Chapter Six

2790 Words
“Xand, lately napapansin kong wala ka ng time para sakin,” may hamig ng pagtatampo nitong wika. “Sorry! Niks, busy lang ako lately, you know naman,” paliwanag nito. Linggo ngayon at pareho silang walang pasok na magkaibigan. Nasa paborito nila silang coffee shop ng mga oras na ‘yon. “Sabagay. Iyan nga pa lang laptop mo ang bestfriend mo, hindi ako,” pagdra-drama pa nito. “Para mawala iyang tampo mo. Nood tayo sine, showing ngayon ng movie ng paborito mong Hollywood actor, threat ko.” Hindi na niya hinintay pang makapagreact ang kaibigan at iginiya na niya ito patayo sa upuan. Habang daan, matama lamang na nakatitig si Nikki sa mukha ng kaibigan, lately kasi ay marami s’yang kakaibang napapansin dito. The way she talks, the way she smiles. And she had noticed that there is a glow on her eyes that she hasn’t seen before. “Bakit, may dumi ba ako sa mukha?” tkhang tanong niya nang balingan niya ito. “Wala naman, I just noticed that there is something wrong with you, Xand, may hindi ka ba sinasabi sa’kin?” usisa nito. “Actually, I forgot to tell you about my new novel.” “Ibig mong bang sabihin natapos mo na yung new novel mo?” hindi makapaniwalang sambit nito. “Yap! At hindi lang ‘yon malapit na ring matapos yung bagong sinusulat ko,” masayang pagbabalita niya. “E, di ba parang two weeks ago wala pa sa hulog ‘yang isip mo? How come na ngayon eh nakatapos ka na ng isa at matatapos ka na sa isa pa?” di makapaniwalang sabi nito. Ikwenento niya ang pagdalaw niya sa bahay ng kanyang kaibigan, na naging dahilan kung bakit siya nainspire na magsulat. “Weh! Hindi nga? Hindi kaya may inspirasyon ka na, kaya ganado kang magsulat?” nang-iintrigang tanong pa nito sa kaibigan. Bigla ay naalala niya si Marco, may isang linggo na rin pala ang nakalipas mula nung huli silang nagkatext nito. “Sino? As if naman na meron,” pagkakaila niya. “Tsk! Ako nga ay h’wang mong lokohin ateng, kilala kita. Saka halata naman d’yan sa nagtwi-twinkle mong mga mata na may itinatago ka sa’kin. So, you better tell me who is he and don’t you ever try to deny it, dahil hindi na kita kaka-usapin kahit kalian,” pangba-black mail pa nito. “Talaga lang? Well one thing is for sure, I haven’t kept any secrects from you my dear friend. Alam mo kung gaano ako katransparent, you can read it all over my faces,” pagkakaila pa niya. Habang pinipigilan ang sariling huwag mahalata ng kaibigan na may inililihim nga siyang hindi sinasabi dito. Actually, wala sa plano n’yang ilihim dito ang tungkol sa nangyari nang nakaraang mga araw. Gusto lang  kasi n’yang mahalata muna nito ang mga pagbabago, bago niya sabihin dito, si Nikki kasi ‘yung tipong hindi titigil hanggat hindi siya nito napapa-amin. “Panget mo! H’wag mo nga akong gino-goyong bruha ka, you can hide your feelings if you wanted too, you’re such a great pretender my friend. Kilala kita mula labas hanggang lamang loob mo, ikaw kaya ang idol ko pagdating sa pagtatago ng feelings, but when I look into your eyes iba ang kino-convey nito kumpara sa ikini-kilos o ipinapakita mo,” tumigil ito sandali at tumingin sa mga mata ng kaibigan. “And because I am looking straight into your eyes I can read something on it. Maybe you haven’t noticed it in yourself, but I can tell you, the way you talked, the way you looked into my eyes, I can easily tell that something good or romantic had happened on you,” paglilitanya nito. Yeah, Nikki’s right, she’s a great pretender, she’s really good when it comes to hiding what she really felt. But once you looked straight into her eyes you would get what you wanted to know about her. As they said “Eyes are the windows of the soul”. So if they wanted to know what she really felt they need to look directly into her eyes. Natatawa na lamang siya sa paglilitanya ng kaibigan, naaalala kasi n’ya rito ang mga kaibigan n’ya noong college na nagsasabi sa kanya na sa kabila ng pagiging unassuming at pagiging transparent niya may isang malabo sa kanila at iyon ang saloobin niya. Sometimes they have called her “great pretender” ang galing kasi n’yang magtago ng saloobin. And one time they have also called her “martir” dahil kahit inaaway at pinapasakitan na siya ng mga tao sa paligid niya ay deadma lang s’ya. She doesn’t even try to comfront those who hurt her, ayaw kasi n’ya ng gulo. “So, what did my eyes tells you?” “It’s telling me that you are inlove, that there is a gourgeous creation that captures your heart. The one who meets your high standards,” nakangiting wika ni Nikki. “You’re so funny my dear friend, haven’t I’ve told you that when it comes to love we should not set any standards because if we did, and we haven’t found it to the man we love, we will get frustrated about it at dahilan iyon upang hindi magwork ang relationship,” paliwanag niya. “I’ve already heard that a thousand times my friend, what I’ve wanted to know right now, who is the lucky guy, and don’t you ever try to deny it Xand, hindi mo magugustuhan kung anong pwede kong gawin,” kunwari’y pagbabanta pa nito. Wala na siyang lusot, ang lakas talaga nang sagap ng Bluetooth nito. She started telling her about everything starting from the very beginning about nine years ago, mula nang makilala niya ang binata hanggang sa muling pagtatagpo ng landas nila ilang linggo palang ang nakalilipas. Nikki didn’t bother to ask his name, kontento na itong malaman ang kawierduhang inaarte na kaibigan. Alam rin naman niyang darating ang araw na mismong si Xandra ang magsasabi ng pangalan ng lalaking tinutukoy nito. Ang mahalaga ay ang kaalamang nalaman niya tungkol sa kaibigan. “Marco Antonio San Lucas, ano na namang masamang hanggin ang nagtaboy sayo rito sa opisina ko?” bati ni Jiro sa kaibigan nang madatnan niya itong naghihintay sa loob ng opisina niya. “Pasensya na if matagal kang naghintay, tagal kasing matapos ng meeting,” paliwanag pa nito bago tuluyang umupo sa kabilang silya. “Hindi naman ganoong katagal, mga twenty minutes pa lang naman akong nakatanga dito sa opisina mo.” Aniya habang matamang nakaititg sa relong pambisig. “Anong sa’tin at naligaw ka na naman, don’t tell me na hindi na kinaya ng mga tauhan mo ang kabaliwan mo kaya ako naman ang binuburyo mo rito, upang dito ka naman maghasik ng lagim?” nang-iinis na wika ni Jiro. “Mukha ba kong maghahasik ng lagim? Dude, sa gwapo kong to, mukha ba akong sugo ni Lucifer?” sabay tawa ni Marco. “Hindi ka naman niya sugo, dahil ikaw mismo si Lucifer, remember Lucifer had a handsome face,” pang-aasar pa nito. “Hay naku tama na nga ang kabaliwan.” “As you wish, by the way Jiro, settle na ba lahat ng kailangan n’yo for the wedding,” usisa ni Marco. “Oo, even the date nasettle na rin namin, and my fiancée wanted to become a June bride. So, you only have one month para pag-ipunan ang wedding gift namen,” pagbabalita nito. Bilang tugon ay tumawa siya ng pagak, sa tinuran ng kaibigan, a trip to France for two, ang tinutukoy nitong wedding gift. Actually wala namang kaso sa kanya ang bagay na ‘yon, because he wanted to give what is best for his best friend. “Ano yan?” tanong ni Jiro nang mapadako ang tingin nito sa hawak na paper bag ng kaibigan. “Ito ba?” sabay taas ng tinutukoy ni Jiro. “Galing kasi ko kanina sa bookstore, nang mapansin kong may bago na namang novel si Khaszey Luis, kaya heto at bumili ako,” paliwanag niya. “Natatawa talaga ko d’yan sa kabaduyan mong iyan, Marco.” “Maiba ko, I’ve noticed that there is something strange about you, aren’t you hiding something on me?” makahulugang tingin ang ibinigay nito kay Marco. “Naghahalucinate ka lang, Jiro, ano namang itatago ko sayo?” pagkakaila niya. “Don’t fool me Marco, sinong niloko mo? Sa hilatsa ng mukha mong ‘yan imposibleng wala kang itinatago, bakit hindi mo subukang tumingin sa salamin at upang analisahin ang sarili mo. Saka mo sabihin sa’king wala kang itinatago.” Mayroon nga ba? sa loob-loob niya. Obviously, wala naman s’yang itinatago, ngunit may hindi nga s’ya sinasabi sa kaibigan. “Marco, don’t deny it. It so obvious my friend, I can read it all over your faces,” dagdag pa nito. “Mukhang wala na kong lusot,” wika nito habang kakamot-kamot pa sa batok. At isinalaysay nga n’ya rito ang tungkol sa nangyari sa kanya ilang linggo na ang nakalipas, kungsaan muling nagtagpo ang landas n’ya at ng babaeng matagal na niyang iniirog. “Anong plano mo ngayon?” tanong ni Jiro matapos magsalaysay ni Marco. “I don’t have any plan yet.” Bigla ay napaisip siya, ano nga ba ang plano niya? “Whoow! Don’t tell me na natotorpido ka na naman sa kanya?” “I don’t think so, maybe I’m just afraid of rejection. Saka naisip ko lang at her age now there is a big possibility that she already had a family of her own, kundi man a boyfriend or a fiancé,” bigla ang pagsalakay sa kanya ng panibugho. However he had wish that nobody own’s her heart.  “Maybe… Maybe… Puro ka na lang maybe, bakit hindi mo kaya siguraduhin,” suwesyon nito. “I’m afraid.” Naaawang, natatawa si Jiro sa sitwasyon ng kaibigan it’s been six long years mula nang huli niyang makitang magkaganoon ito. Tumayo sandali si Jiro sa kanyang kina-uupuan at tinungo ang kinalalagyan ng dvd player, nagsalang siya ng cd dito. Ilang sandali pa ay pumailalang na ang isang pamilyar na awitin; ang “Pangako”. Nagulat pa ito nang sabayan ng kaibigan ang naturang awitin hanggang sa matapos ito, maging ang sumunod na awiting “Nag-iisang Ikaw” ay hindi rin nito pinalagpas. “Hindi mo naman feel yung kanta no?” naiiling na natatawang wika ni Jiro. “Hindi naman ganoo, konti lang, sa totoo lang favorite ko kasi yang songs na ‘yan. Ewan ko ba pero sapul na sapol ako n’yan ‘yung tipong tumatagos sa kaibuturan ng aking puso,” paliwanag niya.  “Tsk! Baduy, sabagay may punto ka naman. Those songs are really beautiful especially the message it conveys,” pagsang-ayon nito. Nalaman ni Marco mula kay Jiro na kaibigan pala ng fiancée ng huli ang composer ng naturang mga kanta. Ewan pero nang mga sandaling iyon ay tila ba na-excite ang kanyang puso sa kanyang nalaman, at isang bahagi nito ang umaasam n asana ay makilala na niya ito ng personal. “Tingin ko Marco, magkakasundo kayong dalawa ng bestfriend ni My Love, bukod sa parehas kayong hibang sa romance novel, pareho pa kayong malakas ang sanib, ung tipong pang dala na sa