PANAY ang bulong ko habang mag-isang nakaupo sa isang sulok ng mesa. Ito ang ayaw ko sa mga ganitong klase ng okasyon. Nakakaasar dahil wala kang makikita kundi mga taong nagpapabonggahan ng mga damit at suot na alahas. Kuwento sila ng kuwento ng mga kung ano-ano pero ang totoo ay nagpapayayabangan lang naman. Wala man lang kasi akong makitang kakilala ko para may makausap man lang sana ako. Sobrang naboboring na kasi ako. Nakakainis talaga.Nagpaiwan na lang sana ako sa bahay at nagcompose na lang ng kanta. Wala din lang kasing silbi ang pagpunta ko dito.Gusto ko na nga sanang umuwi pero wala sa akin ang susi ng kotse ko. Nakalimutang ibigay sa akin ni Papa. Siya kasi ang nagdrive kaninang papunta kami dito.Kanina ko pa nga sila hinahanap ni Mama pero hind ko sila makita. Hindi ko alam k

