bc

Substitute Mommy

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
possessive
second chance
pregnant
drama
twisted
sweet
office/work place
first love
passionate
substitute
like
intro-logo
Blurb

Ziana Loraine is a simple girl whose dream is to become a successful woman. At first, she has no interest in being in a relationship. She doesn't believe that people will do anything for what they called "LOVE". But when Terrence came into the picture. Her sayings about love crash into pieces.

Ziana will do everything to make Terrence happy. Terrence was his boyfriend for one and a half years but he broke her heart. He left Ziana to marry his arranged marriage wife, who is getting hard to conceive a baby.

Ziana gets this opportunity to be with his ex-boyfriend again. She knows that this is wrong but she continues to do it. For the sake of Terrence's happiness, she's willing to carry their baby. Note, their baby. It means Terrence and his wife's baby.

How will it happen? Is it possible to carry other babies?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Huling lagok ang ginawa ni Ziana sa tequilla na nasa kanyang baso. Nasa loob siya ngayon ng bar. Ramdam niya ang init ng alak sa kanyang lalamunan. Pero sanay naman na siya sa pakiramdam na ganoon. Pumunta siya sa gitna ng dance floor at doon inilabas ang galing niya sa pagsayaw. Nakasuot siya ng isang fitted backless golden dress na above the knee. Kumikinang ito kada madadaanan ng disco light. Mayamaya pa ay dagsa na ang mga lalaking gusto siyang makuha sa gabing iyon. Nararamdaman niya ang bawat hapyaw na hawak sa kanyang braso at baywang ng mga ito, ngunit wala siyang pakialam. Diyan naman kayo magaling 'e. Sa una gustong gusto n’yo, sa huli mang-iiwan lang naman kayo sa ere. Sa loob-loob n'ya. Sa loob nang anim na buwan ay laman na siya ng iba't-ibang club sa Manila. Iinom, sasayaw, ihahain ang sarili sa dance floor at pagkatapos iiwanan ang lalaking makakasama n'yang makainuman. Gano’n at gano'n lang naman ang ginagawa n'ya. Kapag alam niyang hook na ang lalaki sa kanya ay bigla na lang n'ya itong iiwan. Kasarapan ng pagsasayaw niya sa dance floor ng may biglang humatak sa braso niya. "Aray! Nasasaktan ako ano ba! Sumasayaw pa nga 'yung tao 'e." Ngunit parang walang narinig ang humatak sa kanya patuloy lang ito sa paghila hanggang sa makarating sa labas ng bar na pinanggalingan nila. "Ziana Lorraine! Ganyan ka na lang ba talaga??" Sigaw ng kanyang kaibigan. "George ang g'wapo mo, pa-kiss nga ako." Sinukbit ng dalaga ang kanyang braso sa batok ng kaharap at tinuyang ngumuso-nguso. Ngunit pinigilan ito ng kaibigan niya at nilamutak ng palad ang mukha niya. "Pwede ba babaita ka. Tumigil ka nga. Hindi tayo talo ha! Lalaki ako pero pusong babae ako. Kukurutin talaga kita sa kepyaw kapag hindi ka tumigil sa ganitong gawain mo." "Sorry na, alam ko naman ire-rescue mo ako 'e," parang batang maktol ni Ziana. "Hinahanap ka na naman sa akin ng mommy at daddy mo. Alas dose na ng hating gabi hindi ka pa umuuwi. Ang paalam mo raw 'e, doon ka sa condo ko nagpunta. Ziana, lagi mo akong nilalagay sa alanganin. Mano bang tatawag ka sa akin na pinagpaalam mo sa kanila na sa akin ang punta mo. Para hindi ako nagugulat na tumatawag bigla sa akin ang tita. Naistorbo pa yung raket ko, pera din 'yon, naku, naku! ikaw na babae ka. Pumasok ka na sa kotse. Sa condo ka na matulog 'pag ihahatid kitang ganyan sa bahay n'yo pareho tayo malilintikan." "Good idea, my georgie," sabi nito habang pupungay-pungay ang mata sa kalasingan. Sinara ni George ang pinto ng kotse nang maipasok ang lasing na dalaga. "Frend, minsan kasi hindi masama mag-let go. Ako nahihirapang makita kang ganyan 'e." Sa sinabing iyon ng kaibigan ay tuluyang umiyak si Ziana. Inaamin naman n'ya sa sarili niya na hindi tama ang ginagawa niya. Pero that's her way to escape the pain, love and hate na iniwan sa kanya ni Terrence. Iniwan siya ng kauna-unahang lalaking minahal n'ya. Halos isang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon. Alam n'ya sa sarili n'ya na mahal na mahal siya ng lalaki ng mga panahong sila pa. Ramdam n'ya iyon at mahal na mahal n'ya rin ito. Dumating na lang ang isang araw na bigla na lang itong nakikipaghiwalay sa kanya. Kesyo off limits daw siya dahil matalik na magkaibigan ang kakambal n'ya, si Marco at ang dating nobyo. "If we are meant for each other, then we will be." Iyan ang mga katagang iniwan sa kanya ni Terrence bago ito lumipad papuntang America. Makalipas lamang ang halos anim na buwan ng sila ay maghiwalay ay nabalitaan niyang kinasal na ito. Halos magunaw ang mundo n'ya nang malaman iyon. Buong akala n'ya ay babalikan pa siya nito. Magmula nang malaman n'ya ang balita patungkol sa dating nobyo ay naging rebelde na ang puso n'ya. Ang kinaiinisan n'ya pa ay hindi n'ya malimutan ang pagmamahal ng dating nobyo. Masiyadong malaki ang espasyo ng pagmamahal niya kay Terrence sa puso n'ya. Katiting na nga lang ang itinira niya sa kanyang sarili. Sobra siyang nasaktan nang malamang ganoon lang kadali para kay Terrence ang palitan at kalimutan siya. Halos araw-araw ay nadudurog ang puso n’ya sa kadahilanang iyon. "Tahan na, sayang ang luha." Ibinato ni George ang tissue sa kaibigan. "Ayaw mo pa kasi sagutin yung nirereto ko sa iyo, si Eric. Mabait ang isang iyon hindi ka iiwan no’n promise." "Kung kaya lang turuan ang puso, bakla, ginawa ko na. Kaso hindi 'e. Masiyadong malaki ang lamat na iniwan ni Terrence sa puso ko. Kita mo nga 'o. Hanggang ngayon?" "HALATANG-HALATA." Idiniin pa ng kaibigan ang salitang iyon. Nagpatuloy lang sa pagmamaneho ang kanyang kaibigan habang siya ay nakatutok sa kanyang cellphone. Inii-stalk ang f******k profile ng dating nobyo. Nakaagaw ng pansin niya ang huling post status nito. "Our third baby loss again." Meron pang cry emoticons sa dulo nu'n. Naka-tag din sa post na iyon ang pangalan ng asawa ng dating nobyo. Ki-nlick n'ya iyon at pinagmasdang mabuti ang profile picture. Sino ang hindi mahuhumaling sa ganda n'ya. Ang ganda-ganda n'ya. Napakaamo ng hitsura. Kaya siguro hindi ko natalbugan ang ganda n'ya. Kaya ako iniwan. Sumikip muli ang kanyang dibdib sa isiping iyon. Nag-log out na siya, hindi niya kaya pang pagkatitigan ang litrato. Nagpunta siya sa gallery ng kanyang cellphone. Binuksan ang isang album na naka-hide roon. Nanlabo na naman ang mga mata n'ya. Mga larawan nang nakaraan. Malalawak na ngiti, mga matang puno ng pagmamahal. Kaya niya pa kayang ngumiti nang totoo gaya noon? Niyakap niya ang hawak na cellphone bago ipikit ang mga mata. Maya't maya lang ay narating na nila ang condo ng kaibigan. Inalalayan siya nito hanggang makarating sila sa loob no’n. Naligo siya upang mawala ang kanyang amats. Pagtapos ay inayos ang sarili bago mahiga sa kama. May sarili siyang kuwarto sa condo ng kanyang kaibigan. May mga damit at iilang gamit din siya roon. Iyon na ang naging takbuhan niya mula ng masawi ang puso niya sa kanyang unang pag-ibig. Si George na ang naging sandalan n'ya magmula noon. Ayaw na niyang bigyan ng stress ang matalik na kaibigan na si Cheska, na ngayon ay asawa nang kakambal n'ya. Paikot-ikot siya sa kama nang hindi makapa ang antok. Iniisip niya ang nabasa sa status ng dating kasintahan. Panigurado ay malungkot na naman ito dahil doon. Nag-decide siyang buksan ang laptap at magkutingting doon ng kung anu-ano. In-open niya ang kanyang f******k at halos lahat ng notifications niya ay "condolences" para sa pagkawala ng baby ni Terrence at Mara. Tila nagmukha na siyang baliw sa pang i-istalk lagi sa mga profile ng mga ito. Wala namang nakakakita sa ginagawa n'ya. Gusto n'ya lang malaman ang bawat detalye lalo na patungkol kay Terrence. Binasa niya ang mga comments sa comment box. At isa sa mga comments doon ang nakaagaw ng pansin niya. If the mother is the problem, I suggest you find a surrogate mother to carry your baby. Mas lalong naagaw ang pansin n'ya sa ini-reply ni Terrence rito. Our doctor also suggested that to us. So, we are looking for a carrier. Do you know someone? If so, you can tell her to send some of her documents here in the link. Walang pag -aalinlangang tinungo ni Ziana ang link na iyon. Nag-sign in siya at nang magkaroon ng account sa website na iyon ay agad siyang nagpasa ng requirements. Sa tingin naman niya ay qualified siya. Nagdasal siya bago i-click ang send. Ipinagdasal niya na sana ay siya ang mapili. Kung iyon ang magiging dahilan para maging masaya ang dating nobyo ay gagawin niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook