19

1306 Words

PAGKATAPOS kong kumain ng dinner ay umakyat na ako sa kuwarto ko. Konti lang nakain ko. Wala akong gana. Parang hindi ko malasahan yong pagkain. Nagkulong ako at inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng homework ko. Mabuti na ito kaysa inaaksaya ko ang oras ko sa pag-iisip ng mga bagay na wala namang katuturan. Minsan naiisip ko si Allycia pero iwinawaksi ko din bigla sa isip ko. Ayaw kong maging parte pa siya ng buhay ko. Sa tinagal-tagal ng panloloko niya sa akin, tuluyan na akong nawalan ng tiwala sa kanya. Wala na akong nararamdaman sa kanya ngayon kundi galit. At deserve niya yon! Mayamaya'y nakarinig ako ng mararahang katok sa pinto. Tamad na tamad pa naman ako. "Bukas 'yan!"sigaw ko.Ayaw ko kasing maabala pang tumayo. Ilang sandali pa'y bumukas na ang pinto.Si Mama pala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD