Chapter 1
Malia Ferrer's POV
Iniangat ko ang mukha ko upang salubungin ang pagbuhos ng malamig na tubig mula sa faucet shower. Pakiramdam ko ay kailangan ko iyon upang mahimasmasan at pakalmahin ang bawat bigat sa loob ko.
My life completely changed ever since my mother died that night. Halos mawalan ng oras sa akin si Papa dahil naghanap siya ng ibang pagkakaabalahan o pagtutuunan ng atensyon upang mawala sa isip niya ang pangungulila sa asawa, bagay na hindi niya magagawa kung nandito siya sa tahanan na iniwanan ni Mama. Kaya naman sa labas siya ng bahay namamalagi, habang ako ay mga kasambahay lang namin ang laging kasama. Kung si Papa ay mas pinipili na umalis kung nasaan ang alaala ni Mama, ako ay mas gustong nags-stay kung nasaan ko siya mas maaalala, kahit na minsan ay nasasaktan lang ako. I rather be hurt than to feel nothing whenever I'm thinking of her.
Ang akala ng ilan ay naging workaholic si Papa magmula nang mawala si Mama, kaya naman lagi na itong wala sa bahay at late nang umuuwi. Pero ako ay alam na hindi iyon ang dahilan. Siguro oo nagtatrabaho si Papa, pero hindi siya workaholic. Matatawag bang workaholic ang lalaking palaging umuuwi ng lasing? I don't think so. Papa became the worst person he could ever be. Alcoholic, mabisyo. Kahit na ganoon ay hindi ako nagalit sa kaniya, naiintindihan ko kung magkaiba kami ng paraan para malimutan ang pangungulila niya sa kaniyang asawa, at ang tanging gusto ko na lang ay mabalik siya sa dati, masayahin, responsable at maayos ang pamumuhay. That's the reason why I let him marry another woman after 2 years of my mother's death.
Yes, he married another woman and she became my stepmother, and with her three daughters, I had to welcome them at my mother's home.
Mabait naman sa akin si Tita Chrisa, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ko siya tinanggap. Bumalik kasi si Papa sa dati magmula nang dumating siya sa buhay ni Papa. Hindi na siya umuuwi ng lasing, ngumingiti na ulit siya, at higit sa lahat ay hindi ko na siya nakikitang iniiyakan ang wedding picture nila ni Mama. Iyon lang naman ang gusto ko, ang mabalik sa dati si Papa.
Akala ko mula nang mawala si Mama ay iyon na ang pinaka malaking pagbabago ng buhay ko, pero hindi pa pala. I was 17 when my mom died, and after 2 years Papa marry Tita Chrisa. Ngayon ay apat na taon nang wala si Mama, at ngayon ay pati na rin si Papa.
Two weeks ago, nag-out of town si Papa para sa meeting niya sa isang kliyente, nagkataon na sa linggong iyon ay may dumating na bagyo na nagsanhi ng isang aksidente. Bangkay na lang nang maibalik si Papa rito sa hacienda namin sa Tagaytay.
Hindi ako makapaniwala. Ngayon pa lang sa akin bumabawi si Papa mula sa pagkawala niya sa wisyo nang mawala si Mama, tapos bigla na lang itong nangyari.
Halos katatapos lang ilibing ni Papa. Sa katunayan ay hindi pa ako handang harapin silang lahat, o bumalik sa dati kong pamumuhay. Gusto ko pang magluksa, umiyak sa aking unan at magtaklob ng kumot, pero kagaya ng dati nang si Mama ang mawala, kailangan kong ituloy ang buhay ko, buhay na pangarap nila para sa akin.
"Ate Malia!"
Napamulat ako ng mga mata ko nang marinig ko ang isang may pagkamaliit at mahinhin na boses na tumawag sa pangalan ko.
"Hindi ka pa tapos?"
"Bakit?" sagot ko pagkapatay ko ng shower. Kahit hindi ko siya nakikita ay kilala ko naman ang boses niya.
She's Calista, isa siya sa stepsisters ko. Inaamin ko na hindi ko gusto ang ugali ng dalawa ko pang stepsisters na sina Clara at Chloe. Well, kung hindi halata sa pangalan, kambal sila. Kaedad ko ang dalawa, kaya siguro hindi ko sila kasundo. Ang hilig kasi nilang gumamit ng gamit nang may gamit tapos hindi naman iniingatan. Ewan ko ba, pero hilig nilang gamitin ang akin kahit mayroon sila ng sarili nila. Hindi ko pa gusto 'yong attitude nila sa school, bratinella na bully, pero kapag nasa bahay ay ang hihinhin at ang babait, kung makabola kay Papa lalo na kapag may hinihingi silang luho, daig pa nila ang nang-aakit. I hate it!
Pero iba si Calista sa kanila. Mas bata sa amin ng dalawang taon si Cali, pero same school lang naman kami. Si Cali ay kung ano siya sa school ay ganoon din siya sa bahay, silly, pilya, pero mabait. Ewan ko, siguro nagmana siya sa ama niya kaya iba ang ugali niya sa tatlo, and yes, tatlo. Maging si Tita Chrisa kasi ay may iba rin sa attitude niya. Mabait naman siya sa harap namin ni Papa, pero ang sabi ng mga maid namin ay ang taray-taray raw. Malapit ako sa aming mga kasambahay kaya naman madali silang nakapagsasabi sa akin, kaya naman sa ilan beses ko na silang naaabutan na umiiyak ay inaamin nila sa akin na ang kamalditahan daw ng stepmother ko ang dahilan. Ilan beses na rin nilang nasabi kung hindi para sa amin ni Papa ay aalis na sila sa aming mansion. Ang kaso ay bago raw mawala si Mama ay nangako silang hindi nila kami, lalo na ako, hindi nila pababayaan at iiwan.
To make long story short, kay Calista lang magaan ang loob ko, at kung hindi ko lang nakitang masaya si Papa ay kokontra talaga ako sa pagpapakasal nila.
"Nasa baba si Attorney Lawrence, babasahin daw ang last will ni Papa kaya dapat kompleto raw tayo."
Nangunot ang noo ko. Kinuha ko na ang towel na nakasabit sa gilid ng pinto.
"Last will? Isang linggo pa lang mula nang matapos ang libing!"
"Ewan ko, babasahin na raw, e."
Mariin akong pumikit upang pigilan ang sariling magsalita ng kung ano sa harap ni Cali. Kahit magkasundo kami ay mas madalas pa rin siyang kakampi ng mga kapatid niya at ina. Ewan ko ba, pero kutob ko talaga ay pera lang ang habol nila kay Papa, kaya naman ang mga naiwan niya kaagad na ari-arian ang pinagkainteresan ng madtrasta kong iyon.
Lumabas na ako ng banyo suot lang ang bathrobe ko. Naabutan ko si Cali na nakaupo sa kama ko habang ngumunguya ng malamang ay chewing gum na naman.
Walang ganang tumayo ako sa harapan niya. "Hindi ba puwedeng magluksa na muna ako?"
Tumagilid ang ulo niya. "Bakit Ate, kapag ba binasa na ang last will ni Papa ay hindi ka na puwedeng magluksa?"
Bumagsak ang balikat ko. May point naman siya. After all ay sila lang naman ang magpapakasasa sa mga ari-arian na naiwan ni Papa. Kahit ilapag pa nila sa harap ko lahat ng pera na mamanahin ko ay hindi ko naman gagamitin para magdiwang.
"Sige na, magbibihis na ako."
Tumayo na siya mula sa kama. "Bumaba ka kaagad ha." Tinanguhan ko lang siya at iniwan niya na ako.
Wala pa ring ganang kumilos ako. Kumuha lang ako ng isang puting pants. Kukunin ko na sana ang naka-hanger kong itim na blouse nang matigilan ako. White pants and black blouse? Baka isipin ng mga schoolmates ko ay hindi pa ako tapos magluksa.
Alam kong normal lang at maiintindihan ako ng mga kaibigan ko kung malungkot pa ako, pero ayokong tratuhin nila ako ng iba. Ganito rin ako noong si Mama ang nawala. I had to live normally just so I can feel that I'm still alive despite of pain and sadness.
Kinuha ko na lang ang shirt kong kulay beige at iyon ang tinerno sa puti kong pantalon. Inayos ko na ang sarili ko sa harap ng salamin, natapos na rin akong tuyuin ang buhok ko gamit ang blower. Kumukuha na ako ng maliit na hikaw para masuot, nang matigilan ako dahil sa isang hikaw na umagaw ng atensyon ko. Malungkot kong kinuha iyon at hinaplos ng daliri ko ang kahabaan niyon. Ang hikaw ni Mama na huling naibigay niya sa akin, ang hikaw na mahal na mahal niya. Pinangako kong itatago ko ito, unfortunately ay isa na lang ito. Wala na ang pares nito, hindi ko na alam kung nasaan. Naaalala ko pa kung saan ko iyon maaring nawala. Sa gabi ng JS prom, naramdaman ko iyon na sumabit sa suit jacket ng lalaking hindi ko na matandaan ang pangalan. Pero sa kamamadali kong makauwi ay hindi ko na iyon nakuha o hinanap. Sa gabi na rin na iyon ay pumanaw si Mama, kaya naman hindi na ako nakapasok ng mahigit isang linggo. Imposible na para sa akin na mahanap pa iyon nang finally ay nakapasok na ulit ako sa school.
"Malia, Anak, ipangako mo sa akin na magiging matatag ka, matapang... kakayanin mo ang lahat ng hamon ng buhay... at sa kabila ng lahat ay huwag mong kalilimutan na maging mabuting tao... mabait... dahil ang kabutihang taglay ng puso mo... ang magiging sandata mo sa kahit anong pagsubok... na haharapin mo... "
Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mainit na pagpatak ng mga luha ko. Sa tuwing tinitingnan ko ito ay para ko nang naririnig ang huling bilin sa akin ni Mama. Napahawak ako sa may dibdib ko dala ang hikaw na iyon nang maramdaman ko ang matinding pagkirot at bigat sa dibdib ko. Alam kong pinangako kong magiging matatag ako, pero ang hirap pala kung pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Alam kong hindi ako iiwan ng mga kaibigan ko at ng mga kasambahay namin, pero iba pa rin kung nandito si Papa. Wala pang isang buwan na wala siya ay nangungulila na ako, miss na miss ko na siya, paano pa sa mga susunod na araw? Linggo o taon, paano ko kakayanin ang lungkot?
Binalingan ko ang family picture namin na nakapatong sa pasemano ko.
"Magkasama na kayo diyan ngayon sa langit, iniwan ninyo na po ako..." Halos hangin lang ang boses ko pero hindi ko na lang iyon pinansin, mas nasasaktan kasi akong madinig ang sarili kong boses na umiiyak.
Huminga akong malalim. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ako puwedeng magpatalo sa emosyon ko.
Ilang minuto kong pinakalma ang sarili ko at tinakpan ng powder ang bakas ng pag-iyak ko. Nang matapos na ako ay bumaba na ako. Naabutan ko sa living room si Atty. Lawrence na nagkakape at kausap si Tita Chrisa. Tumayo ito nang magalang ko siyang nilapitan.
"Kumusta, Hija?"
Sumulyap muna ako kay Tita Chrisa bago tugunan si Attorney. Matagal na rin siyang kakilala ng pamilya, sa katunayan ay best friend ito ni Mama, kaya naman kilalang-kilala ko na ito at mabuti rin siya sa akin. Iyon nga lang ay naging madalang ang pagdalaw niya sa amin dahil hindi niya gusto ang bagong asawa ni Papa na pumalit sa best friend niya.
"Kagaya po ng dati, kailangan ko pong ipagpatuloy ang buhay. Alam kong pareho si Mama at Papa na iyon ang gustong gawin ko."
Hinaplos niya ang mahaba kong buhok. "Oo naman, magkasama na sila ngayon at siguradong pinapanood ka mula sa langit."
Ngumiti lang ako. Kung may positibo man sa pagkawala ni Papa, iyon ay ang kaalaman na magkasama na sila ngayon sa paraiso ni Mama.
Napatingin kami kay Tita Chrisa nang tumikhim siya habang nakahalukipkip.
"Attorney, sorry pero male-late na kasi ang mga bata sa school, kaya kung maaari ay baka puwede mo nang basahin ang last will ng asawa ko."
Nakakaunawa na tumango si Atty Lawrence at pinaupo na kami. Sa single sofa umupo si Atty, sa kabila naman si Tita Chrisa. Ako at si Cali sa long sofa at sa kabila naman sina Chloe at Clara.
Nagsimulang magbasa si Atty. Lawrence, pero wala akong masyadong maintindihan dahil hindi ko naman alam kung gaano pa kalaki ang laman ng bank at kung gaano pa kalaki ang shares ni Papa sa kompaniya o negosyo. Ang tanging naunawaan ko lang ay kung ano man ang mamanahin ko ay makukuha ko pa kapag twenty-two years old na ako, bente anyos pa lang ako ngayon kaya naman si Tita Chrisa pa ang hahawak niyon, pati ng mga namana nina Chloe.
"Ah, Attorney, gaano naman kalaki ang sinasabi mong 40% ni Malia?"
Hindi ko alam kung tama ako, pero base sa nakikita kong pekeng ngiti ni Tita Chrisa ay mukhang hindi siya natuwa sa kaniyang narinig.
"Madame Chrisa, ang pinag-uusapan natin ay ang hatian ng hacienda."
"Hacienda? What about the shares and money at the bank?"
Tipid na ngumiti si Attorney. "Mukhang hindi po kayo na-inform ng asawa ninyo. Two years ago nang malulong sa bisyo na sugal si Emilio, naipatalo niya nang naipatalo ang mga pera na naipon niya through the years, idagdag pa na malaki ang nagastos nila bago pa mamatay ang dati niyang asawa. Dahil doon ay nabenta niya ang mga shares niya sa kompanya, wala na siyang shares sa kompanya Madame, ang tanging source of income niya ay ang kinikita nitong hacienda."
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Tita Chrisa. "Do you know about these?"
Hindi ako nakapagsalita, tanging iling lang ang naisagot ko. Hindi ko alam na wala na pala kaming shares sa kompanya, pero hindi ako nagulat dahil alam ko naman kung gaano kasira si Papa nang mawala si Mama.
"Hindi pa naman tayo maghihirap, Mommy? 'Di ba?" tila nagpa-panic na tanong ni Chloe.
"My Gosh! Ayoko nang bumalik sa hirap!" si Clara naman.
Naikuyom ko ang kamao ko. Mga pera lang talaga ang habol nila kay Papa. Mga walang utang na loob.
Problemadong sinita lang sila sa tingin ni Tita Chrisa at bumaling ulit kay Attorney.
"Itong bahay? Kanino ito?"
Napaangat din ako ng tingin dahil doon. Bahay ito ni Mama, regalo ito sa kaniya ni Papa nang ikasal sila. Mahalaga sa akin ang bahay na ito, ako ang nag-iisa nilang anak kaya dapat sa akin ito mapunta.
Dismayadong tumingin sa akin si Attorney na tila alam niyang naghihintay din ako sa magiging sagot niya, at alam din niya kung ano ang gusto kong marinig... Na taliwas sa nakaayon sa papel na hawak niya.
"Bilang legal na asawa, Madame Chrisa. Sa 'yo mapupunta ang lahat ng naiwan niya rito sa bahay, lahat ng hawak mo ay iyo na, pati ang bahay na ito."
Para akong nabingi sa sinabi niyang iyon.