Weird
It's been a month since zandra and I moved out into our new apartment. Nakahanap rin kami ng part time sa isang 7/11. At narito ako ngayon sa kusina para magluto ng dinner naming dalawa.
"Ano pre, g na ba?" rinig kong boses ni Aia.
Mukhang naglalaro na naman sila. Ganito ang routine namin gabi-gabi. Sila Aia at zandra ay maglalaro ng codm, samantalang ako ay magluluto. Hindi kasi ako mahilig sa mga gan'yang klase ng laro.
"Mahal mo naman ako, e." saad ni zandra. Agad namang bumaling ang tingin ko sa kan'ya na nakaupo sa sofa habang hawak ang dalawang phone.
"Ulol, yucks! Ano ka tt?" pagbibiro ni Aia sa kabilang linya.
"Dugyot niyo." singit ko na nagpatawa sa kanila.
Inirapan ko na lang si zandra at saka nauna ng kumain. Bahala siya diyan. Gutom na gutom na 'ko, tapos may trabaho pa ako mamaya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong debut ko. Ang paghalik sa akin ni stan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto kong kiligin, pero hindi ko magawa. Tila may kung anong pumipigil sa akin.
Nang malapit na akong matapos kumain ay saka ko naman narinig ang pagtawa ni zandra sa sala. Nangunot ang noo kong tiningnan siya.
"Gago parang hindi kaibigan. Hindi lang nag ayang kumain." ani ni zandra nang makita akong patapos ng kumain.
I rolled my eyes. "Puro ka kasi landi."
"Sungit." ani naman nito na hindi ko na lang pinansin.
Inubos ko na ang pagkaing nasa pinggan ko saka 'yon nilagay sa lababo. Nahagip naman ng mata ko si zandra na may hawak ng plato, At mukhang kakain na.
"Ikaw na bahala dito. May shift pa 'ko." ani ko bago dumiretso sa kwarto namin.
Sa isang apartment, isa lang ang kwarto. Hati na kami do'n ni zandra. Hindi naman kami maarte, At saka sanay na kaming magkatabi. Hati rin kami sa mga bayarin dito sa apartment total ay pareho naman kaming siniswelduhan.
Nang matapos akong magbihis ay dumiretso na agad ako sa labas ng apartment. Bago ako umalis ay binilin muna ako ni zandra na mag ingat pauwi, text ko raw siya kung nakarating na 'ko sa 7/11 na tinanguan ko na lang.
Cringe man pakinggan, pero okay lang, kaibigan ko naman siya.
Nang makarating ako sa 7/11 ay kinuha ko agad ang green apron, at saka sinuot ang cap. Ganito lagi ang ginagawa ko tuwing papasok. Walang masyadong bumibili dito, pero keri naman. Minsan nag-mo-mop rin ako para mawala ang antok ko.
Nang bumukas ang glass door ay agad akong bumalik sa counter. May mga bumili na, At mukhang ang ba-bata pa. Maiiksi ang suot nila at mukhang kakatapos lang mag-party.
"May condom po ba kayo dito?" tanong ng isang babae habang nakanguso.
Bigla naman akong nasamid sa sarili kong laway dahil sa tanong niya. Seryoso? Condom? Para saan? Magpapalobo ba ang mga 'to?
"Ilang taon ka na?" marahang tanong ko nang sa gano'n ay hindi sila matakot.
Her brows furrowed. "Pakialam mo ba! May condom ba kayo o wala? Kasi kung wala, aalis na lang kami ng mga fr-"
I cut her off. "Wala kaming condom." pagsisinungaling ko nang sa gano'n ay umalis na agad sila.
"Aish!" inis na bulong nito bago umalis. Sumunod naman sa kan'ya ang mga kaibigan niyang kinulang sa tela ang suot.
"Hays. Akala ko ba kabataan ang pag-asa ng bayan? Condom yata ang pag-asa para sa kanila." umiiling iling akong bumalik sa pag-mo-mop.
Kahit kailan talaga! Marami na akong na-encounter na gano'n dito sa 7/11. Ang iba ay namimilit pang ilabas ko ang condom, kahit na ang totoo ay wala kaming bentang gano'n.
Matapos ang ilang oras ko dito sa 7/11 ay agad na may pumasok. Ito na siguro 'yong kapalit ko ngayong araw. Binalingan ko ng tingin ang lalaking kakapasok lang. Naka-mask at cap ito kaya hindi ko agad nakita ang mukha.
"Ikaw na dito." ani ko saka binigay sa kan'ya ang mop.
Tumango naman itong tumingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na sa counter. Aalis na ako. Malapit na rin ang enrollment, kaya dapat ko 'yong paghandaan. Bibili na siguro ako bukas ng mga gagamitin sa school. Tama!
Habang tinatanggal ko ang apron na nakasabit sa akin ay biglang may pumasok. Tiningnan ko naman 'yon, At nakitang si Sir baron pala 'yon. Siya ang may ari nitong 7/11.
"Good morning, sir." bati namin ng lalaki kay sir baron.
"Nandito ka pa pala olivia. Oh saturn, nakapag-enroll ka na?" tanong ni sir baron sa lalaking kakatanggal lang ng mask ngayon.
"Hindi pa po, sir." mahinang sagot nito.
Tiningnan ko ang kabuoan ng mukha nito, At napansin kong may kamukha siya. Wait, parang familiar mukha niya! Nakita ko na ba siya noon?
"Dapat magpa-enroll ka na para hindi ka mahuli. Ikaw ba Olivia, nagpa-enroll ka na?" tanong ni sir saka tumingin sa akin. Bigla naman akong nag-iwas ng tingin.
"Hindi pa rin po, sir." sagot ko.
"Edi magsabay na lang kayo ni saturn magpa-enroll! Mas madali 'yon." masayang saad ni sir baron bago lumapit sa lalaki.
Saturn pala name niya? Tiningnan ko ang lalaki ngayon na katabi na ni sir.
"Sabay na lang kayo bukas, saturn. Balak ko sanang ibahin shift niyo, e. Magbabawas na rin ako ng empleyado." ani ni sir na ikinalaki ng mata ko.
Magbabawas siya? Kasali ba ako do'n?
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa narinig. Sana naman hindi ako kasali sa mga tatanggalin. Kailangan ko pa naman ngayon ng pera.
"Una na ako. Chineck ko lang kung nandito pa kayo. Sige, ingat kayo." ani muli ni sir bago umalis.
Tumango naman ako kahit hindi naman 'yon kita. Tumingin ako sa lalaking nasa gilid ko. Nakatingin rin ito sa akin, At tila nagtataka pa kung ba't ako nakatingin sa kan'ya.
"Uuwi ka na?" tanong ni saturn.
"Ah oo. Ikaw na bahala dito." ani ko sabay tanggal ng cap.
"What grade are you in?" tanong muli nito.
Nangunot na ang noo ko sa tanong niya. Bakit niya ako tinatanong? Don't tell me, sasabay talaga siya sa akin magpa-enroll bukas?!
"Bakit? Sasabay ka magpa-enroll?" nakakunot ang noo kong tanong sa kan'ya.
Umiling ito saka ngumiwi. "Hindi. Kasabay ko ang kapatid ko."
Bigla namang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Shet ka olivia! Nakakahiya! Bakit mo ba kasi naisip na sasabay siya porket sinabi ni sir baron? Damn!
"Okay. Alis na 'ko. Bye." nagmamadaling paalam ko sa lalaki bago kumaripas ng takbo.
Tangina! Nakakahiya!
Agad akong pumara ng tricycle, At nagpahatid sa apartment. Tahimik ang naging biyahe. Hindi rin ako masyadong nagsasalita sa loob ng tricycle. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang sinabi no'ng lalaki.
"Hindi. Kasabay ko ang kapatid ko."
Bakit ba kasi nagtanong pa ako! Pinapahiya ko lang ang sarili ko! Nakakainis naman. Matutulog pa akong may sama ng loob nito!
Nang makarating ako ng apartment ay agad akong nagbayad kay manong. Pumasok agad ako sa loob, at saka 'yon nilock. Hindi ko agad nakita si zandra sa sala, kaya sigurado akong nasa kwarto na 'yon at tulog na.
Binaba ko ang bag na dala ko, at saka sumalampak sa sofa. Nakakapagod naman ang araw na 'to. Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga.
Matutulog na ako. May gagawin pa ako bukas. Yayayain ko na lang siguro bukas si zandra na bumili ng mga gagamitin namin sa school. Tama! Tapos magpapa-enroll na rin kami.
Nagising na lang ako nang maramdaman ang pagyugyog sa braso ko. Tangina! Inaantok pa ako.
"Pre, gising! May pupuntahan tayo ngayon." boses 'yon ni zandra habang ginigising ako.
Pilit ko namang minulat ang mata ko at binigyan ng masamang tingin si zandra. Umagang umaga sinisira niya mood ko.
"Saan?" iritadong tanong ko.
"Sa death anniversary ni lolo. Susunduin na ako maya-maya ni sin. Tara sama ka!" excited na saad nito habang nakangiti pa.
"Ha? Ayoko. Tinatamad ako." saad ko sabay pikit muli.
Kinurot naman ni zandra ang tagiliran ko dahilan nang pagdaing ko.
"Tangina ang bastos. Ayoko nga. Ikaw na lang." ani ko sabay talukbong ng kumot. Inaantok pa talaga ako.
"Sama ka na. Saglit lang naman tayo doon." pagpupumilit nito.
Huminga ako ng malalim at saka tinanggal ang kumot. "Jejemon lang ang pumupunta sa mga gan'yan." ani ko kay zandra na nagpasimangot sa kan'ya.
"Lahat naman sa'yo jejemon, eh! Hmp." singhal nito bago lumabas ng kwarto.
Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Sabagay totoo naman. Ayoko naman talaga pumunta, eh. It's jejemon, duh!
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka nag-ayos na. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si zandra na nanonood sa sala. Busangot ang mukha nito habang nanonood.
"Akala ko ba aalis ka na?" tanong ko dito, pero hindi niya ako pinansin.
"Ingat." ani ko muli, pero hindi niya ako binalingan ng tingin at dumiretso na sa loob ng kwarto.
Galit si gaga.
Bahala siya diyan. Hindi niya pa rin ako mapipilit sa gusto niya. Ayokong pumunta sa mga gano'ng klaseng event. Mas gugustuhin ko na lang magkulong dito sa apartment, At gawin lahat ng gusto ko.
Nang sumapit ang alas diez ng umaga ay nakita ko na agad ang pagmamadali ni zandra na lumabas ng kwarto. Nasa kusina ako at naghuhugas ng pinggan.
"Bye." tipid na saad ni zandra bago lumabas ng apartment. Hindi man lang ako tiningnan, ha. Hindi niya man lang ako tinanong kung gusto ko ng pasalubong!
I just sighed. Tatapusin ko na nga 'tong ginagawa ko. Papasyal muna ako sa kapatid ko ngayong araw. Hindi na muna ako magpapa-enroll. Baka magalit na naman sa 'kin si zandra.
Nang matapos ako sa mga gawaing bahay ay dumiretso na agad ako sa cr para maligo. Saglit lang ako doon at hindi na rin magtatagal. Pero, bago ako pumasyal do'n, bibili na muna ako ng pasalubong para sa mga kapatid ko.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na rin agad ako ng simpleng damit at pantalon. Hindi na rin ako nag-ayos ng mukha ko dahil hindi naman landi ang pinunta ko sa bahay. Ang pinunta ko doon ay ang mga kapatid ko.
"Manong, dito na po." ani ko kay manong nang tumigil kami sa isang malaking bahay.
Binigay ko agad ang bayad ko kay manong, At saka pumasok na sa loob. Ilang buwan na rin pala akong hindi nakakapunta dito. Ang dami ng pinagbago ng mansion.
Nilibot ko ang paningin sa kabuoan ng mansion. Hinanap agad ng mata ko si manang josefa.
"Manang, nandito na po ako." marahang saad ko at saka pumasok sa kusina. Ngumiti ako nang makita ang nakatalikod na matanda.
"Manang!" masayang saad ko sabay lapit dito. Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang hindi si manang josefa 'yon.
"Sino po kayo?" tanong ko sa matanda nang humarap ito sa akin.
"Ako ang bagong mayordoma dito. Jennifer ang pangalan ko." ani ng matanda. Tinaasan ako nito ng kilay.
"Si manang josefa po? Nandito pa po ba siya?" tanong ko muli. Hindi ko na maipaliwanag ngayon ang kabang nararamdaman. Bakit ganito?
"Josefa? Patay na 'yan." sagot ng matanda na ikinalaki ng mata ko.
Bigla kong nabitawan ang mga dala ko dahil sa sobrang gulat. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. She's joking, right? Paano mamamatay si manang josefa? Masigla pa siya no'ng debut ko, ha!
"Po? Baka po nagkakamali kayo. Masigla pa po siya no'ng debut ko, eh." pilit kong pinapagaan ang loob ko.
"Hija, nandito ka pala!" rinig kong sigaw ni tita lydia sa likuran ko.
Tila natulos na ako sa kinatatayuan ko ngayon, At hindi ako makaharap kay tita. Nangilid ang luha ko. Patay na si manang? Kung ganoon na saan ang mga kapatid ko?! Sinong nag-alaga sa mga kapatid ko!
"Anong ginagawa mo dito, hija?" masayang tanong ni tita nang makalapit ito sa akin. Hinawakan nito ang dalawang braso ko dahilan nang pagtulo ng luha sa pisngi ko.
"S-aan po ang mga kapatid ko?" I stuttered. Hinarap ako ni tita saka pinunasan ang pisngi ko.
"Nasa school, hija. Huwag kang mag-alala, okay lang ang mga kapatid mo." hindi mawala ang ngiti sa labi nito habang nagsasalita.
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Sa school? Wala pa pong pasok ngayon." mariing saad ko.
"Oh? Wala ba?" gulat nitong saad saka tinakpan pa ang bibig na tila nagulat rin.
"Tita, na saan po ang mga kapatid ko?" pag uulit ko. Kumuyom na ang kamao ko dahil sa sobrang inis.
Ang tagal niyang sumagot!
"Kasama ang papa mo, hija. Pinasyal niya ang mga bata." marahang saad nito bago lumayo sa akin.
Napatingin naman ako doon sa mayordoma na nakayuko lang. Bigla akong binundol ng kaba nang maalala ang sinabi ni tita no'ng debut ko.
"Tita! Saan po pinasyal ni papa ang mga kapatid ko?" mariing tanong ko.
Narinig ko ang pagtawa nito na nagbigay ng kilabot sa akin. s**t! Iba na talaga ang pakiramdam ko!
"Calm down, hija. Walang gagawing masama ang tatay mo sa mga kapatid mo." ani nito bago ako talikuran.
"Hindi naman gano'n kasama ang tatay mo para patayin ang mga kapatid mo, hija. Unless kung may ginawang hindi maganda ang mga kapatid mo." natatawang ani nito.
My eyes widened. Anong ibig niyang sabihin? Papatayin ni papa ang mga kapatid ko? Bakit? Para saan?
"Tita, magsabi nga po kayo sa 'kin ng totoo! Na saan po si papa ngayon at ang mga kapatid ko?" lumapit na ako kay tita lydia at saka hinawakan ang braso nito.
Nagulat siya sa ginawa ko, pero agad rin 'yong nawala nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako doon, At nakita ko ang mga kapatid kong tumatawang kumakain ng ice cream.
"Oliver, Nathan!" sigaw ko at dali-daling lumapit sa kanila. Lumuhod ako sa harapan ng dalawa, At agad na silang hinagkan.
"Mga kapatid ko! Okay lang ba kayo? May ginawa ba sila sa inyo? Ano? Sabihin niyo kay ate." ani ko sa dalawa habang yakap sila.
"A-te." nanginig ang boses ng kapatid kong si oliver.
Kumalas ako sa yakapan naming tatlo, at tiningnan ang dalawa. Bakas sa mukha nila ang gulat nang makita ako.
"Kumusta kayo?" marahang tanong ko habang hinahaplos ang pisngi nilang dalawa.
"Okay lang naman po kami, ate." sagot ni nathan saka nag-iwas ng tingin.
"Sigurado ba kayo? Saan kayo galing?" tanong ko. Nag-angat ako ng tingin kay papa na nasa likuran lang ng mga kapatid ko.
"Pinasyal ko lang sila, hija." ani ni papa.
Napatingin naman ako kay nathan, At saka kinumpirmi kung tama nga ang sinasabi ni papa. Tumango ito at saka tipid na ngumiti. Napahinga naman ako ng maluwag dahil do'n.
"Kung gano'n gusto niyo bang ipasyal ko kayo ulit? Ako ang kasama niyo!" excited na saad ko sa dalawa.
"Huwag na, hija. Alam naming busy ka." singit ni papa.
Nangunot ang noo kong tumingin sa kan'ya. Bakit ba siya nangingialam? Sino siya para pagbawalan akong ipasyal ang mga kapatid ko?!
"Tama po si papa, ate. Huwag na po. Okay na po kami dito." mahinang saad ni oliver sa gilid.
Napanganga naman ako dahil sa sinabi ng kapatid.
"Ate, umuwi ka na po. Salamat na lang po." ani naman ni nathan.
"Ha?" nagugulahang saad ko. Bakit nila ako pinapauwi? Akala ko ba gusto nilang pinapasyal ko sila dito? Anong nangyayari sa mga kapatid ko?
"Umuwi ka na po, ate. Mag-re-ready pa po kami para sa pasukan." ani naman ni Oliver.
"Tama sila, hija. Intindihin mo naman ang mga kapatid mo. Sigurado akong napagod sila." ani ni tita Lydia kaya't napatingin na ako sa gawi niya.
Binigyan ko ito ng masamang tingin. Ang kapal talaga! Nakakainis! Bumaling muli ang tingin ko sa mga kapatid ko, at saka tipid na ngumiti.
"Pagod na ba kayo? Ihahatid ko kayo sa kwarto niyo. Sasamahan ko kayo." ani ko sa kanila. Nakita ko naman ang lungkot sa mata ni oliver.
"Tara na sa itaas." ani ko at agad na hinila ang dalawa paakyat sa taas. Narinig ko naman ang pagtawag sa akin ni papa na hindi ko pinansin.
:>