mental hospital,” sabay tawa nito. “Hindi mo naman type na i-match-up kami?” “Well, wala naman sigurong masama? Isa pa she’s really nice, mabait na, matalino pa, talented at higit sa lahat one hundred percent sure na single pa….. in addition to that she’s also pretty,” pigil ang pagsilay ng makahulugang ngiti sa kanyang mga labi. Sabado ng hapon nang maisipan ni Xandra na dumalaw muli sa bahay ng kaibigang si Christine. Laking gulat niya nang madatnang prenteng naka-upo sa sofa si Marco. Sabagay hindi na nakapagtatakang magtagpo ang landas nila sa bahay na iyon. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito bilang pagbati. “Hi! Xandy,” nakangiting bati nito sa kanya. “Magkakilala kayo?” magkapanabayang sambit ng mag-asawang Francisco at Christine,, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang bisita. “Yap, bali naging magkaklase kami sa P.E. which is volleyball 9 years ago,” paliwanag ni Marco. “Ahm!” walang mahagilap na sbihin si Francisco. “Ah! Naalala ko na, ikaw nga ‘yong naki-sit-in sa klase namin sa Economics, para kumuha ng exam,” singgit ni Christine. “Tagal na no’n ah! Six years na ata ang nakalipas mula noon, tanda mo pa rin Ate?” fascinated na wika ni Marco. “Naalala ko lang na doon nga pala kita unang nakita.” Tila naman naguguluhan si Francisco sa tinatakbo ng mga pangyayari, ganoon hindi na rin siya kumibo at nakinig na lamang sa pag-uusap ng mga ito. Isang makahulugang tingin naman ang ipinukol ni Christine sa kaibigan. “Bakit ka nga pala napadalaw Xand?” maya-maya’y tanong ni Francisco sa kaibigan ng asawa. “Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan ang sadya ko, ibibigay ko sana kay Ate itong copy ng new novel ni Khaszey Luis. Nabanggit n’ya kasi last time na isa ito sa paborito niyang writer,” sabay niya sa kaibigan ng paper bag. “Wait, Khaszey Luis ba ka’mo? Iyan ba ‘yong novel n’ya na A Love to Remember?” agaw eksena ni Marco na ikinagulat ng mga ito maging siya man ay nabigla sa sarili. “Hindi, last month pa isyu ‘yon, this one is her new novel at kakalabas lang nito nung Monday,” paliwanag ni Xandra. “Bago, di ko ata alam ‘yon?”  sa reaksyon nito, mukha itong tsismosong nahuli sa pagsagap ng nagbabagang balita dahil sa pagkakasimangot nito. “Don’t tell me couz, nagbabasa ka rin ng pocketbooks?” di makapaniwalang tanong ni Francisco. “Not totally, isang writer lang naman ang sinusubay-bayan ko ang bawat labas ng bago niyang mga katha, at iyon ay walang iba kundi si Khaszey Luis. I really admire her works,” paliwanag nito. Bigla ay parang panandaliang timigil sa pagpintig ang puso ni Xandra, dahil sa kanyang mga narinig. “Naku! Eh pareho pa pala kyo ng Ate Christine mo na si Khaszey Luis ang favorite Romance writer,” naiiling na wika pa ni Francisco. “That’s nice to hear, magkakasundo pala tayo sa bagay na ‘yan ate,” nakangiting wika pa ni Marco. “Ano ‘to? At para saan ito?” gulat na tanong ni Marco ng iaabot ni Xandra ang isang paper bag sa kanya na may lamang novel ni Khaszey Luis. Nagtataka man ay kinuha na rin niya ang nasabing paper bag. “Khaszey Luis new novel,” “I know, bakit mo binibigay sakin?” naguguluhang tanong pa ng binata. “Nabanggit mo di ba kanina na favorite mo si Khaszey Luis at sinusubaybayan mo ang mga katha niya, so naisip kong ibigay na lamang sayo ‘yong copy ko tutal ay nabasa ko na naman iyan. Isa pa I don’t think if may mabibili ka pa sa bookstore ng bago niyang novel pagkat kahapon pa sold out ang bago niyang novel, siguro mga less than two weeks pa bago sila makapagproduce ng mga copies ng novel nya,” paliwanag niya. “Ahm. Thanks.” “Maiba ko Xand, natuloy ba ‘yong plano mo na magpart-time sa pagsusulat?” tanong ni Christine sa kaibigan. Hindi nakaligtas sa paningin ni Xandra ang pagka gulat sa mga mata ni Marco. “Nope, masyado kasi kong busy,’ pagpapalusot niya. “You love writing?” singgit ni Marco. “Frustrated writer and song composer ‘yang si Xandra,” sagot ni Christine ang sumagot. “Dami mo palang talents,” napapantastikuhang wika ni Marco. “Talentadong Pinoy talaga ‘yan, iyon nga lang hindi n’ya ibinabahagi ang kanyang talents, may pagka-selfish kasi ‘yan ng konti pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang kakayahan.” Na totoo naman talaga, iyon nga lang matagal na panahon na iyon. “Bakit hindi mo subukang i-share, we don’t know, malay mo ikaw na ang maging favorite writer ko,” wika nito na matamang nakatitig kay Xandra. “Ano iyon joke?” Mabilis na lumipas ang mga sandali, at hindi nila namalayan ang oras. Nagprisinta na si Marco na siyang maghahatid kay Xandra pauwi nang malaman niyang nagcommute lamang pala ito papunta doon. Habang na sa sasakyan sila. “Kwento mo naman sa’kin ‘yong story, para kasing bigla akong na-excite,” nakangiting wika nito habang nagmamaneho. “Ayoko nga, basahin mo na lang mawawala ang thrill kapag ikwinento ko sa’yo,” “Daya! Okey sige, ahm… bigyan mo nalang ako ng pamatay na line na ginamit sa kwento,” Nang mga oras na iyon, parang hinihipnotismo si Xandra ng magandang tanawin sa kanyang tabi. His beautiful chinky brown eyes, his pointed nose, his pinkish lips. Everything is almost perfect. No doubt if most of the girls around him wanted to get his attention. Well kahit noon pa man marami na ang nagnanais na makuha ang atensyon at puso nito. Aside from having good looks, good body posture, one of the reason why no one can’t resist him, is his character. He’s a good example of a Prince Charming in a modern world. “Matagal na panahon kong hinintay ang pagkakataon na magtagpo itong ating mga landas. Pinananabikan ko ang bawat araw na darating, dahil umaasa ako na isang araw muling pagkru-krusin ng tadhana ang ating mga landas. Akala ko no’n nakalimutan na kita at natanggal ka na sa buo kong sitema, pero nagkamali ako. Hindi pala nakakalimot ang pusong nagmamahal, madaya ko man ang isip ko, pero hindi itong puso ko at ni minsan hindi ka nito nakalimutan. Matagal na panahon man ang lumipas, hindi nagbago ang damdamin ko para sayo at kailanman hindi ito magbabago, tandaan mo I will love you forever and my love for you will never die.” Nang mga oras na ‘yon ay tila ba naparating ni Xandra ang mga salitang nais niyang ipabatid sa binata. “That’s my favorite part,” dugtong pa niya kapag-kuwan habang pigil ang kanyang pagbugtong hininga. Hindi agad nakakibo si Marco sa mga tinuran ng dalaga, akala n’ya nang mga oras na iyon ay nagtatapat na ito ng damdamin para sa kanya. How assuming he is. Naiisip pa nga niya na iyon rin ang nais niyang sabihin dito, that his love for her had never change kahit na gaano pa katagal na panahon ang lumipas. “That’s beautiful! Para tuloy mas lalo akong naatat na mabasa ‘yong story,” “Pagdating mo na ng bahay, baka ngayon mo pa ma-isipang magbasa eh ma-aksidente pa tayo,” natatawang biro pa ni Xandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD