“Dude, dumating na raw si kuya Franz mo,” masayang pagbabalita ni Jiro sa kabilang linya.
“Yeah! I have heard about that news. Plano ko ngang doon na tumuloy after kong ma-settle lahat ng gawain dito sa office,” wika niya habang masusi pa ring pinag-aaralan ang mga papeles na nasa kaniyang harapan.
“Hurry up! Nandito na kasi ako,” pang-iinggit pa nito.
Si Francisco, “Franz” for short ay first cousin ni Marco, mas matanda ito ng four years kaysa sa kaniya habang two years naman ang tanda nito kay Jiro. Si Franz ang nagsilbing tagapagtanggol ng dalawa sa mga bully kids kapag hindi kaya ng powers nila ang mga batang umaaway sa kanila.
“How is he?”
“He’s happily married, with a twin. Ikaw naman kasi Marco sabi ko naman sa `yo, find a girl and settle down,” pang-aasar pa nito na may halong pang-iinggit.
“Lol! Kanta 'yon, kulang na lang idagdag mo…if you want you can marry, look at me I am old, but I’m happy.” Sabay tawa nito nang pagak.
“Alam mo, baliw ka talaga!” naiiling na wika ni Jiro sa kabilang linya, sabay pindot ng end botton. Ayaw na niyang pahabain pa ang diskusyon nilang magkaibigan dahil alam niyong sa kabaliwan lamang mauuwi ang lahat.
Lampas alas tres na nang matapos ni Marco ang lahat ng gawain niya kaya naman quarter to five na nang makarating siya ng Valenzuela City.
Habang lilinga-linga sa bawat kalsadang kaniyang nadaraanan papuntang bahay ng kaniyang pinsang si Francisco ay hindi niya napunang napadaan na pala siya sa isang lubak. Laking gulat niya nang makarinig ng malakas na hiyaw ng isang babae. Nang tapunan niya ito ng tingin nang huminto siya ay nakita niya itong iiling-iling at pinagmamasdan ang kaanyuan na tila ba isang basang sisiw dahil sa tilansik ng tubig mula sa nadaanang lubak ng kotse niya.
“Kapag nga naman minamalas ka” naulinlingan niyang pagsesentimiento nito.
Agad naman siyang umimbis ng sasakyan para suriin ang sitwasyon ng babaeng hindi sinasadyang matalansikan ng tubig nang mapadaan siya sa lubak.
“Naku, sorry miss! Pasensya na, hindi ko kasi napansing may lubak pala,” paghingi ng despensa ni Marco. Habang pilit inaaninag ang mukha ng dalaga na natatabingan ng buhok nito, dahil sa pagkakayuko.
“Ayos lang, tutal ay pauwi na rin naman ako,” wika nito nang hindi man lang nag-aangat ng tingin upang sinuhin ang lalaki. Para bang takot itong alamin kung sino ito.
“Okay ka lang ba talaga, miss?” naninigurong tanong pa ng binata.
“Kakulit! Ayos lang talaga ako. So, you don’t have anything to worry about.” Hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin habang patuloy na pinupunasan ang damit na natalansikan.
Nang makakita nang tiyempo para umalis ay hindi na naisipan pang lingunin nito ang binata upang alamin kung tama ang kaniyang sapantaha. Dali-dali siyang sumakay ng trike na huminto sa harapan niya.
“Sorry miss, hindi ko talaga sadya,” pahabol pa ni Marco.
“Ang weird naman ng isang iyon, ni hindi man lang ako nakuhang tapunan ng tingin?” naisatinig na lamang ni Marco habang kakamot-kamot sa batok bago tuluyang sumakay ng kotse.
Kaysa maligaw, minabuti nang magtanong-tanong ni Marco, lalo na at hindi rin niya masyadong kabisado ang lugar.
Ilang sandalin pa ay natunton na rin ni Marco ang bahay ng kaniyang pinsan.
“Kuya Franz, long time, no see,” bungad ni Marco sa pinsan nito nang pagbuksan siya nito ng gate.
“Kumusta na my beloved cousin, Marcios?” nakangiting bati nito sabay yakap sa pinsan.
“Heto’t gwapings pa rin at wala pa ring kupas ang kakisigan kong taglay,” biro pa niya.
“Baliw! 'Yan ang na-miss ko sa 'yo, iyang mga hirit mo. Tara na nga sa loob at baka mahipan ka pa ng masamang hangin dito sa labas, tuluyan ka pang mabaliw.” At iginiya na nito papasok ng bahay ang pinsan.
“Hi Ate, mukhang may bisita yata kayo,” wika niya habang nakatingin sa mga basong nililigpit ng asawa ng kaniyang pinsan.
“Wala, wala kaming bisita, buwisito mana pa,” sabat ni Franz.
“H’wag mo nang pansinin `yang kuya Franz mo at hibang lang iyang isang 'yan,” nakangiti nitong wika.
“Ang totoo niyan, kakaalis lang niya kani-kanina,” dagdag pa nito.
Bigla ang pagpasok ng isang eksena sa isip niya na naganap lang kani-kanina habang binabagtas niya ang daan papunta sa bahay ng mga ito, marahil ang babaeng hindi sinasadyang natalasikan niya ng tubig ang tinutukoy nito.
“Is she wearing a maong pants and blue blouse?” hindi mapigilang tanong ni Marco, upang matiyak ang kaniyang hinala.
“How did you know na babae ang naging bisita namin? Wala naman akong naaalalang nabanggit kong babae ang naging bisita namin,” nagtatakang tanong nito.
“It is just a wild guest. Isa pa may nakasalubong kasi akong babae sa may labasan kanina at tingin ko ay galing dito. Kaya naisip kong baka siya nga 'yon,” paliwanag niya.
“Ahmm. Okay. Naka-blue nga ba si Xand?” Tila bini-visualize pa nito ang suot ng panauhin kanina.
“Forget about that ate. By the way, nasaan na ang mga cute babies ninyo?” Pag-iiba niya ng paksa.
“Late ka na, kakatulog lang,” singgit ni Franz mula sa kungsaan, saglit itong nawala upang kumuha ng kanilang inumin.
“Sayang!”
“Inom ka muna, kulang lang `yan sa tagay.” Kapag daka ay iniabot ni Franz ang hawak nitong baso.
“Maiwan ko na muna kayong magpinsan diyan nang makapag-usap kayo nang masinsinan,” pagkawika noon ay tinungo na nito ang kusina.
“I’ve heard na few months from now ay lalagay na sa tahimik si Jiro. Ikaw ba, wala ka pang balak na mag-asawa na rin?” At isang makahulugang tingin ang ipinukol nito kay Marco at matapos noon ay muling sumimsim ng inumin.
“It wasn’t already my plan couz. Isa pa, masyado pa akong bata para lumagay sa magulong buhay.”
Para kay Marco ang pag-aasawa ay hindi nangangahulugang paglagay sa tahimik na buhay, bagkus ay sa magulong buhay. Gaya na lamang ng sitwasyon ng isa sa mga kaibigan niya noong kolehiyo, imbes na mapirme at maging maayos ang buhay nito bilang pamilyadong tao ay tila lalo pang naging magulo.
He hated conflicts kaya nga hanggat maaari ay ayaw niyang maa-attach nang sobra sa mga nakakarelasyon niya dahil ayaw niyang magkaroon ng problema. Isa pa, hindi pa siya handa para sa bagay na 'yon dahil hanggang ngayon, he’s still searching for the right girl he wants to spend his life with.
Ayaw niyang magkamali sa babaeng mapipisil niyang maging bahagi ng kaniyang buhay dahil ayaw niyang magsisi sa huli at higit sa lahat, ayaw niyang maging miserable ang buhay niya sa piling ng taong hindi naman niya mahal.
“Wow! bata talaga? You’re not getting any younger, Marco. But one thing is for sure, oras na magtagpo ang landas ninyo ng babaeng nakatadhana para sa `yo, kesyohadong wala pa sa plano mo ang bagay na 'yon, you have no choice dahil kusa mong sisirain ang plano mo,” wika pa nito, pagkatapos ay muling sumimsim ng inumin.
“Maiba tayo ng usapan, 'di ba graduate ka sa isa sa mga kilalang unibersidad sa Bulacan?”
“Oo, bakit?” kunot noong tanong niya. Hindi niya tuloy maiwasang alalahanin ang nakaraang pilit niyang iwinawaglit sa isipan ngunit labis naman ang pagtanggi ng kaniyang puso.
“Same university kasi kayo graduate ng ate mo,” anito.
“Kaya pala parang pamilyar sa akin si ate, even before pa kayo ikasal, pilit ko ngang inaalala noon kung saan ko siya nakita,” wika niya habang unti-unting binabalikan sa kanyang alaala kung saan nga ba niya nakita ang asawa ng kaniyang pinsan.
Hanngang sa maalala na niya kung saan sila nito nagkita. Natatandaan na niya, isa ito sa estudyante sa klase ng kanilang instructor kung saan sila naki-sit-in para kumuha ng final exam. Isa iyon sa pinaka hindi niya malilimot na sandali sa kaniyang buhay.
Matapos ang kalahating oras nang pananatili sa tahanan ng kaniyang pinsan ay nagpaalam na rin si Marco sa mag-asawa.
Habang nasa byahe, hindi mawaglit sa isipan ni Marco ang eksena kanina sa daan kung saan hindi sinasadyang natilansikan ng tubig ang isang babae. Malakas ang kutob niya na ito at ang bisita ng asawa ng kaniyang pinsan ay iisa lamang at kung tama ang sapantaha niya, ang babaeng ito ang matagal na niyang gustong makita ngunit hindi pa muling inaadya ng pagkakataon. At sana nga, kung magkataon na taa ang hinalaniya, inaasam niya na sa muling pagbisita niya sa mag-asawa ay magpang-abot sila. Noon pa niya kasi ito gusting makita ngunit hindi niya alam kung saan at paanong magsisimula. At ngayon nga na may malaki nang tsansa na muling magkrus ang landas nila, sinabi niya sa sarili na wala na siyang sasayanging oras pa.