Memories
"Is she okay?" isang baritonong boses ang nagpagising sa diwa ko.
Agad akong nagmulat ng mata para tingnan kung sino 'yon, At hindi na ako nagtaka sa nakita. Siya na naman. Ang lalaking hindi ko naman kilala. Hindi ko alam kung anong nangyari sa 'kin, basta pag gising ko ay nasa harapan ko na siya. Umayos ako sa pagkakahiga saka tumingin sa kanila.
"Okay lang naman po ang lagay niya Dr. Wezen. Ang kailangan niya nalang po ngayon ay ang magpahinga at inumin ang mga gamot na naireseta ko sa kan'ya." mahabang litanya ng katabi nitong doctor.
Hindi agad ako kumibo dahil sa narinig. Halos tatlong buwan na akong walang maalala, tanging pangalan ko lang ang alam ko at wala nang iba. Gusto kong malaman kung bakit nasa hospital ako noong gabing 'yon. Pero, ayaw nilang sabihin sa 'kin! Tanging ang doctor lang ang kumausap sa 'kin. Sabi nito ay naaksidente ako, nagkaroon ako ng retrograde amnesia.
Noong una ay hindi pa ako maniwala, pero nang marinig ko na ang iyakan ng mga nakapaligid sa akin, tila may kung anong rumehistro sa isip ko na isang malabong senaryo.
"Aray." napahawak ako sa ulo ko nang maramdamang sumakit na naman ito.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama dahilan nang pag angat ko ng tingin sa tumabi sa 'kin.
"Baby, are you okay?" tanong ng isang baritonong boses. Hinaplos nito ang pisngi ko kaya napaatras ako ng higa. Bumaling ang tingin ko sa pinto nang sumara ito. Umalis na pala ang doctor na kausap niya.
"I'm sorry." yumuko ito saka lumayo sa 'kin. Hindi agad ako nagsalita. Tinitigan ko lamang ito saka huminga ng malalim.
"Sino ka?" I suddenly asked. Magmula no'ng makalabas ako ng hospital ay siya na ang nag alaga sa akin. Dinala niya 'ko dito sa bahay niya. Noong una ay hindi pa ako sasama, pero ang sabi ng doctor ay mas mabuting nasa puder ako nito. Mababantayan at maaalagaan niya raw ako. Hindi ko siya kilala pero sumama ako!
"You need to rest. You should sleep." He said softly. Tumayo siya sa pagkakaupo saka ako kinumutan.
Agad na nagngitngit ako sa galit. He didn't answer my damn question! Nagtatanong pa ako kung sino siya tapos papatulugin niya na ako?
"I'm asking you. Who the hell are you? Bakit ako nandito sa pamamahay mo? Wala ba akong pamilya? Tell me!" sigaw ko.
Nakita ko ang sakit sa mata nito habang nakatingin sa akin. Bakit niya ako tinitingnan ng gan'yan? Nakokonsensya na ba siya dahil sa ginagawa niya? Marapat lang! Tatlong buwan na ako dito pero wala pa rin akong alam tungkol sa kan'ya! Ni pangalan niya ay hindi ko alam!
He tried to reach my elbow. "You should sleep. Don't be stubborn, baby, please..."
Agad kong iniwas ang siko ko sa kan'ya at binigyan ito ng masamang tingin. "Sino ka ba talaga? Bakit hindi mo masagot ang tanginang tanong na 'yan?"
Nangilid ang luha ko dahil sa sitwasiyon ko ngayon. Hindi ko alam kung sino siya! Tuwing tinatanong ko naman 'to, hindi siya sumasagot! Ano balewala lang mga tanong ko? Gusto kong malaman ang totoo, At kasali na rin doon ang buong pagkatao ko! Sino nga ba ako?
"I-m your f-iance. You are engaged to me." he stuttered.
Nanuyo bigla ang lalamunan ko sa narinig. Fiancé ko siya? How? Hindi ko maalala na may kasintahan ako! Bigla na naman akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko.
"Damn. I'm sorry, baby." ani ng lalaki saka tumabi sa 'kin. May kinuha ito sa gilid ng study table.
"Here. You should take your medicine." inabot nito sa 'kin ang isang tablet ng gamot at tubig. Agad ko namang kinuha 'yon sa kan'ya at agad ininom.
Nang matapos kong inumin ang gamot ay saka ako tumingin sa lalaki. Napakalapit ng mukha nito sa 'kin. Agad akong nag iwas ng tingin nang mapansing nakatingin rin siya sa 'kin. Damn that was so close! Baka sabihin niya nababaliw na ako!
"You should sleep. Don't think about what I've said earlier." bawi rin nito.
Inayos nito ang kumot na nakapatong sa 'kin bago pinatay ang lamp shade.
Dumiretso siya sa pinto ng kwarto at saka humarap sa 'kin. Kahit madilim ang buong kwarto ay nararamdaman ko pa rin ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Ang titigan namin kanina! Hindi ko namalayan 'yon.
"Na écheis óneira glyká, agápi mou." After he said those words, he left me here dumbfounded.
Hindi agad nagrehistro sa utak ko ang sinabi niya. Na echos? Na ano daw? Hindi ko na nga maalala buong pagkatao ko, dinagdag niya pa sa problema ko ang sinabi niya! Wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng 'to!
Ang sabi niya ay fiancé ko siya. Paano nangyari 'yon? Agad kong hinawakan ang kamay ko saka 'yon hinaplos. Wala naman akong singsing na naramdaman. Kaya paano nangyari 'yon? Hindi kaya sinasabi niya lang lahat ng 'yon para hindi na ako magtanong sa kan'ya? Pero..Mas lalo lang akong naguguluhan.
Sa tatlong buwan na paninirahan ko dito sa bahay niya ay wala akong narinig na kung ano mang sumbat o reklamo sa kan'ya. Lagi ko siyang tinatanong kung sino ako noon at bakit kasama niya ako. Siya ba ang nakabunggo sa akin kaya inaalagaan niya ako?
Nangilid ang luha ko dahil sa naisip. Paano kung totoo nga? Nabunggo niya ako tapos siya na ang bahala sa lahat. Pero ang sabi niya ay fiancé ko siya! Hindi ako naniniwala! Wala akong matandaan na may fiance ako!
"Tumigil ka na sa ilusiyon mo, Olivia! Hindi ka niya magugustuhan! Mahal niya ang kapatid mo!"
"Akala mo ba pipiliin ka niya sa oras na malaman niya ang kalagayan mo ngayon? Maaawa lang siya sa'yo."
"Ginamit ka lang niya. Isa ka lang sa mga parausan niya. Magsasawa siya sa'yo at iiwan ka rin niya."
"You gold digging, b***h. Wala kang pinagkaiba sa nanay mo. Pareho lang kayo!"
Isang yugyog sa balikat ko ang nagpagising sa akin mula sa bangungot na 'yon. Anong nangyari? Bakit gano'n ang panaginip ko? Kasali ba 'to sa alaala ko? Tuluyan ng tumulo ang luha sa pisngi ko. Sino ang tinutukoy sa panaginip ko? Bakit gano'n nalang kung sumakit ang dibdib ko tuwing mapapanaginipan 'yon?
Someone wiped my tears. Siya na naman. Ang lalaking fiancé ko kuno. Bakas sa mukha nito ang takot at sakit habang nakatingin sa 'kin.
"It's just a nightmare. I'm sorry. Should I sleep here beside you? Kahit sa sofa nalang. Babantayan lang kita." He said said while wiping my tears.
Agad akong nag iwas ng tingin saka umiling. Alam ko na 'to. Napapanood ko 'to sa mga pelikula. Kunwari babantayan pero may balak na pa lang masama! Hindi mo 'ko mauuto.
"Hindi na. Kaya ko naman. Hindi naman sumasakit ulo ko." I said coldly. Tinanggal nito ang kamay niyang nasa pisngi ko saka suminghap.
"Umalis ka na. Iwan mo na 'ko dito."
He stares at me for a while. And then nodded. "I'm sorry. I know you're not comfortable with me.."
"Buti alam mo. Now leave." I said firmly. Wala na akong pakialam kung anong iisipin niya sa 'kin. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang mawala siya sa harap ko at layuan ako! Wala akong alam tungkol sa kan'ya kaya hindi pa rin ako panatag.
