"Yeah, that's it ganyan nga. Pose to the left side, yeah konting daring lang 'wag masyadong i-over project."
Sunod-sunod ang pagpitik ng lente sa mukha't katawan ng mga Modelo para sa unang batch ng LA Vienna Project. Tatlo silang nasa harapan ng sikat ding photographer na si Davidson, at isa sa mga maswerteng model ay si Darlene.
Suot niya ang pantalon na fitted sa kaniyang legs at binti, mayroon iyong tastas sa may bandang itaas kaya naman sumisilip ang mapang-akit nitong legs sa mata ng mga taong naroon. Ang top niya ay isang kulay itim na half blazer na mayroon lamang isang butones na siyang nagdudugtong rito upang maitago ang kaniyang dalawang malusog na dibdib. Wala siyang suot na bra maliban sa n****e tape na inilagay upang hindi bumakat ang kaniyang it*ng. Litaw na litaw ang cle*vege nito sa tuwing yuyuko sa harapan ng camera.
Napakasexy ni Darlene, lumalabas ang kakaibang ganda nito mula sa facial hanggang sa katawan niya. Tunay ngang mahusay ang babae sa kaniyang larangan. Kaya niyang maki-blend sa ibang kasamahan kahit hindi niya naman kilala ang mga ito.
Ngunit ang problema nga lang ay hindi siya ang Lead model para sa lalabas na MAgazine ng susunod na buwan. Ngunit kahit na gano'n ay buo pa rin ang determinasyon ni Darlene para sa sarili. Malawak ang kaniyang kaisipan sa gano'ng bagay sa kaniya'y lahat ng nangyayari ay mayroong dahilan.
Nakasuksok ang kanan na kamay ni Darlene sa kaniyang ikinulot na buhok, pa-hot niya itong hinawi. Ang kaliwang kamay naman ay sa may leeg niya, wari ba'y sinasakal niya ang sarili sa gano'n niyang hitsura. Labis na nangungusap ang mga mata ni Darlene sa kamera, ang kaunting pagkabuka ng labi nito'y mas lalong nagbigay ng mabangis na dating sa kaniyang aura.
"Perfect! Nice work everyone. We call it a day." Iyon ang sigaw ng mataas na nangangasiwa sa kanilang team.
Paano ba naman kasi, ang pagsisimula nila ng napakaaga ay inabot na nag takipsilim sa dami ng hininging shots ng kanilang photographer. Umabot hanggang tatlong set ng damit ang kanilang nasubukan.
"Thank you sir. Thank you po." Halos koryo pa ang ibang naroroon sa set sa pagsambit niyon.
Pumatak ang alas sais y media ng gabi, nakapaglinis na si Darlene ng kaniyang sarili sakto naman ang naging pagdating ni Helsey sa kaniyang silid. Buong akala nito'y aayain siya ng Manager na kumain ngunit sermon ang inabot niya. Nakita pala nito ang pinagbalutan ng pagkain na in-order ni Jethro para sa kaniya kagabi.
"Konti lang naman 'yon." Pagsagot pa nito na siyang nakapagpasalubong ng kilay ni Helsey.
"Konti? Eh halos isang bucket ang inubos mo. Naghanap ako ng left over at wala akong nakita Darlene, kaya tigilan mo ako sa kuwento mo ha."
Humaba na lang ang nguso ni DArlene sa sinabi ng kaniyang Manager sa kaniya. Wala na siyang takas pa rito, kahit ata tumanggi pa siya'y huling-huli na nito ang ginawa niya.
"Kagabi lang naman ako kumain ng maraming carbs, at saka hindi naman 'yon naka-apekto sa performance ko kanina eh. Kumasya pa rin sa akin 'yong mga pants."
"At talagang gusto mo pang lumusot? Kahit na gano'n ang nangyari dapat ay sumusunod ka pa rin, paano kung nagka-aberya sige nga. Eh 'di lagot na naman tayo sa Big Boss."
Nakapameywang na si Helsey habang naghuhuramentado pa rin sa inis sa talent niya. Grabeng frustrations na Ang nakuha niya mula sa nakatataas, maging sa mga directors ng Project pagkatapos ay dadagdag pa ang kakulitan ni Darlene sa mga iniisip niya.
"Fine, sorry na." Parang batang pagsambit nito.
"Sorry today, pero uulitin sa susunod."
"Hindi naman."
"Hindi naman..." Panggagaya ni Helsey sa tinuran ng talent niya.
"OO nga, hindi ko na uulitin. Sa susunod ay i-di-dispose ko ng maayos ang mga pinagkainan ko ng fastfoods o di kaya'y sweets. Promise, hindi ko na ipapakita pa sa 'yo sa susunod." Nangingising sabi pa nito.
"Darlene!"
Agad na tumayo sa kaniyang kinatatayuan si Darlene, tumungo sa likuran ng Manager saka ito paalalay na itinulak patungo sa pintuan. "Sige na, umalis ka na nga muna. Pagod ako, gusto kong magpahinga. Ang mabuti pa magchill ka muna, kung may balak kang puntahan, go na! Ayos lang ako rito. Hindi ko aalis, promise."
Nakipagmatigasan pa nga si Helsey, binibigatan niya ang katawan upang mahirapan siya sa pagtulak dito ng mabilis.
"I have eyes everywhere Darlene. You better not do anything na ikapapahamak mo, lalo na tungkol sa image mo. Marami ang nawala sa followers mo sa social media. May bashing pa kaya mas lalong maghahanap ang mga tao ng ikasisira mo."
'paano ba naman kasi, ako ang nadiin sa cheating issue samantalang ako ang tunay na biktima. Ito ang mahirap sa mundo ng pagiging isang Modelo, paano pa kung nag-artisa ako edi mas malala.'
Nang tamarin na si DArlene sa panonood sa tv ay tumayo siya't nagtimpa ng mainit na tsokolate na nakita niya sa garapon sa may side table. Alam niyang Wala siyang dalang gano'n na timplahin, hindi rin naman niya sigurado kung kasali iyon sa foods ng Hotel. Pero dahil sa natakam siya sa matamis ay tinikman niya pa rin 'yon. Paghahandaan na lang niya ang sermon na makukuha sa Manager kapag nalaman ang ginawa niya.
Madilim na sa labas, tanaw niya 'yon mula sa kaniyang balconahe. At nang sipatin niya ang orasan ay malapit ng mag alas-siyete y media ng gabi.
"Kaya pala parang nagugutom ako ha."
Kinuha niya ang cellphone, ni-dial ang Numero ni Helsey upang magtanong kung nasaan na ito't gusto na niyang magdinner.
'The number you are calling is out of coverage area, please try your call later.'
Nang hindi nga sumagot si Helsey ay kusa nang lumabas si Darlene sa kaniyang silid. Bumaba. At nagtungo sa dining area. Sakto ang punta niya dahil walang masyadong tao ro'n ngayon, agad rin siyang nakakuha ng puwesto't natawag ng waiter para sa kaniyang order. At dahil nga Wala ang Manager ay malaya niyanag napili ang gustong kainin.
"Ah, grabe ang sarap no'n," aniya sa sarili. Natapos siya with a heavy meal, balak niya pa sanang mag dessert ngunit pinigilan na nga lang niya dahil nag tsokolate na kanina baka biglang lumbo ag tiyan niya sa ilang araw na project lang na ito.
"Siya 'yon, 'di ba? 'Yong nawalan ng leading rights sa isang project kanina?"Girl one.
"Darlene ang pangalan, right?" Dugtong nito.
"Yes, siya nga 'yan. Masama raw kasi ang ugali eh, kaya gano'n ang nangyari."Girl two.
"Narinig ko nga rin, at isa pa, nasira ang engagement kasi nag-cheat daw. Grabe 'di ba?"Girl one.
"Hmm Hindi na nahiya, tapos may gana pang bumalik sa pagiging figure person, puro bashing na nga 'yan sa social media eh." Girl two.
"Talaga? Let me see." Girl one.
Napa-smirk na lang si Darlene sa naririnig mula sa kabilang table. Hindi na nga siya tinatanan ng issue na hanggang sa pagkain na hinahabol siya. Nang mailapat niya ang lipstick sa labi't naisipan na sa restroom na lang ituloy ang pagretouch ay agad siyang tumayo't pasimpleng nilapitan ang dalawang babaeng pinapapak siya ng tsismis. Nagtungo siya sa likuran ng isa't sinipat kung ano ang tinitignan nito.
Edited meme ng picture niya kung saan ay pinapakita kung paano 'raw' siyang nagloko sa kasintahan.
Napabuga na lang siya ng hangin, grabe ang effort ng mga taong naniwala sa kalokohan na 'yon.
"Patingin din ako." Sambit ni Darlene na siyang nakaagaw sa pansin sa isa sa babae na sumiko sa kasamaan niya upang ipahiwatig na nasa likod ako nito.
"Hindi ba masarap ang dinner niyo at ako ang pinupulutan niyo ha? Hindi nyo ko kilala? Puwes mas hindi ko kayo Kilala? Sino ba kayo? Saang agency ba kayo galing? Kaya niyo na bang tapatan ang ilang taon ko sa industriya ha? Kung oo, Sige hahayaan ko kayo sa pagkuwento tungkol sa akin. Tsk."
Halatang hindi nagustuhan ng dalawa ang inaasal niya, isang malaking pagtataray din Ang nakuha ni Darlene sa dalawa, nagkasagutan na ang mga ito.
"Sinasabi lang namin ang naririnig at nagbabasa namin, tanggapin mo na lang na marumi ang pangalan mo ngayon. Wala kang magagawa kung ayaw ng mga tao sa 'yo."
Parehong may hitsura ang dalawang babae, maputi parehas, maganda ang hubog ng katawan na masasabing may ibubuga naman talaga. Pero kung sa dami ng trabahong nagawa ay wala silang binatbat kay Darlene, mas malawak na ang mapuntahan nito sa pagmomodeling.
"Mas lalo namang ayaw ko sa inyo, quits lang. At kung pag-uusapan niyo ako tapos nasa paligid lang naman ako ay lakasan niyo na para naman hindi ako mahirapan sa pakikinig."
"Proud ka pa sa sarili mo niyan."
"T*nga ka ba? Sino ang magiging proud sa ganyang issue ha? Alam mo puro ka lang ganda 'no, Wala ka sa tamang pag-iisip." Pinagsalikop na ni Darlene ang kaniyang mga braso, para na rin mapigilan niya ang mga kamay na nangangati ng manabunot.
"How dare you!"
"Well, same to you," sagot ni Darlene sabay pag-irap sa dalawa. "Dami niyong napupuna sa ibang tao sarili niyo hindi niyo asikasuhin. Saka mo na ko laitin o sabihan ng kung ano kapag hindi na drawing ang kilay mo." Ang puntirya niya ay ang babaeng pasimuno ng usapan kanina. Sinunod naman niya ang kasamahan nitong mataas din ang attitude level.
"Chismosa peke naman ang ilong."