Kabanata 8

2265 Words
Sick "Congratulations To Batch 2018! Sa lahat ng pagsisikap nin'yo sa pag-aaral, deserve nin'yong lahat ang makaayat sa stage na 'to. Mabuhay kayong lahat!" ani ng aming punong guro. Today is the day. Ngayon ang araw ng graduation namin. Hindi ko alam na aabot kami sa ganito. Dati chill-chill lang ako, ngayon graduate na ako. Dalawang taon nalang at college na kami! Napatingin ako sa katabi kong si zandra na nagiging emosiyonal na. "Congrats to our valedictorian." siniko ko siya. Binigyan ako nito ng masamang tingin saka suminghot. "I can't, naiiyak ako. Hindi ko pa alam kung anong kukunin ko, beh." aniya. Ngumuso naman ako at napaisip. Kahit ako ay hindi ko pa alam kung anong strand kukunin ko. Parang dito lang ako mahihirapan, ha. Wala naman akong hilig sa lahat kaya hindi ko talaga alam kung anong kukunin ko. I sighed. "Hindi ko rin alam." "Mag Abm nalang kaya tayo?" saad ni zandra habang hawak ang kamay ko. "Mahina ako sa math. Hindi ko rin hilig ang magsolve." pag aamin ko. Abm? Hindi ba't puro math ang subject doon? Baka mas lalo lang akong mahirapan. Pwede bang 'wag na lang mag-aral, tapos humiga na lang habang buhay? "Gaga, hindi naman lahat. May mga ibang subject rin sa abm, 'no! Huwag kang kabahan, okay? Kasama mo ako." bulong nito na ikinatawa ko. "Sabagay. Pero, gusto ko rin 'yong talagang gusto ko. Ayokong dumepende sayo." mahinang saad ko. Tumango naman si zandra. "Ikaw bahala. Support ka namin kahit ano pang gusto mo." tipid itong ngumiti saka ako hinagkan. "Hoy, Hoy, Hoy! Ano 'yan? May drama ba diyan?" singit ni Aia nang makita kaming nagyayakapan ni zandra. "Sama kami. Group Hug!" sigaw ni Haedi at saka agad na lumapit sa amin para yakapin kami. Ganoon rin ang ginawa ni Aia. "Congrats sa atin. Sana magtuloy-tuloy na 'to. Mahal na mahal ko kayo." bulong ni zandra. "Mahal ko rin kayo." Si Haedi. "Tara na nga picture tayo doon sa stage. Para naman may remembrance." Saad naman ni Aia na nagpahiwalay sa pagyayakapan namin. Agad naman kaming umakyat sa stage para doon magpicture. Ilang pictures ang ginawa namin bago kami bumaba. Naabutan ko naman ang mga kapatid kong sina oliver at nathan na nasa gilid, At masayang nakatingin sa akin. Katabi nila si papa at kuya kenzo. Hindi naman na sumama sa amin sila ate keziah at tita lydia. Ayaw ko rin namang masira ang graduation ko kaya mas mabuti na 'yong wala sila dito. "I'm so proud of you, anak. Grabe ang bilis ng taon. Senior high ka na." saad ni papa nang makalapit ako sa kanila. Sumunod naman sa akin ang mga kaibigan ko para batiin si papa. "Hello po, tito." ani nilang tatlo. "Congrats sa inyo mga hija. Goodluck sa journey nin'yong apat." ngumiti si papa. "Thank you po." sila zandra. "Congrats." Si kuya kenzo. Napatingin ako sa kan'ya dahil sa biglaang pagsasalita nito. Inabot nito sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Narinig ko naman sa gilid ko ang pagtili ng mga kaibigan ko na ikinangiwi ko. "Shems, para kayong magjowa." sabay tulak ni zandra sa akin. Muntik pa akong matisod sa ginawa niya. "Thank you po, kuya kenzo." mariing saad ko dito. Nag iwas nalang ito ng tingin saka bumuntong hininga. "Congrats, ate!" ani naman ng dalawa kong kapatid at saka inabot ang isang letter. Biglang nangilid ang luha ko dahil sa binigay nila. Yumuko ako mula sa pagkakatayo at saka hinarap sila. "Thank you. Mahal na mahal kayo ni ate." hinalikan ko ang pisngi nilang dalawa. "You're always welcome po, ate." masayang saad ni oliver. "Paano ba 'yan? Umuwi na tayo. Nagpahanda ako sa bahay. Sumama na kayo sa amin mga hija." singit ni papa. Agad akong nag angat nang tingin sa kan'ya. Ngumiti ito nang magtama ang mata naming dalawa. "Hindi na po, tito. May handaan rin po kasi sa amin." saad naman ni zandra kaya't napunta sa kan'ya ang tingin ko. Nakita ko naman sa gilid nito sila haedi at aia na tumango tango. "Hindi na rin po, tito. May pupuntahan rin kasi kami ngayon." Si Aia. "Ganoon ba mga hija? Sige sumabay nalang kayo sa amin. Ipapahatid namin kayo." Si papa. "Huwag na po. Kasabay po namin mga parents namin. Sa susunod nalang po, tito. Salamat po." agap ni zandra na ikinatango ni papa. Tumingin naman sa akin si zandra at saka marahang tinapik ang balikat ko. "Aalis na kami, beh. Congrats! See you when I see you!" "Bye, pre. Mamimiss ko kayo." ani ni Aia nang makalabas na kami ng gate. Nasa kan'ya-kan'yang sasakyan na kami, si haedi naman ay sumabay kila Aia, samantalang si zandra ay kasama nito ang mga magulang niya. Nagpaalam naman na ako sa kanila. Kumaway pa ako para makita nila ang kamay ko. Nang makasakay ako ng kotse ay nag umpisa na ring magdrive si kuya kenzo. Nandito kami ng mga kapatid ko sa backseat, si papa naman ay sa front seat. "Proud na proud kami sa'yo, ate." bulong ni nathan. Hinaplos ko ang pisngi nito saka hinalikan ang noo. Bumaling ang tingin ko kay papa na nakatingin na rin sa amin ngayon. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko. "Sa sementeryo po muna tayo." malamig kong utas na ikinatango naman ni papa. Hanggang ngayon ay malamig pa rin ang pakikitungo ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit, pero feeling ko may kinalaman siya sa pagkamatay ni mama. Ilang taon ko na ring iniisip kung bakit nagpakamatay si mama na hindi ko masagot sagot. Bago kami dumiretso sa sementeryo ay bumili na muna kami ng kandila at tinapay para kay mama. Ngayon lang ang unang araw na pupunta ako ng sementeryo. Hindi kasi ako pinapayagan ni papa kaya ngayon ko lang gagawin lahat ng gusto ko. Papasyal ako kung saan nailibing si mama! Nang makarating ng sementeryo ay agad na akong bumaba. Sumunod naman sa akin ang mga kapatid ko. Si papa at kuya kenzo naman ay naiwan lang sa loob ng kotse. Hindi ko nalang sila pinansin, At dumiretso na sa libingan ni mama. Hinawakan ko ang kamay ng mga kapatid ko habang papunta doon. Kokonti lang ang mga tao ngayon sa sementeryo kaya hindi masyadong siksikan. Nang makarating kami sa puntod ni mama ay agad akong lumuhod doon at saka nilapag ang bulaklak na binigay ni kuya kenzo. Sinindihan ko rin ang dalawang kandila saka binuksan ang tinapay at juice na para kay mama. Lumuhod rin ang mga kapatid ko, nasa gilid ko sila habang nakatingin sa puntod ni mama. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Mama, graduate na po ako. Nandito po kami ng mga kapatid ko, oh. Malaki na po sila oliver at nathan." panimula ko. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga kapatid ko. Agad na nangilid ang luha sa mata ko dahil sa emosyong nararamdaman ko. Tinanggal ko mula sa pagkakasabit sa leeg ko ang medal, At nilapag iyon sa tabi ni mama. "Ma, sa inyo na po 'yan. Hindi ko na po 'yan kailangan. Nag-aral po ako nang mabuti para sa inyo." I wiped my tears. "Pasensya na po kung hindi ko po natupad 'yong gusto niyong umakyat sa stage habang sinasabitan po ako ng medalya. Ang daya mo naman po kasi mama, eh! Bakit niyo naman po kasi kami iniwan agad! Hindi niyo po ako nakita na umakyat sa stage. Napakadaya mo po!" hikbi ko. "Mama, bumalik ka na po oh. Hindi ko po kailangan ang lahat ng mga binibigay ni papa. Ikaw po ang kailangan namin. Kahit lagi mo akong pinapagalitan at pinapalo, mahal na mahal po kita. Lahat ng mga sermon mo sa akin, ma. Nakatatak po 'yon sa utak ko." Ramdam ko na ang pamamasa ng dress ko dahil sa buhos ng ulan. Hindi ko namalayan na umuulan na pala. Bumuhos ang napakalakas na ulan, sabay nang pagkulog at kidlat. Nag angat ako ng tingin sa mga kapatid ko na umiiyak na rin sa gilid ko. Tipid akong ngumiti sa kanila. Dalawang taon na lang, makakaalis na ako sa puder nila. Pangako, babawiin ko kayo kay papa. Kailangan ko muna kayong iwan para hindi kayo maghirap gaya ko. Para sa inyo ang lahat ng gagawin ko kaya sana maintindihan niyo si ate. Mahal na mahal ko kayo. Ginulo ko ang buhok nila at saka tumayo na. Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa bago nagpaalam kay mama. Iniwan ko ang medalya at bulaklak doon. Sana maging masaya ka kung na saan ka man ngayon mama. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin. Nang makalapit kami sa kotse ay agad kong binuksan ang backseat. Pinauna ko munang pumasok ang mga kapatid ko bago ako. Nag umpisa na ring magdrive si kuya kenzo. Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Minsan ay naaabutan ko itong nakatingin sa akin habang nagda-drive. Ako nalang ang pumuputol nang titigan naming dalawa. Hindi ko nakakaya na tingnan siya nang matagal. Nakakadiri! Nang makauwi kami ng bahay ay agad akong bumaba sa kotse, At pumasok na sa loob ng mansion. Sumunod naman agad sa akin ang mga kapatid ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. Mas lalo itong naging malakas! Pagbukas pa lang nang malaking pinto ay bumungad na sa akin ang mukha nila stan. Bakas sa mukha nila ang gulat nang makita ako. Kahit ako ay nagulat rin, pero hindi ko na pinakita 'yon sa kanila. Nasa malaking couch sila, katabi nito si gwen at deus. Si ate keziah naman ay naroon rin, katabi si tita lydia. "N-akauwi na pala kayo, hija." tita lydia uttered. Binalingan ko ito nang tingin at bakas sa mukha nito ang takot nang makita ako. "Kenzo, anak. Anong nangyari?" agad na lumapit si tita lydia kay kuya kenzo na nasa likuran ko. Narinig ko naman ang boses ni papa sa likuran kaya't agad akong umalis doon, At hindi na sila pinansin. Nadaanan ko sila deus at gwen na nakatingin lang sa akin. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Umiling na lamang ako at akmang tatalikuran na sana sila nang maramdaman ko ang isang kamay na humila sa akin. "Hey, what happened?" boses 'yon ni stan. Walang emosyong tiningnan ko ang binata. "Stan, let her go. Kailangan niyang magpahinga." tinanggal ni gwen ang kamay ni stan na nakahawak sa akin. "She's tired. You should change your clothes. Baka magkasakit ka." Si deus. Tumango na lamang ako sa tatlo at saka sila tinalikuran. Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko itong sinara. Nanghihina akong humiga sa kama. "Ayoko na. Pagod na pagod na ako." mahinang bulong ko. Agad na namang lumandas ang panibagong luha sa pisngi ko. "Miss na miss na po kita, mama." Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang maramdaman ang isang malamig na kamay na humahaplos sa pisngi ko. "You're awake." Stan murmurred. "A-nong ginagawa mo dito? Ang mga kapatid ko?" tanong ko dito sabay atras. "You're sick. Nasa kabilang kwarto ang mga kapatid mo. Don't worry they are fine." sagot nito. Nagbaba ako ng tingin sa katawan ko, At nakitang iba na ngayon ang suot ko. Siya ba ang nagdamit sa akin? My eyes widened. Naitulak ko si stan sa gulat ko. "I-kaw ang nagdamit sa 'kin?" tarantang tanong ko. Umiling ito. "Nah. Si manang josefa ang nagdamit sa'yo." Napatingin naman ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok ang dalawang lalaking kaibigan ni stan. Sila gwen at deus. Bakit na naman sila nandito? Tipid silang ngumiti sa akin bago lumapit. "Are you okay now? Ang taas ng lagnat mo. And thank god, nagising ka na rin." saad ni gwen. "Ha? Hindi ba graduation ko kahapon?" nagugulahang tanong ko. "You mean last week? Ilang araw kang tulog. Sobrang taas ng lagnat mo kaya kami na ang tinawagan nila tito." ani ni stan. "May masakit pa ba sa'yo?" lumapit sa gawi ko si deus saka marahang hinaplos ang noo ko. "She's fine, asshole. Bakit kayo nandito? Akala ko ba busy kayo." Si stan sabay tanggal sa kamay ni deus sa noo ko. I heard gwen laughed. "Doctor ako kaya nandito ako. Driver ko si deus." Tumingin naman ako kay deus na namumula na ngayon dahil sa sinabi gwen. Agad nitong sinakmal si gwen at saka pinagmumura. "You're gago. Tumawag ka sa 'kin at nagpahatid!" Natawa naman ako dahil sa inasal no'ng dalawa. Para silang aso at pusa. Kung babae lang si gwen siguro shinip ko na silang dalawa ni deus. Bumaling naman ang tingin ko kay stan na nakatingin lang sa akin. Namula naman ang pisngi ko dahil sa titig niya. Bakit siya nakatingin? May dumi ba ako sa mukha? "B-akit?" I asked. I feel like I'm going to explode! Parang may kung ano sa tiyan ko ang lumilipad. "Nothing. I'm just mesmerized by your beauty." Simpleng saad nito na mas lalong ikinapula nang pisngi ko. Mariin akong pumikit at kumapit sa bedsheet para pigilan ang kilig. Naririnig ko na ngayon ang bilis ng t***k ng puso ko. Para itong nakikipagkarera sa kabayo! "Hoy tama na 'yan love birds. Masyado niyo ng ginalingan." natatawang saad ni gwen. Tumayo naman agad si stan at nag iwas na ng tingin. Ako naman ngayon ang nangangapa sa sasabihin! "We're going now, little girl. We still have work to do. Take a rest." pagpapaalam ni gwen sabay gulo sa buhok ko. "We brought you fruits. Nasa baba." ani naman ni deus. Bumaling naman ako kay stan na nasa gilid habang nakanguso. Nangunot ang noo kong tiningnan siya. He cleared his throat. "Don't stress yourself too much, And drink a lot of water." "Stay Hydrated." dugtong ni gwen. "Bitch." pagtutuloy ni deus sa sinabi ni gwen na nagpatawa sa amin. Parang mga tanga. :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD