Lips of an angel
Matapos ang araw na 'yon ay naging mabuti na rin ang pakiramdam ko. Hindi ko man lang namalayan na nagkasakit ako. Siguro iyon 'yong araw na basang basa ako tapos ang ginawa ko ay matulog lang, imbes na magpalit ng damit. Hays, sa susunod aalagaan ko na ang sarili ko. Nakakahiya naman sa tatlo kung lagi silang nandito dahil lang sa may sakit ako.
Tinanong ko rin si manang josefa kung anong nangyari sa akin noong nakaraang linggo, kaya't nandito ako ngayon sa kusina, At tinutulungan si manang magluto.
"Ay naku, iyak nang iyak ang mga kapatid mo, hija. Alalang alala sila sa 'yo." Si manang josefa habang ginigisa ang bawang at sibuyas.
"Tapos itong papa mo gusto kang ipaconfine sa hospital. Ang taas ba naman ng lagnat mo. Buti nalang itong si ate keziah mo ay may kaibigang doctor. Dalawa pa!" masayang saad ni manang habang nakatingin sa akin.
Napatango naman ako dahil do'n. "Ah sila gwen at stan po. Lagi po ba silang pumupunta dito no'ng may sakit ako?" pang uusisa ko. Hindi naman sa assuming ako, pero gusto ko lang naman malaman kung lagi ba silang pumapasiyal dito.
Nakita ko ang pag ngisi ni manang kaya't tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi naman, hija. 'Yong lalaking isa lang ang laging pumupunta dito."
"Po? Sino po sa kanila?" napatayo na ako nang wala sa oras dahil sa kaba. Sino kaya ang laging pumupunta dito? Hindi kaya si gwen? Para kasing may something sa kanila ni ate keziah. Napapansin ko rin na laging may katawagan si ate. Hindi kaya siya 'yon?
"Hay naku! hindi ko kilala, hija. Basta guwapo ang lalaking 'yon, at mukhang mabait pa." ani ni manang.
Guwapo? Lahat naman sila guwapo eh! Sino kaya ang tinutukoy ni manang?
Matapos ang araw na 'yon ay bumalik na ako sa kwarto at nagpahinga. Lumipas ang ilang buwan at pasukan na ulit namin. Nandito ako ngayon sa school kasama si zandra. Tapos na kaming magpa-enroll, at hinihintay na lang namin sila Aia at Haedi na matapos. Kanina pa kami enrolled, At iyong dalawa ay nahuli pa. Nakalimutan nila na may pasok na ulit. Para daw kasing ang bilis ng buwan.
"Saan tayo pagkatapos nito?" tanong ko kay zandra na nag-ce-cellphone na ngayon.
"Mall. May meet and greet. Bumili na kami ng ticket." tipid nitong sagot.
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Anong gagawin namin do'n? Akala ko pagkatapos nito, uuwi kami agad. Tinatamad pa naman ako.
"Oh ano, tapos na kayo?" tanong ni Aia nang makalapit sa amin. Nasa likuran nito si haedi na nakasimangot.
"Tapos na kami. Ang tagal niyo naman." asik ni zandra.
"Paanong hindi kami matatagalan, eh, inuna nila 'yong mga lalaki!" iritadong saad ni Haedi.
"Kaya pala busangot ka." ani ko.
"Well." Si haedi.
"Tara na nga. Baka mamaya maunahan tayo sa pwesto natin. Dapat doon tayo sa pinakauna!" Zandra giggles
"Oo nga. Siguradong marami ng tao ngayon. Tara na nga." excited na saad ni Aia.
Ako naman ngayon ang wala nang maintindihan sa pinagsasabi nila. Ano bang pinag-uusapan nila? Kanina pa sila usap nang usap. Si Haedi naman ay nakikisabay na rin sa usapan nila, at ako naman dito ay tahimik lang.
Nang makarating kami ng mall ay agad na kaming pumasok doon. Hila hila na ngayon ni zandra ang kamay ko. Si haedi at aia naman ay hindi na napigilang sumigaw.
"Go Gwenatics! We love you, papi!" tili nila.
Napatakip naman ako sa tainga ko dahil sa ingay nila. Tumigil kami ni zandra sa harap no'ng lalaking matangkad. Mukhang may katandaan na ito, at nakashades pa!
"Ticket niyo?" ani ni manong.
"Ito po. Apat po 'yan. Magkakasama po kami." Inabot ni zandra ang apat na ticket. Kanina pa ako nagugulahan sa mga 'to. Hindi man lang sabihin sa akin kung anong meron, at kung bakit kami nandito!
Agad naman kaming pinapasok ni manong sa loob. Bumungad naman sa akin ang hiyawan ng ibang tao. Sobrang ingay! Nasa Arena kami ngayon, at halos mapuno na ang loob nito.
"Hoy, olivia. Gaga 'to." hinila agad ako ni zandra sa kinatatayuan ko at saka dumiretso doon sa harapan.
"G-W-E-N! GWEN GWEN GWEN!" sigaw ng mga tao dito sa loob.
"F E R L I N! FERLIN 4 THE WIN! WE LOVE YOU, QUEEN!"
Umupo agad ako doon sa tinuro ni zandra sa akin. Ganoon rin ang ginawa nila Aia. Nilibot ko ang paningin sa loob ng Arena, at dumapo ang tingin ko doon sa stage.
May mga tao doon sa stage. Tila may inaayos sila. Samantalang ang mga tao naman sa likuran namin ay sigaw nang sigaw. Sino ba 'yang gwen na sinasabi nila? Artista ba 'yan? Baka mamaya t****k influencer 'yan.
Kinalabit ko si Haedi para kunin ang atensyon nito. Kanina pa sila hindi mapakali, at picture nang picture sa gilid. Parang wala ko dito, ha? Sinama lang nila ako dito para ano? Gawing taga sigaw rin? Duh!
"Bakit, pre?" tanong ni haedi nang mapansin ako nito.
"Anong meron?"
"Meet and greet nga! May artista dito. Nanonood ka ba ng The one that got away? Shet nandito 'yong cast nila, beh!" excited na saad ni haedi.
The one that got away? Wala akong alam na palabas na gan'yan, at saka hindi ako nanonood ng tv. Hindi ko alam na artista pala ang pinunta namin dito. So 'yong gwen na sinisigaw nila ay 'yong bida sa teleseryeng the one that got away?
"Ladies and Gentlemen. Boys and Girls. Please welcome the cast of the one that got away. Mister Gwen Shawn Agustin and Miss Ferlin Joy Nicolas." saad ng emcee sa stage.
Bigla namang lumabas sa stage ang isang magandang babae. Siya ang unang lumabas at sumunod naman ang isang lalaki. Nasa likuran siya ng babae, at kumakaway-kaway sa mga fans niya.
"Putangina! Bagay na bagay sila"
"Gwen! Ate Ferlin ang ganda mo po! Bagay na bagay po kayo."
Halos mabasag na ang eardrums ko dahil sa sigawan ng mga fans nila. Napatingin naman ako ngayon kay zandra na talon nang talon sa tabi ko. Si Aia naman ay niyuyugyog na ang balikat ni Haedi.
"Wassup, people!" sigaw 'yon nang isang pamilyar na boses. Dumapo ang tingin ko sa stage para tingnan ang nagsalita. At laking gulat ko nang makita si gwen na nasa harap ng stage habang hawak ang mic. Katabi nito ang napakagandang babae na hula ko ay ka-love team niya.
Nakayapos ang braso nito sa baywang ng babae, samantalang ang babae naman ay nakangiti lang sa gilid at tumatango-tango sa mga nagtatanong sa kan'ya.
"Gwen, anakan mo 'ko!"
"FerWen 4EVER!"
"Ate ferlin, crush po kita!"
Napatigil sa hiyawan ang mga tao nang biglang mamatay ang ilaw dito sa loob ng Arena. Bigla akong nakaramdam ng kaba. s**t! Ang dilim!
Agad kong kinapa sa bulsa ang phone ko at saka in-on ang flashlight. Ganoon rin ang ginawa ng ibang tao dito sa loob. Nakita ko naman agad si zandra kaya hinawakan ko agad ang braso nito. Nagulat siya sa ginawa ko kaya napatalon siya.
"Gago ka! Tinakot mo 'ko." bulong nito
"Wow." manghang saad ni Haedi sa gilid nang makitang halos buong arena na ngayon ay napapalibutan ng flashlight. Para kaming nasa isang concert. Ganoon ang view!
Honey, why you calling me so late?
It's kinda hard to talk right now
Honey, why you crying, is everything okay?
I gotta whisper 'cause I can't be too loud
Bigla akong natigilan nang marinig ang boses ni gwen. Agad akong tumingin sa stage, At nakita ko ang dalawa na magkalapit habang kumakanta. Si gwen na nakapikit habang nakasandal ang noo sa babae. Samantalang ang babae naman ay nakatingin lang ng diretso kay gwen. Para silang magkasintahan na inlove na inlove sa isa't isa.
Well, my girl's in the next room
Sometimes I wish she was you
I guess we never really moved on
Hinawakan ni gwen ang pisngi no'ng babae saka marahang minulat ang mata.
It's really good to hear your voice
saying my name
It sounds so sweet
Coming from the lips of an angel
Hearing those words, it makes me weak
Bumaba ang tingin nito sa labi ng babae at saka nilapit ang mukha doon. Narinig ko na agad ang tilian ng mga nasa likuran namin.
"Hala magki-kiss sila!"
"Iyong puso ko! Ferwen 4 the win!"
"Kiss na 'yan!"
"KISS! KISS! KISS! KISS!"
And I never wanna say goodbye
But, girl, you make it hard to be faithful
With the lips of an angel
Nang matapos ang kanta ay siya ring pagbukas ng buong ilaw sa arena. Nasilaw pa ako dahil do'n. Ano ba naman 'to! Nang maimulat ko ang mata ko ay bumungad na sa akin ang pagdampi nang labi ni gwen doon sa babae.
"Wahhhhh!"
"Ahhhhhhh! Sana magkatuluyan po kayo sa totoong buhay!"
"s**t! Parang mahal na mahal nila ang isa't isa." rinig kong bulong ni zandra.
"True. Bagay na bagay sila." Si haedi.
"Sana ako nalang si ferlin." Si Aia.
"Ewan ko sa inyo. Para kayong mga sira. Love team lang 'yan." ani ko sa kanila. Binigyan naman nila ako nang masamang tingin kaya tumahimik na lang ako sa gilid.
"Thank you everyone for having us here. We really appreciate your efforts. Mahal na mahal po namin kayo! And also to Ferlinatics and Gwenatics. Huwag po sana kayong magsawang suportahan kami." mahinhing saad ni miss ferlin. Nasa likuran nito si gwen at nakayakap sa kan'ya. Sinubsob nito ang mukha niya doon sa leeg ni miss ferlin na mas lalong nagpaingay sa loob ng arena.
"Shems beh, naiinggit ako!" mangiyak ngiyak na saad ni zandra.
"Ako rin." Si Aia at Haedi na magkayakap na ngayon.
"Pag inggit, pikit." mahinang saad ko. Agad naman silang tumingin sa akin na ikinagulat ko. Masama nila akong tiningnan saka inirapan. Ay wow, ba't parang kasalanan ko pa?
Bumaling muli ang tingin ko sa stage nang marinig na magsalita si miss ferlin. Sobrang ganda niya talaga. Lalo na 'yong pormahan niya, simple but classy. Mukha pang mabait dahil sa kahinhinan niya.
"You want to say something, gwen?" ani ni miss ferlin sa mic.
Nag angat naman ng tingin si gwen kay miss ferlin saka ngumiti. Nilapit ni miss ferlin ang mic sa labi ni gwen.
"I love you. I will always do." marahang saad ni gwen habang nakatingin sa camera.
"Mahal na mahal ka rin namin, gwen."
"Gwen, Te Amo."
"Ate Ferlin, mag i love you too ka po!"
"Ang sweet sweet talaga nila."
"Hope all."
Matapos ang pagsasalita ni gwen ay siya ring pagdilim ng buong arena. Agad rin naman itong bumukas, pero wala na doon sa stage ang dalawang artista. Ito pala ang binayaran nila sa ticket. Isang beses na kanta lang. Lol.
"Hoy, olivia. Doon tayo sa kabila. May autograph raw tas picture taking! Nagpapahinga raw muna ang dalawa sa backstage." ani ni zandra sa akin na ikinatango ko naman.
"Buti nalang may dala akong tshirt! Dito ako papa-autograph." Si Aia habang pinapakita ang bagong biling tshirt na may mukha no'ng dalawang artista.
"Parang aldub lang, ha." puna ko.
"Tumahimik ka nga, kanina ka pa!" iritadong saad ni zandra na ikinangiwi ko. Problem ba ng mga 'to? Honest lang naman ako. Hmp!
Nang matapos ang ilang minutong paghihintay namin ay pinapasok na kami sa kabila. Tapos na rin kasing magpa-autograph ang iba kaya kami naman. Nasa isang malaking malaking lamesa ang dalawang artista, at sa tabi nila ay ang dalawang bouncer. Bodyguard nila siguro.
"Next." ani ng isang bouncer kaya't agad agad na lumapit na parang aso ang mga kaibigan ko doon.
Umiling iling na lang akong sumunod sa kanila. Bitbit ang papel at dito nalang magpapa-autograph. Wala naman kasi akong dala gaya nila zandra na may pa t-shirt pa. Papel lang ambag ko dito.
Nang matapos magpa-autograph sila zandra at aia ay sumunod naman agad ako doon. Nakayuko si gwen habang nakatingin sa marker na hawak niya. Ang katabi naman nitong si miss ferlin ay nasa tabi niya lang at nagpipirma rin. Marami kasing nakapila sa kan'ya.
"Name?" si gwen.
"Olivia po."
Nag angat ng tingin sa akin si gwen saka ngumisi. "Little girl. Fan pala kita."
Tumango na lamang ako at hindi na umapela sa sinabi niya. Ayoko nang humaba pa ang usapan, baka mamaya sugurin ako ng mga fans niya.
Pagkatapos ng ilang autograph ay nagpapicture na rin kami sa kan'ya. Ganoon rin ang ginawa namin kay miss ferlin. Yumakap pa sila zandra sa kanila, niyakap rin ni miss ferlin ang mga kaibigan ko saka ginulo ang buhok nila isa isa. Tuwang tuwa naman ang mga gaga.
"Babye po, miss. Ingat po kayo." pagpapaalam ni zandra.
"Keep safe too." mahinhing saad nito bago kami talikuran.
"Grabe ang intimidating niya tingnan! Sobrang ganda niya! Shems." saad ni zandra habang naglalakad kami palabas ng mall.
"True. Sana sa susunod may meet and greet pa. Lagi sana silang magka- love team." Si Aia.
"Bagay na bagay sila." Si Haedi.
Umiling na lamang ako sa mga kaibigan at saka bumuntong hininga.
Bahala nga kayo diyan!
:>