Chapter Five

2720 Words
Matapos maihanda ni Xandra ang lahat ng kakailanganin niyang gamit para sa buong linggo sa eskwela, dali-dali niyang hinarap ang kaniyang laptop at nagsimula sa na siya sa pagtipa ng mga letra. Nakapagtatakang dire-diretso lang sa pagdaloy ang mga ideya sa kaniyang isipan na nagnanais na humulagpos nang mga sandaling iyon.   She’s on the right mood na magsulat para sa kaniyang bagong novel, and the story is about her friend’s love story. Sino pa, kundi ang kaniyang best of friends na si Christine. Na-inspire kasi siya sa love story ng mga ito, kaya heto siya ngayon at ganadong-ganadong magsulat.   Mag-aala-una na nang magdisisyon siyang matulog kahit panay pa rin ang pagragasa ng ideya sa kaniyang isipan. Worth it naman ang kaniyang pagpupuyat pagkat nasa kalagitnaan na siya ng kuwento. Kahit pa nga gustong-gusto  pa niyang ipagpatuloy ang ginagawa ay hindi na rin niya itinuloy. Tutal ay mahaba pa naman ang oras niya kina-umagahan, puwedeng hindi siya lumabas ng bahay upang matapos ito, na sa tantiya naman niya ay kaya niyang gawin. Isa pa, araw naman ng linggo at walang pasok. Saka next week pa naman ang plano niyang pag-uwi sa kanila kaya wala siyang problema dahil kaniyang-kaniya lang ang oras niya mamaya.   Kina-umagahan, agad niyang hinarap ang ginagawa niya, at lumipas ang maghapon na nagkakulong lang siya sa kuwarto upang tapusin ang bago niyang nobela. Hindi naman siya nabigo dahil nakisama sa kaniya ang kaniyang mga brain cells kaya hindi siya nagkaroon ng problema. Sa loob ng dalawang taon ni Xandra sa larangan ng pagsulat ng romance novel ay ngayon lang siya nakagawa ng isang piyesa nang ganoong kabilis. At masaya siya ukol sa bagay na iyon.   Agad niyang ine-email sa kanilang editor-in-chief ang natapos niyang nobela. After a couple days ay nakuha na rin agad niya ang feed back nito patungkol sa bago niyang kuwento.   Xandra is on her way home to Bulacan lulan ng kaniyang sasakyan. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang binabagtas ang daan pauwi sa bayang kinalakhan. Mababakas ang labis na kaligayahan sa kaniyang mukha. Ilang buwan na rin kasi ang nakalipas mula nang huling beses siyang mauwi sa kanila.   Bago siya umuwi sa kanila ay napagdesisyonan niyang dumaan muna sa unibersidad kung saan siya nagtapos. Matagal na rin noong huli siyang maligaw rito. Isa pa, nais niyang dalawin ang mga taong naging bahagi sa paghubog ng kaniyang kaisipan at pagkatao.   “I missed this place!” usal niya habang papasok sa entrance gate ng unibersidad.   “Ang dami na rin pa lang nagbago?” dagdag pa niya. Malaya niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng unibersidad habang mabagal na pinapaandar ang sasakyan. Nang marating ang sadyang gusali agad niyang ipinarada sa parking area ang kaniyang sasakyan, at nang tangkang iimbis na siya matapos bukasan ang pintuan, “Outch!” impit na sigaw ng isang lalaki. Tinamaan kasi ito ng pinto ng kaniyang sasakyan nang buksan niya ito.   “Naku, sorry po, hindi ko po sinasadya.” Nagmamadali siyang bumaba ng kotse upang tingnan kung ayps lamang ba ito, kahit obvious namang hindi. Laking gulat niya nang mag-angat ito ng mukha at hindi sinasadyang maghinang ang kanilang mga mata.   She was sure about it, it was him, she misses for so long. At nang matauhan, agad siyang umiwas ng tingin dito.   Tama, hindi siya puwedeng magkamali. At lalong hindi siya dinadaya ng kaniyang paningin. It was him, the one she tried so hard to forget all of the sudden, but she failed to do so. At ngayon niya higit na napagtanto na kahit gaano nang katagal ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang damdamin niya para rito.   Nang mapawi ang sakit at makabawi dahil sa labis na pagkabigla ay nagsalita na rin ang binatang.   “Let?” naninigurong tanong nito habang titig na titig pa rin sa mukha niya. Let means liit. Ito na kasi ang nakasanayang tawag ng binata sa kaniya tuwing magkakasalubong sila sa hall way.   “Let-in mo mukha mo.” Sabay ismid niya. Kahit kelan talaga hindi ka na nagbago, may pangalan naman ako. Nais pa sana niyang isa-tinig.   “Sorry Xandy, nasanay lang kasi ko sa pagtawag sa 'yo ng Let,” wika ng binata habang pigil ang pagsilay ng isang pilyong ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa inasal ng dalaga.   Mula sa pagkakasimangot ay sumeryoso ang mukha niya, habang isang bahagi ng puso niya ang labis na nagagalak sa muling pagtatagpo nila ng landas.   “Kumusta na, 'di ka ba tumangkad?” Sabay silay ng ngiti sa mga labi nito.   “Yabang!” tugon niya rito.   Parang kailan lang, nakaka-miss rin pala. Naibulong niya sa sarili.   “Kidding aside Xandy, mas matangkad ka ngayon kumpara noong huli kitang makita six years ago.” Mabilis nitong kinalkula sa isip kung ilang taon na ang nakalipas noong huli silang magkita sa mismong lugar ding iyon.   “Kumusta naman 'yon, that was a long time ago.” Hindi alam ni Xandra kung paanong sasawatahin ang kaniyang puso nang mga sandaling iyon, nandoon na naman ang pamilyar na pakiramdam tuwing kaharap ang binata.   “Sabagay. Maiba 'ko, kumusta ka na nga pala? Tagal ding 'di nagkrus ng mga landas natin.” Sa paraan ng pagkakasabi nito parang hindi nito gusto ang ideyang sa loob nang mahabang taon ngayon lang ulit sila pinagtagpo ng tadhana.   “Okay naman ako, laging abala sa trabaho.” Hindi na niya sinagot ang huling tanong nito at baka madulas pa siya. But deep inside her, kinikilig siya sa kaalamang iyon.   “Ahmm. I see. So, what brings you here?” usisa pa nito.   “Wala, naisipan ko lang dumaan bago umuwi ng bahay, matagal na rin kasi nang huli akong maligaw rito.” Sa wakas ay nakuha na rin niyang ngumiti, medyo pumayapa na rin ang puso niyang tila nireregudon kanina.   “Ah! Maalala ko nga pala, di ba, friend mo si Christine?”   “Kilala mo si Ate?”   “Oo, asawa siya ng pinsan kong si kuya Francisco,” paliwanag nito.   “Ahm. So, pinsan mo pala si Kuya Franz,” 'di makapaniwalang wika ni Xandra.   “Wait, baka gusto mong maupo habang nakikipagkuwentuhan? Nananakit na kasi ang binti ko.” Hindi na nito hinintay ang tugon ng binata at naupo na siya sa bench hindi kalayuan sa kinaroroonan nila.   Hindi alam ni Xandra kung saan siya kumuha ng lakas ng loob a anyayahan ang binate na makipagkuwentuhan sa kaniya. Kung tutuusin ay wala naman siyang nakikitang ibang puwede nilang pag-usapang dalawa. Magkagayon man ay tinanggap naman ng binate ang kaniyang imbitasyon at umupo sa tabi nito.   May isang oras din silang nagkuwentuhan ng binata, parehas na tuloy nilang nakalimutan ang kanilang pakay.   Xandra is waiting for this moment for so long. At labis ang galak na nadarama niya.  Sa wakas, nakita kitang muli.   Nang mga oras na ‘yon, pakiramdam ni Marco ay parang lumulutang siya sa alapaap. He’s on his way home, paminsan-minsan kapag naiisipan niyang mag-joyride o tumakas sa magulong mundo ng siyudad ay rito siya tumutuloy sa bahay nila sa Bulacan.   At ngayon nga, hindi niya inaasahan na may maganda pa lang dulot ang pagtakas niya. He is rejoicing on their reunion. Sobrang saya niya ngayon dahil muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas.   “Pangakong ikaw lang ang iibigin, pangakong ikaw lang ang mamahalin. Magunaw man ang daigdig, pag-ibig ko sayo’y 'di magmamaliw.” Nakuha pa niyang kumanta habang nagdra-drive, isa ito sa paborito niyang kanta.   “Pangako” became one of the nominated songs in a songwriting competition held four years ago. It was written by a certain name which he hasn’t recalled.   Hindi pa nasiyahan nakuha pa niyang humirit ng isa pang awitin. He is about to sing the song he always sung whenever he remembered the girl she loved.   “Nagtatalo itong puso’t isip, sa aking nararapat na gawin. Ano nga ba ang dapat kong sundin, ang sigaw ng puso o bulong ng isip?” Hindi na niya kailangang mamili kung ano ang dapat niyang sundin dahil nang mga sandaling iyon ay pareho ang nilalaman ng kaniyang puso’t isipan.   “Ka…” nabitin sa hangin ang kaniyang pag-awit nang tumunog ang kaniyang cellphone.   Isang text message ang kaniyang natanggap mula kay Xandra.   Ingat sa pag-uwi, drive carefully.   Kaninang magkakuwentuhan sila ng dalaga ay nagpalitan sila ng cellphone number at hindi niya inaasahan na number pala nito ang nai-dial niya nang minsang tawagan niya ang kaniyang kaibigan. Kita mo nga naman kapag nagbiro ang tadhana, wagas! Ewan niya pero dapat noong na-wrong dial siya ay binura na niya ang number na 'yon. Ngunit imbis na iyon ang gawin ay napagdesisyunan niyang i-save ito. At hindi niya inaashan na ang nagmamay-ari pala nito ay si Xandra.   Isa pang nakatatawang insidente, natuklasan din niya na ito rin pala ang babaeng hindi niya sinasadyang matalsikan ang damit nang madaan sa lubak ang kotse niya. Kahit na noon pa man ay may ideya na, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga naganap. Fate has played over them well.   He is starting to type his reply message when he had decided to dial her number, and call her. Excited niyang i-d-in-ial ang number nito habang hindi mapaknit ang mga ngiting gumuguhit sa kaniyang mga labi nang sandaling iyon. Pakiramdam niya ay para siyang teenager nang mga oras na 'yon. Unusual sa kaniya ang makadama ng sobrang galak. He just can’t help himself thinking about her and smile.   “Bakit?” tanong nito, habang pigil ang tiling nais kumawala sa lalamunan dahil sa sobrang kilig. Ayon na naman ang pamilyar na damdaming matagal din mula nang huli niyang madama na tanging sa binata lamang niya naramdaman.   “Wala lang, I just want to say thank you at ingat sa pag-uwi. By the way, nandito na rin pala ako sa bahay.” A sweet smile curves on his lips. Hindi pa rin maipinta ang labis na kaligayahang nadarama niya nang mga sandaling iyon.   “Ahm.. Okay!”   “How about you, nasaan ka na?” Gusto sana niya itong ihatid pauwi, kaya lang naisip naman niyang masyadong akward ang sitwasyon dahil may dala rin itong kotse. Kung sakali man magmumukha lamang siyang convoy nito at mapaghahalata pang atat siyang maihatid ito.   “Malapit na 'ko sa bahay.”   “Good! O siya, sige na, ibababa ko na 'tong at baka maaksidente ka pa. Kasalanan ko pa kung sakali. Bye!”  Pasipol-sipol pa si Marco habang umiimbis ng sasakyan, he feels that he is on a cloudnine tonight, reminiscing the past and what was happened lately. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. He feels like he is showering with so much joy.   Mataga-tagal na ring nakahiga sa kama si Xandra ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Muli ay naalala na naman niya ang nakaraan. Nasa ganoong pagmumuni-muni siya nang may isang mumunting ideya ang sumagi sa kaniyang isipan. Wala lang, bigla lang niyang naisip isulat ang kaniyang love story, actually her half factual love story. Bahala na siya kung paano niya didiskrtehan ang itatakbo ng kuwento ng buhay pag-ibig niya. Basta isa lang ang alam niya, isa-isa nang gumagana ang mga brain cells niya. Agad niyang kinuha ang kaniyang laptop at nagsimulang magtipa ng mga letra, habang malayang pinaaagos ang mga ideya sa kaniyang isipan. Nasa ikalawang kabanata na siya nang dalawin ng antok at imbitahan ni tulog sa world of dreams and fantasies.   Masayang bumangon ng kama si Xandra kinaumagahan, kahit halatang hindi siya gaanong nakatulog sa laki ng eyebags niya.   Matapos kumain ay bumalik nang muli sa kaniyang kuwarto si Xandra upang ituloy ang naudlot niyang nobela kagabi. First chapter of her novel is all about their first encounter, second is by the time that the man of her dreams graduated. Ganadong-gando siyang magsulat nang mga oras na iyon, habang sinasabayan pa niya ang awiting “Nag-iisang Ikaw”, isa sa paborito niyang awitin.   Nakakatawa lang isiping ang isang kagaya niyang romance writer and love song composer, ni minsan ay hindi pa naranasang makipagrelasyon. Tanging pakonswelo na lamang niya ay alam niya ang pakiramdam nang ma-in loved dahil naranasan niyang minsan ang magmahal, hindi nga lang natugunan. At doon niya hinuhugot ang malalim na emosyon ng bawat karakter ng mga tauhang sinusulat niya. Idagdag pa bukod doon, nagsilbi rin siyang bukas na diary ng mga kaibigan at kakilala niya na nag-o-open ng mga so good and not so good experience nila sa love at sa buhay. And that was a really big helped on her career. Halos karamihan ng gawa niya ay base sa karanasan ng mga kaibigan o kakilala niya, kaya rin siguro nag-click ang mga gawa niya dahil sinasalamin nito ang realidad at hindi purong kathang isip lamang.   Pasado alas dose na ng tanghali nang tumigil siya sa ginagawa, nakakalahati na rin siya sa bagong nobelang isinusulat niya. Gustuhin man niyang ituloy ang ginagawa ay hindi maaari, pagkat may pupuntahan pa siya maaya, ang kanilang grand reunion. Mahirap na at baka hindi pa siya makarating.   Sumapit na ang pinakahihintay ni Xandra. Gaya nang nakasanayan, simpleng dress lamang ang kaniyang suot. Sa kabila ng tagumpay na narating niya she remain simple, mula sa pananamit hanggang sa klase ng pamumuhay.   “Xandy!” nakangiting bati ng isang babae sa kaniya nang makalapit ito sa kinaroroonan niya. It was Paige, her glamorous friend.   “Paige! Wow, you look staning and sexy,” 'di makapaniwalng wika niya.   “Thanks, you too girl really looks so good, simple yet very beautiful,” hindi makapaniwalang wika nito habang pinag-aaralan ang anyo ni Xandra.   Paige, is one one her close friend during their college days, sa kabila ng malaking diperensya nila sa ugali ay naging malapit pa rin sila nito. Sabagay halos lahat naman ng klasmeyt niya ay naging kaclose n’ya. Bigla niya tuloy naalala ‘yong panahong naging stalker sila dahil sa pagsinta nito sa isa sa mga member ng drance group ng unibersidad.   “Paige, have you seen Ate Christine? Is she around?”   “I’ve seen her a while ago; maybe she’s on the powder room,”   “Thanks Paige, will you please excuse me,” pagkawika noon ay nagtungo na siya sa powder room to check if Christine is there.   That night was so wonderful, but it’s too short for them to make-up. At gaya nang nakagawian nila dati, they have decided to go around with one of their classmate place to continue the session. Doon na sila inabutan ng umaaga, buti na lamang at hindi sila ganoong karami kaya na-accommodate sila ng bahay ng klasmeyt nila.   Tulad pa rin noon, siya ang unang tumiklop at unang dinadalaw ng antok, the same with siya pa rin ang huling nagising, gayong hindi naman siya uminom samantalang ang mga ito ay sobrang lango sa alak nang nagdaang gabi.   Pupungas siyang bumangon ng higaan, at tinungo ang banyo na nasa loob ng guest room kung saan siya natulog kasama ang dalawang kaibigang babae. Wala na ang mga ito nang magmulat siya ng mata, marahil ay nasa labas na ang mga ito.   Matapos mag-ayos ng sarili ay kinuha niya sa loob ng kaniyang bag ang kaniyang cellphone. May tatlo siyang message ang isa ay galing sa bestfriend niya at ang dalawa naman ay mula kay Marco.   “Good morning Let!” That was his first message.   “How’s the party?”  That was the second message came from him.   Hindi niya mapigila na hindi kiligin nang mga sandaling iyon. Mula nang magpalitan sila ng numero ay madalas nang mapadala ng text message sa kaniya ang binata—mga simpleng mensaheng naghahatid ng kiliti sa kaniyang puso.               Hindi man aminin ni Xandra sa kaniyang sarili ngunit unti-unti na naman niyang nararamdaman ang kakaibang damdamin niya para rito na akala niya ay hindi na niya muling mararamdaman pa. Akala niya sa matagal na panahong hindi nagtagpo ang kanilang landas ng binate ay siya ring pagkawala ng nararamdaman niya rito. Ngunit ang totoo, sa pagkakataong ito ay mas lalo pa atang lumalim ang nararamdaman niya para rito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang pigilan ang naradama dahil sa takot na mabigo o sa pagkakataong ito ay susugal na siya para sa nadarama niya para sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD