Damang-dama ko ang emosyong nararamdaman ni Drew habang kinakanta niya ang kantang 'yon.Sobrang ganda ng kanta.Para tuloy sinadyang gawin ang kantang iyon para sa kanya.Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko ay baka naiyak na ako.Simple lang ang mensahe ng kanta.Isang taong iniwan at sobrang nagmamahal.Pero naghihintay pa rin at umaasang babalik pa ang taong minahal.
'Oh, Lord anong klaseng pag-ibig 'yon.'
Huminga muna ako nang malalim bago ipinasyang magsalita.
"Ang ganda nang kantang 'yon,ah."
Lumingon siya at halatang nagulat ng makita ako.Ibinaba niya ang hawak na gitara sa gilid.Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti ng palihim. Lalo kasing pomopogi ang loko kapag ganoong kumakanta at tumutugtog ito ng gitara.
"Ikaw pala.Kanina ka pa ba diyan?"
"Oo.Bago ba 'yong kantang 'yon?Ngayon ko lang kasi narinig."
Narinig ko siyang umiling saka tumayo at hinawi ang mga kurtina.Kapagkuwan ay sinimulan nitong buksan ang mga bintanang sarado pa.
"Matagal na ang kantang 'yon.Palibhasa wala kang alam sa music kaya napag-iiwanan ka lagi."
'Lokong ito.Pilosopo pa din.Hay naku!Ang sarap tuloy upakan.'
"Eh,sa anong magagawa ko.Hindi ko nga alam 'di ba?Kaya nga po tinatanong sa inyo."Binigyang diin ko ang "po" para magmukhang papilosopo din ang sagot ko sa kanya.Pero hindi ito umimik.Bagkus ay naupo uli siya sa kinauupuang silya kanina.Humarap siya sa akin at inginuso ang kama.
"Umupo ka,ah.Mukha kasing balak mo na lang tumayo diyan,eh."
'Kanina ka pa talaga.Nanggigigil na ang kamay ko sayo.Konting-konti na lang babatukan na talaga kita Ndrew John Alvaro.'
Hinihintay ko lang naman kasing paupuin mo ako.Siyempre nakakahiya naman kung basta na lang akong uupo 'di ba?",sabi ko ng makabawi ako.Ibinaba ko ang aking bag at pabagsak na naupo sa kama niya.Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto.Wala naman akong makitang kalat maliban sa dalawang bote ng beer sa ilalim ng mesa.Pero hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin 'yon.
"So,bakit ka naparito?"
Umingos ako sa kanya."Ano bang klaseng tanong 'yan?Siyempre nandito ako kasi nag-aalala ako sayo.Hindi ka man lang kasi sumasagot sa text at tawag ko samantalang kung tutuusin ang dali lang namang gawin 'yon."
"Hindi na ako bata para alalahanin pa.Kita mo naman maayos naman ako 'di ba?"
"Anong maayos?Tingnan mo nga 'yang hitsura mo.Mukhang hindi ka na yata naliligo,eh,"asar ko sa kanya.
"Anong hindi naliligo?Sige nga mag-amoyan nga tayo."
Nagulat ako ng bigla itong tumayo at nagsimulang lumapit sa akin.Bigla tuloy akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.Kay Drew siguro ok lang na magharutan kami pero sa akin hindi.Naiilang ako at dala siguro marahil 'yon ng nararamdaman ko para dito.
"Diyan ka lang,Drew.Subukan mo lang lumapit at talagang sisipain kita."Pero lumapit pa din ito at naupo sa tabi ko.Ang engot parang batang pilit ipinapaamoy ang ulo sa akin.
"Yucks!Tigilan mo nga 'yan.Ang baho mo kaya".Kunyari ay tinakpan ko ang ilong ko at nagpanggap na nababahoan.Pero ang totoo ay hindi naman.Amoy shampoo nga ang buhok nito,eh.Parang bagong ligo lang.Ang sarap tuloy amoyin.
"Mabaho daw?Sarili mo lang naaamoy mo."Inamoy-amoy pa niya ang suot na damit para lang malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo."See,wala namang amoy.Ikaw yata talaga ang nangangamoy sa ating dalawa."
"Hoy!Excuse me!Naliligo kaya ako araw-araw."Medyo naiilang ako sa pagkakadikit namin kaya lumayo ako sa kanya ng konti.
"Oh,bakit 'yan?
"Mabaho ka kasi kaya lumayo ako ng konti sayo."
'Heehe buti na lang nandyan si palusot.'
"Napakasinungaling talaga nito.Ikaw na nga itong mabaho sa atin,eh."
Inirapan ko lang siya."Maiba ako.Kailan ka ba papasok?"
"Hindi ko pa alam.Bakit ba kasi 'yon pinoproblema mo pa?"
Hinampas ko siya sa balikat."Kasi po nauubusan na ako ng irarason kay Ma'am Sarah.Nagagalit na nga sa akin kasi pinagtatakpan na lang daw kita.Makainis naman kasi 'yong teacher na 'yon.Ang hirap makaintindi.Palibhasa matandang dalaga kaya hindi naiintindihan ang mga tao sa paligid niya."
"Ewan ko ba.Parang tinatamad naman na akong mag-aral."
Nabigla ako sa narinig ko.Hindi ko 'yon inaasahan sa kanya.Bata pa lang kami ay bukambibig na niya ang makatapos ng pag-aaral.Tapos anyare ngayon?Ano itong pinagsasabi niyang tinatamad na itong mag-aral?Subukan ko kayang umbagin ang ulo niya para magising.
"Ano bang pinagsasabi mo?Nahihibang ka na ba?Hindi ba't pangarap mo ang makatapos?"
"Noon 'yon.Pero ngayon ewan ko na.Ano pa bang silbing magsikap ako kung wala na 'yong taong pag-aalayan ko ng tagumpay ko."Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito.Pati ang mga mata nito'y kitang-kita ko rin ang paglamlam.Bigla'y parang naramdaman ko kung gaano kasakit ang pinagdaraanan niya ngayon.Pero hindi rin naman tama na hayaan ko na lang siya sa mga maling desisyon niya.
"Mag-isip ka nga ng mabuti,Drew.Ano ka ba? Hindi pa katapusan ng mundo?Hindi porke wala na si Celine hindi mo na rin ipagpapatuloy ang buhay mo,"naiinis kong sabi sa kanya.Nakakaasar lang kasing marinig 'yong baluktot niyang rason.Ayaw ko kasing sa ganoong paraan lang niya itatapon 'yong buhay niya.Life is a matter of choice.Kaya kung anong pinili natin,'yon din ang magtatakda kung anong magiging kapalaran natin.Pero para saan pang nabuhay tayo kung hindi pa natin piliin kung anong tama.Kesa naman magkaroon tayo ng regrets sa buhay dahil lang mali ang pinili natin 'di ba?Ang hirap kaya ng ganu'n.Parang animo mo na 'yon kasi habang buhay ng nakasunod sayo 'yon.Kaya minsan talagang mahirap magkamali ng desisyon.Tiyak buong buhay mo 'yong pagsisisihan.
"Hindi na dapat ako ang pinapakialaman mo.May sarili ka ding buhay kaya 'yon dapat ang isipin mo."
"Hindi naman puwede 'yon.Kaibigan kita kaya hindi rin kita pwedeng pabayaan,"sabi kong napabuntong-hininga.
"Madali lang sayo ang magsalita kasi hindi naman ikaw ang iniwan.Alam mo ba 'yong pakiramdam na parang hindi ko na kayang mabuhay nang wala si Celine?Hindi 'di ba?Kasi kahit kailan hindi mo naman naranasang magmahal,"sabi nitong punong-puno ng pait ang tinig.
