Dalawang linggo bago ang kasal ng magkasintahang Jiro at Nikki, naisipan nilang magset ng date kasama ang bestfriend nila. Napagtripan kasi nila na i-build up ang dalawang taong malapit sa kanila. At walang kamalay-malay ang mga ito sa kanilang mga plano.
“There he is,” wika ni Jiro nang makitang papasok mula sa entrance door ng restaurant ang kaibigan.
“Hi guys! Sorry I’m late traffic kasi,” paliwanag ng bagong dating.
“Hindi ka naman late, actually napaaga lang talaga kami ng labing limang minuto sa napag-usapang oras,” biro pa ni Nikki.
Napakamot na lamang ito sa batok dahil sa tinuran ng fiancée ng kaibigan.
“Hi, Xandra,”
Noon lang natauhan si Xandra dahil sa labis na pagkabigla, she wasn’t even expecting na ito pala ang tinutukoy ng kaibigan niya na bestfriend ng fiancé nito.
“Magkakilala kayo?” halos magkapanabayang wika ni Jiro at Nikki.
“She’s my long lost friend,” nakangiting wika niya habang papa-upo sa nakalaang silya para sa kanya.
“May long lost friend ka pa d’yang nalalaman, hindi naman tayo friends. Sa totoo lang naging magkaklase kame sa P.E. noong college.” That was Xandra.
“So, you’re not considering me as one of your friend, saklap naman,” nawala ang ngiti sa mga labi ni Marco.
“You’re acting like a kid Marco, hindi bagay sa 'yo” naiiling na wika ni Jiro.
“So, hindi na pala namin kayo kailangang ipakilala pa sa isa’t isa,” wika naman ni Nikki sabay tingin nito nang makahulugan sa kaibigan, habang ang huli ay matalim na tingin naman ang ipinukol sa una. Na para bang nagbabanta at nagsasabing h’wag kang magkakamaling magsalita.
Masaya ang naging takbo ng k’wentuhan nila over dinner, doon nalaman ni Marco na si Xandra pala at ang composer ng dalawang paborito niyang kanta ay iisa. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at humingi siya ng autograph mula sa dalaga.
“Ikaw Marco, kailan mo balak sundan ang yapak ni Jiro sa paglagay sa tahimik,” seryosong tanong ni Nikki sa binata.
“Wala pa sa plano ko ang bagay na iyan. Isa pa masyado pang maaga para magsalita, idagdag pa na hindi ganoong kadali ang magpakasal lalo na kung wala ka namang papakasalan,” paliwanag nito.
“Sabagay, mahirap nga naman 'yong magpapakasal ka, tapos wala ka namang papakasalan, ano 'yon parang tanga lang?” natatawang sagot ni Nikki sa tinuran ni Marco.
“So, look for the one na lang,” dagdag pa ni Nikki.
“Alam mo Nikki, hindi naman natin kailangan pang hanapin ang taong ating mamahalin, ang taong gusto nating pakasalan at makasama habang buhay, sapagkat sila ay kusang darating sa buhay natin, sa mga panahong hindi natin inaasahan.” Seryoso pa nitong wika, nang mga sandaling iyon gusto niyang lingunin ang kinaroroonan ni Xandra.
Natigilan si Xandra sa kanyang narinig, ang mga binitawan kasing salita ni Marco ay ilan sa mga linya mula isinulat niyang romance novel.
“Ang lalim no’n bro, but you do have a point. Gaya nung sitwasyon ko, I’d never expect that Nikki will come along my way,” nakangiti pa nitong wika habang titig na titig sa katipan.
“Alam mo mahal, simula nang mahilig sa pagbabasa ng romance novel 'yang si Marco nag-iba ang pananaw n’ya sa buhay lalo na pagdating sa love,” pagkokomento pa ni Jiro, habang makahulugang nakatitig sa kaibigang si Marco.
Nakakahalata na 'ko, b’wisit ka Jiro humanda ka sa 'kin mamaya. Nais na isatinig ni Marco.
“Talaga?” wari’y gulat na gulat na tanong ni Nikki.
“Sige nga, define love?” Dagdag pa ni Nikki.
“Love is like a rosary that is full of mystery, a feeling which is unexplainable,” nang mga oras na 'yon ay gustong lingunin ni Marco si Xandra, ngunit pinigilan niya ang sariling gawin iyon.
“True love can wait, kahit na gaano pa katagal na panahon ang lumipas magagawa nitong maghintay para sa taong minamahal. Love is a sacrifice; you’re willing to give-up everything you have for the one you love. It is also making yourself act like a fool whenever you are infront of the one you love, kumikilos o umaarte ka sa mga paraang hindi mo naman dating ginagawa,” paglilitanya niya.
Pakiramdam ni Xandra ay tumatagos sa kanyang kalooban ang mga salitang binitawan ni Marco nang mga oras na 'yon. At upang palisin ang kabang kanyang nadarama ay nakisali na rin siya.
“Nabasa ko na 'yan, wala bang original?” sabad pa ni Xandra.
“Hmm!!” nagtatakang nasambit ni Jiro, habang pinukol ito ng isang makahulugang tingin.
“Sige nga, for you what love does mean?” nanghahamong wika ni Marco.
“Mali ka naman ng tanong Marco, it should be, have you been fallen in love?” Sabay tawa ni Jiro nang malakas.
“You’re so mean Jiro, baka gusto mong bangasan kita d’yan. I am always been in love with the things arounds me, with the people who loves and cares for me,” wika niya habang pinandidilata ito ng mata.
“That’s not what I mean, what I am talking about is the other kind of love, a special feeling you feel for your opposite s*x,” nang aasar pang wika ni Jiro.
Talagang inuubos ang pasensya ko nang lalaking ito, humanda ka sa’kin mamaya. Ani ni Xandra sa sarili.
“Does your silent means, Yes?” That was Nikki, na halatang excited na marinig ang kanyang tugon.
Tahimik ang lahat na naghihintay sa kanyang kasagutan tungkol sa tanong ni Jiro.
“Do my answer matters?” Pagpapasakalye pa niya, she didn’t want to answer Jiro’s question mahirap na at baka madulas pa siya.
“Eto ang dami pang arte, oo at hindi lang ang isasagot ang dami pang ligoy,” kunwari ay inis na wika ni Nikki. But deep inside her, at last makakakuha na rin ako nang matinong sagot sa 'yo my dear friend, wala ka nang lusot sa pag-iinterrogate namin ngayong tatlo na kaming nagsanib p’wersa.
“S’ya nga naman, ito para kang others may mawawala ba sa 'yo kung aamin ka? Ale nasa moderno ka nang panahon, being in love is the very best experience in life. Hindi ka matatawag na tao if never mo pang na-experience ang ma-in love sa tanang buhay mo, even animals fall in love,” dagdag pa ni Jiro.
Xandra didn’t have way to escape, na-corner na s’ya ng mga ito, at kung magkakaila s’ya, katapusan na ng career niya.
“Okey, for you to stop, dahil mukhang hindi n’yo naman ako lulubayan. Yes, I am. But that was a long time ago. And the feeling is not mutual,” sagot niya.
“One more question, bakit ba until now wala ka pa ring nagiging boyfriend?” napapantastikuhang tanong ni Jiro.
“Hmm! Is that true?” gulat na wika ni Marco na bakas ang labis na pagkabigla dahil sa sinabi ng kaibigan. And he really wants to know kung ano ang magiging tugon niya sa tanong ni Jiro.
“Hindi n’yo naman trip na pagtripan ako?” naniningkit ang mga matang wika ni Xandra.
“Nope, we’re just wondering.” Tugon ni Nikki.
“KJ nito, tagal sumagot,” kunwari’y naiinip na wika ni Jiro.
“Excited lang? di ba p’wedeng sandali? Atat lang ang peg?” kinakabahan man ay idinaan na lang niya sa biro ang lahat for them not to notice that she feels so uneasy, iyong pakiramdam na lulubog s’a sa kanyang kina-uupuan anomang sandali.
“Is that a requirement? Para sa 'kin kasi, if I really want to enter in a relationship madali lang 'yon, iyon ay kung gusto ko 'yong tao, but if not mahirap ipilit ang bagay na iyon. Ang pakikipagrelasyon sa isang tao ay hindi para maki-uso lang,” paliwanag pa niya.
“Very well said,” wika ni Nikki habang pumapalakpak pa.
“Yung totoo lang, saang romance novel mo napulot ang mga linyang 'yan?” singit ni Jiro.
“Somewhere Down the Road, written by Khaszey Luis,” sagot ni Marco sa tanong ng kaibigan.
“Ikaw ba si Xandra? Isa pa, hindi mo naman kabisado ang mga novel ng Khaszey na 'yan? Are you stalking her?” makahulugang tanong ni Nikki.
“Hindi naman, nagkataon lang kasi na may collection ako ng lahat ng sinulat n’yang romance novel.” Paliwanag pa ni Marco
“Tama na nga 'yang k’wentuhan mamaya na lang uli, let’s eat na, tomjones na me,” anyaya ni Xandra nang sa ganooon ay malubay na rin sa pang-iinterrogate ang magkatipan na Jiro at Nikki.
And their night already ended, and Marco’s hearts fills with so much joy, knowing that Xandra didn’t experience entering into a relationship. But something bothers him, who is that man she is talking about. Is he the one whom he had thought his boyfriend before?
“Iba na talaga ang expired, este inspired pala,” bungad ni Jiro kay Marco nang dalawin niya ito sa restaurant nito.
“Hahahaha! Ako nga ay lubay-lubayan mo Jiro at baka hindi kita matantsa,” nailing niyang wika.
“Jie, are you really sure about your decision?” maya’y seryosong tanong niya sa kaibigan.
“What do you mean?” naguguluhang tanong nito.
“Ano ba’ng drama mo?” dagdag pa ni Jiro.
“Is that for good? Baka naman napipipilitan ka lang o nadala sa tudyo ng mga magulang mo?” seryosong wika ni Marco.
“Teka lang! Alam mong kahit kailan ay hindi ako nagpapadala sa buyo ng mga magulang ko. Isa pa, I am really sure about it, especially with what I felt for Nikki at wala nang atrasan pa do’n Bro. Kung nag-aalala ka para sa akin, you have nothing to worry about. I am a grown up man having my own decision.” Sagot nito bagaman naguguluhan sa drama ng kaibigan.
“I don’t have any questions regarding with what you really feel for Nikki, because I am sure that you love her so much. What I wanted to say is, do you think it is already your time to settle down? Haven’t you thought about some possibilities that might happen once you’ve got married?”
“Marco, are trying to convince me that I might change my decision about marrying Nikki?” nananantsa nitong tanong.
“No, I’m not. What I mean is, hindi ba masyadong mabilis ang mga pangyayari? Almost a year and a half pa lang 'yong relationship mo with her?”
“Sa love walang question kung gaano na kayo katagal. If you’ll feel that the two of you are destine to stay forever, kahit pa isang linggo pa lang kayong magkakilala kung nararamdaman ninyong kayo na talaga ang nakatadhana wala ka nang magagawa, wala ka nang lusot pa dahil hindi ka na makakakontra,” paliwanag pa nito.
“And one thing I have realize, kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat nang makakapagpaligaya sa kanya kahit pa gaano iyon ka-imposible just to see her smile,” dagdag pa nito.
“Bravo! Very well said Jiro, kitang-kita ang ebidensya,” nangingiting wika ni Marco.
“Anong ebidensya ang sinasabi mo?” naguguluhang tanong nito sa kaibigan.
“That you’re really in love with her. You are really unpredictable when it comes to love, mantakin mo tumino ka,” natatawa pa niyang wika.
“Everything is possible in love, my friend. It can change you in different ways,” paliwanag pa nito.
“Okey! Wala na nga akong sinabi. But you must admit na nahawa ka na sa’kin.” He surrendered.
“In your dreams,” sagot ni Jiro habang pinandilatan pa ng mata ang kaibigan.
“Ewan ko ba simula nang makilala ko s’ya sobrang dami nang nagbago sa 'kin nang hindi ko man lang namamalayan,” paglilitanya pa nito.
“She’s one of a kind; she’s the only one who can affect me in so many ways without doing anything. And I am really thankful that I’ve met her and she’s going to become part of my life forever. And it is all because of Xandra, she’s like a cupid in disguise.” Wika pa nito habang isa-isang nagbabalikan sa kanyang alaala ang araw na nakilala niya ang katipan.
“She’s not a cupid. She’s my Amor, my angel and my love.”
“Alam mo para kang timang, okay s’ya na ang angel mo at s’ya na ang iyong Amor, but haven’t you see yourself acting like a fool infront of her? And if you really loved her, you should start courting her. Nasaan na ang Marcong kilala ko?” komento pa ni Jiro. He knew Marco very well kapag may nagustuhan itong girl ay 'di na nito pinapalagpas ang pagkakataon na manligaw.
“Jiro, iba naman iyong case namin ni Xand. Isa pa, I really don’t know what’s the proper way of courting a girl, kasi naman 'yong mga naging girlfriends ko nagsisimula pa lang akong manligaw, nakasagot na agad nang ‘oo’,” nailing niyang wika.
“Ma-iba ako Marco, is she the little cute girl you’ve been talking about seven years ago?” Jiro needs some confirmation if his suspicion was really right.
“Yes, she is. Ang babaeng minahal ko before and until now ay mahal na mahal ko pa rin. And now na muling pinagtagpo nitong kapalaran ang aming mga landas, 'di na ko muling papayag na paglayuin n’ya kaming muli,” the way he talk you will feel that he’s really determined to win the hearts of the one he love.
“Si kapalaran nga gumawa ng paraan para magkita kayo, maybe it’s your time naman to make your move, dahil kung ipapaubaya mo pa 'yan ‘uli kay fate baka mauuwi na naman sa wala ang lahat at sa huli maiwan kang nganga.” Wika ni Jiro sabay tapik sa balikat ng kaibigan.