"Ang kapal ng mukha mong magpunta rito, pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko? Pagkatapos mo siyang lokohin ngayon naman ay pina-aresto mo siya!"
Binalak akong sugurin ni Mrs. Delos Santos, I mean ng kapatid ng asawa ko. Napigilan lang ito ng anak na si Sophie kaya hindi siya nakalapit sa akin.
Hindi ko ideya ang pagpunta sa Mansiyon ng mga Delos Santos, pero dahil gusto kong makita ang reaksyon nilang lahat ay pumayag ako. Ang balita ko'y in-aresto rin agad kagabi si Derek sa kasong attempted r**e kagabi.
Good for him! Kulang pa nga 'yon sa ginawa niyang panloloko sa akin. At saka, alam ko naman na matatakasan niya ang problema na 'to pero ayos lang at least nakaganti man lang ako kahit kaunti.
Well, hindi naman isang aksidente lang o coincidence ang nangyari... It was all a plan, at salamat pa rin sa kanila ni Sally dahil kung hindi nila binayaran si Helsey para maging Spy sa akin ay hindi ko maisasakatuparan 'yon.
No'ng gabi na na-late ako sa dinner with Jethro and Jenny ay nalaman ko ang katotohanan. Naramdaman ko agad na may kakaiba sa kilos ng bagong Manager ko kaya naman sinundan ko siya no'ng pauwi na. And to my surprise I caught her talking to Sally. Isa pala ito sa galamay ng babae na 'yon, for sure ay ginamitan nito ng connection ang pagkakatagala kay Helsey as my manager. Hindi na 'ko nasorpresa alam kong gagawa nito ng paraan upang tuluyan akong mapabagsak.
At nang gabi rin na 'yon ay agad kong pinapili si Helsey kung kanina siya mas magiging loyal. And she had a good choice.
"Mama tama na," pagsaway ni Sophie sa ina.
Kumalas ang ina nito sa kaniya, salubong ang mga kilay at nagngingitngit ang mga ngipin nito, halatang iritado.
"Ano bang ginagawa ng babae 'yan dito? Ipinatapon ko na ang mga gamit niya, hindi ba?"
Malakas ang boses ni Mrs. Delos Santos, hindi ko alam kung ano ang dapat na i-address ko sa kaniya. Ate, sister-in-law o tawagin ko na lang siya sa pangalan niya?
"Ako ang nagdala sa kaniya rito, ate."
It was Jethro. Kabisado ko naman na ang lugar kanina kaya pinauna na niya ako sa loob.
"At ano naman ang nasa kokote mo Jethro para papuntahin pa 'yan rito ha. Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari? Sa ginawa niyan sa pamangkin mo?"
Nangunot ang noo ko. Hindi pa ba niya alam ang tungkol sa amin ng mahal niyang kapatid? Binalingan ko si Sophie, nakatitig lang din siya sa akin mukhang may alam siya.
"Ma—" si Sophie.
"Nandito 'ko para sabihin sa 'yo ate na pakibantayan si Derek. He's always causing trouble, hindi ko kayo pinapakialaman sa mga gusto niyong gawin, maging sa Kompaniya ay hinahayaan ko kayo. But interfering into my belongings, to my life is not included on that."
Sinulyapan ko si Jethro, he sounds serious, walang kurapan ah.
"What are you talking about? C'mon, throw that b*tch out of my house. Now!" Dumadagundong na ang boses ng aking sister-in-law. Kung ibang tao siguro ay tiyak na matatakot na sa kaniya. Pero dahil ako 'to ay hindi ako kasali do'n, I may still be on the process of training myself to be more brave but I'm still good in handling situations.
Hindi ako pumalag, nginitian ko pa ito bago lumingkis sa braso ni Jethro.
Gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha nito, grabe, priceless. Gulat na gulat siya sa ginawa ko.
"W-what is that?!"
"Sorry kung hindi ako nakapag-abiso sa inyo. I remarried. Darlene is now Jenny's mother."
Ugh. Gustong pumalakpak ng tainga ko sa pasabog na balita ni Jethro. Sigurado kong sasabog na rin sa pagkagulat ang kapatid niya ngayon. Akalain niya 'yon, 'yung itinaboy niya na mahing manugang ay naging kapatid pa niya? Minsan talaga'y mahilig makipaglaro ang tadhana.
"Relax mom, yaya pahinging tubig." Tarantang utos ni Sophie sa kanilang nakaabang na katulong sa bahay.
Halos mahimatay si Diane sa narinig mula sa kapatid niya.
Taste your own medicine, Diane.
"Hindi na dapat kayo pumunta pa rito Uncle, ako na lang sana ang nagsabi kay mommy ng tungkol dito. She's even a hard time about my brother's situation right now pagkatapos ay dumagdag pa ito."
Pagkatapos nilang painumin ng tubig si Diane iniutos ni Sophie na i-ready ang sasakyan para mahatid ang ina sa Ospital. Ako naman nakatingin lang sa ginagawa nila. Bumitaw ako kay Jethro, he was trying to help his sister.
"Paniguradong nag-iinarte lang 'yan. Everyone knows that she is good in fabricating things, including emotions." Sabat ko sa pagkataranta ng mga tao ngayon.
"Shut up, Darlene."
"No, you shut up," sagot ko kay Sophie. Close na close kami dati pero ngayon ay hindi na. Isa siya sa nanghusga sa akin kaya hindi ko na maibabalik pa ang dati naming samahan.
"Wake up, Sophie. Your mother is not what you think of, she's not a Saint. Get a life. I know you love her but don't let your dreams get destroyed. Tama na sa pagsusunod-sunuran mo sa kaniya. At ang pinaka importante sa lahat, 'wag mong pagtakpan ang alam mong maling gawa niya."
Hindi ko makuha ang gusto niya kahit noon pa, Medicine ang gusto niyang pag-aralan pero dahil sa hinahayaan niya na ang ina ang masunod ay nauwi siya sa pagkuha ng Law, at ngayon hirap na hirap siyang magtake ng board exam.
Hindi ito umimik, bagkus ay nakipatagisan lang ng titig sa akin. Mabait si Sophie, sweet, pero isa ring madaling mamanipula. Kung puwede lang na hilaan ko siya palabas sa picture frame na kinalalagyan niya ay gagawin ko talaga.
I admit it, siya pa rin ang tinuturing kong bestfriend.
Sa kalagitnaan nga ng komosyon ay biglang dumating si Sally. Humahangos ito papalapit kay Diane, at agad-agad na chineck ang sitwasyon.
"Ikaw na naman ba ang may gawa nito Darlene? Ano bang gusto mong mangyari? At isa pa bakit nandito ka? Wala ka bang magawa sa araw mo ha at nanggugulo ka rito?"
Inismiran ko lang ito, wala akong balak na sagutin ang mga tinatanong niya.
Mas nakatuon ang pansin ko sa pag-akyat nina Jethro at Sophie kay Diane sa silid nito sa itaas. Naglalaro sa utak ko kung anong susunod na gagawin nito ngayong alam na niya na asawa ako ng kapatid niya.
"Hey Darlene!"
Iwinaksi ko ang kamay nito na bigla na lang humila sa akin. Well, nagulat ako sa ginawa niya kaya gano'n. Hindi ko feel na mahawakan ng katulad niya, mang-aagaw.
"Ano'ng problema mo?" medyo iritado ko na tanong sa kaniya.
"Ikaw ang problema ko Darlene, masyado kang pa-epal, alam mo ba 'yon? Kahit saan ka na lang sumisiksik. Napalayas na kita sa buhay ng mga Delos Santos pero heto ka na naman. Kahit sino talaga papatusin mo makuha lang ang gusto mo."
"Coming from you talaga 'yan?"
Tila umuusok ang ilong nito. Kahit kailan ay hindi ko talaga niya magugustuhan.
"Umalis ka na sa buhay namin, Darlene. Don't you see that we will be having our baby soon? At kahit na anong gawin mo'y hindi mo na mababawi si Derek sa akin. Never!"
Humagalpak ako ng tawa sa sinabi nito. Then I glance at her baby bump, wala pa 'kong masyadong mapansin doon. Mukhang wala naman siyang balak na itago ang pagbubuntis, tutal ay proud na proud pa nga siya sa nangyari sa kaniya.
"Tingin mo naman ay naghahabol pa ako ro'n. Sino'ng may sabi? Hindi 'yon ang goal ko Sally. Hindi ko itinapon ang kalayaan ko para lang sa lalaking nanloko na sa akin. Hindi ako gano'n ka uto-uto." Nakangising sabi ko sa kaniya.
Nagtagis ang mga ngipin ni Sally sa sinabi ko, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi niya matanggap na hindi ako ang inaasahan niya na Darlene. Siguro noon oo, ako ang 'mas' humahabol at 'mas' pilit na kumakapit sa relasyon namin ni Derek pero ngayon na nalaman ko ang mga ginawa niya ay hindi na. Hindi ko sisirain ang buhay ko para sa katulad niya.
Mas maigi na si Jethro ang kasama ko, he's more trusthworthy none anybody else.
"Alam mo Sally, why don't you just mind your own career ha, hindi 'yong pati career ko ay kina-career mo na rin. 'Wag mo na ring problemahin ang problema ko dahil ma-s-stress ka lang."
"No Darlene, hanggat hindi ka nawawala sa landas ko'y hindi ako titigil. Sisiguraduhin kong babalik ka sa pinanggaalingan mo."
"Gano'n ba?" Naglakad ako papalapit sa kaniya't binigyan siya ng pilit na ngiti. "Sige. Mag-unahan tayo. Kung sinong unang babagsak sa ating dalawa'y siya ang talo."
Sinigurado ko na dadampi ang hininga ko sa kaniyang punong-tainga. "Simulan ko kaya sa pag-alam kung sino ang tunay na ama ng dinadala mo, Sally?"
Agad ako niyang itinulak papalayo sa kanya't minura ng ilang beses. Ako naman dahil natutuwa sa reaksyon nito'y humagikgik na lang sa harapan niya.
"You have that guilty reaction, Sally. Why don't you just tell me who is this man called Kervin?"
"Who's Kervin?"
"D-Derek? You're home?" Nanginginig-nginig pang tanong nito mula sa lalaki ba kakarating pa lang.
"Yes, who is he Sally?" panunudyo ko pa.