Bonding
"Ate, ang sarap po!" saad ni oliver nang isubo ko sa kan'ya ang niluto kong adobong manok.
Nandito ako ngayon sa mansion para bisitahin ulit sila. Matapos ang paghatid sa akin ni stan kagabi ay nagtext nga ito na nakauwi na siya. Tumawag pa ito bago matulog, pero hindi ko na sinagot dahil may trabaho ako.
"Nagustuhan niyo ba?" masayang tanong ko sa dalawa. Tumango naman agad si nathan at saka nag-thumbs up pa. Kumakain kami ngayon ng tanghalian namin, At napag-isipan kong lutuan sila.
Pagdating ko rin dito kanina ay walang tao, tanging si manang jennifer lang ang naiwan, At ang mga kapatid ko. Balak ko sanang tanungin kung na saan ang mga tao dito kaso tinarayan ako ng mayordoma.
"Ate, kailan mo ulit balak pumasyal dito? Pwede po bang isama mo na lang po kami sa'yo?" mahinang tanong ni oliver.
Nag-angat naman ako ng tingin sa kapatid. Binaba ko ang kutsarang hawak ko, at saka ngumuso.
"Isasama ko kayo sa apartment sa oras na may pera na si ate. Wala pa kasi akong masyadong ipon, kaya mag-tiis na muna kayo dito, ha?" masuyong saad ko sabay punas sa gilid ng labi ni oliver.
Nag-iwas ng tingin si oliver saka bumuntong hininga. Nangunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. May problema ba?
Tumingin naman ko kay nathan na tahimik lang na kumakain sa gilid. Hinawakan ko ang kamay nito kaya't napatingin siya sa 'kin.
"Alagaan mo ang bunso natin, okay? Babalikan kayo ni ate dito. Araw-araw na akong papasyal."
"Makakaasa ka, ate." tipid na sambit ni nathan saka binawi ang kamay sa pagkakahawak ko.
"Ubusin niyo na 'yan. Ipapasyal ko kayo pagkatapos natin dito." ani ko sa dalawa na ikinalaki ng mata nila.
"Talaga, ate?" sabay pang sabi nila.
"Yup! Saan niyo ba gusto?" I smiled widely.
"Kahit saan po! Basta po kasama ka namin, ate." excited na saad ni oliver.
"Sa park tayo kung gano'n, tapos kakain tayo ng mga street foods!"
I heard them giggles. "Sige po, ate! Maliligo na po ako" agad na tumayo si oliver. Ganoon rin ang ginawa ni nathan.
"Sige, bilisan niyo. Hihintayin ko kayo sa sala." ani ko sa dalawa na ikinatango nila.
Niligpit ko naman agad ang pinagkainan namin dito sa kusina. Nilagay ko 'yon sa lababo, At saka hinugasan. Ngayon lang kami papasyal ng mga kapatid ko! Buti na lang at nasaktuhan kong pumasyal dito na wala sila papa at tita.
Habang hinuhugasan ko ang pinggan ay bigla akong nakarinig ng kalabog mula sa loob ng storage room. Ang storage room ay malapit lang sa kusina kaya't maririnig mo kung may tao sa loob. Agad kong tinapos ang paghuhugas ng plato at hindi na lang pinansin ang narinig. Anong meron sa loob? May tao ba doon?
Nang matapos ako sa paghuhugas ay sakto ring pagharap ko ay nakita ko si manang jennifer na walang emosyong nakatingin sa akin. Napatalon ako dahil sa gulat. Kanina pa ba siya diyan?
"Nakakagulat naman po kayo." natatawang saad ko sabay hawak sa dibdib ko.
Tiningnan ko si manang jennifer na lumapit na sa akin ngayon kaya't napaatras na ako. "Umalis ka diyan, magluluto na ako." malamig na saad ni manang jennifer.
"Nagluto na po ako. May adobo po diyan." magalang kong saad. Nakita ko naman ang pag-irap nito, at saka lumapit sa refrigerator kung saan ko nilagay ang niluto kong adobo kanina.
Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang adobo. Agad niyang sinara ang refrigerator at pumunta sa malapit na basurahan. Nanlaki ang mga mata ko nang itapon niya ang niluto ko.
Nababaliw na ba siya! Sayang 'yong ulam!
Agad akong lumapit kay manang jennifer at saka hinawakan ang braso nito. "Bakit niyo po tinapon? Sayang po 'yon." mariing saad ko.
Nakita ko ang pag-ngisi nito na ikinagulat ko. "Sayang ba? Edi kainin mo." natatawang saad niya.
Hinawakan nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya, at saka tumingin ulit sa akin. Napaatras na ako dahil sa ka-weird-u-han niya.
"Kainin mo." ani nito saka malakas na tumawa.
Ako naman ngayon ay gulat na gulat na nakatingin lang sa kan'ya. Anong nangyayari? Baliw nga talaga siya! Walang matinong tao ang itatapon sa basurahan ang ulam na kakaluto lang!
"Ate? Tapos na po kami." rinig kong sigaw ni oliver.
Agad naman akong umalis sa kusina at iniwan doon si manang. Ang creepy niya! Nakita ko agad sila oliver at nathan na pababa ng hagdan. Nakasuot sila ng isang plain white shirt at jogging pants.
Nang makababa sila ng hagdan ay agad silang lumapit sa akin. Nakangisi kong ginulo ang buhok nila.
"Po-pogi naman." puri ko sa dalawa.
"Kalma, ate. Kami lang 'to." saad naman ni nathan na ikinatawa ko.
"Ang hangin talaga. Tara na nga! Baka magabihan pa tayo." ani ko sa dalawa saka hinawakan ang kamay nila.
