Kabanata 5

3285 Words
Too much "Oh anong tinitingin mo diyan?" tanong ni ate keziah na nagpagising sa huwisyo ko. Hindi ko namalayan na umalis na pala ang dalawa, At sakto pang naabutan ni ate na nakatingin ako doon! Baka kung anong isipin niya. Grabe pa naman mag isip si ate keziah. Lahat sa kan'ya issue! "Wala po. Papasok na po ako sa kwarto." pagpapaalam ko saka ito tinalikuran. Bago pa ako makapasok sa loob ay hinawakan na ni ate keziah ang palapulsuhan ko. "You have a crush on them, don't you? Huwag ka nang umasa. Hindi ka nila papatulan." mataray na saad nito. "Po? Hindi po." agad akong umiling. Wala naman akong gusto doon sa dalawa, at wala rin akong balak. Napanood ko kanina ang ginawa nila kay ate keziah, At ayokong mangyari rin 'yon sa akin. "Really? Bakit ka nakatingin sa kanila? You like stan? Tapos hinaharot mo si gwen? What a flirt." asik nito. Hinawakan ko ang kamay ni ate keziah saka tinanggal sa palapulsuhan ko. "Hindi ko po sila gusto." magalang kong saad na ikinatawa nito. "Don't me, Olivia. Pati nga kapatid ko nilalandi mo, eh. 'Yong dalawa pa kaya? Umalis ka nga sa harapan ko! Nandidiri ako sa 'yo." She said while crossing her arms. Nandidiri siya sa akin? Coming from her? Mas nakakadiri nga siya, eh. Inirapan ko na lamang ito saka umalis na sa harapan niya. Kung nandidiri siya sa akin, mas nakakadiri siya. Dalawang lalaki ba naman ang tirahin, walang sinanto, ha. Nang matapos ang gabing 'yon ay pumasok naman ako sa school kinabukasan. Buti nalang at maaga akong gumising, hindi na ako naihatid ni kuya kenzo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Ang paghawak niya sa maselang parte ng katawan ko ay hindi kaaya-aya. Nakakadiri! "Olivia, okay ka lang ba? You're spacing out again." bulong ni zandra habang nagka-klase ang teacher namin sa harap. "Ha? Maayos naman ako, ha?" binalingan ko siya ng tingin. "Weh? Dapat sumama ka nalang sa amin kagabi! Ang ganda sa party ni drake. Maraming pogi!" bulong muli nito. Sana nga sumama nalang ako para hindi ko nakita 'yong napanood ko kagabi. Sasabihin ko ba kila zandra 'yong nakita ko at ginawa sa akin ni kuya kenzo? Lumingon ako sa T.L.E teacher namin na nag-aayos na ng mga gamit niya. Mukhang tapos na ang klase namin. "Ano na olivia? Nakikinig ka ba sa akin?" si zandra nang umalis na ang subject teacher namin. Umayos ako ng upo at tumingin na kay zandra. "Nakikinig ako. Ano nga ulit 'yon?" Agad niya akong sinabunutan dahil sa sinabi ko. "Gaga 'to! Hindi ka nakikinig! Sabi ko, dapat sumama ka nalang sa amin kagabi!" pang uulit nito. "Ah... Next time nalang. Marami pa namang birthday ang dadaan." ani ko dito saka ngumuso. Iniisip ko pa rin kung sasabihin ko kay zandra ang nangyari kagabi. Sasabihin ko ba o hindi? Bumaling ang tingin ko sa bag ni zandra nang may ilabas itong baunan. "May dala nga pala ako sa 'yo. Binaunan kita! Ang dami kasing handa sa birthday ni drake! Binigyan niya ako ng cake." masayang saad ni zandra. Napatingin naman ako sa baunan na may lamang cake. Binuksan ko 'yon at bumungad sa akin ang cake. Chocolate ang flavor no'n at mukhang masarap. May nakasulat rin doon na happy, mukhang sinadyang hiniwa ni zandra ang cake kaya nahiwalay ang birthday. I chuckled. "Ganito mo ba ako kamahal? Dinalhan mo pa ako ng cake galing sa birthday ni drake." ani ko dito habang tinitingnan ang cake. Si drake ang campus crush dito sa school. Lahat ng mga babae ay nagkakagusto sa kan'ya, pero hindi ako kasali doon. Hindi ko tipo ang katulad ni drake. Mukhang babaero at playboy. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan ni zandra ang lalaking 'yon. "Binigay niya 'yan sa akin! Hindi ko hiningi duh!" giit nito. "Weh? Sila Aia, may cake rin ba?" pang uusisa ko. Zandra cleared her throat. "Hindi. Binigay nga sa akin 'yan ni drake. Ang kulit mo naman!" iritadong saad ni zandra na ikinatawa ko nalang. "Nagtatanong lang naman po, mare." ani ko na ikinatawa namin. Matapos ang usapan namin ay kinain ko na ang cake na binigay ni zandra. Sabay kaming kumain, pero bumili siya sa canteen ng baon niya. Sila Aia at Haedi naman ay sumabay na rin sa amin kumain. Kwento sila nang kwento sa nangyari sa party ni drake. "Alam mo may mga pumunta doon na gwapo. Ang dami nila. Tapos pinakilala ni drake si zandra sa mga ate niya!" kinikilig na kwento ni Haedi. Napanganga ako dahil do'n. "Weh? Seryoso?" hindi makapaniwalang saad ko. Binalingan ko nang tingin si zandra na namumutla na ngayon. "Oo nga, beh. Nakakakilig! 'Yong ate ni drake ang gaganda, parang sikat na model sa gucci gano'n." saad naman ni Aia. "True. Tapos may mga pumunta pa doon na pogi nga. May kilala ka bang Gwen?" tanong ni zandra na ikinanoot ng noo ko. Gwen? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon, ha? Biglang pumasok sa isip ko ang napanood kagabi. s**t! Hindi kaya iyong gwen na tinutukoy ni zandra ay ang gwen na classmate ni ate keziah? "Anong itsura? Describe mo nga." ani ko. Her brows furrowed. "Oy mukhang interesado si mare, ha. Akala ko ba men are trash?" pang aasar ni zandra. Kinuha ko ang tissue na nasa tabi ko at binato 'yon sa kan'ya. "Gaga. Nagtatanong lang ako, duh." "Weh? Hindi mo sure." saad ni haedi na tumatawa na ngayon. "Paki-describe nalang, please? Ang tagal." naiinip na saad ko. "Oh 'wag atat." Si Aia. I rolled my eyes and cross my arms. Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin? Curious lang naman ako. Baka mamaya siya pala 'yong lalaking classmate ni ate keziah. "Gwapo, matangos ilong, may mapulang labi, makapal na kilay, mabango, hot tapos masarap." bulaslas ni zandra habang iniimagine sa isip niya ang mukha no'ng lalaki. "s**t. Siya nga!" napatayo ako dahil sa gulat. "Ha?" saad nilang tatlo. Agad naman akong natauhan sa sinabi ko. Hindi pala nila alam. Bumalik ako sa pagkakaupo saka tumungo. Wala pala silang alam sa napanood ko kagabi! "Ano 'yon, olivia? Anong siya nga?" ani ni zandra saka tuluyan nang lumapit sa akin. Ganoon rin ang ginawa nila haedi at aia. "May problema ba, pre?" tanong ni Aia. "Kilala mo si gwen?" tanong naman ni Haedi. Nag angat ako ng tingin sa tatlo. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Bigla namang nanuyo ang lalamunan ko. Dapat ko bang sabihin sa kanila ang nangyari kagabi? "W-ala. H-indi ko kilala 'yang sinasabi niyo." sagot ko sa tanong ni haedi. Zandra sighed. "Akala ko kilala mo. Hinahanap ko kasi si gwen sa f*******:, tapos may nakachat akong gwen na poser!" inis na saad ni zandra. Napatawa naman si haedi at Aia sa gilid ko. Kahit ako ay natawa na rin. Akalain mo ba naman, nabiktima ng poser. "Anong sabi? Patingin nga." ani ni Aia. Agad namang kinuha ni zandra ang phone niya sa bulsa saka pinakita sa amin ang message no'ng poser ni gwen. Gwen: S3x tau. "Pota?" bulaslas ni Aia habang walang tigil sa kakatawa. "Tanga." saad ni haedi na natatawa na rin. "Mga pre, nabiktima ako ng poser." malungkot na saad ni zandra na ikinatawa namin. "Pogi pa. Hanap pa sa Facebook." natatawang saad ko. "Landot mo naman kasi, beh. " saad ni Aia na mas lalong ikinatawa namin. Bakit niya ba naman kasi hinanap sa f*******: ang lalaking 'yon? 'Yan tuloy napapala niya. Dapat hindi siya agad nagtitiwala sa mga nakikita niya sa f*******:. "Kamukha kasi no'ng nasa picture tas ang pogi pa." ngumuso si zandra. "Hays ewan ko sa'yo, beh! Buti nalang hindi ka nakipag meet up." Si Aia. "True. Grabe na 'yan. s3x raw kayo eww." Si haedi. "Dugyot!" iritadong saad ni zandra na mas lalong nagpatawa sa amin. Pagkatapos nang usapan namin ay dumiretso na kami sa next subject namin. Iba na naman ang klase namin ngayon. Pinalipat kami ng classroom dahil tamad na raw lumipat ang isa sa mga subject teacher namin. Ito na rin ang last subject namin, math pa! "Find the D2, D4, D6, D7 and D9." ani ni sir Luigi bago kami iwan sa classroom. Nagpaalam ito na may gagawin sa ICT kaya iniwanan niya nalang kami nang sasagutan namin. Quiz na rin namin 'to kaya dapat ma-perfect namin. "Ang dali lang naman nito. Ako ng magsasagot sa tatlo tas ikaw na sa dalawa, beh." ani ni zandra sa tabi ko na tinanguan ko nalang. Sa totoo niyan ay nahihirapan talaga ako sa math. Lalo na kung show solution. Mahirap kasi minsan, tapos hindi ko pa naiintindihan 'yong pagtuturo ni sir, kaya nagpapaturo nalang ako kay zandra. Hindi naman masama magpatulong, kaibigan ko naman siya. "Paano mo nakuha 'yang 12th = 40.5?" tanong ko kay zandra nang makita ko ang sagot niya sa D2. "Ha? Ganito kasi 'yan. Hindi ba hahanapin natin 'yong Decentile 2? 'Ang N ay 60. Bakit 60? Kasi 'yon ang bilang ng cumulative frequency. Tingnan mo 'yang nasa blackboard. 1+2 is equals to 3 plus 3 is equal to 6 plus 6 is equal to 12. Kaya 12th ang sagot. Paano nakuha 'yang 40.5. Iyong lower boundary ng 12 is 30.5 ipa-plus, subtract, multiply at divide natin lahat." mahabang paliwanag nito na ikinatango ko. "D2 = lower boundary ( kn - cfb / fqk) i Ang lower boundary natin ay 30.5 ipa-plus natin 'yon sa (12 - 6 /6) 10 pero ang gagawin muna natin iyong 12 - 6 = 6. Paano nakuha 'yong 10? Kasi ang pagitan ng bawat Ci ay 10 kaya 10. Gets mo ba?" mahinang tanong nito. "Hindi." sagot ko na ikinangiwi niya. "Alam mo, komopya ka nalang. Ako na magsasagot ng lahat." ani nito saka nagsimula nang magsagot. Bumuntong hininga na lamang ako at saka umupo sa gilid. Hinayaan ko si zandra na magsagot sa quiz namin. Kahit ano talagang discuss niya sa akin, wala akong maintindihan. Nang matapos ang klase namin ay napagpasiyahan na rin naming umuwi nila zandra, pero bago 'yon ay bumili na muna kami ng isaw sa labas. Hindi ako sinundo ngayon ni kuya kenzo kaya laking pasasalamat ko na rin 'yon. Parang mas gugustuhin ko nalang mag commute kaysa ang magpasundo sa kan'ya. "Dito nga po." ani ko habang tinuturo ang limang isaw at dalawang betamax. Ganoon rin sila zandra at aia. Si haedi naman ay bumibili ng paa ng manok. "Masarap 'to mga pre." ani ni haedi nang makalapit sa amin. Bitbit nito ang isang stick ng ulo ng manok. Napangiti naman ako dahil do'n. Bilhan ko na nga rin ang mga kapatid ko. Mukhang gusto rin nila 'to. Dati kasi ay lagi kaming bumibili. Naalala ko na naman 'yong bumili kami ni Oliver, tapos may lalaking dugyot na nagpunas sa akin ng kulangot. Na saan na kaya siya? Hindi na siya dito nag-aaral? 'Yong kuya niya kaya? Kumuha ako ng ilang isaw at betamax saka binigay 'yon sa nag-iihaw. Kumuha rin ako ng dalawang stick ng ulo ng manok. Matapos 'yon ay binigay ko na rin ang bayad. Ilang minutes rin kaming tumambay doon at saka nagkwentuhan nila zandra. Puro kami tawanan at asaran. Minsan nakikita ko ang pagtingin sa amin ng ibang estudyante. "Dito na po, manong." ani ko nang makababa ng tricycle. Binigay ko kay manong ang bayad ko habang bitbit ko ang plastic na may lamang isaw at betamax. "Sukli mo po." ani ni manong saka inabot ang sampung piso. Nang makaalis si manong ay pumasok na ako sa loob ng gate. Sinara ko muna ang gate bago pumasok sa loob ng mansion. Ang gate namin ay malayo sa bahay, may mga puno at halaman ka pang madadaanan kaya habang naglalakad ako ay kumakain na muna ako nang binili kong isaw. Dumapo ang tingin ko sa isang nissan na nakapark malapit sa mansion. Agad na nangunot ang noo ko. May bisita sila? Hindi ko alam na my bisita sila ngayon. Lumapit ako doon sa nissan saka sumilip sa loob. Baka may tao? Sumilip ako doon pero hindi ko makita ang loob. Tinted yata 'tong kotse nila. Mukhang mayaman ang bisita. Lumayo nalang ako doon sa nakapark na nissan at saka pumasok na sa loob. Naabutan ko si manang josefa na naglalapag ng meryenda sa sala. Agad akong lumapit kay manang at saka nagmano. "Manang, nakauwi na po ako. Nandito na po ba ang mga kapatid ko?" tanong ko dito nang makalapit ako sa kan'ya. Ngumiti naman si manang saka tumango. "Oo, hija. Nasa pool sila, nagsasagot ng mga assignment." sagot nito. "Ganoon po ba. Pwede po bang pakilagay po ito sa plato? Magbibihis lang po ako sa taas tapos bababa rin. Sasamahan ko po ang mga kapatid ko sa likod." ani ko na ikinatango ni manang. Matapos kong magpaalam ay dumiretso na ako sa kwarto namin at saka doon nagpalit ng damit. Tanging sando at pajama lang ang suot ko. Hindi kasi ako sanay na magshort. Nang matapos akong magbihis ay bumaba na rin ako. Dumiretso ako sa kusina para kunin kay manang ang isaw na pinalagay ko sa plato. "Kukunin ko na po. Sa likod lang po ako." pagpapaalam ko at saka na ito tinalikuran. Nag umpisa na rin akong maglakad at dumiretso na sa pool area. Sigurado akong magugustuhan ito ng mga kapatid ko. Matagal na rin kasi simula noong hindi kami nakakain nito. Habang tinatahak ko ang pasilyo patungo sa pool area ay may naririnig na akong tawanan. "Bagsak siya, bro. Akala ko nga magaling, eh." sambit ng isang pamilyar na boses. "Really? Akala ko ba malakas? She's weak, huh?" ani naman ng isa. "Will you two shut up? Nag-aaral ako dito." seryosong saad naman ng isa. "Akala ko ba bonding 'to? Bakit may nag-aaral dito?" Tuluyan na akong nakalabas ng mansion at dumiretso agad ang tingin ko sa tatlong lalaki na nakaupo sa sun lounger. Naka uniform ang dalawa, samantalang ang isa ay topless at tanging slack lang ang suot. Tiningnan ko silang mabuti, At tama nga ang hinala ko. 'Yong dalawang lalaki kagabi! Nandito ulit sila? Tapos may kasama pang isa? What the hell! Agad na dumapo ang tingin sa akin no'ng lalaking topless saka lumapit sa direksyon ko. "Where are you going, gwen?" rinig kong tanong ng isa. "Damn. Ayan na naman siya." boses 'yon ni stan. Tumayo na rin ito at saka sinundan si gwen na papalapit sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin sa kanila at akmang tatalikuran na sana nang maramdaman ko ang marahang paghawak sa braso ko. Mainit ang palad nang lalaking may hawak sa akin kaya napatingin ako doon. "Hi." ani ni gwen nang makaharap ako sa kan'ya. Nakayuko ito habang hawak ang braso ko. Agad kong iniwas ang kamay niya sa braso ko saka tinanggal 'yon. "Shit." Stan pulled me. Marahan niya akong hinila palayo sa kaibigan niya. "Calm down, bro. Binati ko lang naman siya." Si gwen habang nakatingin sa akin. Natatawa namang lumapit sa amin ang isa pa nilang kaibigan. May hawak itong makapal na libro at highlighter. "Sup, miss?" "Hey, deus. Don't pressure my little girl." si gwen ulit saka ngumisi. "She's not your little girl, bro." matigas na saad ni stan sa gilid ko. I heard gwen chuckled. "Okay. By the way, what's that? Is that isaw?" Agad akong humiwalay kay stan saka tiningnan ang plato na bitbit ko. Bigla akong nahiya sa dala. Namula ang pisngi kong tumango sa tanong ni gwen. "Oh? You know what, isaw is a rich source of cholesterol and excess calories." ani nito habang nakatingin sa isaw na dala ko. Kinuha nito ang isang stick saka sinuri 'yon. "Eating too much of it, can increase your risk of cardiovascular disease and even cancer due to benzopyrene." dagdag pa nito na ikinanganga ko. Ganito ba siya katalino? "And you know, gwen, cigarette can increase your risk of cardiovascular disease and even cancer due to benzopyrene too." ani naman ni stan sa gilid ko. "Tigilan mo na kakasmoke mo, bro." bakas sa boses nito ang pang aasar. Agad namang umamba ng suntok si gwen kay stan kaya napatawa ang isang lalaking nasa tabi nila. Wait, bakit nga ba ako nandito? Dapat kila Oliver ako pupunta, eh! Binalik ni gwen ang isang stick ng isaw saka umirap. Pagkatapos niyang gawin 'yon ay umalis na ako sa harapan nila. Iniwan ko sila doon na nag-aasaran. Dumating naman si ate keziah na may dalang tray na may lamang sandwiches at juice. Bisita pala sila ni ate keziah, bakit ko nga ba 'yon nakalimutan, eh, magkasama nga sila kagabi! Nasa kabilang side sila ng pool, at kami naman ng mga kapatid ko ay nasa gilid. Medyo malayo sila sa amin, pero dahil tahimik naman ang mga kapatid ko ay naririnig ko mula dito ang tawanan at asaran nila. "Kumain na kayo. Binili ko 'to kanina sa school." ani ko kila Nathan na busy sa pagsasagot sa math. "Wait lang po ate. Tatapusin ko lang po 'to." ani ni nathan na ikinatango ko. Kumuha ako ng isang isaw saka tiningnan 'yon. Totoo kaya 'yong sinasabi ni gwen? Kung totoo 'yon edi may cancer na kami nila zandra ngayon? Matagal na kaming kumakain nito, pero buhay pa naman kami. Umirap na lamang ako at saka kinagatan ang isaw. Lumingon ulit ako sa direksyon nila at nakita kong nakatingin rin sila sa gawi ko. Tinaas ni gwen ang juice niya saka kinaway 'yon habang nakangiting nakatingin sa akin. Bumaling ang tingin ko kay ate keziah na mariing nakatingin na sa akin. Tinatawag nito si gwen, pero hindi siya binabalingan ng tingin nito. Bahala nga kayo diyan. Baka mamaya madamay na naman ako. Nang matapos magsagot ang mga kapatid ko ay nagpasya na kaming pumasok sa loob. Malapit na rin kasing dumilim sa labas at malamok na kaya pumasok na rin kami. Tinulungan ko ang mga kapatid kong buhatin ang gamit nila. "Aalis na kami, kez." boses 'yon ni stan sa likuran ko. Nakapasok na kami sa loob at hindi ko alam na sumunod na rin pala sila. "Hindi na kayo dito magdi-dinner? Nagpahanda pa naman ako kay manang." malungkot na saad ni ate keziah. Agad naman akong tumingin sa gawi nila. Nakahawak siya braso ni stan habang hinahaplos 'yon. My brows furrowed. Gan'yan na ba siya kakati para pigilan umuwi ang tatlo? Napatingin sa akin si stan at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Agad nitong tinanggal ang kamay ni ate keziah sa braso niya saka mariing pumikit. Nangunot ang noo ko sa ginawa niya. "Kung gusto mo si deus nalang maiwan dito." saad ni gwen habang inaayos ang butones nang uniform niya. "Lol. Mag-aaral pa 'ko para sa exam." ani naman ng lalaki. Seryoso naman ng isang 'to. Bakit pala wala siya kagabi dito? Alam niya kaya ang ginawa ng mga kaibigan niya kay ate keziah? "Hi, little girl. Aalis na kami." pagpapaalam ni gwen nang makalapit sa akin. Ang bilis niya naman akong nakita! Hindi ko namalayan na lumapit na pala sa akin ang tatlo, samantalang si ate keziah naman ay nasa likuran nila at naririnig ko na ang pagmumura nito. "Ingat po." magalang kong saad sa kanila saka tumungo. Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni gwen na nakahawak sa baba ko at saka marahang inangat 'yon. Agad na namula ang pisngi ko dahil sa lapit nang mukha naming dalawa. Pawis na pawis ang gwapong mukha nito at amoy na amoy ko ang mabangong pabango niya. Kahit pawis ito ay mabango pa rin siya! "Hey, bro. That's too much." ani ni stan at saka hinila si gwen palayo sa akin. Narinig ko marahang pagtawa ng katabi nilang lalaki saka ngumisi sa akin. "Someone is jealous." natatawang saad ni deus na ikinanoot ng noo ko. Sinong nagseselos? :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD