EPISODE 16

1468 Words
Ang malutong na halakhak ni Sally ang namutawi sa loob ng kaniyang suite. Kabababa lang niya ng telepono, tuwang=-tuwa siya sa naging balita ng isang Modelo na nakausap. Tuluyang naalis si Darlene sa pagiging Lead model sa Project na sa tingin niya ay dapat na sa kaniya. Naging matagmpay ang pagsulsol niya sa dalawang babaeng kasama ni Darlene sa photoshoot kanina. Tinungga nito ang alak na nasa kopita, ninamnam 'yon hanggang sa humagod sa kaniyang lalamunan. Wala siyang alinlangan na uminom kahit na alam niyang may bata sa kaniyang sinapupunan. "Sa wakas ay unti-unti kong natutupad ang nais ko noon pa man, mula kay Derek hanggang sa career mo ay hindi kita tatantanan, Darlene. Susundan kita kahit sa imyerno pa, masigurado lang na babagsak ka." Sa bawat pagsabay ng puting kurtina sa ihip ng hangin sa balkonahe na tinutuluyan ay siya rin paglipad ng kaniyang kaisipan. Bigla niyang naalala ang panahon kung saan siya ay nagigipit at nabu-bully ng dahil kay Darlene. Isa siyang ugly ducking way back College days, invisible at walang nakakapansin na kung sino. Matalino siya ngunit hindi naging sapat 'yon upang mapunan ang kasiyahan niya. Ginusto niyang maging kaibigan ang kaniyang mga kaklase, kahit isa man lang sa kaniya. Ngunit dahil hindi maganda ay hindi siya nagawang makita ng iba. Tipong kahit na binu-bully na ay nanatiling bulag ang mga taong nasa paligid niya. Ilang beses siyang nadapa sa maduming tubig na ibinubuhos ng mga bullies sa sahig na madaraanan niya. Inutusan siyang bumili ng pagkain para sa kaniya't ang masaklap ay siya pa ang taga-gawa ng mga projects ng mga ito. Masyado silang mapanghusga at mapanakit ng pisikal. Ngunit isang tanghaling tapat ang labis na ikinatuwa ni Sally. Hindi niya inakala na Kilala pala siya ni Derek, sa canteen bandang alas dose aty tinawag siya nito't inalok na doon maupo sa bakanteng silya malapit sa kanila. Paano ba nama'y Wala itong mahanap na puwesto sa dami ng estudyanteng naroroon. Doon, nagsimulang magustuhan nito ang lalaki, pinangarap niya na maging kaibigan si Derek kahit na parati siyang pinagtatawan ng mga barkada nito sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na ngingitian siya niya. Hanggang sa lumipas ang araw at buwan na maganda ang pakikituungo sa kaniya ni Derek, buong akala niya'y 'yo na Ang simula ngunit nagkamali siya. Pumutok ang balita na ang lalaking kaniyang nagugustuhan ay nagkaroon ng nililigawan. Naglahong bigla ang kakarampot na pag-asa niya nang magustuhan ni Derek si Darlene. Ang masahol pa sa lahat ay noong gabi na binalak ni Sally na sabihin kay Derek ang nararamdaman ay siya namang pagiging mag-On ng mga ito. Mas lumalim ang galit na itinanim niya sa puso, kinuwestiyon niya ang mga nangyari sa buhay niya. Nagkaroon siya ang napakaraming 'what if' sa isipan. What if she's pretty, would anyone dare to befriend her? Would Derek like her? What if she had what Darlene had? Lahat ng sentimyentog iyon ay naging parang bola ng poot sa puso niya. Lahat ng daan ay tinahak niya para lang mabago ang kaniyang Tadhana. Hindi niya gusto ang pagmo-modelo ngunit dahil naroon si Darlene ay pinasok niya ang mundong 'yon. Kumapit siya sa malalakas na tao upang maging malakas din. Hanggang isang magandang anunsiyo ang nareceive niya matapos ang isang gabi na pagbigay niya ng kaniyang katawan sa isang matandag Advertistment Producer, nakuha niya ang kauna-unahang mabigat na proyekto kung saan ay ipapakita siya sa telebisyon. Ang Daan kung paano niya muling nakita ang lalaking minamahal ng palihim sa ilang taong nakalipas. Pinagbuti niya ang trabaho, sa kaniya'y walang nang atrasan pa. Isasakatuparan niya ang natenggang Plano, at nagsimula na iyon sa pag-agaw niya kay Derek mula kay Darlene. Sa kaniya'y walang ibang puwedeng makasama si Derek habambuhay kundi siya lang. "Hahahahaha." May patingala-tingala pang tawa ni Sally habang naka-dekwatro sa kaniyang kinauupuan. "I'll make sure to ruin you Darlene, kung ano'ng meron ka ngayon ay apat na sa akin kahat naman isa-isa kong kukunin ang lahat ng iyon." Mali ay kinuha ni Sally ang cellphone, dinial ang Numero ni Derek, gusto niyang makipagkita rito ngayon din mismo. Sasabihan niya ang lalaki na bumyahe upang personal siyang sunduin dahil hindi maayos ang lagay ng kaniyang pakiramdam-- na siyang isa na namang kasinungalingan. "Okay, magbo-book agad ako ng flight papunta riyan-- no, I'll use the helicopter, para mas mabilis akong nakarating," iyon ang saysay ni Derek mula sa kabilang linya. Matamos namnamin ni Sally ang tuwa na nakuha mula sa sinabi ni Derek ay agad siyang tumayo, kinuha ang branded bag na kulay brown at saka pangiti-ngiting tinahak ang daan palabas ng kaniyang suite. "Ano nang gagawin mo ngayon, Darlene? Tuluyan kitang sisirain sa lahat ng taong nakakakilala sa 'yo." Sabi nito sa sarili, naka-angat ang kabila ng labi nito, iniisip ang susunod niyang plano. Pagkatapos ay sa kaniyang tiyan naman ibnaling ang atensiyon. "Pasensiya ka na anak, kung madadamay ka sa kahibangan ko. Pero 'wag kang magp-alala dahil para rin naman sa 'yo ang gagawin ko." Maya-maya pa'y tinawagan niya ang Manager at sinabing mapapunta ng ilang media men na kakilala niya, isang scoop lang naman ang ibinigay ni Sally mula rito. ... "Pabayaan mo na sila, Wala rin naman tayong mapapala kung init ng ulo ang papa-iralin natin," sabi ko. Pilit kong pinapakalma si Helsey. Bitbit niya ang ga gamit namin, tuluyan naming nilisan ang shooting venue't plano'ng bumalik sa Hotel. Ang balak niya'y ipaalam sa boss namin ang nangyari't magdemad ng apology mula sa Client na hindi ko alam kung gagawin ng Agency namin. "Helsey." Marahas akong nilingon nito, salubong ang kilay, nakakunot ang hulma ng kaniyang labi't nanlilisik ang mga mata. Napa-atras nga ako sa ginawa nito dahilan upang ndali kaming mapatigil sa paglalakad. "You can go back alone,right?" Tumango-tango ako sa tanong niya, yakap-yakap ako ang isa sa bag na dala namin. "Good." Agad siyang pumara ng taxi para sa akin, hindi siya nagbigay ng further explanation sa akin bagkus ay inalalayan niya ako upang safe na ma-i-settle ang sarili sa sasakyan. "Hindi ka ba sasama? Saan ka pupunta? Don't tell me babalik ka roon , 'wag ka nang makipag-away pa." She scoffs. "At sino naman sila para balikan ko? May iba akong pupuntahan kung hindi kayang gawan ng paraan ng Agency ang problemang ito ay ako na ang gagawa ng aksyon. Mauna ka na, susunod ako sa Hotel." Pagkatapos niyang bigyan ng direksyon ang driver ay siya ring pagsakay niya sa isa rin na taxi, na hindi ko alam kung saan ang tungo. ... "Yes, sir maayos na po ang lagay ni Ma'am. Ngayon po ay nasa taxi na siya pabalik ng pinag-i-stay-han niya. Huwag na po kayong mag-alala pa, susunod pa rin po ako kay Ma'am." Mabilis ang pagpasa ni Greg ng balita sa kaniyang amo na walang ibang laman ng tawag sa kaniya ay kung ano ang kalagayn ng kaniyang asawa. "Good. It's her last day today right? I'll gonna book you a flight back here to. Just wait for my message." "Copy, sir." Walang labis at walang kulang ang lahat ng balita ni Greg sa amo. Kaya naman ngayon na nalaman ni Greg ang tungkol sa huling nangyari ay ipapa-ayos agad niya ang pakikipagkita kay Mr. Xiu, ang 'big boss' kung tawagin sa kaniyang Modeling Empire. Sisiguraduhin niyang maayos ang kahit na ano'ng issue na nakadikit sa pangalan ni Darlene ngayon. 'They are abusing her, and it's too much.' Matapos ibaba ni Jethro ang tawag mula kay Greg ay agad niyang in-intercom ang sekretarya't iniutos na i-cancel ang kahit na ano pang schedule niya para sa hapon na 'yon dahil tutungo siya sa lugar ni Mr. Xiu. "Pero sir, importante po ang meeting with Mr. Rodriguez--" "I know, but there is more something important came up," anito nang hindi tumitingin sa kausap niya. Papaano'y naglalakbay ang utak niya kung papaanong matulungan ang asawa. Nais niyang pagbalik nito ay maayos ang lahat. "O-okay sir, gagawan ko po ng paraan." "Yes, that would be great. Just arrange it for tommorrow . . . ah, no! The day after tommorrow will be a nicer." Itinago ni Jethro ang cellphone sa loob ng kaniyang coat, tinawagan ang driver upang maihanda nito ang sasakyan dahil ang tungo nila ay sa Kumpaniya na pinagta-trabauhan ni Darlene, so settle things for her. Alam niyang sa sobrang bait ng asawa ay hindi ito gagawa ng kahit na anong aksyon upang makuha ang hustisya para sa kaniya. "Mr. Xiu, let's talk. I'll be at your office after an hour." Umaandar na ang sasakyan kung saan naroon si Jethro. "No need Mr. Delos Santos, I know what you'll going to discuss with me. You're late, someone settled the matter for your wife." Nangunot ang noo ni Jethro, sa isip niya'y sino naman ang magsesettle ng problema para sa asawa niya? 'Could it be my niece? Is he doing something behind my back?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD