Skateboard
Nang matapos kaming kumain ay saka ko kinuha ang tissue sa gilid at pinunas 'yon sa madungis na mukha ni oliver. Sobrang kalat talaga kumain ng batang 'to. Si nathan naman ay umiinom ng iced tea gilid.
"Ate, sa park naman po tayo! Excited na po ako." masiglang saad ni oliver habang pinupunasan ko ang bibig niya.
"Nabusog kami, ate! Salamat po." singit naman ni nathan.
"Para naman kayong others. Syempre ngayon lang tayo nag-bonding ng ganito." ani ko sa dalawa na ikinanguso nila.
"Sana meron pa sa susunod, ate." Si nathan.
"Syempre naman. Marami pang susunod." ngiting saad ko sa dalawa saka ginulo ang buhok nila.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at ganoon rin ang dalawa. May lumapit na rin sa aming crew at inaayos ang pinagkainan namin. Hinawakan ko ang kamay ng dalawa kong kapatid.
"Tara na!" masayang saad ko sa dalawa na ikinangiti nila.
Lumabas na kami ngayon ng Chowking at dumiretso na sa park. Malapit lang ang park sa Chowking kaya't nilakad lang namin 'to. Nang makarating kami sa park ay umupo kami agad sa isang bleacher at pinanood ang mga batang nag-skate-board.
"Dapat dinala ko rin 'yong skateboard ko." mahinang saad ni nathan.
Bumaling ang tingin ko sa kan'ya dahil do'n. Nakanguso ito habang pinapanood ang mga bata.
"Gusto niyong hiraman ko kayo?" tanong ko sa kay nathan habang naghahanap ng batang hindi nag-skate-board.
"Huwag na po, ate. Nakakahiya naman po." ani naman ni oliver.
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ay wow, may hiya pa pala ang mga kapatid ko.
"Saglit lang naman, eh. Sigurado akong papahiramin kayo." saad ko sa dalawa.
"Huwag na po talaga, ate. Nakakahiya po." saad ni nathan sabay yuko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naghanap ng pwedeng paghiraman.
"Dito lang kayo. Hahanapan ko kayo." ani ko sa dalawa bago sila talikuran.
Dumiretso na ako doon sa mga taong naglalaro. May mga babae ring nag-skate-board, at ang iba naman ay naghahabulan. Kanino ako hihiram dito? Sayang naman kung uuwi kami agad nang hindi na-ta-try ng mga kapatid ko ang pag-skate-board dito sa park.
Bumaling ang tingin ko sa lalaking nakaupo ngayon malapit sa fountain. May bitbit silang skateboard, at bakas sa mukha nila na kakatapos lang maglaro. Mukhang matatanda na ang mga 'to, ha? Malapitan nga.
Nang makalapit ako dalawang lalaki ay sinilip ko agad ang mukha no'ng nakayuko. "Kuya, pahiram nga po." magalang kong saad. Kailangan magalang tayo para pahiramin.
Nag-angat naman ng tingin sa akin ang lalaki, At laking gulat ko nang makitang si stan 'yon na nakakunot ang noo. Bumaling naman ang tingin ko sa katabi niya, At bumungad sa akin ang nakangising si deus.
"What are you doing here?" matigas na tanong ni stan habang nakatingin sa akin.
Agad akong pinag-pawisan sa tanong niya. Ano ring ginagawa nila dito? Hindi ba sila busy, at nagagawa pa nilang magliwaliw?
"Maybe she's dating someone." natatawang saad ni deus na ikinalaki ng mata ko.
Aba! Porket nandito lang ako, date na agad? Hindi ba pwedeng pasyal lang?
"Really? Where's your date now?" Stan coldly said. Napatingin naman ako ngayon kay deus na tumatawa na.
"Ha? Hindi niyo kasama si gwen?" pag iiba ko ng usapan.
Nakita ko na naman ang pagkunot ng noo ni stan habang nakatingin sa akin. "Why are you looking for him? He's busy with his career."
"Maybe she missed gwen." singit naman ni deus. Mas lalong dumilim ang tingin sa akin ni stan kaya't nag-iwas na ako ng tingin.
Kalma, Olivia! Ang skateboard ang kailangan mo, hindi ang dalawang 'to!
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Uhm, pwede ko bang hiramin 'yang skateboard nin'yo? Ibabalik ko rin mamaya." mahinang saad ko. Sana pahiramin na nila ako para makauwi na kami agad ng mga kapatid ko.
"Oh sure. Here." ani ni deus sabay abot ng skateboard. Agad ko namang kinuha 'yon at saka ngumiti. Nakita ko naman ang pagsimangot ni stan sa gilid saka siniko si deus.
"Why did you let her borrowed your skateboard? You dumbass!" rinig kong bulong ni stan.
"Why? Are you jealous of me now?" hindi na matanggal ang ngisi sa mukha ni deus ngayon habang nakatingin sa akin.
Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa narinig. Nagseselos si stan? Bakit siya nagseselos? Wala naman siyang dapat pagselosan. Hiniram ko lang naman 'tong skateboard, duh!
"Ate, ang tagal mo po." rinig kong saad ni oliver sa likuran. Agad naman akong humarap sa kapatid.
"Oh? I'm wrong. She's not with other man." natatawang saad ni deus sa likuran ko.
Lumapit na ako sa dalawa kong kapatid, at binigay ang skateboard ni deus na hiniram ko kanina lang. Napangiti naman ang dalawa nang kunin sa 'kin ang skateboard.
"Salamat, ate!" ani ni nathan.
"Paano naman po ako, ate?" nakangusong saad ni oliver.
Bumuntong hininga akong nag-iwas ng tingin. "Hati na muna kayo ni nathan. Sa susunod bibilhan ko kayo tig-isa." ani ko kay Oliver.
"Here. You can use my skateboard." rinig kong saad ni stan sa likuran ko sabay abot sa skateboard kay oliver.
"Use lang? Ibigay mo na." sulsol ni deus.
"Will you shut up?!" iritadong saad ni stan.
Napangiti naman ako dahil sa asaran nilang dalawa. Kanina pa sila nag-aasaran. Siguro mas maingay sila pag kumpleto silang tatlo. Busy kasi si gwen sa buhay artista, at hindi rin pwedeng makita ng ibang tao kasi dinudumog agad siya.
"Salamat po, kuya! Tara na ate, panoorin mo pa kaming mag-skate-board." ani ni Oliver na ikinatango ko naman.
Hinawakan ni Oliver ang kamay ko habang siya naman ay nakasakay sa skateboard. Lumingon ako ngayon kila deus na nakatingin lang sa amin.
"Doon lang kami. Huwag kayong mag-alala, ibabalik rin namin skateboard niyo." ani ko sa dalawa bago sila iwan doon.
Dumiretso na kami ngayon ng mga kapatid ko sa mga nag-skate-board. Sumasabay sila sa bawat galaw, ang iba naman ay nadadapa kaya't pinag-iingat ko sila.
"Nathan, baka madapa ka. Oliver, baka sumenplang ka." ani ko sa dalawa habang pinapanood sila na mag-skate-board palayo sa akin.
"Kanina pa ba kayo dito?" boses 'yon ni stan. Sumunod pala siya sa'min ng mga kapatid ko.
"Yup. Kayo?" balik kong tanong. Hindi ko sila binalingan ng tingin at nakatutok lang ang tingin sa dalawa kong kapatid na tumatawa.
"Yup." rinig kong sagot ni stan kaya tumango na lang ako. Hindi ko pa rin siya tiningnan.
Nang matapos sa pag-skate-board ang dalawa kong kapatid ay bumalik sila sa tabi ko. Kinuha ko ang panyo na nasa bag ko at saka pinunasan ang pawis ng dalawa.
"Ibalik niyo na 'yang skateboard kay kuya. Bibili tayo ng kwek-kwek diyan sa gilid mamaya, tapos uuwi na rin." ani ko sa dalawa habang pinupunasan ang pawis nila.
"Pwede po bang huwag na lang po tayo umuwi, ate?" saad ni nathan dahilan ng pagtigil ko sa pagpupunas sa kanila.
My brows furrowed. "Ha? Bakit? Ayaw niyo pa bang umuwi? Pwede naman tayong mag-stay dito ng matagal."
I heard him sighed. "Nevermind, ate. Bili na po tayo ng kwek-kwek." saad ni nathan saka humiwalay na sa 'kin.
Tumingin naman ako kay oliver na tahimik lang. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Oliver, tara na. Bibili na tayo. Ibalik mo na 'yan kay kuya." ani ko sabay tingin kay stan na nakatingin lang sa amin. Nasa likuran nito si deus na sumisipol-sipol.
Lumapit ang kapatid kong si oliver kay stan saka inabot ang skateboard na hiniram namin. "Thank you po, kuya." mahinang saad nito.
Yumuko si stan saka ginulo ang buhok ng kapatid ko. "That's yours now, kiddo." ngiting saad nito.
"Talaga po?" hindi makapaniwalang saad ni oliver.
Stan nodded and smiled. "Yup."
"Thank you po talaga!" ani ni oliver sabay yakap kay stan. Nabigla naman ako sa ginawa ng kapatid ko at akmang hihilahin na ito nang yakapin rin ni stan si oliver.
Nag-angat ng tingin sa 'kin si stan at tila naghihintay na kunin ko sa kan'ya ang kapatid ko. Paano ko kukunin kung yakap mo, ha?!
Matapos ang pagpapasalamat ni oliver at nathan sa dalawa ay pumunta na kami sa mga nagbebenta ng kwek-kwek. Sumunod na naman sa amin ang dalawa at tila nagtatalo pa.
"I don't eat kwek-kwek. We should treat them in some fancy restaurant not here, stan." bulong ni deus.
"Stop murmuring. Livia, can hear you." ani ni stan.
"Really? That's why you're murmuring rin, huh?" inis na saad ni deus.
I chuckled. Ganito ba talaga sila mag-asaran? Kailangan bumulong pa?
"Manong, magkano po dito? Pabili nga po." tanong ko habang hawak ang dalawang plastic cups na may lamang kwek-kwek at kikiam.
"Bente po, ma'am." sagot ni manong. Kumuha naman agad ko ng pera sa wallet at saka binigay 'yon kay manong.
Napatingin naman ako sa dalawa kong kapatid na kumakain na ng fishball. Ang bilis naman ng panahon, malalaki na sila.
Nilagyan ko ng sauce ang dalawang binili ko at binigay 'yon sa dalawang lalaking nasa likuran ko.
Si Deus at Stan.
"Tanggapin niyo na. Masarap 'yan. Huwag kayong mag-alala, hindi niyo ikakamatay 'yan." natatawang saad ko sa dalawa.
Ngumiwing kinuha ni deus ang plastic cup, at ganoon rin si stan. Natawa naman ako sa reaction ng dalawa. Ngayon lang ba sila makakakain niyan? Eh, si gwen, kumakain ba ng gan'yan? Feeling ko hindi naman maarte ang isang 'yon. Itong dalawa lang yata?
Kumuha na rin ako ng sarili kong plastic cup at naglagay ng bagong init na kwek-kwek at fishball. Bumili rin ako ng buko juice, at tig-isang binigyan ang mga kapatid ko at sila Stan.
"I know this food!" proud na saad ni deus habang nakatingin sa kikiam.
"Oh really? What is it called, then?" tanong ni stan habang nakatingin rin sa kikiam.
"It's called Tempura!" ani ni deus na ikinatawa ko.
"Tempura?" natatawang saad ko.
Agad na lumingon sa 'kin ang dalawa habang nakakunot ang noo. Pinigilan ko ang sarili sa pagtawa para hindi sila mapahiya.
"Yup, it's called tempura." pag uulit ni deus.
Narinig ko naman ang pagtawa ng mga nasa gilid namin kaya yumuko na lamang ako, at kumain na lang ng kikiam.
Anong tempura? Kikiam kaya tawag diyan! Halatang hindi pa nga nakakakain ang mga 'to ng street foods. Ganoon ba sila kayaman para hindi alam ang mga ganitong pagkain?
Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kami sa paradahan ng tricycle. Nakita ko na naman na nakasunod pa rin sa amin ang dalawa kaya nilingon ko na sila.
"Bakit niyo kami sinusundan?" nangunot ang noo kong tiningnan sila.
"Papasyal pa kayo, right? Sasama kami." ani stan.
"Ha?" nagugulahang saad ko.
"Uuwi na po kami mga kuya." singit ni Oliver habang kinakain ang ice cream.
Agad na namula ang pisngi ni stan sa sinabi ng kapatid ko kaya nag-iwas ito ng tingin at siniko si deus. Tila humihingi ng tulong sa kaibigan.
"Alright. We'll accompany you, then." Deus said whiling raising his brows.
"Deus' right." sulsol ni stan.
"Ah...sige. Dito na kami sa paradahan. Salamat sa pagsama." ani ko saka sila tinalikuran. Bago kami makapaglakad ng mga kapatid ko palapit sa tricycle ay hinarangan na agad ako ni stan.
"Uhm, ihahatid na namin kayo." nahihiyang saad ni stan.
Nanlaki naman ang mga mata kong tiningnan siya. Bakit niya pa kami ihahatid? Pwede namang mag-tricycle na lang kami.
Naririnig ko na ang paghikab ng dalawa kong kapatid kaya nag-angat muli ako ng tingin kay stan na nakangiti na sa akin.
"Sige." tipid kong saad na ikinatango niya.
"Sakay na po mga ma'am, sir." rinig kong saad ni deus sa likuran namin.
Agad naman akong tumingin sa likuran at nakita kong nasa loob na ng nissan si deus at nasa driver seat. Dali dali namang binuksan ni stan ang pinto ng front seat.
"Get in, love." Stan.
Nakabukas na rin ngayon ang backseat at nakita kong nakasakay na roon ang mga kapatid ko. Ngumuso akong pumasok sa backseat at doon na lang umupo.
I heard deus chuckled. "Stupid."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni stan kaya sinara ko na ang pinto ng backseat at prenteng tumabi sa mga kapatid ko. Narinig ko naman ang pagmumura ni stan nang maupo ito sa front seat.
"Deus, malas." Stan murmurred.
"You, malas." asik ni deus at nagsimula nang magmaneho.
:>