Kanina pa tapos ang klase pero tinatamad akong lumabas. Wala kaming teacher sa susunod na subject namin kaya nagsiuwian na ang ibang kaklase ko. Naiwan ako dito kasi ayaw ko pang umuwi. Ang aga pa, e. Isa pa wala naman akong gagawin sa bahay. Mayamaya'y inilabas ko sa bag ko ang diary ko. Nakasanayan ko ng magsulat sa diary ko kapag wala akong ginagawa. 'Yong araw-araw lang namang nangyayari sa buhay ko ang isinusulat ko doon at confessions ko kay Drew. Ang hindi ko masabing feelings ko sa kanya dito ko sa diary nilalagay. Sobrang importante ng diary na ito sa akin kaya iniingatan ko talaga. Pagkatapos kong magsulat ay ibinalik ko sa bag ko ang diary ko. Nang makita kong medyo magulo ang loob ng bag ko ay isa-isa kong tinanggal ang laman niyon at inalis ang mga lukot na papel. Para n

