Chapter Eight

2547 Words
 “Magandang hapon Sir, ano pong sa’tin?” tanong ng gward’ya sa bagong dating. “Magandang hapon din po, itatanong ko lang po sana kung nand’yan pa sa loob si Ms. San Luis?” sagot ni Marco sa gwardyang ng eskwelahang pinagtuturuan ni Xandra. “Ay naku sir, nahuli kayo nang dating. Kanina pa pong 6:30 ang labas ni Ms. San Luis,” sagot nito habang masusuing sinusuri ang kabuuang itsura ni Marco. “Ahm. Gano’n po ba? Sige po salamat na lang po” tatalikod na sana s’ya nang may kumuha ng kanyang attensyon. “Kuya, hinahanap n’yo po ba si Ma’am San Luis?” nakangiting tanong ng isang binatilyo na kararating lamang. “Oo, kaso nakauwi na raw s’ya,” pilit ang ngiting tugon niya sa binatilyo. “Ay opo, nakita ko nga po s’yang sinundo ng isang gwapong lalaki kanina, boyfriend po ata nya ‘yon?” kwento pa nito. “Ahm,” nagulat man sa narinig ay agad ding nakabawi si Marco mula sa pagkabigla. “Ka-anu-ano po ba kayo ni Ma’am San Luis?” curious na tanong pa nito. “Kaibigan n’ya ko,” pilit pa rin ang ngiting sagot niya, gayong ang totoo ay hindi niya gusto ang kanyang naging kasagutan sa tanong nito, sapagkat labis ang pagtutol ng kanyang kalooban. Actually, I’m her future husband. Iyon sana ang nais niyang isa tinig. “Ahm.” Tila hindi ito naniniwala sa sinabi niya. “O, s’ya sige na boy, aalis na rin ako, salamat nga pala ulit,” wika niya. ‘Yong pakiramdam na para kang tinarakan ng kutsilyo sa puso, iyon ang nararamdaman ni Marco nang mga sandaling iyon, mabigat ang paang tinungo niya ang sasakyan at mabilis itong pinasibad palayo. “Congratulation, Khellon! Sabi ko na sa’yo, yakang yaka mo ‘yon, ayaw mo lang maniwala at magtiwala sa sarili mo,” masayang bati ni Xandra sa binata habang nagdidiner sila sa isang restaurant sa loob ng isang mall. “Thanks for the support Xand, all these years nad’yan ka para suportahan ako, kaming magbabarkada.” Nakangiting wika ni Khellon. Khellon was her former student when she was still in college during her off-campus teaching. Naging close siya rito at sa dalawa pa nitong kabarkada; si Nhelson at si Benj. She’s two years older than them kaya naman madali niyang nakasundo ang mga ito, at naging bahagi siya ng barkadahan ng tatlo. ‘Yon nga lang di sila kompleto ngayong araw. Nasa isang fashion show kasi abroad si Benj, he’s a professional model. Habang si Nhelson naman ay nasa Baguio City for a three days conference. Ngayon kasi ang araw na napagkasunduan nilang i-celebrate ang pagkaka-promote ni Khellon, na muntik pang hindi matuloy dahil sa affair ng dalawang kaibigan nito. At dahil ayaw naman n’yang malungkot ito, she had decided na ituloy na rin nila kahit wala ang presence nung dalawa. “Kumusta na nga pala kayo ng girlfriend mo?” maya-maya’y tanong ni Xandra. Umpisa palang kasi ay hindi na siya pabor sa pakikipagrelasyon ng kaibigan sa girlfriend nito. Halata naman kasi na hindi nito mahal ang nobyo, at bukod doon ay lantaran din ang pag-ayaw nito sa kanya. Ang dami kasi nitong insecurities sa katawan. Aside sa pagbabawal nito kay Khellon na makipagkita sa kanya, s’ya naman ay binantaan nito na something bad will happen on her oras na hindi siya tumigil nang pakikipagkita dito. Ang totoo, she never try to follow her demands, nagkakataon lang na tuwing mag-yayaya ang binata kasama man o hindi ang barkada ay natataon na marami siyang ginagawa kaya tumatanggi siya sa imbitasyon nito, kesyohadong magtampo pa sila. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya nakatanggi pa, una ay dahil matagal na nila itong na-set, pangalawa ay dahil ayaw niyang malungkot ito at mag-celebrate mag-isa. Napakasama naman niyang kaibigan kung hahayaan n’yang mag-isa ang binata sa araw na ito. “We should not talk about her, you’re ruing my night,” medyo iritableng wika nito. “What’s wrong? May hindi ba ko nalalaman? Nag-away na naman ba kayo? Pinahiya ka na naman ba n’ya? Tell me. What she have done?” naguguluhan niyang tanong dito. “OA mo naman, I just don’t wanna talk about her, parang awa mo na Xand kahit ngayon lang.” seryosong wika nito. “Galit agad? If that what you wish for,” tumigil na s’ya at hindi na nagtanong pa, ayaw naman niyang sirain ang gabi ng kaibigan. Matapos ang masaganang hapunan ay naisipan pa ng dalawa na magkwentuhan. “Xand, do you think I have made a wrong decision?” seryosong tanong ni Khellon sa kaibigan. “Alin bang disisyon ang tinutukoy mo? Is this about your career, your family, or your relationship with her? Which of those, you’re talking about?” naguguluhan niyang tanong. “My relationship with her, it’s not working anymore. She had a lots of demands na minsan parang ginagawa na n’ya kong tanga,” malungkot nitong wika. “Ngayon mo lang napansin? Hindi ka naman tanga, ‘yun nga lang nakalimutan kong manhid ka nga pala at may pagkabulag ng konti,” sarcasm niyang tugon dito. “Kaibigan ba talaga kita?” makahulugang tanong ni Khellon sa dalaga. “Untog kaya kita d’yan nang malaman mo, ang totoo kasi n’yan I am your enemy kaya nga nandito ako kasama mong magdinner kani-kanina lang, na ngayon ay drina-dramahan mo. Gusto mong iwanan na kita? Nang malaman mong hindi mo ko kaibigan. Sarap mong bangasan, kung nandito lang yung dalawang ‘yon baka kanina ka pa sinapak ng mga ‘yon para matauhan ka,” Kunwari’y inis niyang wika na ang totoo ay natatawa siya sa drama nito.. “They don’t need to do that. What I mean is di ba ang kaibigan nagdadamayan?” “Nakadrugs lang? Ano tingin mo dito, hindi pa ba pagdamay ang tawag mo dito? Khellon ano bang tinira mo at ang lakas ng tama mo? You’re not even drunk, pero kung magsalita ka daig mo pa ang lango sa alak,” naguguluhan na talaga siya sa drama nito, he’s acting so weird. “No, I’m not. Ang tanga ko Xand, I have made a wrong decision when I court her, I’m such a fool whenever I follow her demands. I’m such an idiot one, doing everything she wants me to do. And now I am already awaken. It’s my time to correct the mistakes I have done in my life. And the first thing that I must do is to get her rid out of my life,” dire-diretso nitong paglilitanya. “Heavy drama lang ang peg. But kidding aside, Khellon is that for real? And are you sure about that?” “I am really sure about it, matagal ko nang pinag-isipan ang bagay na ‘yan.” “How long does it takes? An hour or two? Or it only takes a night for you to realiize?” “Pwede ba, I’m serious, puro ka pambabara, sarap mong ibaon,” “Ok. Just continue. The floor is yours. Tonight is your night and this is your moment to shine,” dagdag pa niya imbis na maglubay. Nailing na lamang si Khellon. Minsan talaga iba ang trip nito sa buhay, kapag masaya ang mood maglulunkot-lungkutan. ‘Pag malungkot, masaya naman ‘to at ‘pag seryoso baliw baliwan lang ang trip. “Nalipasan ka na naman siguro ng gutom Xand? Sabi ko naman sa’yo kakain ka lagi sa oras, alam mo namang bawal kang nalilipasan at lumalakas ang tama mo.” “O, baka naman ang gusto mo ikaw ang tamaan sa’kin?” sabay tawa pa nito nang malakas. “Tama na nga ang kalokohan, seryoso na.” “”Matagal ko na ring pinag-isipan ang bagay na ‘to, and this is for real. I want to end up my relationship with her. Ayoko na! Nasasakal na ko sa relasyon namin. Hindi na ko masaya sa itinatakbo nito, alam mo ‘yong feeling na para kang tau-tauhan sa sarili mong buhay.” Hindi na niya napigil ang paglabas ng kanyang kimkim na emosyon. “Chill my friend, ang tanong, kailan mo naman balak bigyang katuparan ang pakikipaghiwalay mo d’yan sa girlfriend mo, Khellon?” Seryoso niyang tanong sa binata. “Bukas na lang, gabi na kasi,” biro ni Khellon. “Gusto mo, bukas na rin na’tin ituloy ‘tong pagdradrama mo? Seryoso daw s’ya, pero nakuha mo pang lumilitanya nang lagay na ‘yan.” “Well, anong magagawa ko, ikaw itong kasama ko. Kaya nakikisakay na lang ako sa trip mo,” sabay ngiti nito ng nakakaloko. “Oo na, sige na. Ako na baliw, ikaw na itong matino sa’ting dalawa. Untog kaya kita sa muscles ko,” pinandilatan niya ito ng mata. “Pero seryoso nga, buti at natauhan ka din. Akala ko nga di ka na magigising d’yan sa kahibangan mo sa babaeng iyon. Mukhang epektibo yung pina-inom n’yang gayuma sa’yo, dahil matagal ka n’yang napaikot sa mga kamay n’ya. Pero sorry na lang s’ya, mas effective yung ginawa kong pangontra. Kitam nakawala ka sa mahika ng bruhang ‘yon,” pagmamalaki pa niya. “Well, bakit nga ba? Eh alam naman natin na di hamak na mas magaling ka kasing mangkukulam kaysa sa sa kanya,” sabay tawa pa ng binata. “Ano? Aalis na ba ako? Iiwan na kita rito? Sabihin mo lang,” “Ito naman ‘di na mabiro, stay put ka lang d’yan, dahil kakain ulit tayo.” “Ayaw mo naman akong busugin ng lagay na ‘yan,” naniningkit ang mga matang wika niya ngunit mababakas ang ngiti sa kanyang mga labi. “Ayoko kasing nalilipasan ka ng gutom, dahil hindi kita maka-usap nang matino kapag may hangin ‘yang utak mo.” At tinawag na nga nito ang waiter upang muling umorder ng pagkain. “Pwera biro Khell, masaya ko sa naging disisyon mo. Oo, aaminin ko na umpisa pa lang hindi na ko pabor d’yan sa  girlfriend mo. Na sadyang ayoko sa kanya para sa’yo. At dahil nagising ka na din sa wakas ng Bocaue, double celebration to aside from that, second time na rin nating kumain.” “Salamat sa lahat Xand, for waking me up in my nightmares, kundi dahil sa’yo baka hanggang ngayon ay hibang parin itong puso ko na mukhang ginayuma nga ata n’ya,” at masaya nilang pinagpatuloy ang kanilang pagkain. Hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan ay may dalawang pares ng mga matang sa kanila ay matamang nakamatyag. Mababakas ang labis na poot sa mga mata ng isa, habang pagtataka naman ang mababanaag sa isa. Nakatalikod sa direksyon ng mga ito si Xandra, kaya hindi niya namalayan ang paglapit ng mga ito sa kanilang pwesto. “Hayop ka Khellon, sinasabi ko na nga ba, s’ya na naman ang kasama mo. Ngayon mo sakin sabihin na walang namamagitan sa inyo. You’ve choose her over me, kaya pala tumanggi kang magdinner tayo ngayon, dahil kasama mo ang malanding ‘yan,”galit nag alit nitong wika kay Xandra. Matama lamang nakamatsag ang lalaking kasama nito di kalayuan sa kinaroroonan. “Stop that Cecile, h’wag kang mag-eskandalo dito,” hindi na napigilang wika ni Khellon. “Na-eeskandalo ka pala nang lagay na ‘yan, di sana bago ka gumawa nang kalokohan sana naisip mo ang posibilidad na maaaring may makahuli sayo,” panunumbat pa nito. “Wala kaming masamang ginagawa, kung ‘yan ang iniisip mo,” giit pa ni Khellon. “Talaga lang?” Patuya nitong wika, tila ba hindi ito kumbinsido sa sinasabi ng nobyo. “Kahit kelan talaga narrow minded ka, siguro nga I’ve done a wrong decision nang ligawan kita. And now I wanted to correct everything, I’m breaking-up with you. Sawa na ko sa ginagawa mong pagkontrol sa relasyon natin, sa buhay ko, hindi ako isang puppet Cez,” mariin niyang wika. Matama lamang nakikinig si Xandra sa bangayan ng magkasintahan, gayo’n din ang binatang kasama ng kasintahan ng kaibigan na nakatayo sa kanyang likuran. “So, nakikipaghiwalay ka na sa’kin, dahil ba sa kanya?” puno nang poot nitong wika habang nakatitig sa kanya ng matalim. Kung nakamamatay lamang ang titig nito baka kanina pa siya itinanghal na walang buhay. Ngunit hindi siya nagpadai,g nakipagsukatan siya rito. “It is not because of her, it is all because of you. Wala s’yang kinalaman sa naging disisyon ko. Matagal ko nang napag-isipan ang bagay na ‘to, kaya h’wag mo s’yang idadamay. Promlema natin ‘to at kasalanan mo ang lahat ng ito, kaya h’wag mo s’yang idawit sa problemang ikaw mismo ang gumawa.” Galit na ring wika ng binata. Dala nang pagkapahiya at labis na galit ay walang habas na pinaghahampas ng dalaga ang kasintahan nito. Ang kaninang nagmamatsag lang na kasama nito ay hindi na nakatiis sa eskandalong ginagawa ng dalaga. Halos lahat kasi ng tao sa restaurant na iyon maging ang mga napapadaan ditto ay nababaling ang atensyon sa kasama niya at boyfriend nito. Nagsisisi ngayon siya kung bakit nga ba n’ya sinamahan pa ang bratt na anak ng kumpare ng Papa n’ya. “Stop it Cez, nakaka-eskandalo ka na” wika nang baritonong boses habang pigil ng mga kamay nito ang braso ng dalaga. Nang mga oras na ‘yon parang gusto nang sumuot ni Xandra sa ilalim ng table, hindi niya alam kung paanong ikukubli ang sarili, she really want to take a look sa lalaking kasama ni Cez, ngunit nangangamba naman siyang baka tama ang hinala n’ya kung sino ang kasama nito. Kaya minabuti na lamang niyang yumuko, upang kahit papaano ay maikubli niya ang kanyang mukha. “Kita mo nga, kung akusahan mo ako, ‘yon pala ay guilty ka rin with the same accuse, nagmamalinis ka pa.” wika nito habang sinusuri ang binata mula ulo hanggang paa. Noon naman ay biglang napadako ang tingin ng binatang kasama ni Cez sa dalagang nakayukyok, tila ba nahihiya ito sa nangyari? Pero nung susuriin niyang mabuti mas mukhang itong may pinagtataguan kaysa sa nahihiya. At kung ano o sinoman ‘yon parang gusto niyang alamin. “H’wag mong idiin ang sisi sa’kin Khel, kung may isa mang dapat sisihin sa lahat nang nangyayaring ito it should be her, nilalalson niya ang isipan mo.” Mariin nitong wika habang matalim pa rin ang pagkakatitig nit okay Xandra. That time, the man who accompanied Cez feels the urge of seeing the face of the girl that she is pointing out. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga ito. Hindi na nakatiis si Xandra, ang kanina sanang balak niyang pagtahimik at pambabalewala sa mga pinagsasasabi ng dating kasintahan ng kanyang kaibigan ay ipinagsawalang bahala na niya. Kailangan niyang depensahan ang sarili n’ya at pabulaanan ang mga sinasabi nitong labag sa kanyang prinsipyo.. “FYI lang Cez, kahit kailan hindi ko ugaling manlason ng isipan ng ibang tao, at hanggat maaari hindi ako nanghihimasok ng may buhay nang may buhay at maki-alam sa kanilang mga disisyon,” walang kakurap-kurap niyang wika. Tila nagulat naman ang kasamang binata ni Cez nang mapagsino ang dalagang kasama ng boyfriend ni Cez, it’s none other than Xand, Xandra San Luis. “Xand?” mahina nitong sambit na tila punong puno ng katanungan. “Marco.” Nanlalaki ang mga matang wika niya, kunwari’y nagulat pa siya nang mapagsino ito gayong boses pa lamang nito kilalang kilala na niya. Ang kaninang nagbabangayang sina Cecile at Khellon ay matamang nakatingin sa dalawa nilang kasama, mga titig na puno ng pagtataka at mga katanungan. “I think there’s no reason for us to stay here anymore.” Pagkawika noon ay inakay na palabas ni Marco si Cecile. Naguguluhan man ay nagpatangay na rin sa ago sang dalaga at tila nakalimutan na ang galit patungkol sa dating nobyo at kasama nito. Naiiwan namang nakatulala at tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari si Xandra. Habang tahimik namang nakamatsag sa kanya si Khellon na tila ba nais magtanong ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang mga bibig. Kaya pala hindi nya nagawang magparamdam sa’kin nitong mga nakaraang araw. Akala ko busy lang s’ya sa kanyang trabaho, ‘yun pala may ibang trina-trabaho. Wika niya sa sarili habang nagpupuyos sag alit ang kanyang kalooban. She’s deeply hurt, parang tinutusok ng naglalakihang karayom ang kanyang puso, yung pakiramdam na para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Dahil sa sakit na nadarama hindi niya namalayan ang paglandas ng mga mumunting butil ng perlas sa kanya mga pisngi. “Are you key, Xand?” nag-aalalang tanong ni Khellon. He really wants to ask her, but he never try, gusto n’ya kasing ito mismo ang magsabi sa kanya ng problema. “Yeah, I’m okey. I wanna go home,” Agad naman siyang inalalayan sa pagtayo ng binata. Matapos tawagin ang waiter upang maibigay ang kanilang kabayaran para sa mga inorder nila ay nilisan na nila ang restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD