Episode 17

1535 Words
Darlene's POV "Nakakainis naman 'to si Helsey, hinayaan na lang talaga 'kong bumalik sa Hotel ng mag-isa? At saan naman kaya 'yon pupunta?" Panay ang salita ko habang nasa taxi, Wala nang pakialam pa kung masabihan ni MAnong Driver na baliw. Nasa labas ng windshield nakatutok ang paningin ko, dinaraanan ng mga mata ang bawat establishimento na makita. "Mawalang galang na po, Ma'am, pero kayo po ba si Darlene? Yung model po?" Hindi ko in-expect 'yon mula kay Manong, "Ah, opo, ako nga po 'yon." Nakangitii ko pang sabi. "Naku! Sabi ko na nga ba eh unang kita ko pa lang po sa inyo alam ko na agad. Paano ba naman kasi, halos araw-araw ko kayong nakikita sa silid ng anak kong babae." Matanda na si Manong, kung susumahin siguro ay nasa fifty years old na ito, ngunit kahit na gano'n ay halatang malakas pa rin ang katawan niya. "Ay talaga po ba Manong, maraming salamat naman po kung gano'n. Sana ay na-i-inspire ko siya sa buhay, kahit alam niyo na . . .may mga issue ako." "Naku Ma'am, hindi naman po ata maiwasan ang issue lalo sa katulad mo na nakikita sa telebisyon eh. Part na po 'yan ng buhay, actually 'yong anak ko po eh, hindi naman naniniwala sa mga issue na ganyan. At saka lagi niyang sinasabi na may sariling takbo ng buhay ang mga katulad niyo, dapat nga raw ay hindi na pinapakialaman ng iba ang private life ng mga nasa social media eh." Natuwa naman ako sa sinabing 'yon ni Manong, ipinagdarasal ko sana na lahat ng tao sa mundo ay gano'ng mag-isip sa anak niya para masaya lang ba. Ang kaso'y napaka-imposible ata ng ideya na 'yon. "Pakisabi sa anak niyo na maramig salamat po. HIndi na masama ang magkaroon ng isang positibong tao out of ten people." Binigyan ko siya ng totoong ngiti, hindi maganda ang naging takbo ng araw ko ngayon ngunit dahil sa sinabi niyang iyon ay babigyan ko ng motivation ang sarili na malalagpasan ko rin ang lahat ng pagsubok na ito. "Ah, hindi naman po sa ini-istorbo ko kayo Ma'am, pero birthday kasi ng anak ko sa susunod na limang araw Puwede niyo po ba siyang gawan ng greeting video po?" Napatawa ng bahagya si Manong na para bang nahihiya sa sinabi nito. "Oo naman po, walang problema."Inabot ko ang cellphone ni Manong, tinanong ang detalye ng anak niya at nagsimulang magrecord. "Hello Maricel, happy 16th birthday sa 'yo, sanang maging masaya ka sa araw na ito. More blessings to come at sana'y ipagpatuloy mo ang pagiging positive sa buhay. I hope we can meet in person, soon." Ikinaway ko ang aking kamay tanda na tapos na Ang video na ginawa ko. Ilang minuto lang no'n ay narating na namin ang Hotel, tinulungan ako ni Manong na madala ang mga gamit kahit hanggang sa Entrance lang. Kakayanin ko na, lalo pag makapasok na ako sa Elevator ay madali na lang ang pagbibitbit ng mga gamit. "Mukhang kailangan ko na talagang mag-h-hire ng mga tao ha," pabulong ko sa sarili. Ngunit ang magaan na aura ko pagpasok ng Entrance ay napakli ng tumambad sa harapan ko ang kumpol ng reporters, hindi lang isa o dalawa, umabot ng anim na reporters galing sa iba't-ibang istason ang sumalubong sa akin. Halo-halo ang mga tanong na ibinabato nila sa akin, ngunit mayroong isa na mukod-tangi sa mga iyon na siyang nakpapatigil sa pakikipagpatintero ko sa kanila. "What did you say?" Baling ko sa maliit na babaeng ay freckles sa mukha, nakasalaming itim na ang pangalan ay Maddy ayon sa reporter's i.d niya. Napigilan silang lahat. Hindi ko nagustuhan ang tanong na iyon ng babae. Umarko ang isang kilay ko sa kaniya. "I am asking kung bakit biglang si MAxine Del Mundo ang mukha ng Magazine for the MArch Issue ng LA Vienna. Hindi ka man lang ba na-treathened sa kaniya? Bakit hindi mo pinaglaban ang posisyon mo? For the body and looks ay mas angat ka naman sa kaniya, ah." "What are you talking about? Would you please stop comparing people, huh? Iba ako, ba rin si Ms. Maxine at kahit na sino pa 'yan ay hindi niyo dapat pinagka-clash. " Sa inis ko ngayon ay parang gusto ko nanag sabunutan ang maliit na reporter sa harapan ko. "Wala na ba kayong makuhang ibang scoop ha? Pag-aawayin niyo pa kami sa lagay na 'yan. I'll be honest with you guys, wala akong problema regarding Ms. Maxine, I respect her just like anybody else. Hindi niya kasalanan kung siya ang inilagay ng Management sa posisyon na madudungisan ang pangalan niya. May explanation ang mga nangyari at kung ano man 'yon ay hindi ko idi-disclose sa inyo." Muli ay kinuha ko ang aking mga damit, nakipaggitgitan sa mga makukulit na TV personnels. Ngunit hindi naging gano'n kadali 'yon dahil masyado silang marami para sa isang tulad ko. Mabuti na lang dahil nagmalasakit na ang dalawang guard at ilang empleyadong Hotel na tulungan ko. I feel suffocated, nakakapagod mag-explain sa mga taong tulad nila dahil kahit na sincere at bukal sa kalooban mo ang sabhin sa mga ito ayhindi sila basta nakikinig. Napabuntong-hninga na lang ako, ilang taon na akong stress sa trabahong ito. Kapag nakaipon ng sapat ay magqu-quit na ako, magbu-bussiness na lang ako. Agad kong inilatag ang sarili sa couch the moment na maabot ko ang suite, nakahinga rin ng maluwag sa wakas. "Ba't ang gulo ng buhay ko?" Napatanong na lang ako sa sarili. Papikit na sana ang mga mata ko nang bigla kong maalala si Jethro, matapos ang insidente kanina ay hindi ko na siya na-update pa. [Hi! I'm already at my Hotel Room, the shoot got ruined . . .for me. I'll be back home soon. Please tell Jenny na lalabas kami pag-uwi ko.] Message sent. But then, my call ringtone pop up, it was someone I least expected to call me. It's was Sally, the nerve of her to call me. Maybe she heard what had happened, pero grabe naman kung gano'n kabilis-- kaso yung media nga minuto lang naging bilang bago nasagap ng mga radar nila ang issue. Si Sally pa kaya na may mga antenna sa iba't-ibang sulok ng lugar. [What do you need?] Bungad ko sa tawag niya, walang kasaya-saya sa boses ko. I even rolled my eyeballs looking upward. [H-help, can y-you c-come in my room. It's 087] Nangunot ang noo ko, inilayo ko pa ang cellphone, tinignan kung sino ba talaga ang caller. Nakapagtataka ung si Sally talaga ito, she's not someone whose going to ask for help. Caller Id: Sally the witch. [Anong pakulo naman 'to ngayon, huh? 'Wag ngayon, Wala ako sa mood] sabi ko, balak ko nang ibaba ang tawag nito nang biglang dumating ang babae. [Help, my tummy's aching, I-I don't know what to do.] [A-ano?] [I said I need help, Argh...] Nailayo ko ang cellphone ng biglang sigaw na lang ang narinig ko mula doon. Hindi na rin nagsalita pa si Sally, hindi ako nagtanong ng kahit ano pa. SA isipan ko'y hindi ko naman dapat problemahin ang bagay na 'yon, karma niya 'yon dahil sa ginawa niya sa relasyon namin ni Derek. Kung hindi naman niya inilapit ang sarili niya ay siguradong maayos sana ang naging pagsasama namin. I chuckled. But then, I realized that this is not me . . .who thinks bad to anyone. And as a responce to the guilt I felt, I jump up of my seat and rushed to the room number she gaved. They sinned to me, but aparently not the child on her belly. Kumatok ako, but to my surprise I found the door unlocked. Hindi na ako nagdalawang-isip pa't dumiretso na sa loob upang hanapin si Sally. Ngunit sa gulat ko ng makita ito ay hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ako, nakahandusay siya sa sahig, may malay ito ngunit hindi ganoong kalakas. At ang mas nakakagimbal pa ay ang basag na base sa tabi nito may malaki sugat siya sa may ulo na nagdurugo rin. Bukod ro'n ay nang pahapyaw kong igala nag mata sa paligid ang napansin kog magulo ang ilang gamit na para bang may nag-away roon. A-ano'ng nangyari?" tanong ko, iniluhod ko ang tuhod upang maagapan siya. "G-get that broken v-vase away from me," sabi niya na sinunod ko naman. Then, another moment, she gasped and clutch, she said her belly ache. "What the f@ck happened her? I-I call the police." Tumayo ako no'n upang hanapin ang telephone to call Hotel Staff when the door swung open. "D-darlene? What are you doing here?" Bungad na tanong sa akin ni Derek. "S-si Sally--" "Arrghhh..." Mabilis pa sa alas kuatro ang naging responce ni Derek sa pagsigaw ni Sally, iniwan niya ako't agad na tinungo ang kinalalagyan nito. Kitang-kita ko kung anong klase ng affection ang binigay niya kay Sally, that he forgets to do for me for our past last two years together. Pareho kami ng naging unang tanong pagkapasok agad ng silid. Ngunit kung kanina ay hindi ako sinagot ni Sally ngayon ay kabaliktaran ang ginawa niya sa harapan ni Derek. "She attacked me!" Nanlaki ang mga mata ko ng ang daliri nito'y nakaturo sa akin. I'm just here to help.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD