Kabanata 2

2650 Words
Tumbler Nang makauwi kami ng bahay ni oliver ay dumiretso na agad ako sa banyo para maghugas ng kamay. Kumuha na rin ako ng sabon para mawala ang germs. Bwesit na lalaking 'yon! Ang dugyot talaga! Ang layo layo sa kuya niya na mapalinis sa katawan. Matapos 'kong maghugas ay bumalik na ako sa sala. Naabutan ko ang kapatid kong si nathan na nagsasagot ng assignment niya, katabi nito ang bunso namin. "Magluluto na ako. Anong gusto niyong ulam?" masiglang tanong ko habang nakatingin sa kapatid. Lumingon sa gawi ko si nathan saka ako tinaasan ng kilay. Kinuha nito ang notebook na hawak niya at agad akong tinalikuran. Iniiwasan niya pa rin ba ako hanggang ngayon? Akala ko ba okay na kami? Nakapag-usap na naman na kami, At nagkabati na rin. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa 'kin. "Pst..anong gusto mong ulam?" tanong ko sa kay oliver. Nakaupo ito sa inupuan ng kuya niya kanina. "Kahit ano na lang po, ate. Masarap naman po ang luto mo kahit anong ulam, eh." pangbobola nito. "Sus. Bolero." "Hindi po kaya." ngumuso ito na ikinatawa ko. "Luto lang ako, ha? Huwag kang makulit diyan." ani ko sa kapatid saka bumalik na sa kusina. Lumapit ako sa maliit naming refrigerator. Nabili ito ni mama noon bago kami iwan ni papa. Binuksan ko ang ref. saka naghanap ng pwedeng lutuin. May mga gulay at karne naman dito kaya nagpasya na akong magluto ng pinakbet. Mahilig sa gulay ang dalawa kong kapatid, At paborito rin nila 'to kaya sigurado akong magugustuhan nila 'to. Natuto akong magluto noong iwan kami ni papa. Grade 3 ako no'n, at si mama naman ay naghahanap nang pwedeng pagkakitaan. Tuwing uuwi si mama, nakaluto na ang lahat at malinis na ang bahay. Ayaw kasi nito na uuwi siyang marumi. Minsan hindi ako nakapaglinis, pinalo ako. "Ikaw na bata ka! Anong sabi ko sa'yo? Hindi ba't pag uwi ko dapat malinis na ang lahat! Ano na namang dumi 'to, ha?" sigaw ni mama habang pinapalo ako ng sinturon. "Mama, tama na po. Ang sakit po. May ginawa po kaming project sa school, ma. Tama na po.." Iyak ko. "Aba't sumasagot ka pa! Wala akong pakialam kung may ginawa kayong project! Ang sinasabi ko dito ay dapat malinis ang bahay pag uwi ko! Pati pagkain, wala! Tangina ka naman!" patuloy pa rin si mama sa pagpalo sa 'kin hanggang sa nagsawa siya. "Ate, okay ka lang po ba?" tanong ng kapatid kong si oliver nang mapansin niya akong tahimik. Tapos na akong magluto ng ulam namin at kumakain na kami ngayon. Wala pa rin si mama, hindi pa siya umuuwi. Hindi ko alam kung anong oras siya uuwi. Buti nalang at hindi na namin siya hinintay kumain. Baka kasi magutom pa ang mga kapatid ko. Bumaling ako sa kapatid saka tipid na ngumiti. "Okay lang si ate. Kumain lang kayo." saad ko. Lumingon ako kay nathan na nakatingin na rin sa 'kin. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala, pero agad rin 'yong nawala nang ngitian ko siya. Matapos ang hapunan naming 'yon ay nagpasya na akong patulugin ang mga kapatid ko. Sa iisang kwarto ay kaming tatlo. Iisa lang ang kama at sakto naman kami roon. May isa ring kuwarto sa kabila, kila mama at papa naman 'yon. Kaso hindi na rito umuuwi si papa kaya si mama na lang mag-isa do'n. Nagising ako nang marinig ang isang kalabog mula sa kabilang kuwarto. Agad akong napabangon dahil do'n. Kinakabahan ako. Anong nangyari? Nakauwi na ba si mama? Napasok na ba kami ng magnanakaw? Pero, anong makukuha nila dito? Wala kaming pera! Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka naglakad patungo sa labas ng kuwarto. Ang pinto ng kuwarto namin ay kurtina lang kaya agad kong inilihis 'yon. Bumungad sa akin ang madilim na sala. "Ohh... Ang sarap niyan." Agad na napantig ang tainga ko dahil sa narinig. Boses 'yon ni mama! Lumabas ako ng kuwarto at lumapit doon sa kuwarto ni mama. Naririnig ko mula dito sa labas ang isang yugyog ng kama. Dahil sa kuryoso ko ay sumilip ako do'n. Madilim sa loob ng kuwarto ni mama. Tanging lampshade lang ang nakabukas. Kitang kita ng aking dalawang mata ang silweta nang lalaking nakapatong kay mama. "Malapit na akong labasan, dennis! Isagad mo pa. Ohhh..." hiyaw ni mama. Biglang lumandas ang luha sa pisngi ko. May ibang lalaki si mama? Akala ko ba si papa lang ang may iba, pati rin pala si mama. Bakit? Akala ko ba mahal nila ang isa't isa. Bakit ganito? Pinaniwala lang ba kami ni mama na si papa ang nagloko? Pati rin naman siya, ha! May iba siyang lalaki! Pareho lang sila ni papa! Hindi ko na sila pinatapos sa kung ano man ang ginagawa nila sa loob ng kuwarto na 'yon bagkus dumiretso na ako sa kuwarto namin ng kapatid ko at nagtalukbong. Doon ko binuhos ang lahat ng hinanakit ko kila mama. Talagang dito niya pa dinala ang lalaki niya! Hindi man lang siya nahiya na gawin nila 'yon dito! Paano kung ang kapatid ko ang nakarinig no'n? Baka umiyak lang ang dalawa at matakot! Hindi ko kaya... "Oh Olivia, gising ka na pala. Nagluto ako ng almusal natin. Kumain na kayo. Ngayon ang pasok nin'yo, 'di ba? Male-late na kayo." ani ni mama nang makalabas ako ng kuwarto. Kakatapos ko lang maligo at nakabihis na ako. "Hindi na po ako kakain. Sa school na lang po." mahinang saad ko. Tiningnan ko ang dalawang kapatid na masayang kumakain sa lamesa. Si nathan ay naka-uniform na rin. Si Oliver naman ay naka-pangtulog. "Dito ka na kumain. Mahal ang bilihin sa school. Nagluto ako ng paborito mong ulam. Adobong manok, anak." masayang saad ni mama. Kumuyom ang kamao ko dahil sa narinig. Anak? Kailan niya pa ako naging anak? At saka na saan ang lalaking kaniig niya kagabi? Nahiya ba siya na maabutan ko sila dito? May hiya pa pala sila. "Sige na, ate. Tama si mama. Mahal ang pagkain sa school. Samahan mo na kami dito, ate." pamimilit ni oliver. Tumayo siya sa pagkakaupo saka lumapit sa akin. Hinila nito ang laylayan ng uniform ko. "Ate, sige na please? Ngayon lang po tayo kakain ng sabay.." aniya. "Kumain ka na dito, ate." saad ni nathan. Bumaling ang tingin ko sa kan'ya. Nakayuko na ito ngayon. Hindi na ako tumanggi sa alok ng mga kapatid ko. Baka pagpinilit ko pa na sa school ako kakain ay baka magtampo pa sila sa 'kin. Ayoko naman na gano'n. Hindi ko na nga close si mama tapos pati kapatid ko gano'n rin? 'Wag nalang. Pagkatapos ng almusal namin ay nag toothbrush na ako. Nakita ko si mama sa kusina na naghuhugas ng plato. Wala ba siyang trabaho ngayon kaya siya na ang naghuhugas ng mga 'yan? Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa labas ng bahay. Nagpaalam na ako sa kapatid kong si oliver na nanonood ng Ben10. Bago ako makaalis sa bahay ay narinig ko na ang boses ni mama mula sa kusina. Tinatawag ako nito kaya agad rin akong dumalo doon. "Bakit po?" bungad ko. "Ito baon mo. Kahit ubusin mo 'yan ngayon." ani nito saka inabot sa 'kin ang isang daan. Nangunot ang noo ko. "Bakit? Malaki po 'to. Hindi na po." saad ko saka binalik ang pera sa kamay ni mama. "Hay naku, olivia. May pera pa naman ako. Baon mo na 'yan. Ilibre mo ang mga kaibigan mo." Si mama. "Pero malaki po ito. May baon pa naman po ako. Huwag na po." "Tanggapin mo na. Ngayon lang kita bibigyan ng gan'yan kaya baunin mo na. Ingat ka sa pagpasok mo." saad ni mama. Tumango na lamang ako bago umalis ng kusina. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Pagdating ko ng school ay marami ng estudyante ang nakapila para sa flag ceremony. Hindi ko namalayan ang oras, late na pala ako. Hinanap ng mga mata ko ang section namin. Nang makita ko ang likod ni haedi ay roon na ako pumila sa likuran niya. Matangkad kasi si haedi kaya lagi siyang nasa likod. Sila zandra at aia naman ay nasa harapan. Matagal ko nang kilala ang tatlong 'to kasi naging classmate ko na rin sila noong grade 4. Mababait naman sila. Hindi sila gaya ng ibang estudyante na matapobre. Nang matapos ang pagkanta ng pambansang awit ay tinawag na nila si zandra para sa panunumpa. Si zandra ay may pagkabibo. Lahat ng teacher dito sa school ay kilala siya. Isa rin siya sa mga top student, pareho sila ni aia. Si haedi naman ay gano'n rin, shy type rin siya gaya ko. Nang matapos ang panunumpa ay nagsimula nang tumawag ang mga teacher na sasayaw para sa zumba. Dumiretso naman agad doon sa stage ang section jejemon A. May limang lalaki at limang babae. "Ang mga ibon na lumilipad Ay mahal ng Dios, Di kumukupas, Ang mga ibon na lumilipad Ay mahal ng Dios, Di kumukupas, Wag ka nang malungkot, Mahal ka ng Dios." Nang mag umpisa ng tumugtog ang music ay sumayaw na rin ang ibang estudyante. Sinasabayan nila ang mga sumasayaw sa harap ng stage. Ako naman ay pinapanood lang sila. Hindi ko trip ang sumayaw. Kahit zumba pa 'yan, aantukin pa rin naman ako sa klase. "Hoy sumayaw ka naman, olivia. Para naman may energy ka mamaya!" bulong ni haedi habang sumasayaw. Umiling na lamang ako at saka tumingin sa harap. Pinanood ko lang sila matapos hanggang sa pinabalik na kami sa sari-sarili naming classroom. Ang ibang estudyante ay sumisigaw at nagtutulukan. "Ano ba! Bilisan niyo naman mga hunghang!" boses 'yon ng isang batang lalaki. "Wait lang, varione. Huwag ka namang manulak." saad ng babae. "Hindi naman kita tinutulak, ha! Sila brian ang tumutulak sa'yo." "Tumahimik nga kayo. Section A pa naman kayo tapos ang babastos nin'yo." singit ni Aia. "Ay weh? Kayo nga section B pero wala kaming pake." ani naman ni dugyot. "Anong kaguluhan ang meron dito?" boses 'yon ni teacher lisa. "Sila varione po, nanunulak." sumbong no'ng babae. "Totoo ba ang sinasabi ni freya, varione? Nanunulak ka daw." Si teacher lisa. "Hindi po ma'am. Sila brian po talaga." Si dugyot. "Hindi po ma'am! Sila Danny po talaga." ang lalaking brian ang pangalan. "Wala talagang aamin sa inyo? Lahat kayo mag-re-recite!" naiinis na saad ni teacher lisa bago kami talikuran. "Basic." boses ni dugyot sa likuran ko. 'Yan kasi ayaw pa umamin. Buti nga sa inyo. Ito namang si dugyot ang feeling niya. Basic daw pero baka mamaya umiyak na siya sa kaba. Umirap nalang ako at saka sumunod sa mga classmate ko. Nag-umpisa nang magklase ang teacher namin. Ang unang subject namin ngayon ay english kaya hindi na ako nahirapan. Madali lang naman sa 'kin ang subject na 'to. "The past tense is a verb tense used for a past activity or a past state of being. Example; I jumped in lake. Where is the past tense here?" "Jumped!" sigaw nila aia at zandra. "Raised your hands. Don't recite in chorus." iritadong saad ni teacher belinda. Nang matapos ang unang subject namin ay lumipat na kami ng classroom para sa panibago naming subject. Dumiretso kami sa classroom nang section A. Nagka-klase pa rin sila hanggang ngayon. Nasa harapan si teacher lisa habang si dugyot naman ay nasa harapan ng blackboard at nagso-solve. "838 × 3= 2, 514 + 930 = 3,444 -3,301 = 143. 'Yan po ang sagot, ma'am. 143." mayabang na sagot ni dugyot. "I love you too, varione!" sigaw ng classmate nitong babae. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga classmate ko at classmate niya. Si ma'am lisa naman ay manghang mangha kay dugyot habang tinitingnan ang sinolve nito sa blackboard. "Very good, Varione! Dahil diyan exempted ka na sa exam." Si ma'am lisa. "Luh madaya! Kami rin ma'am." "Tumahimik kayo. Lumipat na kayo sa next subject niyo." Nagsitayuan na ang mga estudyante ni ma'am lisa at saka lumabas na ng classroom. Hindi ko na hinintay ang iba na lumabas kaya pumasok na ako. Nakasalubong ko si dugyot na nakangising nakatingin sa akin. "Oh baka crush mo na ako niyan, ha? Alam kong matalino ako, pero hindi ako pumapatol sa payatot." ani nito saka ako nilagpasan. Bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya kaya kinuha ko ang tumbler ko saka binato 'yon sa kan'ya. Nakatalikod siya sa 'kin kaya laking gulat ko nang ma-catch niya ang tumbler. "Salamat sa libreng tubig, ha? Na-appreciate ko." hagikhik nito. Lumabas na siya ng classroom bago ko matawag ang pangalan niya. Ang kapal niya talaga! Nakakainis! Papadyak-padyak akong umupo sa katabing upuan nila haedi. "Crush mo 'yon?" tanong nito. "Ha? Hindi.." iritadong sagot ko. "Bakit mo binigay tumbler mo?" usisa ni aia. "Binato ko 'yon sa kan'ya! Hindi ko alam na ma-ca-catch niya! Kukunin ko dapat 'yon eh, kaso umalis na siya." giit ko. "Dapat kinuha mo." bulong ni zandra. "Oo nga! Kunin natin mamaya." saad naman ni Aia. "Sa kan'ya na 'yon! Hindi ko na iinuman 'yon! Dugyot!" nandidiring saad ko. "Sabagay. Dugyot naman talaga." sulsol ni zandra. Tumango nalang ako saka nag iwas ng tingin. Bakit ba kasi na catch niya? May mata ba siya sa likod? Tapos ito naman sila zandra parang ewan! Parang gustong gusto pa nila akong iship sa lalaking dugyot na 'yon! Nang matapos ang klase namin ay bumalik na kami sa dati naming classroom. Naabutan ko na naman si dugyot na hawak ang tumbler ko saka umiinom doon! Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin kahapon! 'Yong kulangot niya! Lalapitan ko na sana si dugyot para bigwasan ito nang marinig ko ang isang tugtog na nanggagaling sa malaking speaker na nasa likuran. Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako) Alam kong minamahal kita (minamahal kita) Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako "Varione, para sa 'yo nga pala." lumapit ang isang batang babae kay dugyot habang hawak ang isang heart shape na may lamang chocolate. "Kunin mo na varione, pre. Sayang oh!" sulsol ng katabi ni dugyot. "Sino ba 'yang babae na 'yan? Grade 3 lang 'yan, 'di ba?" rinig kong bulong ng isang babae. "Oo. Classmate 'yan ng kapatid ko, eh." Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako) Alam kong minamahal kita (minamahal kita) Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako Lumingon na ako ngayon kay dugyot para tingnan ang reaction niya, At laking gulat ko nang magtama ang paningin naming dalawa. Ngumuso siya at tila nagpipigil ng tawa. Ano bang tinitingin ng dugyot na 'to? "Sorry, bata. Aral ka muna." ani nito bago tumayo sa kinauupuan niya. Kumunot ang noo kong tumingin kay dugyot. Ang feeling niya naman! Siya na nga binibigyan tapos siya pa 'tong maaarte. Umiyak na ngayon ang bata saka tumakbo palabas ng classroom. Si dugyot naman ay lumapit na sa akin. Hawak pa rin nito ang tumbler ko saka ngumiti ng nakakaloko. "Crush mo ba ako? Kanina ka pa tingin nang tingin." bungad nito. Bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Ito na naman siya. Nagfe-feeling na naman siya! Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Hindi kita crush. Ang dugyot mo." Tumawa siya. "Talaga ba? Kaya pala hinayaan mo kong inuman 'tong tumbler mo." "Sa 'yo na 'yan! Wala na akong pake diyan! Nandito lang ako para bigwasan ka!" pagkatapos kong sabihin 'yon ay binatukan ko na si dugyot. Napayuko siya sa ginawa ko. Nabitawan nito ang tumbler ko saka hinawakan ang batok niya. "Aray." daing nito. "Bagay lang 'yan sa'yo! Dugyot!" asik ko bago siya talikuran. "Hoy si varione tulungan niyo! Dumudugo ilong niya!" sigaw ng babae. Tumingin naman ako sa kanila at nakita ko ang pagdurugo ng ilong ni dugyot. Nakayuko lang siya at tila iniinda ang sakit ng batok niya. "Init lang 'to. Hayaan niyo na ako." mariing saad nito saka nag angat ng tingin sa akin. "Ulol." I mouthed. :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD