Kabanata 3

1809 Words
Enjoy Hindi ko na pinansin ang sigawan ng mga classmate ni dugyot bagkus dumiretso na ako kila haedi at zandra na nakaupo malapit sa mahogany tree. Hingal na hingal akong lumapit sa kanila. Napansin naman nila ang presensiya ko kaya tumayo si zandra para paupuin ako. "Anong nangyari? Nakuha mo ba tumbler mo?" tanong nito. "Hindi. Sa kan'ya na 'yon. Marami naman akong tumbler sa bahay." pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ay iisa lang ang tumbler na 'yon. Bigay 'yon sa'kin ni papa noon bago siya sumama sa iba niyang babae. "Okay! Kain na tayo." ani ni haedi saka nilabas na ang baunan niya. Gano'n rin ang ginawa nila aia at zandra. Binuksan ko naman ang bag ko para ilabas ang baon ko nang maalala kong wala pala akong baon. Hindi ako nagbaon ng pagkain! Binigyan pala ako ni mama ng pera. Hinanap ko sa bag ang isang daan na baon ko. Ang sabi ni mama ay ilibre ko ang mga kaibigan ko. Pero, wala naman akong ibang kaibigan dito. Sila Aia lang kilala ko. "Wala ka bang baon, olivia?" tanong ni Aia nang mapansing wala akong nilabas na baunan. Nahihiya akong tumango bago nag iwas ng tingin. "Pera kasi ang baon ko. Gusto niyo bang ilibre ko kayo?" tanong ko na ikinatawa nila. Kanina pa ako nahihiya sa kanila. Hinihintay nila akong kumain tapos wala pala akong baon! "Sige ba! Gusto ko ng burger tas coke." excited na saad ni zandra. "Ako fries saka royal!" Si Aia. "Kahit ano nalang ako." Nahihiyang saad ni Haedi. "Sige. bahala kayo. Tara na." ani ko sa kanila saka tumayo na. Tumayo na rin sila saka sumunod sa akin. Sinukbit ni Aia ang balikat niya sa 'kin. Ganoon rin sila haedi at zandra. Nagkwe-kwentuhan sila tungkol sa nangyari kahapon. Si zandra raw ay sinundo ng mama niya saka dumiretso sila sa jollibee, si aia at haedi naman ay bumili ng ice cream bago umuwi. "Ikaw olivia, anong ginawa mo kahapon bago umuwi?" tanong ni zandra kaya napatingin ako sa kan'ya. "Uhm Sinundo ko ang kapatid ko saka bumili kami ng fishball." sagot ko. "Sabay rin tayo mamaya! Para makatikim rin kami ng fishball!" masiglang saad ni haedi na tinanguan ko nalang. Matapos ang araw na 'yon ay sabay nga kaming umuwi. Bumili kami ng fishball sa labas kaya tuwang tuwa sila. Ako naman ay bumili ng kwek-kwek. Hindi ko na rin nakita si dugyot. Mabuti na rin 'yon para hindi ako malasin. Pag-uwi ko ng bahay ay marami ng tao ang nasa harapan namin. Anong meron? Dali-dali akong lumapit do'n. Narinig ko na mula dito sa labas ang iyak ng dalawa kong kapatid. Agad akong pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang walang buhay na si mama habang may nakatali sa leeg niya. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. "Mama!" iyak ko nang makalapit sa tabi ni mama. "Ate, dalhin natin si mama sa hospital!" sigaw ni nathan. "M-ama ko.." Iyak ni oliver. Nanghihina 'kong binuhat si mama. Bakit mo ginawa 'to mama? Bakit mo kami iniwan? Hindi ko pa alam kung paano ko bubuhayin ang mga kapatid ko. Ang bata ko pa! "Olivia, condolence." boses 'yon ni zandra nang dumalo siya sa lamay ni mama. Kasama nito sila haedi at aia. Nag angat ako ng tingin para tingnan sila. Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang luha ko. Kanina pa ako dito pero wala akong pakialam! Namatay si mama at 'yon ang hindi ko matanggap! Hindi ko alam ang rason niya kung bakit niya 'to ginawa! Bakit siya nagpakamatay! Maraming nagsasabi sa kapitbahay namin na baka depressed na daw si mama kaya nagawa niya 'yon, pero hindi ako naniniwala. Bago ako umalis no'ng araw na 'yon ay binigyan pa ako ni mama ng isang daan! Tuwang tuwa pa siya habang binibigyan ng ulam ang plato ng mga kapatid ko, kaya hindi ako naniniwala na nagpakamatay si mama! "Oliver." tawag ko sa kapatid na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Siya ang kasama ni mama bago ito magpakamatay. Baka may sinabi sa kan'ya si mama. Lumapit sa 'kin ang kapatid kong si oliver saka ako niyakap ng mahigpit. Iyak siya nang iyak. "Ate si mama.. patay na si mama.." hikbi nito. "Hush. May sinabi ba sa'yo si mama? Sabihin mo kay ate.." bulong ko dito habang hinahaplos ang likuran niya. Nag angat siya ng tingin saka umiling. "W-ala po ate.." Napasinghap ako dahil sa sagot ni Oliver. Kung ganoon bakit nagpakamatay si mama? Umayos ako sa pagkakaupo at saka tumingin sa kapatid. Iyak pa rin sila nang iyak. Hindi nila matanggap ang pagkamatay ni mama. Kahit ako ay hindi ko alam na ganito kabilis! "Anak..." "Papa!" sigaw ni nathan kaya agad na nanlaki ang mga mata ko dahil do'n. Nandito si papa? Bumaling ang tingin ko kay nathan na yakap-yakap si papa. Bumuhos ang panibagong luha sa pisngi ko. Anong ginagawa niya dito? Kukunin niya na ba sa akin ang mga kapatid ko? Lumingon sa akin si papa saka marahang ngumiti. Binuhat nito ang kapatid kong si nathan saka lumapit sa amin ni oliver. Mas humigpit ang pagkakayakap sa 'kin ng kapatid ko nang tuluyan ng makalapit sa amin sila papa. "Olivia, Oliver. Mga anak ko." mahinang saad nito saka kami hinagkan. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Naririnig ko na ang bulungan ng mga kapitbahay namin sa gilid. Lahat ng mata nila ay nasa amin. Tila nag-aabang sa susunod na mangyayari. "Ang kapal naman niyang pumunta dito. Hindi ba siya nahihiya kay lordes? Sinama pa pati 'yong bagong asawa niya." bulong ni aling lunes. Agad naman akong tumingin sa kakapasok lang na babae. Naka-shades ito at naka-red na dress. May mga mamahaling alahas rin ang nakasukbit sa katawan niya. Maputi at sumisigaw sa karangyaan ang suot ng babae. Humiwalay ako sa yakap ni papa saka tumikhim. "Ano pong ginagawa niyo dito?" Hinawakan nito ang pisngi ko saka pinunasan ang natuyong luha ko. "Sa akin na kayo titira mga anak. Magsasama-sama na tayo." maligayang saad nito. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kay oliver. Bakit? Para saan pa? Dahil ba patay na si mama kaya siya naman ang mag-aalaga sa amin? Ilang taon kaming nawalan ng ama! Iniisip ko gabi-gabi kung anong pagkukulang namin bilang anak niya! Hindi siya bumalik at mas piniling sumama sa ibang babae, tapos nandito siya na parang walang nangyari? "Hindi kami sasama sa inyo. Kaya ko na pong buhayin ang kapatid ko." mariing saad ko. "Anak, ang bata mo pa para buhayin ang mga kapatid mo. Ako na ang bahala sa inyo. Aalagaan ko kayo. Babawi si papa." aniya. Nagtagis ang bagang ko dahil sa narinig. "Babawi? Bakit ngayon pa? Bakit hindi noon?" asik ko. Hindi ito nakapagsalita. Bakas sa mukha nito ang gulat sa tanong ko. Oh ano, hindi ka makasagot? Kasi tama ako! Gusto mong bumawi ngayon, pero hindi mo nagawa noon? Para saan pa? Ngumisi akong tumingin kay papa saka umiling. "Pwede na po kayong umalis." Matapos kong sabihin 'yon ay tinalikuran ko na sila. Binuhat ko si oliver saka pinababa si nathan sa pagkakabuhat sa kan'ya ni papa. Wala nang saysay pa kung babawi pa siya. Wala na ngayon si mama! Hindi niya na mababawi ang buhay ni mama! Pagkatapos ng gabing 'yon ay umuwi na rin sila. Hindi ko na sila nadatnan paggising ko. Buti nalang at may hiya pa sila. Ngayon ang burol ni mama. Maaga ko nang ginising ang mga kapatid ko para makapaghanda. May mga kapitbahay ring tumutulong sa burol. Nandito sila aling lunes at tiya martes. Sila ang nagbantay kagabi sa lamay habang pinapatulog ko ang mga kapatid ko. Nang makapagbihis na ako ay lumabas na ako ng bahay. Naka-white t-shirt lang ako at pants. Ganoon rin ang mga kapatid ko. Sana'y 'di na magising kung nangangarap man din Kung ang buhay na makulay ang tatahakin Minsan ay madarapa, minsan din ay luluha 'Di ka na maninimdim 'Pagka't sa buhay mo ay may nagmamahal pa rin "Mama..." iyak nang dalawa kong kapatid habang naglalakad. Ihahatid na namin si mama sa huling hantungan niya, At hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay. Walang tigil sa pagbuhos ng luha ang mga mata ko. Ano ng gagawin ko pagkatapos nito? "Mahal na mahal ka po namin, ma. Ako na po ang bahala sa mga kapatid ko. Sorry po kung naging palasagot at pasaway akong anak. Pasensya na po." hikbi ko. "Mama, gumising ka na po diyan. Mama ko!" Sigaw ni nathan. "M-ama. Wake up na po.. I'll be good na po pramis. Hindi na po ako makulit. Gising na po." iyak ni oliver. Niyakap ko ang dalawa at pinatahan sa pag-iyak. Nahagip ng dalawang mata ko ang babaeng nagpunta sa amin kagabi sa bahay, ang babae ni papa! Nakapayong ito habang tinitingnan kami. Nag iwas nalang ako ng tingin at pinagtuonan nang atensyon ang dalawa kong kapatid. Nang matapos ang burol ni mama ay dumiretso na kami sa bahay. Nadatnan namin doon si papa na nasa harapan ng pinto habang hinihintay kami. Agad akong lumapit sa kan'ya. "Anak...sumama na kayo sa akin. Wala na ang mama niyo. Walang mag-aalaga sa inyo dito." bungad nito. "Ate..." lumingon ako sa likuran nang tawagin ako ng kapatid kong si oliver. Nanlaki ang mga mata kong tiningnan si Oliver na buhat na ngayon ng babae ni papa. What the hell! Agad na nag init ang ulo ko dahil do'n. Dali-dali akong lumapit sa kay oliver para kunin do'n sa babae kaso mahigpit ang hawak niya sa kapatid ko. "Hija, tama na. Patay na ang mama nin'yo. Sumama na kayo sa amin ng papa nin'yo. You should be grateful kasi nandito kami para tulungan kayo." maarteng saad ng babae. "Lydia!" sigaw ni papa. "Sorry, honey. I'm just saying the truth. Pasalamat nga sila kukupkupin pa natin, eh." The b***h rolled her eyes. Kumuyom ang kamay ko at saka nagtimping sakalin ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Pasalamat ka at bitbit mo ang kapatid ko, dahil kung hindi, ikaw ang isusunod ko sa burol ni mama! "Ate, sumama na po tayo kay papa." boses 'yon ni nathan. Dumapo ang tingin ko sa kapatid na nasa loob na ng kotse no'ng babae. Wala na akong nagawa nang ipasok na nila papa ang mga gamit namin sa loob ng kotse nila. Nasa shotgun seat na rin ang babae at ang dalawa kong kapatid ay nasa backseat. "Pumasok ka na sa loob, hija. O baka gusto mong maiwan dito?" ani ng babae. "Anak, pumasok ka na." saad ni papa kaya agad akong napatingin sa kan'ya. Ngumiti ito sa 'kin saka binuksan ang pinto ng backseat. Nang makasakay ako ng kotse ay sakto rin ang pagstart ng engine. Nag umpisa nang magdrive si papa habang ang dalawang kapatid ko naman ay nakayakap sa akin. Ang babae naman ay nandidiring nakatingin sa aming tatlo. Hindi ko nalang 'yon pinansin at pinikit nalang ang aking dalawang mata. :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD