"Ma, kailan ba uuwi si Papa?" mayamaya'y tanong ko. "Baka next week,anak. Bakit namimiss mo na ba ang Papa mo? Bigla-bigla mo kasi siyang tinatanong, eh,"nakangiting biro nito. Matagal bago ako umimik."Ano kaya kung sa Amerika na lang ako mag-aral?" Halatang nagulat si Mama sa sinabi ko.Mariin niya akong tinitigan na parang may hindi tama sa akin. "Hindi ka naman nagbibiro niyan?" paninigurado nito. Tila sinusukat nito kung gaano katotoo ang sinasabi niya. Napabuntong-hininga ako."Hindi, Ma.Seryoso ako sa talaga ako." Umiling ito."Bakit parang biglaan naman yata ang desiyon mo anak.May problema ba na hindi ko alam?" "Wala naman po,"kaila ko.Sinikap kong itago ang emosyon ko para hindi mahalata ni Mama na nagsisinungaling ako. Ayaw kong malaman niya ang totoong dahilan ko. "Anong da

