Episode 9

1144 Words
"D-Derek, hindi ko alam na makakalabas ka na ngayong araw din. Di sana pala'y pinuntahan na muna kita ro'n bago nagpupunta rito," bungad na sabi ni Sally kay Derek. Gusto ko sanang matawa dahil muntik na itong pumiyok, halatang kinakabahan ang bruha. Hindi na nito sinagot pa ang tungkol sa itinatanong ko na pangalan. "Yeah," tipid namang sagot ni Derek. Nakatingin lang ako kung paanong magbolahan ang mga walang hiya. Alam ko na makakalabas naman agad ang lalaking 'to, ano pang silbi ng koneksyon nito at pera kung hindi, 'di ba? "Thanks to you, pagpipyestahan na naman ako ng Media. Malaking impact na naman sa pangalan ko." Sa akin nakatingin si Derek, mapupula ng kaunti ang mga mata nito. Ang hula ko'y kulang sa tulog, at wala na akong pakialam pa ro'n. "Taste the consequence for what you did. Kasalanan mo ang nangyari sa 'yo, ano ba kasing naisipan mo't tangkain mo 'kong pagsamantalahan...na Auntie mo? How shame of you." Pinaalala ko sa kaniya ang ginawa niya kagabi. "What? I thought it was just a simple harrasment Derek." Sabat na naman ni Sally. Pero hindi sumagot ang lalaki, umiwas ito ng tingin kay Sally. Sunod ay sa akin na naman ito bumaling at nagtanong kung anong ginagawa ko sa bahay nila. "I'm here with your Uncle. Sinabi niya lang naman sa mama mo ang tungkol sa amin. At ayon, sa sama looh ata'y hindi nakayanan... I'm sorry for your lost Derek..." Nanlaki ang mga mata nitong tumingin sa akin, hinila niya ako't hinawakan sa magkabilang balikat. "What are you talking about?!" "Don't mind her Derek, tita Diane is upstairs, she'll be fine soon." Humawak din si Sally sa kamay ni Derek ngunit sa malas niya'y maselan ang mood ni Derek, iwinaksi nito ang kamay mula sa babae. "Damn it!" Singhal nito. Subalit agad na nabara si Derek pagbaba ni Jethro mula sa itaas. Sinalubong nito ng sermon si Derek at sinabihang kapag inulit pa nito ang ginawa ay ipapa-dismiss siya nito sa Kompaniya nila. Dahil mas mataas ang posisyon ng asaw ako'y walang nagawa ito kundi ang makinig. Malaki rin ang ipinagbago ni Derek sa nakalipas na linggo. Pansin ako ang hindi nito pag-ahit sa tumutubo na niyang bigote. Balak ata niyang mapahaba ng balbas. . . Oh baka hindi niya lang mahanap kung saan nakalagay ang ginagamit niyang cream at shave? May pagka-clumsy si Derek sa ilang gamit nito, madalas ay ako ang nagpapaalala sa kaniya kung saan kukunin o itatago ang gamit niya. At ang pinakanapansin ko sa kaniya ay ang hindi niya pagpapalit ng suot na relos. Ilang beses ko nang nakitang halos iisang brand at design lang ang gamit nito sa halos sampung piraso niyang mamahalin at may tatak na relos. 'Yong iniregalo ko sa kaniya noong 28th birthday niya ang malimit niyang suot ngayon, samantalang noon ay halos ayaw nito iyong gamitin dahil baka masira raw. "Darlene? Are you with me?" Natigilan ako sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang boses ni Jethro. Nagmamaneho na siya habang ako ay nasa passenger's seat. Ang tungo namin ay kindergarten ni Jenny. Susunduin namin ito bago dumiretso sa Mall upang mamasyal. "Mommy, Daddy can I ride at the carousel? Please?" Hawak ko ang kamay ni Jenny while Jethro is holding the ice cream and doughnut Jenny didn't finish to eat. Sinulyapan ko siya para malaman kung pumapayag ito sa gusto ng anak niya. "Go on, just be careful." "Yes! Thank you daddy. Come mommy, you ride with me!" "Huh? Hindi na baby, ikaw na lang. Dito lang kami ni daddy mo. We'll watch you." Nakangisi kong sabi rito habang inire-ready siya. Nilagyan ko rin muna ito ng sapin sa likod niya. Kami lang tatlo ang lumabas, hindi na kasama pa ang personal nanny ni Jenny. Jethro wanted this to be a family bonding, mas maigi raw iyon dahil mas maf-feel ni Jenny ang presence naming dalawa. Ayun lang, hindi ako basta nakatakas sa mata ng mga tao. May ilang nakakilala sa akin, hindi naman ako artista pero dahil sa ilang controversy na kinasangkutan ko'y naging matunog ang pangalan ko nitong nakaraan. "Eh, sige na po. Tara na po." Wala na 'kong nagawa ng hilahin ako ni Jenny patungo sa loob. Nagsuot na lang ako ng facemask. Si Jethro ang nag-asikaso ng fee naming dalawa, naroon lang siya sa may bakod habang kumukuha ng pictures sa amin ng anak niya. Bakas sa mukha ni Jethro ang saya. Sa ilang beses ko na paglingon ay parating ang ngiti nito ang bumubungad sa akin. Saka ko napansin na magkasing hugis sila ng mata ni Derek, malamlam, pinupuno niyon ang malakas na personality nila. Si Derek. . . Inilayo ko ang aking mga mata kay Jethro't kay Jenny na lang itinuon ang mga mata. Sa tuwing nakikita ko rin siya'y may kaunting parte sa puso ko ang nalulungkot. Gusto kong permanenteng ikubli iyon pero medyo mahirap. Kinamumuhian ko si Derek pero hindi maikakaila na minsa'y hinahanap ko siya. Linggo pa lang ang nakakaraan, sinusubukan kong mag move on. 'Yon lang ay hindi ko kaya ng biglaan. "Kanina ko pa napapansin na parang balisa ka, may problema ba?" Inilapag ni Jethro ang wrap na slice ng pizza na binili niya kasabay niyo ay mineral water na pinasuyo ko. Hyper masyado si Jenny, hindi napapagod kahit ilang laro na ang ginawa niya. Ngayon ay sa playhouse naman ito naglaro kung saan puno ng Legos at iba't-ibang tracks. "Hmm. May naalala lang ako," sagot ko sa kaniya. Naupo sa tabi ko si Jethro't nag-usisa kung ano ang bumabagabag sa akin. Kailangan ko bang sabihin na si Derek ang naiisp ko ngayon? "Yes? Mind telling me?" Tumuwid ako ng pagkakaupo ko't hinarap siya. "Naalala ko lang si Derek, naisip ko na paano kung wala akong diperensiya't nabigyan ko siya ng anak agad... Masaya kaya kami ngayon?" "I don't know, maybe yes, maybe no." "Eh kung hinabol ko pa sana siya, kung nagbigay ako ng kaunti pang pasensiya't pinatawad na lang siya... Possible kayang maging okay pa rin kami?" "Your thoughts are all unbelivable Darlene. What do you really want?" "Wala naman, curious lang ako—" "Does your feeling get confused too? Do you still care for him?" Napaisip ako sa tanong ni Jethro, saka ko 'yon itinanong sa sarili ko. Kumagat ako ng pizza na bigay niya. I think, there is a part of me that still want to look after him but I'm not so sure. "Sa tingin ko'y natural lang ang maramdaman mo Darlene. Yeah I mean it, but I'm sorry you should set boundaries especially that you choose to marry me." Seryoso ang aura ni Jethro, nakatuon ang mga mata nito kay Jenny na ngayon ay masayang masayang naglalaro. "Hmm? Ano'ng ibig mong sabihin?" nagkasalubong ang aking mga kilay sa sinabi niya. "Well, theres a law for breaching a contract. But I have money, I can amend it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD