Sacrifice
Dalawang linggo na ang lumipas simula noong pumunta kami ng arena, At ngayon ay nandito kami sa bahay nila Haedi para tapusin ang isang project sa minor subject namin.
Hindi kami magka-klase. Sila Aia at Haedi ay Humss , samantalang si zandra ay Abm, at ako naman ay Gas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong balak kong kunin sa college kaya nag gas na muna ako para makapag-isip.
"Okay na siguro 'to." ani ni zandra kaya't napatingin na ako sa gawi niya. Tapos na siya sa pag-a-arrange ng katawan no'ng mannequin.
Science ang isa sa minor subject naming apat, at itong ginagawa namin ay pang group na. Sinabi na rin kasi namin kay sir na kami na lang ang magkaka-group para hindi kami mahirapan. Noong una ay hindi pumayag si sir, pero kalaunan ay pumayag na rin ito.
Organ system ang ginagawa naming project ngayon. Inaayos namin ang bawat parts ng mannequin, At sinusulat sa papel ang mga functions nila. Isa rin kasi ito sa mga kailangan naming malaman. Ngayon ko lang rin nalaman na kahit ibang strand ang kinuha namin ay hindi talaga mawawala ang subject na science.
"Lymph nodes ang tawag diyan." ani ko nang hawakan ni Aia ang isang parte ng organ system.
Nangunot ang noo nitong tiningnan ako. "Paano mo nalaman?" tanong nito. Agad naman akong ngumisi dito at kinuha ang hawak niya.
"Medicine kinukuha ni ate kez na course kaya hindi na bago sa akin 'to. Maraming ganito sa bahay." sagot ko habang nilalagay ang lymph nodes sa dapat niyang kalagyan.
"Lymph nodes are located in many parts of the body, including the neck, armpit, chest, abdomen, and groin." basa ni zandra habang hawak ang phone niya. Mukhang sinearch niya pa ang meaning.
"Lymph nodes drain lymph fluid from nearby organs or areas of the body." dagdag pa nito.
"Ah 'yan pala meaning niyan. Akala ko design lang 'yan dito." singit ni haedi habang hawak-hawak ang lymph nodes.
"Puro ka talaga kalokohan. By the way same. Akala ko rin design." natatawang saad ni Aia.
"Gago kayo." Si zandra.
Umiling na lamang ako sa sinabi nila. Kahit ako no'ng una ay akala ko rin design, tapos nakita kong dinidikit ni ate keziah ang lymph nodes malapit sa chest.
"Lymph nodes contain immune cells that can help fight infection by attacking and destroying germs that are carried in through the lymph fluid." pagmememorize ni ate keziah nang maabutan ko ito sa sala. Katabi nito ang mga classmate niya na busy rin sa kani-kanilang gawain.
"Mag meryenda muna kayo, ma'am." saad ni manang josefa nang makalapit ito kila ate. Bitbit nito ang isang tray na may lamang juice at sandwiches.
"Pakilagay na lang po diyan, manang. Thanks." ani ni ate kez habang nakatingin pa rin sa notes niya.
Ganito ba talaga pag college? Maraming gagawin tapos busy rin? Kanina pa sila ate kez diyan sa sala, at mukhang magagabihan pa yata sila. Bumuntong hininga na lamang ako, At kinain ang natitirang pagkain sa plato ko. Himala hindi niya kasama sila stan.. Busy rin kaya siya?
Nang matapos akong kumain ay dumiretso na agad ako sa kwarto para doon mag toothbrush. Kakatapos ko lang kumain, at napag isipan kong panoorin muna ang sinasabi nila haedi na teleserye sa tv na the one that got away. Ito pala 'yong palabas na bida sila gwen at ferlin.
Pag on ko ng tv ay bumungad na agad sa akin ang kissing scene ng dalawa. Magkalapat ang labi nila, At tila sabik na sabik sa isa't isa.
"Clark, this is wrong." ani ng babae habang hinahabol ang hininga nito.
Tumigil sa paghalik si clark at tumingin sa babae. Ngumisi ito bago magsalita.
"Why, shine?"
"I love your brother."
"You love him, but you let me kissed you? Oh c'mon, shine. Huwag na tayong maglokohan dito. Ako ang mahal mo, At hindi ang kapatid ko." His jaw clenched.
"Clark, tapos na tayo. Ang kapatid mo ang mahal ko. Ang hirap bang intindihin 'yon?" Si shine habang mariing nakatingin sa lalaki.
"Mahirap.. sobrang hirap, shine. Hindi ko maintindihan kung bakit mo 'ko hinahayaang halikan ka, kung gayong mahal mo naman pala ang kapatid ko. Pinaglalaruan mo lang ba ako?" His voice broke.
Kitang kita sa mukha ng babae ang awa habang nakatingin sa umiiyak na lalaki. Gusto nitong hawakan ang pisngi no'ng lalaki, pero pinigilan niya ang sarili.
"You still love me. Ramdam na ramdam ko, shine. Ako ang mahal mo!" giit ng lalaki.
"Tama na, clark! Hindi na kita mahal! Ikakasal na kami ng kapatid mo." mahinang saad ng babae habang nakatungo.
Bigla namang nag angat ng tingin ang lalaki at mariing hinawakan ang braso ng babae. Bakas na bakas sa mukha nito ang gulat.
"Anong sabi mo?"
"I-kakasal na kami ni James. Ikakasal na ako sa kapatid mo. Nagkasundo na sila mama."
"Damn it! Let's elope, then. Itatakas kita dito." ani ng lalaki at saka hinila ang babae palabas ng kwarto.
"B-itaw.." her voice stuttered.
Lumingon ang lalaki sa babae at binigyan ito nang masamang tingin. Tinanggal ng babae ang kamay no'ng lalaking nakahawak sa braso niya.
"Umalis ka na. Hindi ako sasama sayo. Magpapakasal kami ni James. Umalis ka na!" Lumandas na sa pisngi ng babae ang luha nito.
"Shine, Nababaliw ka na ba? Tatakas tayong dalawa! Magpapakalayo-layo tayo. I have my own money. Kaya na kitang buhayin." nahihirapang saad ng lalaki.
"Hindi. Umalis ka na! Hindi na magbabago ang desisyon ko! Hindi ako sasama sayo!"
"Shine! Please, baby.... let's run away."
"No. I'm sorry." umiiling na saad ng babae bago tumakbo at iniwan ang lalaki sa loob.
"Baby, please..come back here. I love you."
Napaayos ako ng upo dahil sa tensyon na naramdaman. Grabe ang scene na 'to! Nakakaiyak naman. Bakit hindi niya kayang ipaglaban si clark? Halatang mahal pa naman nila ang isa't isa, ha! Naiinis ako do'n sa babaeng bida. Ang weak niya!
Matapos ang pinapanood kong teleserye ay pinatay ko na agad ang tv, At nag umpisa nang matulog. May pasok pa ako bukas. Ikwe-kwento ko rin kila zandra iyong nangyari sa paborito nilang palabas! Sigurado akong maiinis rin 'yon.
At tama nga ako! Pagpasok ko kinabukasan ay kinwento ko na kila zandra ang nangyari. Iyak ito nang iyak. Hindi matanggap na ikakasal na ang babaeng bida sa kapatid no'ng lalaki.
"Grabe ang saklap naman ng love story nila. Dapat sumama nalang si shine kay clark!" iyak ni zandra.
Kahit ako ay nalulungkot rin sa nangyari sa dalawang bida. Mahal na mahal nila ang isa't isa, pero mas pinili nilang ikasal sa taong hindi nila mahal.
"Gan'yan talaga ang buhay. Hindi naman pwedeng masaya lagi. Syempre may lungkot rin." saad ni Aia habang kumakain ng burger.
Tumango naman ako sa sinabi nito. Sabagay may point naman siya. Pero, hindi ba't kung mahal nin'yo ang isa't isa, dapat ipaglaban niyo 'yon? Pero, depende pa rin iyon sa mga tao. Desisyon pa rin naman nila 'yon kung ipaglalaban pa nila 'yong love nila sa isa't isa o hindi na, kaya naiintindihan ko si shine. Naiintindihan ko nga ba? Wala naman akong alam dito. Ewan ko ba!
Siguro bago sumuko 'yong babaeng bida, lumaban pa siya. Pinaglaban niya ang relasyon nila ni clark sa parents niya, hanggang sa siya na lang ang sumuko kasi alam niyang marami ng nasasaktan para sa kanilang dalawa. Tama! Ganoon nga! Bago siya sumuko, lumaban pa siya.
"Paano kung nangyari 'yon sa inyo? I mean, ipakasal kayo sa ibang tao tapos hindi niyo pa mahal, anong gagawin niyo?" inosenteng tanong ni haedi.
Bumaling agad ang tingin ko sa kan'ya. Ganoon rin ang ginawa nila zandra at aia. Recess namin ngayon kaya nandito kami sa canteen.
"Siguro kung nangyari sa akin 'yon, tatakas ako kasama iyong taong mahal ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin sa akin ng ibang tao." proud na sagot ni zandra na ikinatango naman nila haedi. Tila sumasang ayon sa sagot ng kaibigan namin.
"Ganoon rin ako sa sinabi ni zandra!" Si Aia.
"Hoy bawal gumaya! Dapat iba sagot mo, duh." maarteng saad ni zandra na ikinatawa namin.
"Luh? Ganoon nga ang sagot ko, eh!" singhal ni Aia.
"Ikaw olivia, anong gagawin mo kung sakaling mangyari sayo 'yong nangyari kay clark?" tanong muli ni haedi.
Agad naman akong napaisip sa sinabi nito. Ano nga ba ang gagawin ko? Napapaisip rin ako. Kung mangyari ba sa akin 'yon, matatanggap ko ba na hindi makasal sa taong mahal ko?
"I guess, susuko na lang rin ako." mahinang saad ko habang nag iisip.
Nakita ko naman ang gulat sa mukha nilang tatlo na ikinanoot ng noo ko.
"Hala? Bakit? Susuko ka rin? Hahayaan mo nalang lahat?" Si zandra.
"Kung mahal mo, dapat ipaglaban mo." Si Aia.
"Kung mahal mo, dapat hindi mo sukuan." saad naman ni Haedi.
"Kung mahal mo, dapat handa kang tanggapin lahat. Tanggapin lahat ng sakit at lungkot, kasi parte 'yon ng love. Love is not all about kilig and saya." Si zandra.
"Pero, kung mahal mo talaga 'yong tao hahayaan mo siyang maging masaya sa iba. You are willing to give up just to let them happy. Hindi naman pwedeng ipilit lahat." ani ko na ikinagulat nila.
"Gaya ng pagmamahalan nila clark at shine. Kailangang sumuko ni shine kasi 'yon ang sa tingin niyang makakabuti para sa kanila. Pero, hindi ibig sabihin no'n ay sumuko na agad siya. Bago siya sumuko, lumaban pa siya. True love pushes us to let go of everything that doesn't serve us, so that we can be the purest versions of ourselves. Love is sacrifice." mahabang litanya ko.
Tumango tango naman ang mga kaibigan ko habang nakikinig sa akin. Ewan ko ba kung bakit ko sinasabi ang lahat ng 'to, e, wala pa naman akong naging boyfriend. Wala akong karanasan sa mga ganito!
"Tama si olivia. Ngayon alam ko na." Si Haedi na tumango tango pa.
"Ako rin. Gets ko na." Si Aia.
"Tanggap ko na talaga. Okay lang 'yan, love team pa naman ang FerWen." saad ni zandra. Ngumiti pa ito para maibsan ang lungkot sa mga mata niya. Mukhang kabaliktaran ng mata niya ang sinasabi niya.
"Tara na nga. May klase pa tayo." ani ko sa kanila na agad nilang ikinatango.
"Oo nga! Muntik pa nating makalimutan. Kasalanan 'to no'ng writer, eh! Dapat kasi ginawa niya na lang masaya ang ending ng the one that got away!" iritadong saad ni zandra.
Matapos ang usapan namin kanina sa canteen ay dumiretso na kami sa kanya-kanya naming classroom. Nag umpisa na rin agad ang klase, At ako naman dito ay nakikinig lang sa discussion ni sir. Minsan ay tumitingin pa ako sa labas ng classroom para isipin ang nangyari kanina sa canteen.
Love is sacrifice nga ba? Ewan ko! Bahala na. Dapat hindi nalang ako nanood kagabi, edi sana hindi ako nag-iisip ngayon!
:>