"Sandali naman po, bakit hindi niyo ako pagsalitain? I need my lawyer." Hindi ko inaasahan na ang pagtulong na ibinigay ko ay siyang maghahatid sa akin sa problemang ito. Gusto ko lang naman tumulong!
Isang oras ang lumipas, mabilis ang naging responde ng mga Pulis sa pagtawag ni Derek. Ngayon ay papunta na ang dalawa sa Ospital habang ako ay sa presinto dadalhin. Ng ako lang?
Naguluhan ako dahil alam kong wala naman akong ginawang masama, hindi ako ang dahilan kung ano ang inabutang sitwasyon ni Derek.
''Wag na kayong pumalag pa, Ma'am. Sumama na lang po kayo para hindi na lumaki ang usapan na ito," Ani ng isa sa naka-unipormeng Pulis.
Napabuga ako ng dahil, "Sandali nga, parang Mali naman 'tong ginagawa niyo, gano'n-ganon lang? Teka, do you really need that handcuff?"
"Sorry Ma'am, pero kayo ang prime suspect sa attempted murder kay Ms. Sally."
Napanganga ako sa tinuran nito, then I scoff. Ano'ng kalokohan ito? Ako na kahit langaw nga ay hindi magawang pumatay, pagbibintangan pang nagtangkang pumatay ng tao?
"Sandali nga muna, mga Pulis ba talaga kayo? Ano'ng ebidensiya niyo na makapagpapatunay na may kinalaman ako sa nangyari, huh? Hindi pa nga five minutes ang lumipas sa pagdating ko rito nang dumating din 'yung lalaking tumawag sa inyo eh. Paano naman magagawa lahat ng ito sa gano'n kabilis na minuto," panay ang pagsasabi ko ng aking saloobin kahit na hindi ko na rin maitago ang panginginig ang aking palad sa nerbiyos.
Hindi pa tuluyang natatapos ang ibang isyu ko tapos ay meron na naman, at sobrang bigat pa ng isang ito ngayon.
"Wait, for sure there are CCTV outside, 'di ba?" Napangiti ako, yes tama, that can be a solid evidence na makakapagpatunay na wala akong kasalanan.
"We'll check on that Ma'am. Pero ngayon po ay kailangan namin ang kooperasyon niyo."
Napabuntong-hininga ako, mahirap 'to pero sige sasama ako. Hindi ko naman kailangang matakot dahil alam kong inosente ako.
Sumama ako, leaving my things. Ni hindi ko nagawang tawagan si Helsey, lalo na si Jethro. Tiyak na magugulat ito kapag sa telebisyon niya nalaman ang balita. Hindi na ako nakapalag sa pagposas nila sa akin, tinakpan nila ang mukha ko. Thankful ako na inisip nila ang dignidad ko pero kasi, hindi naman ipinanganak kahapon ang mga tao ngayon. Sigurado akong may mga lalabas agad na blind items and clues. For sure, may sasagot ng pangalan ko.
Hindi nga nagtagal ay narito na ako sa pribadong maliit na silid kung saan kinuwestiyon ako ng babaeng Pulis tungkol sa nangyari. Ngunit kahit anong paliwanag ko'y hindi naman siya naniwala.
"Babalikan kita mamaya, dito ka lang at 'wag na 'wag kang aalis, naintindihan mo?"
Tinignan ko lang siya. Hindi naman ganoong kasikat ang pangalan ko bilang isang Modelo pero nagawa ko ng lumabas sa ilang commercial at Ads, pero ang relasyon sa mukha ng PUlis ay parang hindi niya ako Kilala. Hindi ko naman sinasabi na dapat ay bigyan niya ako ng especial treatment, nagulat lang ako na professional siyang nakipag-usap sa akin, walang halong pag bypass o pa-VIP.
Wala akong phone na hawak, hindi nila ako hinayaan na tumawag ng lawyer ko? Bigla kong nakagat ang daliri ko, hindi ko man lang naisip na sabihin iyon sa babaeng Pulis kanina. Ngunit imbes na magmukmok, tumayo ako, mag-ikot-ikot sa loob ng maliit na silid. May malaking salamin sa harapan ko, alam ko na 'to eh. Two way mirror ito connected sa kabilang kwarto kung saan ay may nagmo-monitor sa galaw ko.
Nagkunwari ako na nanalamin, inayos ang buhok at saka umalis doon at sa may tapat ng CCTV sa itaas naman nagtungo.
'May sounds kaya ang CCTV na 'to? I-request ko kaya na makuha ang phone ko? For sure ay nakuha na nila 'yon, o kahit makitawag na lang.' Sa isip ko.
"Naku! Ang hirap naman nito, eh kung mag-eskandalo na lang kaya ako rito?"
Ang dating tumatakbo sa utak ko ngayon, isa na ay ang pagresolba kung ano ang motibo ni Sally sa pakana niyang ito. Don't tell me, inggit na naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.
Ngunit hindi na natapos pa ang pag-o-overthink ko ng bumukas ang pintuan, dalawang lalaking Pulis ang pumasok at sinabi sa akin na ililipat nila ako question room dahil gagamitin na raw ang silid na kinaroroonan ko ngayon. Mukha naman silang mga legit na Pulis kaya agad akong sumama.
Nakikipag-usap nga ako sa kanila habang naglalakad, kahit na medyo awkward dahil hindi naman sila sumasagot. Hihiram sana ako ng Cell, pero mukhang 'wag na lang.
"Teka mga sir, saan na po ba 'tayo pupunta? Parang ang weird na nitong lugar na pinupuntahan natin." Dahil sa naka-badge sila pang-pulis ay hindi naman ako ganoong nag-aalala.
"Sige, pumasok na ho kayo."
'Wait? What? Kailangan kong pumasok riyan? Eh, mukhang bodega ang lugar na 'to ah.'
"Seryoso po kayo? Diyan ako papasok? Sandali, ano bang mayro'n sa silid na 'yan? At saka, bakit parang wala namang gano'ng napunta sa gawi na ito ng istasyon niyo?"
"'Wag ka nang maraming dada pa, pumasok ka na lang kung ayaw mong masaktan pa kita!" Ani ng medyo may malusog na katawan. Napaatras nga ako ng bahagya sa dalawa, hindi na ata tama ang nangyayari ah.
"Bumalik na lang siguro tayo-- Ah, aray!"
Hindi ko pa man natapos ang sinasabi ko'y buong dahas na nila akong ipinasok sa silid. Walang ano-ano'y itinulak na lang nila akong basta sa sahig.
"Ano bang ginagawa niyo? Kung ano man ang balak niyo sa akin ay 'wag niyo ng ituloy! Hindi niyo ba 'ko Kilala? Kapag nawala ako o kaya'y may mangyaring masama sa akin ay tiyak na malalagot kayo!" Pagbabanta ko sa kanila kahit na ang totoo'y halos maduwal na ako sa nerbiyos, itinago ko na nga ang panginginig ng kamay ko.
"Isa pa, mas malalagot kayo sa asawa ko. Kaya puwede ba, ilabas niyo na ako rito, baka sakaling magbago ang isip ko'y hindi ko na lang kayo isumbong."
Ngunit mukhang walang epekto ang lahat ng iyon sa kanila, tumawa lang ang mga ito mas lalong nagmayabang sa harapan ko. NAgpalinga-linga ako, naghanap ng kung ano'ng puwedeng magamit na pang self-defense. Pero Wala naman akong nakitang kahit na ano sa harapan ata magkaabilang gawi ko.
Ilang beses akong nagsubok na sumigaw pero isang masakit na sabunot lang ang natamo ko.
"Tama na 'yan, ako na ang bahala sa kaniya."
Nagpamulat na lang ang mga mata ko sa narinig, kilala ko ang boses na 'yon hindi ako puwedeng magkamali.
"Sige po, boss. Tumawag na lang po kayo kapag may kailangan pa kayo." Iyon ang sabi ng dalawang buwaya bago isinara ang pintuan, at saka silla umalis.
Hindi gano'n ka liwanag sa loob, nakakalula pa ang ilaw na nagbibigay liwanag sa amin. Papaano'y paroon at parito maging ang anino ko.
"Good thing you're here."
Napalunok ako ng aking laway, hindi ko pa man tuluyang nasisilayan ang may-ari ng boses na 'yon ay parang gusto ko nang tumakas.
"D-derek. Ano'ng kailangan mo sa 'kin?"
"Hulaan mo." Nang subukan kong tumitig sa kaniyang isang nakakalokong ngiti ang iginawad nito sa akin.
'Help. Help!' sigaw ko sa aking isipan. 'Jethro.' walang ibang isinigaw ang utak ko kundi ang pangalan ng aking asawa.