ilalim ng puno ng mangga. Wala kasi yong teacher namin. Namatayan sila. Wala namang iniwang activities kaya wala kaming gagawin. Kaysa naman tumunganga sa loob ng class room, lumabas na lang kami para hindi maboring doon habang hinihintay ang susunod pang subject namin. Sa ngayon nasa eleventh grade na ako sa Castell Academy- isang private school dito sa siyudad. Mahaba-haba pang paglalakbay ang gagawin ko para matapos ako ng high school. Napabuntong-hininga ako. Ang bilis kayang lumipas ng panahon.Pareho lang kaming bata ni Drew noon na ang laging iniisip ay maglaro. Pero ngayon kita mo naman sixteen na ako at seventeen na si Drew. Parehong mga teenager na . At umaasa akong pareho sana kaming makatapos at sabay ding pumasok ng college para walang mapg-iiwanan sa amin. Napabuga ako nang hangin. Sa kaiisip ko sa bestfriend ko ay hindi na tuloy ako nakapagreview ngayon.'Yon pa naman sana ang balak kong gawin sa mga oras na ito pero hindi kasi ako makapagfocus ng maayos.Sa tuwina kasi ay pangalan ni Drew ang sumisiksik sa utak ko tuwing babalakin kong magreview. Nadi-distract ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis. Pakiramdam ko rin kasi ay hindi ko na rin naaayos ang sarili ko sa kaiisip ko sa best friend ko.Minsan nga natutulala na lang ako at bigla ding nagugulat kapag tinatawag ako. "Kumusta na si Drew?"Nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon.Kahit alam ko na kung sino 'yon ay minabuti ko pa rin siyang lingunin. Siya si Rafael. Ayon tingin ko hindi pa rin siya okay,eh. Ewan ko ba sa taong yon, " nakanguso kong sabi. Umupo ito sa bench na kinauupuan ko.Mukhang may dala yatang good vibes ang loko.Ang aliwalas kasi ng mukha nito at talagang nakangiti pa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi rin mangiti.Classmate namin siya at naging malapit din ito kay Drew. Hindi ko rin naman masasabing close kami pero at least nakakausap ko siya at nabibiro-biro din kung minsan.Isa pay may sense of humor din kasi ang loko.Nagkalapit ito at ang best friend ko nung mga panahong sabay silang sumali sa Music Club. Palibhasa parehong mahal ang musika kaya hindi malayong hindi magkaintindihan ang dalawa. Pareho nilng hilig, e. Napabuntong-hininga ito. "Nakakaawa talaga siya,'no?Apektadong-apektado pa rin sa nangyari sa girlfriend niya.Sabagay hindi mo rin masisisi.Minahal niya kasi ng higit pa sa buhay niya si Celine,eh." "Sinabi mo pa.Kaya mahirap din pala ang magmahal ng sobra-sobra.Mahirap kasing magmove on kapag nagkataon. " Nagulat ako ng bigla niya akong titigan sa mukha.Nagtataka tuloy ako sa kanya.Bigla akong nailang kasi parang pakiramdam ko ay tinatantiya niya kung gaano ba katotoo ang sinabi ko. "Bakit?May problema ba?"Sinadya kong taasan siya ng kilay.Hindi ko kasi alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya ngayon lalo't nakikita ko pa siyang pangiti-ngiti. Akala mo may sariling mundo. Umiling lang ito."Nagsalita ang taong hindi rin makamove on." Napanganga ako sa narinig ko.Ano bang gustong sabihin ng walang hiyang ito.Bakit bigla-bigla ay magsasabi ito ng mga bagay na hindi maganda sa pandinig.Pero teka lang.Hindi kaya't may alam ito sa damdamin ko kay Drew.Sa isiping 'yon ay bigla akong kinabahan. 'Diyos ko!Huwag naman po sana parang awa niyo na!' "Ano ba sa tingin mong pinagsasabi mo?Ang engot mo talaga alm mo ba 'yon..." Tumawa lang ito."Matagal ko ng alam na engot ako.Pero 'di ba totoo naman ang sinabi ko.Hanggang ngayon nahihirapan ka pa ding magmove on sa damdamin mo kay D---." Hindi na naituloy ni Rafael ang sinabi niya.Dahil bago pa niya maisambit ang pangalan ni Drew ay tinakpan ko na ng kamay ko ang bibig niya.Lokong ito paano niya kaya nalaman ang bagay na 'yon.Masyado ba akong careless kaya napansin niya. "Ano ka ba?Kung ano-anong pinagsasabi mo.Mamaya niyan may makarinig pa sayo at ispin nilang totoo 'yang sinasabi mo",pagsisinungaling ko.Pero ang totoo natataranta na ako ngayon.Oras na ipagsabi niya ito kay Drew ay siguradong katapusan na din ng friendship namin.At hindi ko 'yon kakayanin kapag nagkataon. Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya."Nabisto ka na nga lang itatanggi mo pa." "Hoy!Pwede pakihinaan 'yang boses mo kasi ang lakas-lakas kaya."Lumingon-lingon ako sa paligid.Hay!Salamat! Mukhang wala namang nakarinig sa mga pinagsasabi nito. "Aminin mo na kasi na may damdamin ka talaga sa kanya para tumahimik na ako.Todo tanggi ka pa kasi diyan,eh." "Oo na aaminin ko na.Eh,ano kung may nararamdaman ako para sa kanya.Hindi ko naman ginusto 'yong bagay na 'yon."Kainis talaga itong lalaking ito.Hindi talaga ako titigilan hangga't hindi nalalaman ang totoo.Hay naku!Ang sarap tuloy suntukin ng bunganga nito para itikom na niya 'yon.Bigla tuloy akong na-curios kung paano niya nalaman ang pinakatago-tago kong sikreto. "Sabi ko na nga ba,eh.Totoo ang hinala ko",todo ngiting sabi nito. "Teka nga.Paano mo ba nalaman ang bagay na 'yon." "Hello?Matagal ko na kayang alam 'yon.Madali lang hulaan kasi napaghahalata ka,eh.Nakakatawa ka ngang pagmasdan kapag tinititigan mo ng palihim si Drew kasi may pangiti-ngiti ka pa talagang nalalaman." "Sabi ng hinaan mo 'yang boses mo, eh."Ang lakas-lakas pa rin kasi ng boses nito.At nakakainis lang dahil mukha yatang matagal na din akong inoobserbahan nito kaya pati mga weird kung ikinikilos ay alam na din nito. 'Masasakal ko yata ng wala sa oras ang mokong na ito kung ganito lang.' "Ang hina na nga lang.Halos bumulong na nga ako,eh,"reklamo nito. "Please secret lang natin ito,ah.Huwag mo sanang ipagsasabi sa iba,"pakiusap ko sa kanya."Alam mo namang hindi rin ito magugustuhan ni Drew kapag nalaman niya 'di ba.Hindi ako nun mapapatawad kung sakali..." "Oo huwag kang mag-alala.Saka kung may balak talaga akong idaldal 'yon dapat noon ko pa ginawa.Siyempre ayaw ko din namang magkasira kayo ni Drew,eh." "Salamat,ah.Tatanawin kong utang na loob ito sayo." "Wala 'yon.Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin.Hindi naman mabigat na trabaho ang magtago ng lihim,eh."Sinabayan niya iyon ng tawa kaya bigla parang nabunutan ako ng tinik sa sa dibdib.Doon pa lang alam ko ng kaya ko siyang pagkatiwalaan. "Aba malay ko ba.Baka kasi kapag napagod ka sa katatago nun idaldal mo na." Nagulat ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko. "Aray!Ang sakit nun,ah."Hinaplos ko ang noo kong nasaktan at ng makabawi ako'y tinangka ko din siyang pitikin sa noo pero nakailag siya. "Akala mo makakaisa ka sa akin,ah,"tila naaaliw na sabi nito. "Ang sakit kaya ng ginawa mo.Dapat gawin ko din sayo 'yon." "Sige subukan mong bumawi at ipagsisigawan ko sa buong mundo ang sikreto mo,"pananakot nito."Pero siyempre hindi ko gagawin 'yon.Kinabahan ka siguro,'no?" "Mapapatay kita kapag ginawa mo 'yon,"inis kong sabi sa kanya. "Naku!Huwag naman.Gusto ko pang mabuhay."Puro biro talaga ang alam ng taong ito pero okay din namang kasama kahit ganu'n siya.Mabait din ito at maaasahan mo din kung kailan mo ng tulong.Ang totoo niyan guwapo din ito.Kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon wala akong makitang nililigawan nito. "Kaya nga mabuting itikom mo na lang 'yang bibig mo." "Yes boss!"sabi nitong nagawa pa talagang sumaludo sa akin."Pero maiba ako.Ano din bang plano mo sa sarili mo?Habang buhay ka na lang din bang magpapakatanga kay Drew?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD