Trigger Warning!!
Professor
"Mental illness, also called mental health disorders, refers to a wide range of mental health conditions — disorders that affect your mood, thinking and behavior." The prof said.
Today is my first day in class. Tapos na akong magpa-enroll noong nakaraang araw kasama si zandra, at naroon na rin siya sa sarili niyang department. I'm taking pre-med course. Noong una ay nahihirapan pa ako sa kursong kukunin ko, pero hindi ko alam kung ba't nandito ako ngayon!
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gusto ko 'tong kunin. Pero, noong nakita ko ang mga kapatid ko na aligaga, laging tulala, at hindi nakakausap nang maayos ay agad akong nag-take ng entrance exam para sa course na 'to.
Last na pasyal ko sa kanila ay wala sila sa sarili nilang pag-iisip. Ni tingnan ako ay hindi nila magawa, at laging nagkukulong sa kwarto. Tinatanong ko sila papa kung anong nangyayari sa dalawa, pero maski sila ay walang alam! Ang sabi nila ay stress lang daw ang mga kapatid ko sa school works. Pero, hindi ako naniniwala!
May tinatago sila sa akin, At aalamin ko kung ano iyon!
"Prof, hindi po ba ang pagkakaroon ng mental illness ay pagiging baliw rin po?" One of my classmate asked.
Napatingin ako sa gawi niya dahil sa tanong nito. Narinig ko naman ang bulungan ng iba ko pang classmate.
"Oo nga po, prof. Dahil po sa sakit nila kaya sila nababaliw." ani naman ng isa na siyang ikinatango ng lahat maliban lang sa akin.
Nangunot ang noo ko. Ang pagkakaroon ng mental illness ay severe, pero hindi ito ang dahilan ng pagiging baliw ng isang tao. Sakit iyon, pero hindi ibig sabihin no'n ay baliw na sila!
I heard my prof cleared her throat. Napatigil naman sa pagtatawanan ang mga classmate ko.
"Listen, class! It's just a myth. Having mental illness does not mean you are crazy. It means you are vulnerable. It means you have an illness with challenging symptoms-- the same as someone with an illness like diabetes." mahabang paliwanag ng prof.
"But prof, there is no cure for diabetes, neither type 1 diabetes nor type 2 diabetes. So, ibig sabihin wala na pong pag-asa ang mga taong may sakit sa utak." natatawang saad ng lalaking katabi ko.
Baliw ba ang lalaking 'to? Hindi niya ba na-ge-gets ang sinasabi ni prof? Hindi baliw ang mga taong may mental illness! Myths and Misconceptions lang 'yon ng mga tao!
It's plain and simple!
"Johnny, Even though there's no cure for diabetes, it can be treated and controlled, and some people may go into remission. Ganoon rin sa mga may mental illness. Treatment can involve both medications and psychotherapy, depending on the disease and it's severity." pagpapaliwanag ni prof.
Tumango naman ang katabi ko bago umupo. Huminga naman ako ng malalim bago nagtaas ng kamay para magtanong kay prof.
"Prof, Do abusers have depression?" I asked. Nakita ko naman ang pagtingin sa akin ng mga classmate ko sa peripheral vision ko. Anong ti-ni-tingin nila? Masama na bang magtanong ngayon?
"Half of abusers appeared to have no mental disorders. The other half had various mental disorders, including but not limited to psychopathy, narcissism, PTSD, depression and bipolar disorder." sagot nito.
PTSD or Post Traumatic Stress Disorder. Ito 'yong disorder na nakakaranas ng anxiety, trauma, hypervigilance at arousal. It is a mental health conditions that triggered by terrifying event-- either experiencing it or witnessing it.
"Domestic abuse is a behavior, not a symptom of a mental illness." dagdag pa nito. Marahan naman akong tumango bago umupo. So, ang ibig sabihin lang niyan ay behavior lang nila ang manakit ng ibang tao?! For what reason? Why would they have to do those things?
Nang matapos ang klase namin ay nagpaalam na si prof. Ganoon rin ang ginawa ng iba kong classmate. Ako naman ngayon ay inaayos ang mga gamit ko, at balak pang itext sila zandra na magkita na lang doon sa cafeteria.
"Olivia!" rinig kong sigaw ni Aia nang makarating ako sa cafeteria. Nandito na pala ang gaga. Ang aga naman yata niya.
"Saang department ka?" tanong ko nang makalapit sa kan'ya. Umupo agad ako sa tabi nito.
"Department sa puso mo." pagbibiro nito.
"Bobo naman. Saan nga? Sa kabilang building pa ba?" iritadong saad ko.
Marami ng estudyante ngayon ang nandito sa loob ng cafeteria. Ang iba ay nasa bilihan na ng mga pagkain, at nakapila na. Samantalang kami nila Aia ay nandito lang at nakaupo habang hinihintay ang dalawa.
"Sa law department ako. Sa kabilang building pa. Ikaw?" balik tanong ni Aia.
"Diyan lang sa tabi tabi." ngumuso ako dahilan ng pagtawa niya.
"Gago ka talaga! Mag-do-doctor ka na niyan?" pilisopong tanong ni Aia.
Nginisian ko ito. "Mag-a-attorney ka na rin niyan?" ani ko na nagpatawa sa amin.
Matapos ang asaran namin ni Aia ay dumating na si zandra. Gulat na gulat pa ito nang umupo kaya hindi na lang kami umimik. Sumunod namang dumating si haedi, bakas sa mukha nito ang saya nang makalapit sa amin.
"Ang tagal mo naman, pre. Kanina pa kami nagugutom." ani ko kay haedi.
Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Aia patayo. What the heck?!
"Order na muna kami." ani ni Aia bago ako hilahing tuluyan papunta sa harapan. Pumila na kami sa bilihan ng mga pagkain at bahagyang may tumutulak pa sa akin sa likuran.
I rolled my eyes. "Mga jejemon."
Matapos kaming makapag-order ni Aia ay dumiretso na kami sa lamesa namin kanina. Nakita naman agad namin sila haedi at zandra na nagtatawanan kaya't nakisali na kami sa usapan.
Habang kumakain kami ay nag-kwe-kwento naman si zandra about sa lalaking first kiss niya. Tawa naman kami nang tawa dahil sa pamumula ng pisngi nito at tila kinikilig pa.
"Ang pogi niya mga beh!" kinikilig na saad ni zandra. Kami naman ay inaasar lang siya.
"When kaya?" bulong ni Aia.
"Buti pa kayo may first kiss na." nakangusong saad ni Haedi na ikinatawa namin. Iba 'tong si haedi, gusto pa yata na may first kiss! Reserve niya na lang 'yan sa asawa niya.
"First kiss mo tatay mo." pagbibiro ni Aia.
"Bwesit!" saad ni haedi sabay sabunot kay Aia na nagpalakas sa tawanan namin.
Matapos ang recess ay dumiretso na agad kami sa sari-sarili naming department. Pang third subject ko na pala 'to. Pagkatapos ba nito ay uwian na? May narinig ako kanina na may orientation daw bago umuwi. Totoo kaya 'yon?
Nang makarating ako sa department ko ay agad akong umupo malapit sa bintana. Tanaw na tanaw ko mula rito ang lawak ng field. Marami rin ang estudyanteng naglalaro ng iba't ibang sports doon. Gaya ng soccer, baseball, at badminton.
Napatigil lang ako sa pagtitingin sa labas nang marinig kong may tumikhim mula sa harapan. Agad na napaayos ako ng upo dahil sa kahihiyan. Nandito na pala ang prof namin, tapos hindi lang sinabi ng mga classmate ko!
"Good morning, class." saad ng isang baritonong boses.
Tumayo naman agad kami at saka binati si sir. Dumapo ang tingin nito sa akin kaya nangunot ang noo kong tiningnan rin siya. Ano 'to titigan challenge? Ang manalo, hindi mag-q-quiz? Game!
Nang medyo tumagal ang titig nito sa akin ay siya na ang nag-iwas ng tingin. Ngayon ko lang rin napansin na ang katitigan ko ay si Stan! Anak ng pota!
Prof namin siya sa isang subject?! Nakasuot ang lalaki ng isang formal attire na kadalasang sinusuot ng mga professors. Nakatupi ang long-sleeve nito hanggang siko at nakasuot rin ng eyeglasses na siyang nagpa-pogi pa sa kan'ya.
Olivia, kumalma ka! 'Yong puso mo! Hindi pa 'to ang katapusan ng mundo, pero sobrang bilis na ng t***k ng puso ko! Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa kan'ya. Sa iba na ito nakatingin ngayon kaya't nakahinga na ako ng maluwag.
"The female reproductive anatomy includes both external and internal structures." Stan said while pointing at the female reproductive anatomy.
"The function of the external female reproductive structures (the genital) is twofold: To enable sperm to enter the body and to protect the internal genital organs from infectious organisms." He add.
Ngayon ko lang nalaman na ang kinuha kong course ay hindi lang pala tungkol sa mental health, may tungkol rin sa anatomy, biology, chemistry and psychology. Ang balak ko sanang kunin na course ay psychiatry, kaso wala pang literal na course about doon. Kung gusto mong maging psychiatrist, dapat magkaroon ka ng medical degree. Kailangan ko tuloy mag-aral ng 12 years para mangyari ang gusto ko!
Four years of college, four years of medical school, and also four years of residency. Kaya ko ba 'to? Ang mag-aral nga ng buong gabi ay tamad na ako, tapos twelve years pang mag-aral?!
"Labia majora. It is called the large lips in v****a. It enclose and protect the other external reproductive organs." ani ni stan habang tinuturo ang hugis labi na parte ng v****a.
Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa nakita. Bakit ganito ang tinuturo niya? Pwede bang mathematics na lang? Kahit bobo ako doon, pag-aaralan ko talaga! Basta 'wag lang 'yong ganito!
"During puberty, hair growth occurs on the skin of the labia majora, which also contain sweat and oil-secreting glands." dagdag pa nito.
Narinig ko na ang tawanan ng mga classmate ko. Tila tuwang tuwa sa tinuturo ni stan. Ang iba naman ay imbes na makinig, pi-ni-picture-an pa si stan! Ang kakapal talaga!
"Prof, sabi nila pag natamaan raw g-spot, matic na raw na lalabasan agad 'yong babae. Is that true?" tanong ng isa sa mga classmate kong manyakol.
"Hoy gagi! Parang tanga naman si junjun! Kung anong tinatanong kay prof." natatawang saad ng babae.
"Alam mo leslie, kaya tayo nandito sa school para matuto. Gusto kong malaman kung totoo 'yong sinasabi ng iba kaya nagtatanong ako." Si junjun.
"Alam mo rin junjun, nasa school tayo para matuto. Gusto kong malaman mo na ang pagtatanong ng mga gan'yan ay nakakabastos para sa aming mga babae. Nasa labia majora tayo, pero 'yang utak mo nasa g-spot na?" iritadong saad ni leslie. Napatango naman ako dahil sa sinabi nito. May point naman siya, at itong si junjun naman, manyakol talaga!
"Will you two shut up? And please sit down. If you want to know where the g-spot is, then listen carefully." Stan said firmly. Agad namang umupo ang dalawang nag-a-away kanina.
Bumuntong hininga na lamang ako at ngumuso. Ganito pala siya magalit. Kailangan mag-english? Nosebleed naman ako nito. Buti na lang at noong last na hinatid ako nito ay hindi siya nag-english!
"The g-spot also called the Gränfenberg. It is located in the lower distal, 1 to 3 inches up the anterior v****a wall. Some women experience intense pleasure if the g-spot is stimulated approximately during s****l activity." ani ni stan habang ang daliri ay nasa loob ng anatomy.
Tila may kung ano sa ginawa niya ang nagpa-init sa akin kaya't napalunok ako. Ang mga classmate ko namang babae ay tila kinikilig sa ginagawa ni stan doon sa anatomy!
Jusko maryosep!
:>