3

1680 Words
10 years ago... Binilisan kong isilid sa bag ko ang mga laruan kong nakakalat sa paligid.Tulad ng dati andito na naman ako sa bakanteng lote at naglalarong mag-isa.Hindi ko alam kung kanino ang loteng ito pero kinawilihan ko nang pumunta dito at maglaro tuwing walang pasok .Maganda kasi dito,eh.Maraming puno ng kahoy saka marami ding mga magagandang tanim sa paligid na nakakadagdag lalo sa atraksyon sa paligid.Sayang lang at hindi patayuan ng bahay. Pinunas ko ng kamay ko ang tumutulong pawis ko sa noo.Tanghali na kaya kailangan ko ng umuwi.Hindi pa kasi ako naliligo,eh.Saka isa pa'y baka hinahanap na din ako nila Mama.'Di bale  tatlong bahay lang naman ang pagitan ng bakanteng lote sa bahay namin kaya madali lang din akong makakauwi.Pagkatapos kong mailagay lahat ng laruan ko sa bag ay nagmadali na din akong naglakad pauwi.At dahil nga nagmamadali ako,hindi ko na halos tinitingnan ang dinaraanan ko.Kaya naman nagulat  na lang ako ng bigla na lang akong matumba at sa kasamaang palad tumama ang  isang tuhod ko sa isang matulis na bato. "Aray!"sigaw ko.Lumingon ako at nakita kong sumabit pala ang  isa kong paa sa nakausling ugat ng kahoy kaya ako natumba ng walang pasabi.Napangiwi ako ng maramdaman kung kumikirot ang kanan kong tuhod.Hindi  lang 'yon basta nasaktan.Alam kong dumudugo 'yon at bigla'y natakot ako kaya nagsimula na akong umiyak.Sinubukan kong tumayo pero mukhang hindi kaya ng katawan ko.Sobrang nasaktan ang kanan kong paa kaya halos hirap na akong maigalaw 'yon. 'Diyos ko.Paano na lang po ako ngayon?Baka mahirapan po akong makauwi nito.' Lalo lamang akong naiyak sa isiping walang tutulong sa akin ngayon.Kung ba't ba naman kasi umiral na naman ang katangahan ko.Ito tuloy ang napala ko. "Bata, anong nangyari?Narinig kasi kitang sumigaw." Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot sa harapan ko ang  isang batang lalaki.Nakasuot ito ng sandong puti at maong na short saka naka-rubber shoes.Mas matangkad siya sa akin kaya alam kong mas matanda ito sa akin ng isang taon.At ngayon ko lang siya nakita.Parang hindi tagarito sa amin.Pero hindi na'yon mahalaga.Kailangan ko ng tulong niya ngayon para makatayo ako. "N-nadapa kasi ako...P-pwede mo ba akong tulungan para makatayo..." "Oo,sige."At inalalayan nga niya akong makatayo."Naku!Dumudugo ang tuhod mo.Dapat magamot yan agad para hindi maimpeksyon..." Napahikbi ako."Yan 'yong tumama sa bato nung madapa ako."Inalalayan niya akong maglakad papunta sa puno at pinaupo doon. "Kailangang matigil ang pagdurugo."Kinuha nito ang bimpong nakalagay sa likod niya at nagsimulang punasan ang nagdurugo kong sugat."Pasensiya ka na,ah.Amoy pawis na ito pero kailangan kasing mapunasan itong sugat mo.Masakit pa ba?" Tumango lang ako sa kanya saka ko pinunas nh kamay ko ang mga gilid ng mata ko na basa pa sa luha.Hindi ko kilala ang batang ito pero nararamdaman kong mabait  naman siya at pwedeng pagkatiwalaan.Isa pa'y wala naman sa hitsura nito na masamang tao ito.Ni hindi niya ako kilala pero hindi siya nag-atubiling tulungan ako ngayon. Pwedeng pakihawakan mo muna ito."Ang bimpo ang titutukoy nito."Ipunas mo lang sa sugat mo kapag may umagos na naman na dugo.Susubukan ko lang maghanap ng halamang gamot na pwede nating  itapal diyan para pansamantalang matigil 'yong pagdurugo." Tumango lang ako sa kanya at sinunod ang sinabi niya.Umalis ito pansamantala pero agad ding bumalik.May dala-dala itong mga dahon na ewan kung anong uri ng mga halaman ang mga 'yon. "Ano ang mga 'yan?" "Mga halamang gamot na pwede nating magamit diyan sa sugat mo." "Paano mo nalaman na pwedeng ipanggamot ang mga 'yan?"alanganin kong tanong sa kanya.Baka kasi mamaya hindi naman pala pwedeng igamot sa sugat ang mga 'yon. Ngumiti siya sa akin."Alam ko kasi itinuro sa amin ito nung sumali ako sa boyscout.Kaya magtiwala ka lang." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.Kaya naman hinayaan ko na lang siyang gamutin ang sugat ko.Isa pa'y mukhang alam naman niya ang ginagawa.Nakakatuwa nga siyang panuorin,eh.Sinong mag-aakalang isang estrangherong bata ang tumutulong sa akin ngayon.At ewan ko pero sa kubling bahagi ng puso ko'y bigla kong nahiling na sana  magkita pa kami pagkatapos nito. "Oh,ayan tapos na,"sabi nito pagkatapos matapalan at maitali ang bimpo sa tuhod ko.Mayamaya'y naupo ito sa tabi ko. "Salamat,ah.Kung wala ka baka hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin." "Okay lang 'yon.Ano ba kasing ginagawa mo dito?" "Nagpunta ako dito para maglaro." "Maglaro?Mag-isa mo lang",tanong nito. Tumango lang ako. "Dapat hindi ka nagpupunta dito kung mag-isa mo lang.May kasama ka dapat para kapag may nangyari sayo may tutulong sayo.Tingnan mo na lang ang nangyari sayo.Pasalamat ka't nataon na andito ako ngayon.Pero paano na lang kung wala ako baka kung ano ng nangyari sayo." Napanganga ako sa sinabi niya.Aba kung magsalita dinaig pa ang Mama ko.Parang matandang mag-isip lang.Pero sabagay totoo naman ang sinabi niya,eh.Kaya nga abot langit ang pasasalamat ko sa pagtulong na ginawa niya sa akin ngayon. "Eh,ikaw?Ano namang ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya. "Wala naman napatambay  lang dito.Kami kaya ang may-ari ng bakanteng lote na ito." "Ganoon ba?Ba't hindi niyo patayuan ng bahay.Sayang naman 'yong ganda ng paligid." "Ayaw ni Mama,eh.Ang gusto niya ako ang magpapatayo ng bahay dito balang-araw." Napatango-tango na lang ako.Gusto ko pa sana siyang makausap ng matagal pero kailangan ko na talagang umuwi.Malalagot na talaga ako nito kaya Mama.Lalo na kapag makita pa niya ang sugat ko sa tuhod. "Salamat talaga,ah.Pero pasensiya ka na kailangan ko na kasing umuwi,eh."Pinilit kong tumayo pero naramdaman kong medyo nahihirapan pa rin ang isang paa ko.Pwede siguro akong maglakad pero paika-ika nga lang. "Naku!Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya.Baka lalo ka lang masaktan niyan." "Kaya ko na ito",sabi ko sa kanya at nagsimulang maglakad ng paika-ika.Pero nagulat na lang ako ng hinawakan niya ang isang kamay ko at pigilan ako.Tumayo siya sa harapan ko at naupo nang nakatalikod sa akin saka tinapik-tapik ang likod niya. "Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kanya "Ano pa?Eh, 'di ihahatid kita sa inyo.Saan ba ang bahay niyo?" "Nagbibiro ka ba?Sa payat mong 'yan sa tingin mo ba mabubuhat mo ako?" Nilingon niya ako."Kaya ko kasi mas payat ka pa sa akin.Siguradong magaan ka lang." "Sigurado ka ba talagang kaya mo ako...?"Nag-aalangan pa rin ako pero mukhang desido talaga itong buhatin ako sa likod niya. "Oo naman kayang-kaya.Siya nga pala ano bang pangalan mo?" "Allycia.Eh,ikaw?" "Ndrew John pero pwede mo akong tawaging Drew.Oh,ano Allycia?Sumakay ka na sa likod ko para maihatid na kita sa inyo." "Baka naman matumba lang tayo..." Ngumiti siya sa akin."Hindi mangyayari 'yon.Magtiwala ka kasi sa akin." "Sabi mo,eh." Mula noong araw na iyon ay naging magkaibigan na kami ni Drew.Pero para sa akin ay higit pa doon ang naramdaman ko sa kanya magmula noon.Sa murang edad ko alam kong nakuha ni Drew hindi lang ang tiwala ko kundi pati na rin ang puso ko.Pero marahil 'yon ang tinatawag nilang pag-ibig.Walang pinipiling lugar,tao at panahon.Kusa na lang itong darating at mararamdaman sa hindi inaasahang pagakakataon.At nagpapasalamat ako at sa isang taong karapat dapat talagang mahalin ko naramdaman ang ganitong klaseng ng damdamin.Pero kahit kailan ang naging turing lang niya sa akin ay isang kaibigan.Kaya wala akong nagawa kundi mahalin na lang siya ng lihim.Alam mo ba 'yong pakiramdam na sinasabi pa niya 'yong mga crush niya sa akin at maging chaperon pa niya kapag may date siya..Ako naman bilang kaibigan ay walang magawa kundi makinig at samahan na lang siya kahit ang totoo ay halos hindi na kayanin ng puso ko.Pero kahit paulit-ulit akong nasasaktan ay hindi ko pa rin siya iniwan.Nanatili pa rin ako sa tabi niya.Naging kasama niya ako sa lungkot at saya at higit sa lahat naging sandalan noong mga panahong may mga problema siya.Iyon ang naging papael ko sa buhay niya at okay lang 'yon sa akin.Ang importante naging kasama niya ako sa mga pinakamahahalagang pangyayari sa buhay niya.Pero lahat biglang nagbago nung nakaraang taon lang...Iyon 'yong araw na nakilala niya ang pinsan kong si Celine.Maganda,sexy at magaling mag-ayos sa sarili ang pinsan kong 'yon na siya namang kabaligtaran ko.Simpleng blouse,pants at sneakers.'Yon ang mga tipo kong isuot pero kay Celine hindi puwede ang mga ganoong suot.Fashionista kasi ito at stylish na tao kaya hindi ito nagsusuot ng mga basta-basta lang na damit. Una pa lang silang nagkita ay alam ko ng may nabuo na silang damdamin sa isa't-isa.Guwapo at talaga namang malakas ang dating ni Drew sa mga babae kaya hindi imposibleng magustuhan siya ni Celine.Maganda din naman at sexy ang pinsan ko kaya alam kong type siya talaga ni Drew.Kaya naman hindi na ako nagulat ng isang araw ay nalaman kong sila na pala.At 'yon na marahil ang pinakamasakit na sandali sa buhay ko.Natagpuan ni Drew ang true love niya samantalang ako umiiyak sa true love.Mula nga noon parang unti-unti na ring nagbago ang lahat sa pagitan namin.Halos wala na siyang oras sa akin.Tuwing hapon kasi lagi niyang sinusundo si Celine sa school nito.Habang siya may kasama ako naman ay naiiwang mag-isa.Kahit magkaklase pa kami bibihira na din kaming mag-usap at magkamustahan.Ni hindi na nga rin siya namamasyal sa bakanteng lote,eh.Ang buong oras, panahon at atensyon niya ay nakatuon na lahat kay Celine.At doon ko naramdaman kung gaano pala kasakit ang maiwan mag-isa.Nakakatakot pala 'yon kasi hindi mo alam kung 'yong taong nang-iwan sayo ay babalik pa ba o hindi na.Mahirap mang tanggapin pero tila nagkaroon kami ng bagong buhay at mga pangarap na hindi na kasama ang isa't-isa.At kahit gusto ko pa rin sanang manatili sa tabi ni Drew at suportahan siya sa mga gagawin niya ay batid kong hindi na puwede .May tao ng gagawa nun para sa kanya.Isa pa'y kahit hindi magsalita si Celine ay alam kong pinagseselosan din niya ako.Kaya para sa ikabubuti ng lahat ginawa ko kung ano sa tingin ko ay tama.Dumistansya ako kay Drew para mapunta sa ayos ang lahat.Masakit para sa akin 'yon pero okay lang.Ang mahalaga makita ko siyang masaya.At kahit umiiyak na ako't lahat-lahat kapakanan pa din niya ang iniisip.Ganun siya kahalaga sa buhay ko.Ang ikinakatakot ko lang ay 'yong isiping baka dumating ang araw na makalimutan niya ako.Pero kahit mangyari man 'yon, ang mahalaga ay hinding-hindi ko siya magagawang kalimutan.Andito pa rin ako lagi para sa kanya...Ako na best friend niya at lihim na nagmamahal sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD