"Stop it, Derek! Ano ba!" Pilit kosiyang itinutlk papalayo sa akin. Kung noon ay halos ayaw kong mawalay sa piling niya, ngayon ay ayaw ko nang makalapit pa sa kaniya kahit na katiting.
Hindi ko na gusto ang pagdantay ng kaniyang katawan sa akin.
"Hindi Ikaw Ang masusunod, Darlene. Gagawin ko kung ano ang gusto, wala akong pakialam sa sasabihin ng Uncle ko. I'll give him the privilege to hit me after this. Mas nangangati ako ngayon na masaktan ka." Iyon ang sabi niya. Hindi ko maintindiahn kung ano ang pinakasadya niya lalo't puwede naman kaming mag-usapng maayos kung nais niya, bakit kailangan na dito pa sa madilim at patagong silid.
"Kung tungkol ito kay Sally, please Derek, let me defend myself. I didn't harm her. H-hindi ko rin alam kung papaanong ma-explain ng maayos ang lahat basta ang alam ko'y inosente ako sa nangyari sa kaniya."
"Liar!" Mula roon ay sinakmal niya ang leeg ko gamit ang kaniyang malakas ng kamay. Nahirapan akong huminga, walang magawa ang bawat pagpalo ko sa braso niya.
"D-Derek!"
"That's why I dumped you, dahil maliban sa pagiging walang kwenta mo ng matres mo'y dakilang sinungaling ka pa!"
Ininda ko ang pagbalya niya sa akin, unang tumama ang balak ang ko sa sahig kaya masakit talaga. Pero Wala na atang mas sasakit sa pagbabalik niya sa akin ng tungkol sa pagiging inutil kong babae.
"Argh! Damn it!" Pagsigaw pa nito. Nagpabalik-balik siya ng paglalakad sa, nasa batok ang isang kamay, madilim ang aura.
Ano bang balak niyang gawin sa akin? Balak niya ba akong pat@yin pagkatapos ay palihim na ipatapon sa mga taauhan niya? Hindi na ba ako makakabalik sa trabaho ko? Sa pamilya ko? Paano sina Jethro at Jenny?
Dahan-dahan akong tumayo, ang isang kamay ay humahagod sa isang braso na medyo nakararamdam ng sakit. Mukhang nagkaroon na rin iyon ng pilay.
"Mag-usap tayo ng maayos Derek, hindi sa ganitong paraan."
"Do you think, I'll let you live? Walang pag-uusap na mangyayari dahil sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas ng buhay dito." Napangisi siya.
Sabi ko na, tuliro si Derek, alam kong kapag nakakaramdam siya ng stress or depression ay nagiging aggressive siya o 'di kaya'y mapanakit.
Pero hindi ako dapat na mataranta, walang maitutulong sa sitwayon ko 'yon. "May nangyari bang masama kay Sally? Sa baby niya-- I mean... Ninyo?"
Minataan niya ako ng masama, ilang Segundo ang makalipas ay siya na rin ang nag-iwas ng tingin at lumayo sa akin. Ako na sumakit bigla ang lalamunan ay nakahawak na sa aking leeg, na para bang may maitutulong iyon upang maibsan ang nadarama.
Kailangan kong makaisip ng paraan, kahit na nasa 30% lang ang tsansa ko na makuha ang loob ni Derek ngayon. Hindi siya maaaring lumagpas sa limit na kaya ng pasensiya niya, he'll turn monster kapag nagkataon.
Inayos ko ang sarili ko. "LooK, Derek, hindi ko alam kung ano na ang sitwasyon mula rito. Hindi ko alam ang tungkol kay Sally, is she okay or not? But please, be fair to me, kahit ngayon lang. Hindi mo nagawa 'yon sa akin noon, but I'm asking it to you now. Calm down, and let's solve this."
I am trying to settle things, sana'y gumana.
Umiling-iling si Derek na para bang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi, na wala siyang planong makinig sa akin.
"'Wag mong guluhin ang utak ko. And don't play with me with your guilt trip!" Napa-igtad ako sa pagdagundong ng boses nito sa kabuuang silid. He's starting to become a monster.
At wala pa nang segundo ay muli na naman akong nasunggaban ni Derek, nanlalaki ang kaniyang mga mata, puno ng poot ang mga iyon na nakatingin sa akin. "You know how much I wanted a child, and if anything happens to my only hope to have one, I will make sure to put your life in hell no matter what!"
I was choking when he let me go. Mukhang wala akong pag-asa na makausap siya sa matino niyang kaisipan. Pinagdarasal ko na lang na sana'y makalabas pa ako ng buhay dito.
'Jethro.'
"Tama na Derek, p-please."
He chuckled, na para bang nakikipaglaro lang ako sa pagsusumamo sa kaniya. "Kung nabigyan mo lang sana ako ng anak, baka sakaling Hindi Tayo humantong sa ganito."
Hirap man sa paghinga'y pinilit kong itayo ang sarili, ang kamay sa aking leeg habang lumilingid ang luha sa mga mata.
"Yo'n ba talaga ang dahilan ng lahat ng ito? B-bakit ginusto ko bang hindi magka-anak? Are you really that dumb, Derek, huh? Gustong-gusto ko rin magka-anak, magkaroon ng matatawag na pamilya. Sino bang may ayaw ha? Bakit naging kasalanan ko? Alam mo kung ilang beses ako nagdarasal sa bawat araw para lang magkaroon ng silbi ang matres ko. You, stupid, ang kapal ng mukha mong isumbat sa akin 'yan. Ang sabihin mo, ginusto mo naman talagang lumandi, na magpa-uto sa Sally na 'yon. 'Wag mo nang isisi sa akin ang kalokohan mo."
"What?!"
Hindi na ako umilag nang itaas niya ang kamay sa akin. Eh, ano kung magkaroon ako ng maraming pasa sa katawan. Bugbug#n niya na ako, gano'n din naman. Mas masakit pa nga ang mga sinasabi niya kaya sa physical na sakit na nadarama ko ngayon. "Sige, saktan mo pa ako. Saktan mo 'ko hangga't gusto mo. 'Yan na lang naman ang kaya mong gawin sa akin, hindi ba? Go! Hanggang sa magsawa ka, Derek. Kung gusto mo patay#n mo na 'ko ngayon din. As if naman may maghahanap sa akin. Ayan, sige sampalin mo 'ko."
Ako na ang nagpadaop-daop ng kamay niya sa pisngi ko. GIving him access sa gusto niyang gawin. "Just make sure na hindi mo 'ko bubuhayin, dahil kapag nangyari 'yon I'll be your biggest nightmare, Derek."
"And what the hell are you talking about?"
"I don't know, I don't know..."
"Sisipsip ka sa Uncle ko? Nagpapakasasa ka sa pagbigay sa kaniya ng kat@wan mo, just for what? His money? Our wealth na hindi mo nakuha sa akin? Hindi ka lang walang kwenta Darlene, gold digger ka na rin."
Hindi ko na napagtuonan ang mga sinasabi niya, naba-blanko na ang utak ko.
Hindi ko na gano'ng nararamdaman ang lakas sa kamay ko, nanginginig 'yon habang nanlalabo naman ang paningin ko. At tila ba ako nakikipagkarera na sa paghinga ko.
"I-I don't know."