Nang matapos ang gabing 'yon ay hindi ko na madalas nakikita ang lalaki. Tuwing bababa ako ng silid ay si manang na ang umaasekaso sa 'kin.
"Manang na saan po si...."
"Si ser? Ay naku! Umalis na 'yon kaninang madaling araw. Ang alam ko ay may surgery itong ginagawa kaya dumiretso na siya sa hospital." saad ni manang.
Bahagya akong tumungo saka tumango. Akala ko kasi dahil sa sinabi ko kagabi kaya wala siya dito ngayon. Inubos ko ang almusal na nakahain sa akin saka tumayo na nang matapos. Ako na sana ang magliligpit no'n nang sawayin ako ni manang.
"Ay naku, hija! Magpahinga ka nalang doon sa silid mo. Uminom ka na rin ng gamot mo. Ako ng bahala dito." Si manang.
"Kaya ko naman po." ani ko na ikinailing nito.
"Kaya pala patay na patay sa'yo si ser, eh. Masyado kang masipag at mabait." bulong nito na hindi nakatakas sa pandinig ko.
"Hindi naman po ako mabait." pag aamin ko. Masipag lang ako pero hindi ako mabait. Wala yata sa vocabulary ko ang pagiging mabait.
I heard manang laughed. "Ewan ko sa'yo, hija. Sige na at umakyat ka na sa silid mo nang makapagpahinga ka na." ani ng matanda na ikinatango ko.
Nagsasabi lang naman ako ng totoo, bakit hindi siya maniwala? Nang makaayat ako sa kuwarto ay agad kong hinanap ang gamot na dapat kong inumin. Matapos 'yon ay umupo ako sa kama saka bumuntong hininga.
Ganito nalang ba lagi ang routine ko? Ang uminom ng gamot at magstay sa bahay ng lalaking 'yon? Tutunganga lang at maghihintay sa pag uwi niya? Paano ako makakaalala nito kung nakakulong lang ako sa bahay na 'to?
Hindi rin ako pwedeng lumabas ng bahay. Kahit ang tumawag sa ibang tao ay bawal rin! Anong gagawin ko dito? Hindi ko na kilala ang sarili ko. Ganito ba ako noon? Sunod sunuran sa mga taong nakapaligid sa 'kin? Wala ba akong pamilya na mag aalaga sa 'kin o hindi kaya ay kaibigan?
I wiped my tears. May naalala ako noon sa hospital. May isang babaeng umiiyak sa harapan ko habang nakatingin sa 'kin.
"Gising ka na! Pre, naaalala mo ba ako? Ako 'yong kaibigan mo. Ako 'to si Aia." iyak ng isang babaeng sa tingin ko ay kaedad ko lang.
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Kaibigan ko siya? Wala akong maalala na may kaibigan ako.
Tumingin ito sa 'kin saka umiyak ulit. May kinuha ito sa bulsa niya saka may pinakita. Isang picture 'yon ng apat na babae na naka-school uniform. I guess, grade school sila nang kinuhanan 'yan.
"Pre, ikaw 'to oh. Ikaw 'yan si Olivia." turo nito sa isang batang babae na nakasimangot.
"Ito naman si zandra." turo naman nito sa isang batang babae na may hawak na lollipop at nakanguso.
"At ito naman si haedi." turo niya sa babaeng nakaponytail at nakangiti.
"At syempre ako naman 'to. Si Aia" turo niya sa babaeng nakayakap sa batang ako.
"Naaalala mo na ba, pre? Pre, ako 'to. Kaibigan mo 'ko." agad na bumuhos muli sa pisngi nito ang panibagong luha.
Nag iwas ako ng tingin dahil do'n. Hindi ko talaga siya maalala. Kahit ang mga picture na pinakita niya sa 'kin ay hindi ko kilala. Hindi ko talaga maalala.
Kahit anong isip ko, wala talaga! Ito na ba ang kapalaran ko? Ang hindi makaalala at mabaon nalang sa limot ang lahat? Do I deserve all of these? Do I deserve all the pain? Bakit ganito? Bakit ako?
:>