Kabanata 7

2343 Words
Dance Napatalon ako sa gulat nang biglang may umubo mula sa likuran namin. Hindi ko agad natanggal ang hawak sa akin ni stan, bagkus tumungo ako dahil sa sobrang kahihiyan. "Nandito ka lang pala, pre. We've been looking for you, tapos maaabutan ka namin dito. Tumitira ng bata." natatawang saad ni gwen. Agad namang namula ang pisngi ko do'n. "Shut up, bro. I'm starving that's why I'm here." Si stan na nasa tabi ko. "Exactly! Nandito ka kasi gutom ka, At syempre nandito rin 'yong gusto mong pagkain." nakakalokong saad ni gwen. "Double meaning." Deus said. "Shut up, dimwit." iritadong saad ni stan at saka lumapit na sa dalawa. "Pre, sino sila? Parang kilala ko 'yong lalaki. Siya ba 'yong poser?" tanong ni zandra na nasa gilid ko na rin. Hindi ko napansin na nandito rin pala ang mga kaibigan ko! Binalingan ko nang tingin ang tatlo kong kaibigan na manghang-manghang nakatingin sa tatlo. Nag-aasaran na naman sila. "Nakalimutan ko pa lang sabihin. 'Yan si kuya gwen." turo ko doon sa lalaking tawa nang tawa habang inaasar si stan. "Gwen? Siya ba 'yong poser?" "Hindi." Agap kong sagot kay zandra. "Hindi siya poser, beh. Totoo 'yan." bulong ko dito. "Sino naman 'yong isa?" tanong naman ni Aia habang tinuturo si deus. "Ah.. 'yan naman si kuya deus." sagot ko kay Aia habang tinuturo si deus na nakasimangot. "At siya?" ani ni haedi saka tinuro si stan. Bigla naman akong natigilan sa tanong ni Haedi. "U-hm si k-uya stan." "Ang pogi naman nila. Tara tanungin natin sss name. Sayang rin." saad ni zandra saka lumapit na sa tatlo. Napaawang naman ang labi ko dahil sa ginawa ng kaibigan. Tangina! Hindi na nagpaawat ang gaga, talagang dumiretso na agad doon sa tatlo! Hindi naman malayo sa amin ang tatlo, malapit lang sila sa amin kaya naririnig ko ang usapan nilang apat. Nandito pa rin naman kami sa loob ng kusina kaya naririnig namin sila. "Kuya, magkakapatid po ba kayong tatlo?" rinig kong tanong ni zandra. Sila Aia at Haedi ay nandito lang sa tabi ko at pinapanood si zandra sa pakikipag-usap niya sa tatlo. Mukhang sanay na sanay na siya makipag-usap sa mga lalaki, ha? "Siya talaga unang mabubuntis sa atin." bulong ni Aia. "Baka ako talaga, beh." ani ni haedi na ikinangiwi ko. Pati ba naman pagbubuntis, pustahan na ngayon? Grabe talaga 'tong mga kaibigan ko. "We are not brothers in blood, but we are brothers in heart." sagot ni gwen. "He's right." Si Stan. "Yeah." tipid naman na saad ni deus. Tumango naman si zandra saka marahang ngumiti sa tatlo. She's making pacute ba sa lalaking nasa harapan niya? Narinig ko naman ang pagtawa ni gwen sa gilid. "Wala po ba kayong isa pang kaibigan? Tatlo lang po ba talaga kayo?" Si zandra. Halatang curious na curious, beh? Tanong nang tanong? "Yup. Tatlo lang kami. Is there a problem with that?" iritadong saad ni deus. Umiling naman agad si zandra saka ngumuso. "By partner po sana tayo. Apat po kasi kami, tapos tatlo lang kayo." ani muli ni zandra na nagpatawa sa tatlo. Napa-facepalm ako dahil sa narinig kay zandra. "Hilahin niyo na nga ang babaitang 'yan. Nakakahiya na." "Ikaw na haedi. Hindi ko kilala 'yan." ani ni aia saka kumuha ng juice sa gilid. "Ha? Ba't ako? Sino ba 'yan?" sambit naman ni haedi. Binigyan ko sila nang masamang tingin dahil sa sinabi nila. Tila wala silang nakita, At kumuha nalang ng pagkain sa gilid ng mesa. Tinatakwil na ba nila si zandra? Grabe naman ang mga 'to. Parang hindi kaibigan. "Oh guys, nandito pala kayo." boses 'yon ni ate keziah kaya agad na dumapo ang tingin ko sa gawi nila. Mukhang kakapasok lang nito sa kusina, at gulat na gulat nang makita kami. Hindi pa rin umaalis si zandra doon, naroon lang siya sa gilid at tila naghihintay ng mahuhulog na biyaya. Tumikhim si ate keziah para makuha ang atensyon ni zandra. "Why are you here, bata?" Ate keziah asked. "Kuya, may sss ka po?" tanong ni zandra kay gwen habang sinusundot ang tagiliran nito. Tila hindi nito narinig ang tanong ni ate keziah at tuloy pa rin siya sa pagpapapansin kay gwen. "Wala silang f*******:, ineng." Si ate keziah ang sumagot. "Ay si kuya ka po?" bumaling na ang tingin ni zandra kay ate kez saka ito marahang ngumiti. Narinig ko ang pagtawa no'ng tatlo, At ganoon rin sila haedi at aia na nasa tabi ko. Ako naman ngayon ay hindi na makangiti dahil sa nangyayari. Ano ba naman 'yan! Zandra, umalis ka na diyan kung gusto mo pang ma-enjoy buhay mo! "Ay happy birthday nga po pala." masayang saad ni zandra saka niyakap si ate kez. Nakita ko ang pag ngiwi nito habang kayakap si zandra. Nang humiwalay sa pagkakayakap si ate kez ay agad na dumapo ang tingin nito sa akin. Binigyan ako nito nang masamang tingin. "Ang ganda niyo po. Para po kayong si Annabelle sa kapal ng make up niyo." natatawang saad ni zandra na mas lalong ikinatawa no'ng tatlo. "Damn, witty." Gwen murmurred. Bago pa makapagsalita si ate kez nang masasakit na salita kay zandra ay agad ko nang hinila ang kaibigan palayo doon. Sumunod naman sa akin sila haedi at aia na tawang tawa kanina pa. "Grabe, zandra. Hindi ka na makakapagdala mamaya ng lechon dahil sa sinabi mo." natatawang saad ni Aia "Ha? Pinuri ko naman siya, ha?" kuryosong saad ni zandra. "Backhanded compliment." ani ko kay zandra. "At least may compliment, duh." mataray na saad nito saka ininom ang juice na nasa harapan namin. Napatawa naman sila haedi sa ginawa ni zandra. Nandito na kami ngayon sa pool area. Marami pa ring bisita, parang hindi nababawasan. Bumuntong hininga na lamang ako at saka hinayaan ang mga kaibigan kong sumayaw at magparty. Oh don't you dare look back Just keep your eyes on me I said you're holding back She said shut up and dance with me This woman is my destiny She said oh oh oh Shut up and dance with me Nang mag umpisa nang tumugtog ang music ay sumayaw na rin ang mga bisita at kaibigan ni ate kez. Ganoon rin ang ginawa nila zandra. Nandito sila sa gilid ko habang gumigiling. Hindi naman sila nakainom, pero mukha silang lasing. Dumapo naman ang tingin ko sa harapan nang makitang may sumasayaw na ngayon doon. Ang bawat paghampas ng balakang nila, at pag indayog ay sumasabay sa ritmo ng musika. Parang sanay na sanay na sila sa sayawan. We were victims of the night The chemical, physical, kryptonite Helpless to the bass and the fading light Oh we were bound to get together Bound to get together "Damn, bro. Isayaw mo pa!" sigaw ni gwen nang makitang tinatamad na sumasayaw si deus. Hinampas nito ang balikat ng kaibigan niya saka marahang tumawa. She took my arm I don't know how it happened We took the floor and she said Bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko nang hilahin ako ni zandra patungo sa pwesto nila gwen. Nasa harapan na nila kaming tatlo ngayon, bakas sa mukha nila ang amusement nang makita kami. "Sayaw ka naman, Olivia. Enjoy the party duh." ani ni zandra habang panay ang hagod sa buhok niya. Sila Aia at Haedi naman ay nasa tabi ko at sumasayaw na rin. Ang mga bisita naman ngayon ay tumatalon na. Kasabay nang pagbuhos ng ulan ang pagtugtog nang chorus ng kanta. Oh don't you dare look back Just keep your eyes on me I said you're holding back She said shut up and dance with me Bigla naman akong nabasa dahil sa lakas ng ulan. Tuloy pa rin sa pagsayaw sila zandra at aia. Ganoon rin si gwen at deus. Napatalon ako sa gulat nang may humila sa akin palayo roon. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko. This woman is my destiny She said oh oh oh Shut up and dance with me "Stan?" I uttered. Hawak pa rin nito ang kamay ko. Sumilong kami malapit sa pool. Humarap siya sa 'kin na ikinagulat ko. Pinunasan na nito ang mukha ko na basang basa na ngayon. "Are you okay? You will catch cold if you don't dry yourself now." bakas sa boses nito ang pag-aalala habang pinupunasan ako. "O-kay lang ako. Bakit mo ako hinila dito? Nagsasayawan ang mga kaibigan mo doon oh." ani ko dito saka tumingin sa mga kaibigan niyang basang basa na ng ulan habang wala pa ring tigil sa pagsayaw. Oh don't you dare look back Just keep your eyes on me I said you're holding back She said shut up and dance with me This woman is my destiny She said oh oh oh Shut up and dance with me "Balik na tayo doon. Baka hinahanap ka na nila." "Gusto mo na bang bumalik doon? Hindi pa naman ako hinahanap." ani nito. "Bumalik na tayo. Ihahatid ko pa mga kaibigan ko." nahihiyang bulong ko. "Oh? Okay, then. Sasamahan namin kayo. Kami na ang maghahatid." "Hindi na. May driver naman si papa." "No. I insist. Kami na maghahatid sa kanila. Sasama ka, 'di ba?" Stan asked. Bahagya kong kinagat ang pang ibabang labi ko saka marahang tumango. "Let's go ,then. Ihahatid natin sila." tugon ni stan saka ako hinila palayo doon. Lumapit kami kila zandra na parang lantang pechay na. Basang basang sila. Si stan naman ay lumapit kila gwen at deus. Mukhang niyayaya na itong umuwi. "Hoy, iuuwi na namin kayo." ani ko sa kanila. Agad namang tumingin sa akin si haedi. "Yes! Hinahanap na ako sa amin. Pwedeng pahiram ng damit? Wala kasi akong dala." Si haedi. "Ako rin." bulong naman no'ng dalawa. "Sige. Tara na sa taas." ani ko sa kanila at saka pinauna na silang maglakad. Dumiretso kami agad sa kwarto, at naabutan kong tulog ang mga kapatid ko. Mukhang napagod sila sa party. Naghanap ako sa cabinet ng mga extra kong damit saka jogging pants, at binigay 'yon kila zandra. Nagmadali naman silang pumasok sa banyo at naligo pa. Ako naman ngayon ay nagpalit na rin nang pantulog. Hindi na ako nag abalang maligo dahil hindi naman ako basang basa. Matapos magbihis nila zandra ay nagpaalam na kami kila papa na uuwi na sila. Balak pa sana nitong ihatid ang mga kaibigan ko gamit ang kotse ni kuya kenzo na agad kong tinanggihan. Ang sabi ko ay may maghahatid na sa amin kaya wala nang nagawa si papa. "Mag ingat kayo mga hija. Magtext kayo sa akin kung sakaling nakauwi na kayo para malaman ko kung nakauwi nga ba kayo ng safe." ani ni papa. "Sige po, tito! Maraming salamat po dito sa pabaon niyo! Magugustuhan po 'to nila mama." saad ni zandra. "Thank you po." ani nila haedi at aia. Matapos naming magpaalam kila papa ay dumiretso na kami sa likod para hanapin si stan. Agad ko namang nahanap ito, at laking gulat ko nang makitang may sumasayaw na ngayon sa lap nilang tatlo. "Oy lap dance oh." sambit ni zandra na aliw na aliw sa pinapanood. "Inaantok na ako, pre." humikab na si Aia sa tabi ko. "Ako rin." Si haedi. Bumuntong hininga ako at saka nagpasiyang lumapit kay stan. Kailangan nang umuwi ng mga kaibigan ko. Gusto ko na ring matulog! Nang makalapit ako kila stan ay tumigil na ang mga babaeng nakapatong sa kanila. Tumayo na agad sila stan at gwen. Si deus naman ay mukhang may tama na. "Tara na. Inaantok na mga kaibigan ko." bungad ko sa kanila. "Parang asawa lang na sinusundo si mister, ha?" natatawang saad ni gwen. Umakbay ito sa akin saka ngumisi. "Ganda mo." bulong nito saka malapad na ngumiti. "Tama na 'yan." pinaghiwalay kami ni stan. Nangunot ang noo ko. "Sa labas nalang kami. Hintayin namin kayo doon." ani ko sa kanila bago sila talikuran. Inaya ko nang lumabas sila zandra, at sumunod naman na sila sa akin. May mga nakasabayan rin kaming bisita na papauwi na. Ang iba naman ay naghihintay nang taxi sa labas ng gate. "Get in." matigas na saad ni stan nang tumigil sa harapan namin ang nissan nitong kotse. Nakabukas na ngayon ang backseat, At naroon ang dalawang kaibigan nito na lasing na lasing. "Sa front seat ka, Livia." saad ni stan kaya agad akong sumakay do'n. Ang tatlo ko namang kaibigan ay nasa likod, katabi nila ang dalawang lalaki na tulog. Nang magstart ang engine ay nag-umpisa na ring magdrive si stan. Tahimik kami buong biyahe, at tanging paghinga lang namin ang naririnig dito sa loob. Una naming hinatid ay si Aia, sumunod naman ay ang bahay nila haedi, at ang pang huli naman ay si zandra. "Bye, pre. Salamat dito. Nag-enjoy ako daming pogi." aniya saka ngumuso sa katabi ko. Umirap na lamang ako at nagpaalam na rin sa kan'ya. "Ingat kayo!" ani nito bago kami tuluyang nakaalis. Naging tahimik naman ang biyahe namin pauwi. Pero, hindi naman ganoon katahimik tulad kanina. May humihilik na sa likuran, at mukhang nananaginip pa. "f**k you, motherfucker." sigaw ni gwen na ikinagulat ko. Talaga bang palamura siya? Grabe, ang lutong, ha. Kung gaano kaamo ang mukha niya, gano'n naman kabangis at magaspang ang ugali nito. Kanina sinabihan niya akong maganda, hindi kaya joke niya lang 'yon dahil lasing na siya? "Salamat sa paghatid." ani ko nang makababa sa kotse ni stan. Nakababa na rin ito ngayon. Ang kaibigan niya naman ay nasa backseat pa rin at tulog. "You're welcome. Pumasok ka na sa loob. I'll wait here 'till you get inside." marahang saad nito na ikinatango ko. "Sige. Bye. Ingat kayo." pagpapaalam ko dito. "Wala bang goodbye kiss diyan?" Nagulat ako nang biglang lumabas ang ulo ni gwen sa loob ng kotse ni stan. Mukhang nakikiusisa pa ito sa amin ng kaibigan niya. Akala ko ba tulog siya? "Don't listen to him. He's drunk. " natatawang saad ni stan, pero bakas na ngayon sa mukha nito ang pagkairita sa kaibigan. "Tangina, hina." bulong ni gwen na ikinalaki ng mata ko. Ano bang pinagsasabi nito? "Just get inside, please? Aalis na kami." ani ni stan habang sinasarahan ang mukha ni gwen. "Bye, little girl." "Bye." :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD