Kabanata 1

2889 Words
Booger "Hoy penge!" sigaw ng kaklase kong babae. Siya si Aia, isa sa mga top student sa klase namin. Lagi siyang humihingi ng baon kong biscuit tuwing nakikita niya 'ko. Hindi naman ako nagrereklamo doon kaya binibigyan ko rin siya. Mabait rin naman kasi 'to. Ngayon ang unang araw ng pasok ko. Grade 6 na ako sa taong ito at malapit na 'kong mag-graduate. Excited na ako! Pagkatapos ng taong ito ay lilipat na ako. Ayoko ng mag-aral dito. Lagi nalang nila akong inaasar at binubully. Syempre ako naman, hindi ako nagpapatalo. Lumalaban ako! "Hoy pangit! Bakit ang pangit mo?" sigaw ng isa sa mga classmate kong lalaki na bungal. "Huwag mong awayin. Baka isumbong tayo sa nanay niyang kabit." tawa naman ng isa niyang kasama. Agad na nagngitngit ako sa galit dahil sa narinig. Ayoko sa lahat 'yong pati nanay ko nadadamay dito. Lumapit ako do'n sa lalaki at saka ito dinuraan. "Mas pangit ka, ulol. Eww jejemon!" "Pre, dinuraan ka oh!" sigaw ng kasama nito. "Aba lumalaban na si pangit." Lumapit sila sa 'kin isa-isa saka ako hinila. "Ano ba! Bitiwan niyo 'ko!" pagpupumiglas ko. Narinig ko ang pagtawa nila na parang demonyo. "Bakit? Takot ka?" dinala nila ako sa cr ng mga lalaki. Bigla akong nanigas sa takot nang ipasok nila ako doon saka agad na sinara ang pinto. "Babye pangit. Diyan ka muna, ha? Wala pa namang klase eh." hagikhik nito. "Hoy buksan niyo 'to! Jejemon kayo! Buksan nin'yo 'to!" sigaw ko sabay hampas sa pintuang sa tingin ko ay nilock na nila. Hindi ko na ulit sila narinig magsalita nang hinampas ko muli ang pinto. Wala na sila sa labas! Paano ako lalabas nito? Unang araw ko ngayon tapos ganito ang mangyayari sa akin! Nilibot ko ang paningin sa loob ng cr. May bintana sa itaas ng dingding nito, agad akong sumampa sa toilet bowl saka doon sumigaw. "Tulong! Buksan nin'yo po ang pinto! Nilock po ng mga jejemon 'yong cr! Parang awa niyo na po!" sigaw ko habang nakahawak sa railings ng bintana. Walang nakakarinig sa 'kin! Pilit akong tumitingin sa labas ng bintana at naghahanap ng dadaan dito. Baka sakaling may makakita sa akin, tulungan pa nila ako. Tama! Agad kong nilabas ang kamay ko sa railings saka kinaway kaway 'yon. "Tulong po.. parang awa niyo na po. Ilabas niyo na po ako dito..." nanghihinang saad ko. Halos mag iisang oras na akong nakasampa sa toilet bowl at humihingi ng tulong, pero wala pa ring tumutulong sa 'kin! Naiiyak akong bumaba sa toilet bowl. Bumaba ang tingin ko dito at halos masuka ako nang makitang may tae doon! Nanginginig akong lumayo sa toilet bowl saka sumiksik sa nakalock na pinto. Ang baho! Bakit ngayon ko lang nakita 'yan? Ngayon ko lang napansin 'yon at halos isang oras na akong nakasampa, pero ngayon ko lang talaga nakita?! Ang bastos naman ng tumae! Kung sino man ang tumae dito sana hindi na siya makatae! Napaupo ako sa tiles ng cr nang mapansin ang panghihina ng tuhod ko. Humikbi na ako dahil sa takot. Ano ng gagawin ko? Ito na nga ba ang sinasabi ko! Ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat ang ikulong dito sa cr! Magmula kinder ako ay lagi na akong inaasar ng mga classmate ko. Kesyo daw kabit si mama at anak daw ako sa labas. Pero, ang totoo si papa ang may ibang pamilya. Iniwan niya kami ni mama at ng mga kapatid ko! Mas pinili niyang sumama sa mas mayaman na babae! Tatlo kaming makakapatid. Ako, Si nathan at si oliver. Ako ang panganay, pangalawa naman si nathan at bunso si oliver. Nag-aaral na rin sila. Si nathan ay grade 3 na, samantalang si oliver ay kinder pa lang. Naalala ko noon na pati sila nabubully nang dahil sa akin. Minsan sinundo ko sila.. "Ate mo oh! Basang basa na naman uniform niya. Nakipag away na naman." ani ng classmate nito. "Ha? Hindi ko ate 'yan. Kami lang ni oliver ang magkapatid." Si nathan saka nag iwas ng tingin sa 'kin. "Ay hindi ba? Akala ko kasi..." tumawa ang katabi nito. Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Ganito ba ako kahiya-hiya? Wala naman akong ginagawang masama, ha? Basa lang naman ang uniform ko dahil binuhusan na naman ako ng grupo nila gerald. Lagi nalang ganito ang routine tuwing papasok ako kaya minsan hindi nalang ako pumapasok. "Ano ba naman 'yan, Olivia! Hindi ka na naman papasok! Sayang 'yang pinangbabayad ko sa school nin'yo kung lagi nalang gan'yan! Absent ka nang absent. Imbes na ikaw ang sumundo sa mga kapatid mo, ako pa magsusundo! Tumulong ka naman!" sigaw ni mama nang maabutan ako nitong nagkukulong sa kwarto. "Magbihis ka na diyan! Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo! Huwag mong painitin ang ulo ko, olivia. Makakatikim ka talaga sa 'kin!" Lumandas na naman ang panibagong luha sa pisngi ko. Ano ba naman 'yan! Lintek na luha na 'to! Kailan ka ba titigil? Pagod na pagod na ako! Bata pa lang ako, pero nararanasan ko na ang ganitong pagtrato nila sa akin. Napasinghap ako sa pagkakaupo nang biglang bumukas ang pinto ng cr. Agad akong tumayo para lumabas doon nang may humawak sa braso ko. Nangunot kong tiningnan ang lalaking pumigil sa 'kin. Pinunasan ko ang luha sa mata ko saka binigyan ito ng masamang tingin. "Kanina ka pa ba nandiyan sa loob?" tanong ng lalaki. Binitawan nito ang kamay na nakawahak sa braso ko saka tiningnan ako. "Sinong gumawa nito sa'yo?" tanong muli nito. Tumingin siya sa loob ng cr saka ngumiwi. "S-ila g-erald..." utal ko. "Lagi niya ba 'tong ginagawa sa'yo?" tanong nito na ikinatango ko nalang. Tiningnan kong mabuti ang mukha ng lalaki. Ngayon ko lang siya nakita dito kaya nakakapagtaka lang na siya ang tumulong sa 'kin makalabas. "Bago ka ba dito?" tanong ko. Bumaba ang tingin ko sa uniform niya. Hindi siya taga dito sa school namin! Baka sa kabilang building pa siya? Napansin yata nito ang paninitig ko sa kan'ya kaya tumikhim ang lalaki saka naglahad ng kamay sa akin. "Hi, I'm Saturn. 14, Grade 8 Sapphire." Agad na namula ang pisngi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko! Nanginginig kong inabot ang kamay niya saka nakipag-shake hands. "Mae.. 11, Grade 6 Jejemon." "Pardon me, what? Grade 6 Jejemon?" natatawang tanong ng lalaki. Tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "Oo. Grade 6 Jejemon." pang uulit ko. Ano bang tinatawa niya? Jejemon naman talaga section namin! Ngumuso ito saka bahagyang tumango. "Oh I see. 