Kabanata 11

2228 Words
Debutant "Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!" rinig kong kanta ng mga kapatid ko nang magising ako. "Happy 18th Birthday, Ate!" lumapit sa akin si oliver at saka ako hinagkan. Hindi ko na namalayan ang panahon. Tumatanda na pala ako. Akalain mo 'yon, dati batang sipunin pa ako, ngayon dalaga na. Niyakap ko pabalik ang kapatid kong si oliver at saka ginulo ang buhok nito. "Blow your candle na ate!" masayang saad ni nathan habang hawak ang isang chocolate cake. Agad ko namang hinipan 'yon saka tumingin sa kanila.. "Thank you. Sana hindi na lang kayo nag abala pa." ani ko dito. Nakaupo na kami ngayon sa kama, at kagigising ko lang nang kantahan nila ako. Hindi nakaligtas sa akin ang pag simangot ni nathan sa gilid kaya agad na nangunot ang noo ko. "Ate, 18 ka na. Aalis ka na po dito sa bahay. Lilipat ka na." malungkot na saad nito na ikinangiwi ko. Ngayon pala ang araw na aalis ako. Grabe ang bilis talaga! Dati g11 lang ako, ngayon 1st year college na! "Tumigil nga kayo. Bibisitahin naman kayo ni ate, e. Lagi akong pupunta dito para sa inyo." marahang saad ko. "Eh? Paano ate kung lumipat na kami ng bahay tapos hindi ka na namin makita?" tanong ni oliver habang nakayakap sa 'kin. "Hindi kayo lilipat ng bahay, okay? Nakausap ko na sila papa, at lagi akong bibisita dito. Naiintindihan niyo ba 'yon? Lagi akong bibisita dito." "Talaga po, ate?" Si Nathan. "Talaga! Promise." ani ko na ikinatango ng dalawa. "Mahal ka po namin, ate!" Si oliver. "Mahal ko rin kayo." sambit ko sabay halik sa mga pisngi nila. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at saka naligo na. Ngayon ang araw na legal age na ako. Ang bilis naman ng panahon, parang dati lang nakikipaglaro pa ako sa mga kapatid ko, ha. Nang matapos akong maligo ay inayos ko na ang mga gamit ko sa kabinet. Hinanda ko na rin ang mga damit ko, at nilagay 'yon sa loob ng bagahe. Pagkatapos ng araw na 'to ay lilipat na ako sa apartment kasama si zandra. Napag-usapan na namin 'to kagabi kaya naghahanda na rin siguro ang babaeng 'yon. Nang matapos akong mag-impake ay bumaba na agad ako ng kwarto para mag almusal. Naabutan ko sila ate keziah at papa na nag-uusap, at nang makita nila ako ay agad silang lumapit sa akin. "Good morning, honey. Happy 18th Birthday!" bati ni papa sabay halik sa pisngi ko. Napangiwi naman ako dahil sa ginawa nito. Tumingin naman ako kay ate keziah na nakangising nakatingin sa akin. "May hinanda kaming party sa'yo. Huwag ka munang umalis." She coldly said. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni ate kez.. Party? Wala naman sa napag-usapan 'to, ha! Ang sabi ko ay aalis ako ngayong araw, At ice-celebrate ko ang birthday ko kasama ang mga kaibigan ko! "Pa, ano na naman 'to? Hindi ba't napag-usapan na po natin 'to? May balak na po ako para mamaya." mariing saad ko. "Anak, ngayon lang naman 'to. Minsan lang naman sa isang taon kaya dapat kang mag party." Si papa. Akmang hahawakan na sana nito ang kamay ko nang hawiin ko ang kamay niya. "Sinabi ko na po 'to sa inyo, pa! Pumayag po kayo. Kung gusto niyong magpa-party, kayo na lang. Aalis na po ako." I coldly said and left them dumbfounded there. Naririnig ko ang pagtawag sa 'kin ni ate keziah, pero hindi ko 'yon pinansin. Ayokong magpa-party! Gusto ko 'yong simple lang kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko kailangan ng engrandeng handaan! Nang makaayat ako sa kwarto ay agad kong kinuha ang bagahe sa ilalim ng kama. "Ate, aalis ka na po?" tanong ni oliver nang maabutan ako nito. Agad na bumaling ang tingin ko sa kapatid at saka binigyan ng tipid na ngiti. "Oo, beh. Aalis na si ate. Hayaan niyo, papasyal ako dito." ani ko kay oliver nang makalapit ito sa 'kin. Marahan naman itong tumango at ngumiti. "Sabi mo po 'yan, ate, ha? Mag ingat ka po lagi. Mahal po kita." "Mahal na mahal rin kayo ni ate." ani ko sabay halik sa noo nito. Matapos kong magpaalam sa kapatid ay bumaba na agad ako ng kwarto. Nakita ko agad si tita lydia na masamang nakatingin sa akin. Tila nanggigigil ito nang makita ako. "Hindi ka pwedeng umalis! Itutuloy ang party. Walang aalis hangga't hindi pa tapos ang party!" sigaw ni tita lydia na ikinagulat ko. My brows furrowed. "Kayo na lang po magparty. Aalis na po ako.." ani ko at akmang tatalikuran na si tita lydia nang hablutin nito ang buhok ko. "Punyeta ka, ha! Wala kang utang na loob! Pagkatapos nitong party mo hindi mo na makikita ang mga kapatid mo! Sinisigurado ko 'yan!" mas hinigpitan nito ang hawak sa buhok ko at mas hinila. "Aray, nasasaktan po ako. Tama na po." ani ko at pilit na hinahawakan ang kamay ni tita para tanggalin ang pagkakahawak sa buhok ko. "Talagang masasaktan ka pag umalis ka ng bahay na 'to nang hindi pa natatapos ang party! Huwag mo kong ipahiya sa mga kumare ko! Isa ka lang namang sampid sa pamamahay ko!" sigaw nito at mas lalo pang hinila ang buhok ko. Shit! Ang sakit. Napaluhod na ako ngayon dahil sa sobrang sakit. Bawat paghila niya sa buhok ko ay napapapikit ako. Kinaladkad ako ni tita papuntang kusina, At pinasok sa loob ng storage room. "Diyan ka lang! Ilalabas ka mamaya para ayusan. Ayokong napapahiya ako kaya umayos ka!" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay sinarado na nito ang pinto, At saka ako iniwan dito. Nangilid ang luha ko dahil sa sakit na naramdaman. Bakit lagi na lang nangyayari sa akin ang mga 'to? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang ako, At gawin ko lahat ng gusto ko? Matapos ang ilang oras kong pagmumokmok dito sa loob ng storage room ay biglang bumukas ito. Pumasok ang isang bading na may dalang bag na sa tingin ko ay mag-aayos sa akin. "Halika na, hija. Aayusan na kita. May mga bisita na sa labas." ani nito saka marahan akong inalalayan na tumayo. Nang makatayo na ako ay dumiretso na kami sa likod ng kusina. Marami ng tao roon, At inaayos na nila ang mga gamit para sa party. Naririnig ko ang pagtawa ng mga kasambahay ni tita lydia habang nakikipag-usap sa iba. "Viola! Ang ganda-ganda mo, beh." ani ng bading nang matapos nito akong ayusan. Nandito kami ngayon sa kabilang bahay. Malapit lang ito sa mansion, At dito na nila ako inayusan. Nakasuot na rin ako ng reflective gold sequins gown. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng ganito. Naiinis lang ako! "Para kang si belle ng beauty and the beast. Labas na nga tayo. Ilang minutes na lang mag-uumpisa na debut mo!" excited na ani ng bading. Ako naman ngayon ay hindi na makangiti nang maayos. Mas lalo lang akong naiinis dahil sa nangyayari ngayon. Dapat nasa apartment na ako, At kumakain kasama ang mga kaibigan ko! Ngayon hindi ko pa nasabi sa kanila na may party! Ano na lang ang sasabihin sa 'kin nila zandra? "Ladies and gentlemen. Let's welcome our debutant! Olivia Marie Santos." masiglang saad ng emcee. Unti-unti akong naglakad pababa sa hagdan. Bumungad sa akin ang hiyawan at palakpakan ng mga bwisita. Lahat sila ay nakatingin sa akin, At ang iba naman ay nagbubulungan. "Anak rin siya ni Lydia? Grabe ang ganda, ha." "Gaga! Anak 'yan ni robert." Bago ako makababa ng hagdan ay sinalubong na ako ni kuya kenzo. Inilahad nito ang kamay niya sa akin kaya't nagtataka ko namang inabot ang kamay ko sa kan'ya. "Again, Our debutant!" ani muli ng emcee na siyang nagpaingay sa lahat. Nagugulahan kong nilibot ang paningin sa loob ng mansion. Dumapo ang tingin ko kila papa na masayang nakikipag-usap sa mga katrabaho niya. Si tita lydia naman ay nakangising nakatingin lang sa akin. "Happy Birthday." ani ng isang bisita nang makalapit ito sa 'kin. Bumeso pa ito saka inabot ang regalo. "Thank you po." pagpapasalamat ko. Tumango lang ito sa 'kin. Binigyan ko naman ito ng tipid na ngiti bago bumaling sa katabi ko. Si kuya kenzo ay tahimik lang habang kumakain. Siya ang escort ko sa gabing ito. Hindi naman na ako nagreklamo, At hinayaan na lang ang mga mangyayari ngayong gabi. Nang matapos ang kainan ay nagsimula na agad ang event. May mga sumayaw at kumanta. At isa na doon si gwen, ang kaibigan ni stan na artista. Halos lahat ng bisita ay nakatingin sa kan'ya. Tila siya ang naging center of attention. "Let's proceed to our 18 candles. Miss Zandra Veronica Torres." saad ng emcee. Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Nandito sila zandra? Dumapo ang tingin ko sa kaibigan na naka-dress ngayon. May hawak itong kandila, At bakas sa mukha nito ang saya habang nakatingin sa akin. "Pre, Dalaga ka na. Parang dati lang ayaw na ayaw mo ng party, ha? Pero, tingnan mo ngayon, nagpa-party ka na." ani ni zandra na siyang nagpatawa sa mga bisita. Bigla naman akong natawa sa sinabi nito. "Now that you're 18, I hope you don't start worrying about acting like a grown-up. Nandito lang kami lagi para sayo. Mahal na mahal ka namin, beh. Happy Birthday!" dagdag nito at marahang lumapit sa akin at saka ako hinagkan. "Wala akong regalo, beh. Biglaan kasi. Akala ko sa apartment ice-celebrate. Bawi ako next time." bulong nito sabay halik sa pisngi ko. "Thank you, pre. Jejemon naman." bulong ko dito na siyang nagpatawa sa kan'ya. Nang matapos si zandra ay bigla namang sumunod si Aia. Tinawag rin siya ng emcee. Nakasuot rin ito ng dress habang bitbit ang kandila. "Hi, beh. Wala na akong ibang sasabihin. Happy Birthday!" ani ni Aia sabay halik sa pisngi ko. Narinig ko naman ang munting hagikhik ng mga bisita. "Thank you, beh." ani ko kay Aia. "Happy Birthday, pre. Mabuhay ka hangga't kailan mo gusto." saad ni Haedi na nagpatawa sa lahat. Matapos ang 18 candles ay sumunod naman agad ang 18 gifts sabay ng 18 blue bills. Halos lahat ng nandito ngayon ay binati ako. Hindi ako makalapit sa mga kaibigan ko na nakaupo sa gilid, At nagpi-picture. "Now, let's proceed to our 18 roses." ani ng emcee. Agad naman na akong tumayo, At kasabay no'n ay ang pagtawag nila sa pangalan ni papa. Siya ang naging first dance ko. Sumunod naman agad ang dalawa kong kapatid na sina oliver at nathan. "Ang ganda mo po, ate. Bagay na bagay sayo 'yang gown mo po." puri ni oliver nang maisayaw ako nito. "Binola mo pa si ate, ha. Ang guwapo mo diyan sa suit mo." puri ko naman sa kapatid na ikinangisi nito. "Alam ko po, ate. Ako pa ba?" aniya na ikinatawa ko. Kahit kailan talaga! Ang batang 'to sobrang hangin. Nang matapos akong isayaw nila oliver ay sumunod naman agad si kuya kenzo. Hinapit nito ang baywang ko, At hinawakan ang kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng takot sa ginawa niya. "Happy 18th Birthday." ani nito na ikinatango ko na lang. Hindi ako makapag open ng topic dito dahil naiilang na ako. Bumuntong hininga na lamang ako, At saka tumingin sa gilid. Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa tabi ni kuya kenzo nang may lalaking naglahad ng kamay sa akin. "May I have this dance?" Stan calmly said. Bumaling naman ako kay kuya kenzo na mariing nakahawak pa rin baywang ko. Tila ayaw ako nitong ibigay kay stan. "S-tan." I murmurred. Binitawan na ni kuya kenzo ang kamay ko, At saka tumingin kay stan. Hindi ito ngumiti bagkus binigyan niya lang ito ng masamang tingin. Stan grabbed my hand and pulled me closer to him. Nanuot agad ang amoy ng pabango nito sa ilong ko. Simple lang ang suot nito, pero ang lakas pa rin ng dating no'n sa akin. Looks like we made it Look how far we've come, my baby We migh'ta took the long way We knew we'd get there someday Narinig ko na ang pagkanta ni gwen nang isayaw na ako ni stan. Marahang hinawakan ni stan ang kamay ko, At nilagay 'yon sa batok niya. Tila nakuryente ako sa ginawa niyang 'yon. They said, "I bet they'll never make it" But just look at us holding on We're still together, still going strong "You're gorgeous." napapaos na sinabi niya habang sinasayaw ako. "Thank you." nahihiyang saad ko. "Do you have a boyfriend?" tanong ni stan kaya't napatingin ako sa kan'ya. "Wala po." sagot ko. Marahan naman itong tumango saka ngumiti. Kitang kita ko ang dimple sa pisngi nito dahil sa pag ngiti niya. You're still the one I run to The one that I belong to You're still the one I want for life (You're still the one) Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagkanta ang kaibigan ni stan. Lahat ng bisita ngayon ay nakatingin na sa amin. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa panonood nila. Dumapo ang tingin ko sa puwesto ng mga kaibigan ko na kinikilig na ngayon. "You don't have a boyfriend you said. So, I guess you have one, now." Stan said and pulled me closer to him. You're still the one that I love The only one I dream of You're still the one I kiss goodnight "Happy Birthday, love." He crouched and kissed me thoroughly. :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD