“Babe, how do you feel? May masakit ba sa'yo?”Maagap na tanong sa kanya ni Arnold pagmulat niya ng mga mata. "Anong nangyari?" "Bigla ka na lang hinimatay sa loob ng banyo," kuyom ang sariling kamaong anito. "I'm sorry, sweetheart, masyado yata kitang pinapagod this following days," may kalakip na guilt na dagdag nito. "Ayos lang ako," walang impresyon ang mukhang sagot niya. "Thank god, I was so worried about you—" "Huwag ka nang mag-alala pa, ayos lang ako bigla lang sumakit ang ulo ko kanina at nakaramdam ng pagkahilo," aniyang hindi makatingin dito ng diretso. "Please don't hesitate to tell me how you feel, sweetheart, hindi mo maiaalis sa akin na huwag mag-alala para sa'yo at sa kalusugan mo," "Huwag mo na akong alalahanin pa," Lumapit ito sa kanya at marahang sinalat ng