Bumuntong hininga akong ngumiti sa dalawa, At saka binuksan ang pinto ng mansion. Naglakad kami palabas ng gate at pumara na rin ng tricycle. Hindi na kami nagpaalam kay manang jennifer. Bahala siya diyan!
Nang makasakay kami ng tricycle ay nag-umpisa ng magkwento si oliver sa mga bago niyang kaibigan. Minsan ay nagbibiro pa ito.. Naikwento rin nila sa akin na enrolled na raw sila sa isang private school. Excited na raw sila pumasok. Parang dati lang tamad pa pumasok ang mga 'to, ha?
"Dito na po, manong." ani ko kay manong nang itigil nito ang tricycle sa harap ng simbahan.
Binigay ko kay manong ang bayad, at lumabas naman agad ang dalawa kong kapatid. Hinintay kong ibigay ni manong ang sukli, at nang maibigay niya 'yon ay hinawakan ko agad ang kamay ng dalawa kong kapatid.
Pumasok kami sa loob ng simbahan at saka taimtim na nagdasal. Walang misa ngayon kaya saglit lang kami sa loob. May mga nakita pa akong nagbebenta ng sampaguita sa gilid kaya't bumili na ako.
"Ate, saan po tayo pagkatapos dito?" tanong ni oliver nang ibigay ko sa batang babae ang bayad.
"Maraming salamat po." ani ng babae.
"Pagpalain po sana kayo." ani naman ng katabi nitong bata.
Tumango naman ako sa dalawang batang na sa harapan ko, at tipid na ngumiti. "Mag ingat kayo." usal ko.
"Kayo rin po." ani ng isa saka tumakbo na.
Napatingin naman ako ngayon sa kapatid ko. "Ano nga ulit 'yong tanong mo, beh?"
"Saan po tayo pagkatapos dito?" pag uulit ni nathan.
"Saan niyo ba gusto? Chowking tayo? Tapos maglaro kayo diyan mamaya sa park habang hinihintay natin 'yong mga nagbebenta ng fishball." ani ko.
"Sige po, ate! Gusto ko po 'yong chaofan at halo-halo." masiglang saad ni oliver.
"Ako naman po, ate. Gusto ko 'yong lauriat!" ani naman ni nathan.
"Sige! Sana abot pa pera ko." mahinang bulong ko sabay hawak sa dala kong maliit na bag.
Tawang-tawa ang dalawa kong kapatid nang pumasok kami sa loob ng Chowking. Nilibot ko ang paningin sa loob at naghanap ng pwede naming maupuan. Mukhang punuan ngayon, ha. Dumapo ang tingin ko sa tatlong babae doon sa gilid na malapit ng matapos kaya't bumalik ang tingin ko sa dalawa kong kapatid.
"Doon kayo, oh. Mukhang malapit na sila matapos." ani ko sa dalawa sabay turo do'n sa tatlo.
"Ate, hindi pa po sila tapos. Kumakain pa po, oh." sambit naman ni oliver.
"Ay basta, malapit na silang matapos! Doon na kayo sa harapan nila para hindi tayo maagawan ng upuan." saad ko sa dalawa na ikinatango agad nila.
Nahihiyang nagtungo ang dalawa kong kapatid sa harap ng tatlong babae. Bakas sa mukha no'ng tatlo ang gulat. Ang dalawa ko namang kapatid ay nakayuko lang habang hinihintay matapos ang tatlo.
Bumuntong hininga akong pumila sa likuran ng lalaki, at hinintay na matapos mag-order ang nasa harapan. Hindi ko alam na marami pa lang tao dito. Sana pala sa ibang fast food ko na lang dinala ang dalawa.
Nang matapos mag-order ang nasa harapan ay sumunod naman agad ang lalaki. Konti lang ang in-order nito kaya't sumunod agad ako. Sinabi ko sa crew ang mga order ko, at saka binayaran na.
Ang sabi ng crew ay maghintay daw ako ng ilang minutes dahil niluluto pa lang ang order namin. Tumango naman ko sa sinabi nito, at saka lumapit na sa mga kapatid ko na prenteng nakaupo na.
"Ate, umalis na sila." masayang saad ni oliver.
"Mukhang naawa po sa amin." ani naman ni nathan na ikinatawa ko.
Umiling iling akong umupo sa tabi nila at saka ngumuso. Kahit kailan talaga ang mga mokong na 'to. Buti na lang talaga at naipasyal ko sila ngayon. Malapit na rin ang pasukan kaya't hindi ako sigurado kung makakapasyal ako sa kanila sa mansion, pero i-ta-try kong dumalaw.
Nang lumipas ang limang minuto ay dumating na rin agad ang order namin. Nilagay ko isa-isa sa lamesa ang in-order ko. Nang matapos ako ay pinag-sama ko ang dalawang tray at pinatong 'yon sa gilid.
"Kumain na tayo!" ani ko sa dalawa na ikinatango nila.
Habang busy akong kinakain ang siopao ay nahagip ng mata ko ang dalawang lalaking kakapasok lang ng Chowking ngayon. Hindi ko agad namukhaan ang dalawa dahil nasa malayo sila.
Hindi ko na lang pinansin 'yon at tinuon na lang ang pansin sa pagkain ng siopao. Ang dalawa ko namang kapatid ngayon ay sarap na sarap habang kinakain ang chaofan at lauriat. Ang in-order ko lang na para sa akin ay halo-halo at siopao, samantalang sa mga kapatid ko naman ay tig-isang halo-halo, lauriat at chaofan. Minsan lang naman kami lumabas, e, kaya sulitin na.
:>