Kabanata 6

2177 Words
Party It's been a month. Tapos na ang final exam namin, At ilang weeks nalang ay graduate na kami sa junior high. Hindi ako makapaniwala na ilang taon na lang at mag-co-college na kami. Pagkatapos ko sa shs ay aalis na ako dito sa mansion, lilipat na ako! Napag-usapan na rin namin 'to ni zandra at balak rin naming maghanap ng apartment. Pumayag naman na ito kaya keri nalang. Kailangan namin maging independent para na rin sa sarili namin nang sa ganoon ay matuto kami. Matapos ang gabing pagpunta nila gwen and others dito sa bahay ay hindi na rin sila bumalik. Ang sabi ni ate keziah ay busy raw sila para sa third semester kaya hindi na rin nagtanong si tita lydia. At saka wala naman akong pake kung hindi sila pumunta dito. Mabuti nga 'yon, eh, para hindi ako kinakabahan. Sabado ngayon at nandito kaming lahat sa pool area para ayusin ang mga lamesa at decorations para sa birthday party ni ate keziah. Ngayong araw rin kasi ang kapanganakan niya. At napag-isipan nila tita at papa na magpa-pool party. "Manang, ayusin niyo nga 'to. Ang pangit nang pagkaka-decorate oh! Ano nalang ang sasabihin ng mga kumare ko. Punyeta!" singhal ni tita lydia habang tinatanggal ang inayos kong decoration kanina. "Maganda naman po 'yan, ma'am." ani ni manang. "Pwede ba manang, tanggalin mo nalang. Satsat ka nang satsat!" Si tita lydia. Agad naman akong lumapit kay manang josefa, At kinuha ang hawak-hawak nitong kurtina. Napatingin naman ako kay tita lydia na nag walk out na. Umirap na lamang ako at saka tinupi ang kurtina. "Kung ayaw nila sa decoration ko edi sana hindi nalang nila ako tinawag dito para magpatulong." mahinang asik ko. Ang kapal nilang magpatulong tapos sila pa galit pag ayaw nila sa decoration ko. Ay wow, grabe ha! Nakakahiya naman sa kanila. Tiningnan ko ang kabuoan ng pool area, At mukhang malapit nang maayos ang lahat. Kulang nalang 'yong mga lights at malalaking speakers. Umalis na ako doon sa pool at pumasok na sa loob. Dumiretso ako sa taas para ibalik itong kurtina. Kung ayaw nila dito, sa kuwarto ko nalang ilalagay. Sayang rin, mukhang mamahalin. Saan ko kaya 'to pwedeng isabit? Sa bintana nalang siguro? Habang tinatahak ko ang pasilyo patungo sa kwarto namin ng kapatid ko ay narinig ko na ang mahihinang ungol sa isang kwarto. "Oh kenzo.. Ouch Ah! Ah!" ungol ng isang babae. "Damn. You're throbbing wet." boses 'yon ni kuya kenzo sa kabilang kwarto. Bigla akong nakaramdam nang kaba sa dibdib dahil sa narinig. Agad akong umatras doon sa kwarto ni kuya kenzo at saka dali daling tumakbo sa kwarto ko. Bakit ba tuwing may nangyayaring kababuyan, ako 'yong laging nakakakita at nakakarinig no'n? Nakakainis! Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong sinara 'yon. Naabutan ko naman ang kapatid ko na gulat na gulat na nakatingin sa akin. "Para ka naman pong nakakita ng multo, ate." saad ni oliver. I sighed. "Nakakita nga ako ng multo." bulong ko. "Ha? May sinasabi ka ate?" tanong ni nathan. Agad naman akong lumapit sa kanila. "Wala. Magbihis na kayo at kakain na tayo sa baba." ani ko at saka nilapag ang kurtina sa gilid ng study table. "Bababa na po kami, ate. Sabi pala ni papa ate, imbitahan mo daw po mga kaibigan mo." sambit ni nathan bago lumabas ng kwarto. Papayagan kaya sila pag sinabi kong pumunta sila dito? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka hinanap sa bag ang cellphone ko. Nang makita ko ang phone ay agad kong tinext ang mga kaibigan ko na pumunta dito mamayang 7 pm. Iyon kasi ang oras na mag-i-start ang party. To zandra, haedi and aia: May party dito sa bahay. Paalam kayo sa parents niyo. Dito na rin kayo matulog if gusto niyo. See you later, mga bes. Pagkatapos kong isend ang message sa kanila ay agad akong napatayo nang maayos nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Bumungad sa akin ang pawis na pawis si kuya kenzo habang mariing nakatingin sa akin. "B-akit po kuya?" tanong ko dito. Napansin kong nakatingin siya sa phone ko kaya agad ko 'yong tinago sa likuran ko. "Sinong bumili sa 'yo niyan?" tanong ni kuya kenzo saka lumapit sa akin. Agad namang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa takot. Anong ginagawa niya dito sa kwarto? "Who is your texting?" tanong muli nito nang makalapit siya sa 'kin. Agad nitong hinablot ang phone sa likuran ko. "Mga kaibigan ko po." sagot ko dito. Kinuha nito ang phone sa kamay ko at saka ako tiningnan nang masama. "Hinahanap ka ni papa sa baba. Kakain na tayo." he said coldly. I just nodded. "Sige. Babye!" ani ko at agad na tumakbo palabas ng kwarto. Nang makalabas ako ng kuwarto ay bumaba na agad ako ng hagdan, at dumiretso sa dining area. Nakita ko na agad sila papa at ang mga kapatid ko na kumakain. "Oh olivia, anak. Kumain ka na dito. Sabayan mo kami." saad ni papa nang makita ako. Agad naman akong lumapit sa kanila at saka tumabi sa kapatid ko. Kumuha na ako ng kanin at ulam ko, at nag umpisa na ring kumain. "Sigurado ka ba sa desisyon mo, hija? Aalis ka na dito pagtungtong mo ng college?" tanong ni papa na ikinatango ko. "Ate, paano kami?" biglang tanong ni Oliver sa tabi ko. Bumaling ang tingin ko kapatid. Agad namang nawala sa labi ko ang ngiti. Nakalimutan ko nga pa lang sabihin sa kanila. Tapos pinaalala pa ni papa! "Lagi naman akong papasyal dito, Oliver." ani ko sa kapatid. Hinawakan ko ang pisngi nito saka marahang hinaplos 'yon. "Sigurado ka po ba diyan, ate? Baka hindi ka po bumalik, ha." si oliver. Umiling ako dahil sa sinabi ng kapatid. "Babalik ako. Babalikan ko kayo." saad ko sa kanila na ikinangiti ni oliver. Matapos ang usapan namin sa hapag kanina ay nagsimula na kaming mag-ayos para sa susuotin namin. Ilang oras na lang kasi at magsisimula na ang party. Naririnig ko na mula dito sa kwarto ang ingay nang speaker na nanggagaling sa baba. Dahil pool party ang theme nang birthday ni ate keziah ay nagsuot kami ng mga kapatid ko ng swimsuit attire. Isang plain black sleeveless bikini ang sinuot ko. Nang mapansin kong masyadong kita ang ilang parte ng katawan ko ay agad akong kumuha nang white long sleeve sa kabinet para ipatong doon sa bikini. Nang makuntento ako sa suot ko ay agad kong nilugay ang mahaba kong buhok, At saka nagspray ng paborito kong pabango. "Okay na siguro 'to." ani ko sa mababang tono saka umikot para tingnan ang itsura ko sa salamin. "Pre!" Bigla akong napatingin sa pinto nang bumukas ito, bumungad sa akin ang itsura ng mga kaibigan ko. Nakasuot rin sila nang isang simpleng swimsuit attire, at naka make up. "Shems! Ang ganda ng bahay niyo." puna agad ni zandra. "True. May bago na tayong tambayan." Si Aia. "Hindi ako papayagan. Magagalit si tita." ani naman ni Haedi habang nakahiga sa kama. "Hindi namin 'to bahay. Nakikitira lang kami." ani ko sa kanila na ikinalaki nang mata nila. "Ay oo nga pala." mahinang saad ni Aia. Tipid na lamang akong ngumiti sa kanila at saka niyaya nang bumaba. Alam kong gutom na rin ang mga 'to. Kanina pa sila nagpaparinig sa gc na dapat maraming handa tapos maraming pogi. Syempre marami naman. Ang dami kayang bisita ni ate keziah. Nang makababa kami ng hagdan ay bumungad na sa amin ang naghihiyawang sigaw ng mga classmates at kaibigan ni ate keziah sa pool. May mga tao ring nandito sa loob ng mansion. Mga kumare ni tita Lydia at katrabaho ni papa. Nang mahagip ko ang mata ni papa ay agad ako nitong tinawag palapit sa kan'ya. Tinawag ko naman ang mga kaibigan ko para ipakilala sila. Nang makalapit kami kay papa ay agad ako nitong hinagkan, At hinarap sa mga kumpare niya. "Ito nga pala ang anak ko. Si olivia. At ito naman ang mga kaibigan ng anak ko." pagpapakilala ni papa. "Hello po sa inyo." bati nilang tatlo. "Ang gaganda naman ng mga batang ito. Huwag muna kayong mag-aasawa. Mag aral kayong mabuti." ani ng isang matanda na ikinatango namin. Bumaling naman ako kay tita lydia na iritadong nakatingin sa akin at sa mga kaibigan ko. Tila nandidiri ito sa nakikita niya. Nang may lumapit sa kan'yang babae ay agad itong ngumiti. Plastic! "Pa, doon na po muna kami sa pool. Sila Oliver nga po pala?" bulong ko kay papa. "Kasama nila ang kuya kenzo mo. Baka naroon na sila sa pool." ani naman nito. "Doon na po muna kami." pagpapaalam ako dito saka ngumiti. Nagpaalam na rin ako sa mga kumpare at bisita ni papa. Ganoon rin ang ginawa ng mga kaibigan ko. "Grabe ang intense no'n! Kinabahan ako." bulong ni zandra. "Ako rin. Akala ko ibubugaw tayo." Ani ni aia na ikinatawa namin. "Gaga. Masyado ka namang maganda para ibugaw, Aia." pangbabara ni haedi na mas lalong nagpatawa sa amin. Kung ano-ano talaga ang naiisip ng mga 'to. Akala mo naman talaga pag-iinteresan sila. Umiling at natawa na lang ako sa asaran nila. Nang makalabas kami ng mansion ay bumungad na agad sa aming apat ang ingay ng music na nanggagaling sa malaking speaker. Para kaming nasa bar. Maraming tao at ang iba ay umiinom na. Dumapo ang tingin ko sa swimming pool nang makitang may umahon doon. "s**t. Ang popogi!" bulong ni zandra. Nang makaahon ang isang lalaki ay biglang may umahon na isa rin. Dalawa na sila ngayong umahon, at may sumunod na naman! Basang basa sila at umaagos sa katawan nila ang tubig na galing sa pool. Nang tumama ang spotlight sa kanila ay doon ko naaninag ang mukha no'ng tatlong lalaki. Sila gwen, stan at deus. Sila na naman? Inimbitahan rin sila ni ate keziah? Akala ko ba busy sila? Ngumisi silang tatlo nang marinig ang hiyawan ng mga babaeng nasa gilid nila, At kasama na doon ang mga kaibigan ko! "Damn hot!" Si Haedi. "Shawty pare." Si Aia "Sarap." Si zandra. Umiling-iling na lamang ako. Bakit nga ba ako nagkaroon ng kaibigan na tulad nila? Hays naman. Buti nalang at hindi narinig nila stan ang sinabi ng mga kaibigan ko. Ako 'yong nahihiya para sa kanila. Nag umpisa na ang party at kinantahan na rin namin si ate keziah. Katabi nito sa gilid sila gwen and others. May hawak silang wine saka iyon binuksan. Naghiyawan naman ang mga kaibigan ni ate kez sa gilid. "Pre, gutom na ako. Kain na tayo." zandra whispered. "Tara sa kusina. Maraming pagkain do'n." ani ko sa kan'ya na ikinatango nito. Hinila ko na sila palayo roon at dumiretso na sa kusina. Marami pa ring tao sa loob ng mansion, At mukhang nagkakasiyahan pa sila. Nang makapasok kami sa kusina ay kumuha na agad ako ng pinggan saka binigay 'yon kila zandra. Ngumiti naman sila nang makita ang handa. Marami ang handa ni ate keziah, may mga seafood, chicken cordon bleu, pasta, lechon at iba pa. Dahil sa gutom namin ay kumuha na kami ng mga pagkain namin. Dito na rin kami kumain sa kusina dahil ayaw naman naming makipagsiksikan sa kabila. May pagkain rin kasi sa pool area, may caterer doon at may mga pagkain rin, pero mas pinili nalang namin na kumain dito. "Ang sarap nitong pasta. Gusto ko 'tong lechon. Pwedeng mag take out?" tanong ni Aia na ikinatawa namin. "Oo naman. Marami pa naman 'yan." ani ko sa kanila. "Nice. Shet buti may bag ako dito." singit naman ni zandra. "Guys, kailangan 10 nakauwi na ako. Hahanapin ako sa amin." ani ni haedi. "Ipapahatid ko nalang kayo." saad ko sa kanila kaya agad namang umaliwalas ang mukha nila. "Yehey! Party party na." sigaw ni zandra habang sumayaw. Kumakain pa rin ito hanggang ngayon. Ako naman ay kumukuha ng lechon. Masarap siguro 'to. Lagi akong nakakakita ng lechon sa tv, pero ngayon lang ako makakatikim nito. Nang makapag-slice ako sa ibabang parte ng lechon ay agad ko na itong nilantakan. Kumalat sa loob ng bibig ko ang sarap ng lechon. "Grabe ang sarap!" nguya ko habang nakapikit. Ninamnam ko ang sarap ng lechon habang nginunguya ito. "Masarap?" Agad akong nagmulat ng mata nang marinig ang boses nang isang lalaki, bumungad sa akin ang mukha ni stan na sobrang lapit sa mukha ko. Damn it. Sobrang lapit nang mukha namin sa isa't isa! Anong ginagawa niya dito? He chuckled. "Masarap? Let me taste." ani nito saka kinagatan ang lechon na nasa kamay ko. Namungay ang mata nito habang nakatingin sa akin. My cheeks heated. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to. Sobrang bilis nang t***k ng puso ko. Para akong hihimatayin sa sobrang lapit namin sa isa't isa! "Masarap nga." Stan said while licking his lips. Agad namang nanuyo ang lalamunan ko dahil do'n. Hindi na matanggal ang tingin ko sa labi niya ngayon. Parang bigla akong nauhaw! "Eyes up here, baby." he held my chin. Marahan niyang inangat 'yon, At sa pag angat niyang 'yon ay nagkatitigan kami muli. Hindi ilang segundo.. Kung hindi, matagal na titigan! :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD