SINADYA kong pumunta sa bahay nila Drew na ngayon. Kagabi ko pa kasi siya tinatawagan at tinetext pero hindi nagpaparamdam. Pinapatayan niya lang ako ng tawag at panay ang seen lang sa chat ko. Alam na marahil nito ang tungkol sa feelings ko sa kanya. Tiyak may nakapagsabi na sa kanya sa nangyari sa school o di kaya naman ay napanuod na nito ang video kong in-upload sa social media.Sobra akong nagagalit sa nangyari pero wala na akong magagawa. Taos na kaya kailangan ko na lang harapin kumg anong consequences noon. Kahit pa kainin ko lahat ng kahihiyan walang problema basta magkaayos lang kami ni Drew. Samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero desidido akong kausapin si Drew. Bahala na.Kahit alam kong maliit ang tiyansang mapatawad niya ako ay kailangan ko pa ring siyang kaus

