BIGLA akong naalimpungatan ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Parang may tumatawag. Bumangon ako at kinuha 'yon. Pupungay-pungay ang matang tiningnan ko yon. Actually hindi pala tawag 'yon kundi alarm ko. Nakalimutan ko pa lang i-off. Hayys kainis! Naibato tuloy 'yon sa kama ko. Istorbo sa tulog! Tiningnan ko ang oras sa wall clock.Napatanga ako. 9:15 AM. Seryoso? Ah?May sira ba ang orasang ito? Kinusot-kusot ko pa ang mata ko para masigurong hindi nga ako nagkakamali sa nakikita. Pero walang nagbago.Siya pa rin ang oras.Inabot ko ang cellphone kong naisiksik sa mga nakapatong na unan. Doon 'yon tumilapon ng ibato ko kanina. Tiningnan ko ang oras doon. Magkapareho lang sila ng oras na nasa wall clock. Haays!Tinanghali talaga ako ng gising. Napagod kasi ako at napuyat din sa