Napatanga ako sa sinabi niya.Kung magsalita ito parang wala akong alam sa pagmamahal.Samantalang ang totoo niyan mas nauna pa akong nakaramdam ng pagmamahal kaysa sa kanya.Paano ba naman kasi?Sa iba kasi nakatingin kaya kahit kailan hindi niya nakita ang pagmamahal na 'yon.Palibhasa ipinanganak yata kasing manhid kaya hindi makaramdam ang loko.Ang totoo niyan awang-awa ako sa kanya.Gustong-gusto ko siyang damayan pero hindi ko naman alam kung paano 'yon gagawin.Hindi naman kasi binubuksan ni Drew ang sarili niya sa ibang tao.Sabagay ganu'n na siya kahit noon pang mga bata pa lang kami.Maawain at matulungin siya sa ibang tao pero kapag may pinagdaraanan siya mas pinipili niya 'yong pasanin mag-isa.Sinosolo niya 'yon kahit alam niyang may mga tao namang handang makinig at tumulong sa kanya kung sasabihin lang sana niya.
"Ok,sorry.Pasensiya ka na sa akin.Nag-aalala lang kasi ako sayo kaya ayaw ko din namang nakikita kang ganyan.Alam mo namang masakit din 'yon para sa akin.Saka ang gusto ko lang naman ayusin mo ang buhay mo para man lang sana matayuan mo pa din 'yong pangako mo kay Celine.'Di ba sabi mo sa kanya pangarap mong maging piloto para magawa mo siyang ipasyal kahit saan mang panig ng mundo niya gustong pumunta.Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon?Sa tingin mo ba magagaw mo pa 'yong tuparin kung ganyan ka,"nahahabag kong sabi sa kanya.At nagulat ako ng makita kong isa-isang pumatak ang mga luha Drew.Ngayon ko lang siya nakitang umiyak at parang humiwa ng husto sa puso ko 'yon.Ibig lang sabihin nun sobra-sobra ang pinagdaraanan niya ngayon.Para bigla'y gusto ko na ring umiyak.
"Mahal na mahal ko si Celine.Alam mo 'yon Allycia...At sobrang hirap para sa akin na tanggapin na wala na siya. Ni hindi ko na alam kung anong gagawin ko..."
Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito.Bilang isa sa mga taong nagmamahal sa kanya,nahihirapan din ako at sobrang nasasaktan.Kung pwede nga lang sana akong mmakihati sa sakit na nararamdaman niya ngayon ay ginawa ko na sana.Kaso hindi pwede,eh,Imposible mangyari ang bagay na 'yon.
'Kung may magagawa lang sana ako para sa kanya...'
Nagulat na lang ako sa sarili ko ng biglang kumilos ang katawan ko at niyakap si Drew.Parang hindi ko na kasi kaya,eh.Ayaw ko namang panoorin na lang siyang umiiyak sa harapan ko.Ewan ko pero may pakiramdam kasi akong yakap ng isang taong nagmamahal sa kanya ang kailangan niya ngayon.
"Ok lang ang umiyak kung talagang hindi mo na kaya,"sabi kong tinapik-tapik ang likod niya."Sige lang.Ilabas mo 'yan kung diyan ka makakahinga ng maluwag."
Hinayaan ko lang siyang umiyak sa likod ko.Sa ganitong paraan man lang makatulong ako ng konti sa kanya.At pakiramdam ko lalo lamang akong nasasaktan habang naririnig ko ang mga daing at hikbi niya.At bawat luhang pumapatak sa mga mata niya ay nararamdaman ko ring pumapatak sa akin.Bago ko pa nalaman basa na rin sa luha ang mga mata ko.Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong umiyak.Pero ok lang 'yon.Ang mahalaga sa akin ngayon ay nagawa ko siyang damayan.At isa lang ang naging malinaw para sa akin sa mga oras na ito.Mas kailangan niya ako bilang isang kaibigan...Kaya mas tama sigurong ibaon ko na lang din sa limot ang kung ano mang nararamdaman ko sa kanya...
At bigla'y parang unti-unting nagbalik ang alaala ng nakalipas.Sa bakanteng lote kung saan nagsimula ang lahat...