'Yong kapatid ko rin grade 6 Jejemon." "Sino doon? Apat kasi ang section dito. Jejemon A, B, C and D. Sa B ako." saad ko. "Sa A siya. Kilala mo? Varione. Varione ang name niya." aniya. "Ah....hindi ko kilala." saad ko na ikinatawa niya. Lumabas ang pantay-pantay at maputi nitong ngipin nang tumawa siya. Namula naman ang pisngi ko doon. Bigla akong nahiya dahil sa sinabi ko. Umayos ako sa pagkakatayo saka huminga ng malalim. "Aalis na ako. Salamat pala.." saad ko na ikinatango niya. "You're welcome. Ingat ka. Susunduin ko pa ang kapatid ko." ani nito saka ako tinalikuran. Nang tuluyan na siyang makaalis ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Tila ang bigat ng pakiramdam ko no'ng kausap ko siya kanina. Para akong kinakabahan sa aura niya. Pogi naman siya, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka may girlfriend na siya. Sa pogi niyang 'yon tapos wala siyang girlfriend? Hindi ako naniniwala. Nang matapos ang araw na 'yon ay umuwi na rin ako. Sinundo ko rin ang kapatid kong si oliver. Si nathan naman ay hindi na kami hinintay. Nauna na siyang umuwi sa amin. Siguro ayaw niya pa rin akong kasabay umuwi dahil sa pangbubully sa kan'ya ng mga classmate niya. Naiintindihan ko naman siya kaya ako nalang ang iiwas. Ayokong maranasan ng mga kapatid ko ang pangbubully na ginagawa sa 'kin nila gerald. Kinaumagahan ay gano'n pa rin ang routine, pumapasok sa school tapos uuwi rin. Si mama naman nagtatrabaho, minsan gabi na siya umuuwi. Hindi na rin ako nagtatanong dahil baka magdulot pa 'yon ng pag aaway namin. "Ang tahimik mo naman, olivia." puna sa 'kin ng katabi kong babae. "Ako pala si haedi! Ito naman si zandra..." nilahad nito ang kaibigan niyang kikay. "Hello..." saad ko saka tumingin ulit sa papel ko para magsagot. "Ito oh. Kopyahin mo na. Madali lang naman 'yan." boses 'yon ni zandra kaya napatingin ako sa kan'ya. Papakopyahin niya ako? Bakit? Hindi kami close. "Hindi na. Kaya ko naman saka madali nalang 'to." ani ko saka nag iwas ng tingin. I heard them chuckled. Inirapan ko nalang sila. Kung pagtatawanan lang rin nila ako mas mabuting sagutan ko nalang 'to nang hindi komokopya sa kanila. Ayokong magkaroon ng utang na loob. Nang matapos akong magsagot ay binigay ko na ang papel ko sa teacher namin. Si ma'am belinda. Mabait naman siya sa iba kong classmate, pero pag nakikita niya ako, nag iiba mood niya. Hindi ko nalang 'yon pinansin dahil sanay naman na ako. "Goodbye, teacher! Goodbye, classmate! Goodbye to all! See you tomorrow!" Nag-unahan ng lumabas ang mga classmate kong jejemon. Amoy na amoy ko ang pawis nila tuwing dumadaan sila sa harapan ko kaya napapatakip ako sa ilong ko. Ang baho, amoy panis na pawis! Nang makalabas ako ng room ay may kumapit na sa braso ko kaya nagulat ako doon. Tiningnan ko kung sino 'yon at laking gulat ko nang makita sila Aia, Haedi at Zandra na nakangiti sa akin. "Laro tayo? Sali ka sa'min. Chinese Garter. Hindi pa naman bukas gate, eh." utas ni zandra habang may nakasubong lollipop sa bibig niya. "Oo nga! Kulang kasi kami. By partner dapat..." ani naman ni Aia. "Oo nga! Ambusan tayo!" masiglang saad ni Haedi. Tatanggi na sana ako nang hilahin na nila ako papunta sa field. Malawak ang field, maraming naglalaro rin dito. May mga naghahabulan at naglalaro ng catch the body. Ang iba naman ay nasa playground at nag-slide. "Habol, habol...." sigaw 'yon ng isang batang lalaki habang mabilis na tumatakbo. "Wala weak.... Hindi niyo ako mahabol..." pang aasar pa nito. Tumakbo ang lalaki palapit sa 'kin saka pumunta sa likuran ko. Titingnan ko sana siya nang hawakan nito ang braso ko saka sinangga yon sa kalaro niya. "Oh Oh....weh?" ani ng lalaki habang nakawahak sa braso ko. Nahihilo na ako dahil sa ginagawa niya sa 'kin. Nasa harapan ko ang humahabol sa kan'ya. Kaya pala ginawa akong panangga, ha! "Hoy bata! Huwag mong anuhin 'yang friend namin." singit ni zandra saka ako hinila palapit sa kanila. "1,2,3,4,5,6,7,8,9,10. Huli ka na." ani ng lalaki nang mahawakan ang lalaking ginawa akong panangga kanina. "Bwesit!" bulong nito saka mariing tumingin sa kay zandra. "Ang kapal ng bulilit na 'yon! Ginawa ka pa niyang panangga para hindi siya mahuli!" asik ni zandra. Tumingin ako doon sa lalaki na nasa malayo na at nakahawak sa puno. Marami silang naroon at tila ginawa silang bitag. Kagat kagat nito ang lace ng id niya habang nakakunot ang noo. Natawa naman ako dahil do'n.Dugyot! "Tara na laro na tayo." sigaw ni haedi na napagbalik sa huwisyo ko. Nag umpisa na kaming maglaro. Partner ko si zandra, samantalang si haedi at aia naman ang magkakampi. Hinubad na ni zandra ang suot niyang palda, ganoon rin sila aia at haedi. Nakashort nalang sila samantalang ako ay nakapalda pa rin. "Hubadin mo na para makatalon ka nang maayos." ani ni zandra na agad kong inilingan. "Huwag na...." sagot ko. "Sige, ikaw bahala." ani nito saka nag umpisa na kaming maglaro ng chinese garter. "Ten, twenty, thirty, forty, fifty, sixty, seventy, eighty, ninety, one hundred!" sigaw ni zandra nang matapos siya. Sumunod naman ako do'n. Gano'n rin ang ginawa ko, alam ko naman 'yong larong ten twenty kaya natapos ko rin. Matapos ang ilang minutes na paglalaro namin ay bumukas na rin ang gate. Sinuot na nila zandra ang mga palda nila saka nagpaalam sa akin. Nariyan na raw kasi ang sundo nila. Si aia at haedi naman ay sabay umuwi. Gusto pa sana nila akong sumabay sa kanila kaso tinanggihan ko. Susunduin ko pa kasi ang kapatid ko, ayoko rin namang maghintay sila. Alas kuwatro na nang makapunta ako sa room ng kapatid ko. Sakto kakalabas lang rin nila. Kumaway ako para makita agad ako nito. "Oliver!" Hinanap ng kapatid ko ang boses kung saan nanggaling 'yon hanggang sa dumapo ang tingin niya sa akin. Ngumiti ito at saka dali daling lumapit sa akin. "Ate!" si Oliver. "Kumusta? Inaway ka ba ng mga classmate mo?" tanong ko. "Hindi naman po, ate. Mabait naman po sila." sagot nito na ikinangiti ko. "Good! Uwi na tayo? O bibili pa tayo?" "Gusto ko ng fishball, ate. Tapos 'yong palamig po." "Gusto mo 'yon? Gusto ko rin no'n!" masiglang saad ko na ikinatawa ng kapatid ko. Paborito kasi naming bonding ng kapatid ko ang kumain ng street foods sa labas. Minsan pag walang pera, umuuwi kami agad. Pero, dahil may pera pa ako ngayon, syempre bibili pa kami! Nang makalabas kami ng school ay agad kaming dumiretso ng kapatid ko sa isang vendor na nagbebenta ng fishball. Maraming bumibili ro'n kaya siksikan. Mukhang kakauwi lang rin ng mga high school. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni oliver para hindi ito mawala. "Manong dito nga po sa fishball at kikiam." saad ko habang tinutusok ang mga 'yon at nilalagay sa isang plastic cup. "Bente lahat, miss." ani ni manong. Nangunot ang noo ko dahil do'n. Hindi pa nga ako tapos sa pagtutusok, bente agad? Aba lugi ako dito, ha? Sampung piso lang ang baon ko! Dahil sa inis ko ay binalik ko ang tinusok kong mga fishball. "Hindi nalang po." ani ko at agad na hinila ang kapatid palayo do'n. Ang duga naman no'ng vendor na 'yon! Bente tapos lima lang natusok? Maliliit pa ang mga tinusok ko do'n! "Ate, hindi na po ba tayo bibili?" bakas sa boses nito ang panghihinayang. Napatingin ako sa kapatid nang magsalita ito. Oo nga pala! "Bibili.....pero sa iba nalang." ani ko. Tumango na lamang ito kaya nag umpisa na akong maghanap ng ibang tindero. Dumapo ang tingin ko sa isang vendor na kokonti lang ang mga bumibili. Agad akong lumapit do'n habang hila hila ang kapatid ko. Nang makalapit kami ay agad akong kumuha ng plastic cup saka nagtusok ng fishball. Limang piso, 10 pieces. Dalawang piso ang kwek-kwek at piso isa naman ang kikiam. Ang pinili ko do'n ay ang limang piso, 10 pieces. Mas marami na 'yon, no! Saka bibili pa ako ng palamig na tig 5 pesos lang. "Ito po manong bayad." inabot ko kay manong ang limang piso. Naglagay na rin ako ng sawsawan. Sweet and spicy. Mas gusto kasi namin 'yon ni oliver kaysa sa suka. "Ano ba 'to! Unang kagat, harina agad." rinig kong pagrereklamo ng isang batang lalaki. "Varione, shh." saad naman ng isang pamilyar na boses. Agad akong tumingin sa likuran ko para makita kung sino 'yong nagsalita. Napatalon ako nang makita ang lalaki. Siya 'yong tumulong sa 'kin makalabas ng cr! Nag angat ako ng tingin para tingnan siya ng mabuti. Hinagod nito ang buhok niya saka nagbaba ng tingin sa akin. Nagulat ako dahil do'n kaya nag iwas ako ng tingin. "Mae?" ani nito sa mababang tono. "Kuya, May 1?" saad ng katabi nitong dugyot. Siya 'yong lalaki kanina na kagat 'yong lace ng id, eww. "Hello po." mahinahon kong saad kahit na ang totoo ay kanina pa naghuhurumentado ang puso ko. "Hi, Mae. This is varione my little brother." saad ni kuyang pogi sabay hila sa kapatid niyang dugyot na kumakain ng kwek-kwek. "Ikaw?" sigaw nito. "Ako?" ani ko naman. Ano bang sinasabi ng hinayupak na 'to? "Kuya, siya 'yong babae kanina! Kaibigan niya 'yon kaya nahuli ako sa one-ten! Kasalanan nila!" asik ni dugyot habang nakatingin sa 'kin. Binigyan ko ito ng masamang tingin bago tumingin sa pogi niyang kuya. "Hindi po. Ginawa niya nga po akong panangga do'n sa nanghuhuli sa kan'ya." "Luh? Sumbungera." Si dugyot. "Varione, bakit mo ginawa 'yon? Paano kung nasaktan siya sa ginawa mo?" tanong ng kuya nito. Napangisi ako dahil do'n. Tiningnan ko si dugyot na nangungulot na. Tapos na pala siyang kumain. Baka pati kulangot niya kainin niya... Dugyot. "Okay sorry." ani nito saka inabot ang kamay. Nabigla ako sa ginawa niya.. Sincere ba siya sa sinabi niya? Ngumuso si dugyot kaya napatingin ako sa kamay nito. Nakalahad 'yon habang hinihintay akong makipag-shake hands. "Mabait naman pala, eh." bulong ko saka inabot ang kamay ni dugyot. "Nice to meet you. Sorry." ani nito saka nag iwas ng tingin. "Okay." saad ko saka tumingin sa kuya niya. "Thank you po. Aalis na po kami ng kapatid ko." pagpapaalam ko saka sila tinalikuran. Nang mahawakan ko si oliver ay lumayo agad ito sa 'kin. "Bakit?" "Ate, ano 'yang nasa kamay mo po?" tanong nito saka tinuro ang kamay ko. "Ha? Wala naman, ha!" naguguluhang saad ko. "Ate, 'yan po oh!" saad ng kapatid habang tinuturo ang isang maliit na bagay na nasa kamay ko. Tiningnan ko naman 'yon, at laking gulat ko nang marealize kung ano 'yon! Tangina, kulangot?! Lumingon ako sa gawi ni kuyang pogi saka tiningnan ang kapatid niyang natatawang nakatingin sa akin. "Ulol!" He mouthed and show his middle finger to me. Agad na nag init ang pisngi ko dahil sa inis. How dare him! Napakadugyot niya talaga! Bwesit! :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD