"Sa wakas, ito na ang last na gagawin mo rito. Puwede na tayo umuwi once natapos na 'to. Ayaw ko nang magtagal pa rito, ang toxic ng mga tao." Tila ba bubuyog ang Manager ko habang nililigpit ang mga gamit namin.
Hindi ako sumagot pero napatango-tango ako, tama naman siya sa sinabing niyang yon.
"Paano 'yung after party?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi mo kailangan 'yon, bakit sumali ka ba sa competition, nanalo ng medalya para magdiwang, huh?" Itinigil niya ang ginagawa't hinarap ako, ako na busy sa aking cellphone habang nagsasagot ng Sudoku.
Nang mapansin nito na hindi naman ako nakikinig ay lumapit siya't mas binungangaan ako. "Pagbalik natin sa Opisina ihahanap kita ng Personal Assistant, glam team at bodyguard. Fix ang salary ko para sa pagiging Manager lang, pero ang trabaho ko parang sa apat na propesyon ha."
Nakapameywang na ito ngayon.
"Bakit naman nauwi ang usapan tungkol sa mga 'yan, kaya naman nating dalawa ah." Itinigil ko ang ginagawa't may pagpapa-cute na tiningala siya, baka sakaling maalis ang init ng ulo nito.
"Dahil naiinis na ako!"
"Ano bang gusto mo? Gusto mo ba ng makakain? Oh di kaya magpahinga ka na lang rito, ako nang bahala sa mga 'yan."
Hindi ko maderetsa sa kaniya na ang gusto kong sabihin ay hayaan niya na ako't kaya ko naman ang sarili ko. Magpapaassist na lang ako sa ilang staffing Hotel upang magbitbit ng gamit ko patungo sa labas. MAgb-book na rin ako ng masasaktan patungo sa Location.
"Ang gusto ko ay peace of mind, Darlene. Ayaw ko ng stress, naiintindihan mo ba ako? Kaya as your Manager ay ako na ang masusunod. Mag-h-hire ako ng mga staff na kailangan mo.
"Dapat una pa lang ay may mga sariling staff ka, ano bang ginawa ng dati mong Manager para hayaan na ganito ang sitwasyon mo?" Hindi pa rin ito natigil sa pagsasabi-sabi niya.
"'Yon kasi ang gusto ng ex ko, gusto niyang maging dependent ako sa kaniya at sa sarili ko. Bawal kahit Personal Assistant."
Ang kaninang salubong na mga kilay ni Helsey ay biglang kumalma, muli siyang humarap sa akin, nakatitig ng malalim.
"B*bo ba siya?" Mamaya'y tanong nito sa akin.
Natawa ko sa tinuran niyang 'yon, sumagot ako ng oo, pero sinegundahan ko ng katotohanan na mas b*bo ako sa pagpapa-uto roon.
"Fine, I know the background story of this, I understand . . . Pero-" Itinuro niya ako. "It's my decision now, Darlene. And I promise to help you the best way I can."
"Weh? Eh baka mamaya spy ka pa rin ni Sally." Pang-g-good time ko rito.
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin, nameywang pa ito with matching pag-angat ng kabilang dulong labi niya.
"Just kidding, alam ko naman kung nakanino na ang loyalty mo ngayon, eh." Tumayo ako't lumapit sa kaniya. Minasa-masahe ko ang kaniyang likod na para bang chopping board 'yon.
Nagpaalam si Helsey na lalabas saglit upang maghanap ng store na mabibilhan ng bagong charger para sa kaniyang Laptop. Bigla na lang daw kasing hindi gumana ang charger niya, masaklap pa'y hindi rin compatible kahit charger na dala ko sa gadgets niya.
Ako naman na na-bored sa loob ng suite ay lumabas saglit upang lumanghap ng sariwang hangin. Two hours from now pa naman ang byahe namin papunta sa susunod na Venue kaya may time pa ako na magliwaliw.
Isang Medium size Matcha frappe at crossini ang order ko mula sa mini pastry bar ng natural hotel, actually hindi ko in-expect na may ganitong section sa hotel na ito eh.
Pakiramdam ko ay dinadala ako ng leaf-like taste ng kulay berde na inuming napili ko. I can't say no to this flavor, eversince ay Matcha lover na ako. Partner-an pa nitong Crossini, titirik na lang talaga ang mata ko sa satisfaction.
Pakagat na ako ng isa pa nang maisipan kong kuhaan iyon ng litrato, sabay post sa social media na may caption na, "A day with myself."
Hindi pa nga limang minuto ay nagkaroon na iyon ng likes and hearts, may comments na rin na nagpop-up pero dinedma ko, siguradong may nakasingit na negative comments na naman doon.
Kababalik ko lang sa pag-e-entertain sa sarili ko ng dalawang babae ang lumapit sa akin at nanghingi ng selfie, nag-aalangan ako ngunit kung i-take down ko 'yon ay mukhang mas malaking problema pa ang kaharapin ko.
I took the other girl's phone, ginamit ang back camera't nag-pose sa tabi nila.
Ito ang pinakalatest na pakikipag-selfie ko sa fan . . . kung fan nga ba talaga isa, for almost a month now.
"Salamat po, Ma'am Darlene," sabi no'ng nakasuot ng white t-shirt na may ternong padded pants. Naka-bagpack pa ito, na mukhang laptop ang alam. Walang trace ng school I.d, ah, mukhang nagta-trabaho na ang isang to.
Halos magkasing height lang ang dalawa, ang pinagkaiba lang ay mas maayos tignan ang panamit ng isang babae. Nakalugay lang ang buhok nito, naka-maxi dress na may design na butterflies, hindi back pack ang dala niya kundi isang pink na sling bag.
"Ang ganda niyo po, Ma'am, grabe nakaka-starstruck po." 'Yong babaeng mas babae tignan ang nasabi. Nginitian ko lang siya. Pagkuwa'y muli kong ibinalik ang tingin sa aking cellphone, hinayaan ko na silang makaalis matapos na magpaalam sa akin.
'For sure ay bashers lang ang dalawang 'yon.' Sa isip ko.
...
Ang theme para sa huling photo shoot na papasukin ni Darleen ay sexy hot babe. Kung saan ay bra at undies lang ang tanging magtatakip sa kanilang mga katawan. Nakaready na si Darlene para sa kaniyang outfit. Napunta sa kaniya ay ang ternong red top to down. Mas lalong umusbong at bumilog ang kaniyang dibd*b sa pagkakapush ng bra suot. Sinecure ni Darleen na maayos ang lace niyon, pati na rin ang undies. Nakailang ikot pa nga siya sa harapan ng salamin upang i-check ang sarili.
"Ayos naman akong tignan, di 'ba?' tanong nito kay Helsey na nakatungo lang din sa kaniya.
"Oo, Ikaw Ang pinakamaganda rito," sabi pa nito kay Darlene.
Hindi ito tumugon sa sinabi ni Helsey dahil tiyak siya na pinaglalaruan lamang siya nito. Ngunit nang magawi ang kaniyang mga mata sa ilang Modelo na kasama rin sa dressing room ay biglang siyang sumiryeso. Mukhang hindi rin matanggap ng mga ito ang sinabi ni Helsey.
Isa sa nakasama niya noong nakaraang shoot ang kasama pa rin niya ngayon, at 'yong isa na bago sa paningin niya ay hindi niya mawari kung saan galing. Hindi pamilyar sa mata niya.
'Kung bakit ba naman kasi Collab pa ang project na ito eh, ang hirap mag-adjust.'
"Ah, puwede mo kaya akong ibili ng iced Americano? Parang gusto kong magkape kasi." Baling ni Darleen sa Manager.
"Magtubig ka na lang. Meron ako riyan."
Umiling-iling si Darlene sabay sabing mas gusto niya ang Iced Americano.
"Fine, pero ngayon lang 'to ha." Malumanay na pagpapaalala ni Helsey sa talent.
Pinagdaop naman ni Darlene ang mga palad na tila ba nagdarasal, ngunit ang purpose talaga no'n ay magpasalamat rito.
"Hay naku! Grabe naman talagang taas ng self-confidence 'yan 'no? Akalain mong pati Manager niya eh binabayaran para lang magsabi ng kasinungalingan."
Tumawa ang dalawa pang talents na kasama ni Darlene sa silid, walang pakialam sa mga make-up artist na nag-aayos sa kanila.
Kakalabas lang no'n ni Helsey, kaya nakakita ng tiyempo ang mga babae upang libakin si Darlene.
"Ang lakas ng loob, samantalang ang perang ginagamit niya ngayon ay galing lang naman sa Ex niyang mayaman." Putok na putok ang blush on ng isa, nagpupumilit ito na ilagay iyon ng make up artist kahit na hindi naman babagay sa get up niya.
"Kaya nga, ng dinig ko pa nga eh niloko pa raw niyan ang mapapangasawa niya dapat. Akalain mo 'yon, nagawa pang lumandi sa iba." Walang bahid ng tagtatago sa boses ng ikalawang babae, talagang ang nais niya'y mainig ng lahat na naroon ang sinabi niya.
Ang mga make up artist naman ay hindi na nagawang maging neutral pa saloobin tungkol kay Darlene, nakikisawsaw na rin sila.
'Hindi na ba talaga matatapos ang mga pambabatikos na ito? Kailan ba ako papaharapin ng Kompaniya sa media upang makapaglabas ng saloobin ko.'
Ngunit imbes na makipagtalo o sumagot pa'y mas minabuti ni Darlene na manahimik. Tumayo siya upang kunin ang sarili make up kit sa bag na nasa separate na upuan sa likuran niya. Alam na niya ang mangyayari, walang make up artist ang aayusan siya lalo na ngayon at bine-bainwash na ng kasama niya sa silid ang dalawang artist na available. Kabisado naman na nito ang mga dapat na gawin sa sarili kaya walang magiging problema pa rito.
"Tara na Carol, mauna na tayo ro'n, ikaw, sumunod ka na lang. Hindi ka na namin hihintayin pa." Iyon ang sabi ng isa sa mga babae bago umalis.
Dahil sarili nga lang niya ang kumikilos para sa kaniya ay mahuhuli talaga ito, kailangan niya pang maghabol, hindi niya pa naayos ang buhok.
Pinilit na makahabol ni Darlene, sampung minuto lang ang kinailangan niya upang mas maayos ang dapat na ayusin. At isang huling pagsulyap ang ginawa niya sa salamin upang i-check ang hitsura.
'Laban lang Darlene, kaya mo 'to." Aniya sa sarili. Subalit ang determinasyon niyang iyon sa sarili ay naglaho ng hindi niya nabuksan ang pintuan. Na kahit na ano'ng pihit niya ro'n ay nanatili iyongsarado.
"Ano'ng nangyari?" Sumisigaw siya, kinakalampag ang pintuan, nabakasakali na baka may makarinig mula sa labas.
"Tulong, may tao rito. Paki-buksan ang pinto."