bc

The Fallen Princess and the Beast

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
possessive
sex
kickass heroine
twisted
bxg
royal
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

She's Malia Ferrer. She don't want to be a princess or a damsel in distress who needs a prince charming to save her from her miserable life. She doesn't need a prince charming, riding with a magical white horse and ask her to marry him without knowing her personally.

Unfortunately, ang buhay niya ay hindi nalalayo sa buhay ng mga prinsesa sa fairytales, kung saan isang lalaking mistulang prinsipe lang ang kayang magsalba sa kaniya mula sa mapang-aping mundong ginagalawan niya.

Ngunit hindi siya ganoon klaseng babae. She would save her own self without getting any help from him, the prince charming of her life, Ethan Chase.

Their first meet up was like a Cinderella story, but ended up with him become a beast of Belle...

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Malia Ferrer's POV Yakap ko ang sarili ko nang tinungo ko ang balcony ng venue. Dahil sa buwan na ng February ay malamig na ang simoy ng hangin, lalo na rito sa open space na kinaroroonan ko. Idagdag pa na medyo manipis ang tela ng dress ko at sleeveless pa. Nandito ako ngayon sa senior prom namin, pero kahit gaano kasaya o nage-enjoy ang mga nasa loob ay hindi naman ako kagaya nila. Hindi naman kasi talaga dapat ako pupunta sa prom, pinilit lang ako ni Mama. Ang sabi niya ay hindi ko raw puwedeng ma-miss ang high school prom lalo na't last ko na ito. Sa college raw ay hindi na sigurado ang ball, depende na lang sa mga school. Sa katunayan ay gusto ko naman talaga magpunta sa mga ganitong party noon pa, isa ako sa mga estudyante na naghihintay ng JS prom. Pero hindi ko iyon maramdaman ngayon, dahil ayaw mawala sa isip ko si Mama. Hindi effective ang ingay ng tugtugin o ingay ng mga tao para mawaksi sa isipan ko ang mukha ni Mama sa huling senaryo na nakita ko siya. She's waving at me, with a smile on her face. Kumikinang ang kaniyang mga mata na... Na para bang ano man oras ay may papatak mula roon na luha. Pakiramdam ko ay nakikita ko ang pagkislap ng mga mata niya habang nakatingin ako ngayon sa kalangitan na pinupuno ng mga bituin. "Seems someone isn't enjoying the party?" Napahawak ako sa ledge ng balcony sa gulat nang bigla na lang may nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko iyon para makita kung sino. His voice isn't familiar to me. Pinigilan kong mangunot ang noo ko nang mapagtanto kong hindi ko nga talaga ito kilala. Sinundan ko siya ng tingin nang kagaya ko ay tumayo rin siya sa gilid ng ledge at tumingin sa kalangitan. Matangkad siya at may kalakihan ang katawan, halata iyon sa kaniyang midnight blue suit. Guwapo siya at may kung ano sa brown niyang mga mata, nangingibabaw iyon sa likod ng kaniyang itim na pilik mata. Hindi ko siya kilala, bagay na parang imposible dahil ang tipo niyang lalaki ay tipo ng lalaki na pag-uusapan o ii-stalk ng mga kababaihan sa campus. "An outsider?" Mula sa itaas ay ibinaba niya ang tingin niya sa akin. Tumagilid ang ulo niya kasabay ng pagtaas ng isang sulok ng labi niya. "Can I assume that you knew every students here so it's easier for you to find out that I'm not belong here?" Nagkibit-balikat ako. "Let's say that 'I'm good at socializing." Siyempre hindi ko sasabihin sa kaniya kung bakit nahulaan ko kaagad na hindi siya nag-aaral dito. "Okay, well. One of my friend invited me here, one of the college student here. He said that I should go and enjoy my life after being so focus at my study." Napatango-tango ako. This is a high school prom, but yes some of the invitees are in college. 'Yong iba kasing nag-ayos ng party ay mga college students, mga members ng students council. Ang singer nga na naka-live band pa ay college student na rin, mga alaga na ng school kaya laging present sa mga party. Siguro isa sa mga iyon ang kaibigan niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa malayo kung saan kitang-kita ang iilang romatic lights na nakadisenyo sa hardin ng school na views namin mula sa balcony. Sa umaga ay ang kapansin-pansin ditong decors ay ang mga magaganda at malalagong bulaklak at halaman, pero ngayong madilim na ay mas nangingibabaw na ang decorations nitong mga pailaw. Bagay na bagay sa buwan ng pag-ibig. "Seems not happening," nasabi ko na lang. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito sa labas kagaya ko kung nag-eenjoy siya sa loob, hindi ba? Ako inaamin ko na kaya ako nandito ay dahil hindi ako nag-eenjoy sa loob. "Puro mga bata ang nasa loob, pakiramdam ko ay hindi ko makuha ang sense of humors nila." Pinigilan ko ang sarili kong balingan siya. Kita ko kasi sa gilid ng mga mata ko kung paano niya ako tingnan. Hindi naman malagkit, pero alam kong interesado siya sa akin. "Nasa high school prom ka, malamang!" "I know! I'm not complaining, I just doing my best to avoid those kind of..." "Sense of humor?" Narinig ko siyang tumawa lang kaya napailing na lang ako sa kaniya. Nanahimik na lang kami pareho ng ilang segundo, at nagulat na lang ako nang ipinatong niya sa akin ang isang mainit na tela. Wala sa sariling napahawak ako roon, iningatan ko pa ang mahaba kong hikaw na naramdaman kong halos sumabit sa tela. Iniingatan ko pa naman ang hikaw na ito dahil galing pa ito kay Mama. Ang hikaw na ito raw ang paborito niya sa lahat dahil regalo ito sa kaniya ni Lolo noong debut niya, at ngayon ay ipinamana niya na ito sa akin.  Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Nagkibit-balikat siya at nagpamulsa. Doon ko lang na-realised na ang telang inilagay niya sa likod ko ay ang jacket ng suit niya, nang makita kong naka-white long sleeve na lang siya sa top niya.  "Nilalamig ka," sagot niya sa tahimik kong tanong.  Doon ko lang na-realised na yakap ko pa rin ang sarili ko, siguro kaya napansin niyang nilalamig ako. Bago ko pa iyon masegundahan ay muli na siyang nagsalita. "So, anong ginagawa ng isang 'good at socializing sa labas ng party imbes na makipag-socialise?" Napangiwi ako. That make sense. "Wala lang sa mood," nasabi ko na lang. Masyado pang maaga para magkuwento ako sa kaniya ng tungkol sa akin na personal.  "Hahayaan mong masira ang buong gabi mo sa party dahil lang sa wala ka sa mood? Why did you come then?"  Tiningnan ko lang siya. To be honest, I have another reason. Wala ako sa mood mag-party dahil kay Mama. May sakit si Mama, cancer. Isang linggo na siyang nanghihina at hindi makakain ng maayos. Ang sabi ng doctor ay hindi na raw siya magtatagal, kaya naman imbes na mag-stay sa hospital ay hiniling ni Mama kay Papa na iuwi na lang siya. Ang sabi niya ay gusto niya raw akong makitang namumuhay bilang teenager kahit sa huling pagkakataon. Lately kasi ay dahil sa sakit niya kaya hindi na ako gumagala o naglalakuwatsa, para ako ang mag-alaga sa kaniya pagtapos ko sa school. Pakiramdam niya ay ninanakaw niya sa akin ang pagkabata ko. Kaya naman sabi niya na kahit ngayon lang ay ayaw niyang intindihin ko siya. Kaya niya nga ako kinumbinsi na magpunta rito sa prom at kaya niya rin ako nakumbinsi. Naaalala ko pa kasi noong malakas pa siya, gustong-gusto niya akong inaayusan para sa mga ball na pupuntahan ko. First JS prom ko, sweet 16th or 18th birthday party ng mga kaibigan ko. Mas excited pa nga siya sa akin, to the point na lagi niya akong ibibili ng dress o gown kahit hindi ko pa hilingin.  Kaya nagpasya akong magpunta rito dahil gusto niya ulit akong maayusan o makitang nakaayos. She doesn't have enough strength to help me fixing myself, but I can see in her how much happy she was watching me.  "Are you okay?"  Muling nabalik ang wisyo ko nang muli niya akong kausapin. Doon ko lang na-realised na lumalalim na pala ang pag-iisip ko. Sa halip na sagutin ko iyon ay lumingon ako sa may double glass door papasok sa loob kung nasaan ang party.  "Sa tingin ko ay mae-enjoy mo naman ang party, hindi naman lahat ng high school student ay immatured-"  "I didn't say that they're immatured," he corrected me.  Binigyan ko iyon ng isang tango. "Okay, hindi lahat ng mas bata sa 'yo ay bata rin mag-isip. May mga mas bata rin sa 'yo na hindi parang bata."  "Kagaya mo?"  Naroon pa rin ang maliit niyang ngiti na sinabayan ng pagtaas ng dalawa niyang kilay. Nanliit ang mga mata ko.  "Type mo ako 'no?"  Natawa siya sa sinabi ko kaya pinanood ko lang siya. Inaamin ko na ang sarap sa tainga ng tawa niya. Kung uso lang sa akin ang magkaroon ng crush sa hindi ko kilala ay naging crush ko na siya.  "You know what, let's go back to the party and dance."  Tumaas ang kilay ko. "Tingin mo yata sa akin ay easy to get?" "Nope! Sa tingin ko lang ay mas magandang ituloy natin ang kuwentuhan sa loob." Nilahad niya ang kamay niya sa akin. "I'm Ethan Chase, and you are...?"  Kung mas makikilala ko siya nang personal, wala na sigurong masama kung magkagusto o kahit crush lang sa kaniya, right? "Miss Malia!"  Tatanggapin ko pa lang sana ang kamay niya ay natigilan na ako nang may marinig akong boses na tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko iyon ng paningin ko, at natagpuan ko sa may ibaba ng balcony si Kuya Henry, ang aming personal driver. Sa tagal niyang nagtatrabaho para sa pamilya namin ay itinuring na rin namin siyang parte ng pamilyang Ferrer.  Humawak ako sa ledge at yumuko sa may ibaba.  "Kuya Henry!"  Hinihingal siyang tumingala sa akin. "Miss Malia, sumama na po kayo sa akin bago pa mahuli ang lahat."  Naguguluhan na umiling ako. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"  "Nag-aagaw buhay na po ang mama ninyo, Miss Malia."  Matapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na nasundan ang mga nangyari. Parang lumutang lahat ng kung ano sa loob ko at pakiramdam ko ay wala ako sa sariling naglakad pababa ng hagdan. Natauhan lang ako nang pigilan ako sa may pulso ni Ethan.  "Wait!"  Inilingan ko siya at basta na lang tinanggal sa akin ang jacket suit niya. Medyo napasinghab pa ako nang naramdaman ko ang sakit ng tainga ko nang sumabit ang hikaw ko roon, matapos ay basta ko na lang siyang iniwan at sumama kay Kuya Henry. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook