Text
Matapos magpaliwanag ni stan ay dumapo ang tingin nito sa akin at tila nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko ito ng tingin bago tuluyang mag-iwas ng titig sa kan'ya.
Tuwang-tuwa pa yata siya na ito ang tinuturo niya sa amin, huh? Sabagay, iyong ibang classmate ko nga tuwang-tuwa, siya pa kaya na maraming karanasan sa mga gan'yan? Haler! Akala niya siguro nakalimutan ko na ang ginawa nila ni ate keziah!
Nang matapos ang klase namin sa kan'ya ay nagpaalam na kami. Inaayos na nito ang mga gamit na dala niya, at ang iba naman ay nakikipag-usap pa!
"Prof, may experience na po ba kayo? Bakit alam niyo po kung na saan ang g-spot?" namumulang tanong ng classmate kong babae. Kasing pula na ngayon ng mukha niya ang pisngi nito.
"Malamang cindy, doctor si prof kaya't alam niya ang mga parte ng reproductive system!" iritadong saad ni Johnny.
I heard cindy giggles. "Oo nga, 'no? Pero, hindi ikaw ang tinatanong ko Johnny sabatero. You're so pakelamero!" maarteng saad ni cindy na nagpatawa sa mga kaibigan niya.
I pursed my lips and look around. Tapos na ba ang klase namin? Pwede na bang umuwi? Mas gugustuhin ko na lang yata magtrabaho kaysa mag-aral! Kung puro kalandian lang naman ang magiging klase namin sa kan'ya, mag-s-skip na lang siguro ako.
"Prof, may girlfriend na po ba kayo?" rinig ko na namang tanong ng isang kasamahan ni cindy.
Tiningnan ko na ngayon si stan at sakto ay nakatingin rin ito sa akin. Napaawang ang labi nito bago nag-iwas ng tingin.
"Yup. I have a girlfriend." His voice hoarse.
Nangunot ang noo ko sa narinig. May girlfriend siya? Sino naman? Si ate keziah? Ay oo nga pala, may nangyari na sa kanila! At siguradong si gwen naman ay busy sa buhay artista kaya hindi na siya nakisali sa dalawa.
Napatayo ako ng wala sa oras at inayos na ang mga gamit ko. Lumabas na ako ng room na hindi nagpapaalam kay prof. Tapos na rin naman ang klase kaya ba't magpa-paalam pa?
Sinukbit ko ang bag sa braso ko at tinahak ang pasilyo papunta sa field. Mamaya pa ang orientation namin kaya't mamaya na rin ako babalik diyan. Doon na muna ako magpapalipas ng oras.
Akmang palabas na ako ng building nang maramdaman kong may sumabay sa akin. Nilingon ko naman 'yon at laking gulat ko nang makita si stan. Ang tatlong butones ng long-sleeve nito ngayon ay nakabukas na kaya't kitang kita ko ang pawisang dibdib nito.
"Hey, Are you okay? I'm sorry about earlier. Hindi ko alam na isa ka sa magiging estudyante ko." aniya.
My brows furrowed. "Ha? Sorry saan? Trabaho mo ang magturo kaya okay lang 'yon." nahihiyang saad ko.
"Uhm, okay. Where are you going now?" tanong nito.
Tumingin muna ako sa field bago sumagot. "Diyan sa field. Manonood lang. May orientation kami mamaya, eh."
I heard him sighed. "You can go to my office if you're bored. Huwag lang dito sa field, Livia."
Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng bag ko dahil sa narinig. Ano bang gustong sabihin ng lalaking 'to? Akala ko ba may girlfriend siya? Bakit inaaya niya ako sa office niya?
"Ha? May girlfriend ka, sir. Ayokong maki-apid. Masama 'yon." natatawang saad ko. Naramdaman ko namang paninitig nito sa akin kaya naghanap ako ng pwedeng pag-li-libangan. Inikot-ikot ko ang laylayan ng bag ko at minsan ay pinipisil rin 'yon.
"Maki-apid? Makiki-apid ka sa sarili mo, livia?" stan whispered.
Tuluyan na akong nag-angat ng tingin sa kan'ya at nakita ko agad ang amusement sa mata nito nang magtama ang mata naming dalawa. Tila may kung ano sa tiyan ko ang nagwawala dahil sa titig niya.
"You're blushing." natatawang saad ni stan sabay pisil sa pisngi ko.
Napahawak naman agad ako ngayon sa pisngi ko at tila tinatago ang kahihiyan. Nag-iwas ako ng tingin at nag-iisip ng sasabihin sa kan'ya.
"U-hm...m-ainit kasi kaya n-amumula. Tapos anong girlfriend ang sinasabi mo? G-irlfriend mo ako? B-akit n-anligaw ka ba?" singhal ko.
"Should I court you, then? Papayag ka?" ani na naman nito.
Mas lalong namula na ang pisngi ko dahil sa kaharutan niya. What the heck, olivia! Umayos ka naman! Huwag kang magpa-apekto sa mga lalaking pogi tulad niya!
"What now, love? Cat got your tongue?" He chuckled.
"Wews. Doon na ako sa field. Babye." ani ko dito at akmang iiwan na siya roon nang hawakan nito ang kamay ko at marahang pisilin 'yon.
"I'll court you if that's what my love wants." He said softly and kissed my palm.
Tumango naman ako sa sinabi niya at hinila na ang kamay ko. Narinig ko ang pagtawa nito kaya inirapan ko na lamang siya. Dumiretso na ako sa isang bench at doon umupo. Tiningnan ko ang puwesto namin ni stan kanina, at nakita kong naroon pa rin siya!
Bakit hindi pa siya umaalis? Akala ko ba may klase pa siya? Umiling na lang ako at pinagtuonan ng pansin ang mga naglalaro. Maraming gwapo ang naglalaro dito sa field kaso napansin ko na mga jejemon sila. Ayoko sa jejemon! Oo, jejemon ako dati, pero, ngayon hindi na!
"Go, Acher!" rinig kong sigaw ng mga katabi kong babae. May hawak silang balloons habang pinapanood ang lalaking naglalaro ng soccer.
Nakasuot ito ng jersey habang may towel sa likuran. Ay wow, baby badboy? Natawa ako dahil sa naisip. Hindi ko alam na may mga lalaki pa lang naglalagay ng towel sa likuran para hindi pagpawisan.
Nang matapos ang laro nila ay dumiretso agad ang lalaki sa mga babaeng nagtitilian. Inabot ng isang kasamahan nila ang gatorade at saka ngumiti.
"Here, Acher. Ang galing mo!" malambing saad ng babae.
"Acher, pawis na pawis ka oh. Halika punasan kita." saad naman ng isa. Lumapit ito kay acher at pinunasan ang pawis sa noo ng lalaki.
"By the way, where's your friend, acher? Busy na naman ba si aiden kaya hindi ka nasamahan maglaro?" tanong ng babae habang pinupunasan ang pawis ng lalaki.
Acher nodded and smiled. "Yup, he's busy reviewing. May quiz kasi kami mamaya kaya hinayaan ko na siya doon para may pagkopyahan ako." ani ng lalaki na siyang nagpatawa sa mga babae.
Ang astig niya, ha? Ito namang kaibigan niyang nag-re-review, uto-uto. Dapat sumama na lang 'yong kaibigan niya para pareho silang bagsak sa quiz. Ganoon ang bonding!
Inirapan ko na lang sila at nagpasya ng umalis doon. Babalik na ulit ako sa room, baka mamaya nag-umpisa na orientation namin. Pinagpagan ko ang sarili at dumiretso na sa department. May mga nakasalubong pa akong estudyante na naglalandian sa gilid. Why naman so malandi?
Nang makapasok ako ng room ay sakto naroon na ang ibang classmate ko. Umupo agad ako sa inupuan ko kanina at hinintay mag-umpisa ang orientation. May mga pumasok sa room na hindi ko kilala. Mukhang taga kabilang building. Ngumiti sila sa akin kaya't nginitian ko na rin sila.
Kung gusto mong maka-survive sa college, kaibiganin mo lahat! Para kung sakaling kailangan mo ng tulong, hindi ka mangangapa sa dilim.
Tiningnan ko ang orasan at sakto ay may mga pumasok ng prof sa loob. Malawak ang loob ng room namin kaya hindi siksikan. Halos lahat kami dito ay naka-civilian, at ang iba naman ay naka-puting shirt at skirt.
Nag-umpisa na ang orientation, at ngayon ko lang rin nalaman na lahat kami dito ay pre-med course. Hindi pwedeng magkakasama ang ibang courses, kasi sa orientation na 'to ay sinasabi nila ang mga bagay na dapat naming bilhin sa school para sa course namin. Sinabi rin nila ang bawat schedule kaya't nag-take down notes na rin ako.
Matapos ang orientation ay lumabas na ang iba sa room. Uwian na rin kasi at saktong ala-sais na. Hindi ko alam na ganito pala katagal pag orientation. Akala ko ay saglit lang, hindi pala! Paglabas ko ng room ay nakita ko agad si zandra na nakaupo sa bleacher.
"Grocery muna tayo." bungad ko sa kan'ya. Bakas sa mukha nito ang pagod kaya't tumayo na lang siya at sumunod sa akin.
Nilakad lang namin ang mall. Malapit lang naman 'yon dito sa school kaya hindi na kami magsasayang ng pamasahe. Nang makapasok kami ng mall ay dumiretso na agad kami sa grocery store at kumuha ng push cart.
"Anong gusto mong ulam?" tanong ko kay zandra habang tulak-tulak ang cart.
Nasa meat section kami kaya't minsan ay tinitingnan ko ang mga presyo ng karne. Ang ma-mahal na pala ng mga bilihin ngayon!
"Kahit ano na lang." sagot ni zandra habang hawak ang isa sa mga nilagay ko sa cart.
"Walang ulam na kahit ano na lang. Lol. So, ano nga?" iritadong tanong ko.
Hinihintay kong sumagot si zandra, pero wala akong narinig sa kan'ya kaya't iniwan ko na siya doon. Dumiretso ako sa ibang section at naghanap ng pwedeng iluto mamaya.
Maraming tao ang nasa loob ng grocery kaya sigurado akong punuan mamaya sa counter. Kailangan naming bilisan ni zandra dito para makauwi kami agad. Ang dami ko pa namang gagawin ngayon!
Dumiretso ako sa isang section na puno ng mga junk foods. Kumuha ako ng ilan doon at saka bumalik kung saan ko iniwan si zandra kanina. At tama nga ako, naroon pa si tanga!
May kausap itong dalawang lalaki kaya't tinawag ko na ang pangalan nito. "Zandra." sigaw ko.
Agad namang dumapo ang tingin ni zandra sa akin, at ganoon rin ang isang lalaki. Nangunot ang noo kong tiningnan 'yon. Anong tinitingin mo diyan, jejemon?!
"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala." ani ko kahit na ang totoo ay hindi ko siya hinanap. Ang tanda niya na para hanapin pa!
Inilagay ko ang mga pinamili ko sa cart at nag-angat ng tingin sa lalaking nasa harapan namin. Nagulat pa ako sa nakita. Nandito si saturn?
"Oy! nandito ka pala," saad ko sabay tapik sa braso ni saturn. Napatingin ako sa katabi niyang lalaki na nakakunot noo.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong. Agad naman akong siniko ni zandra kaya't masama ko siyang tiningnan. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?
"Malamang nag-grocery sila. Ang dami mong tanong." iritadong bulong nito.
"Oh ba't ka bumubulong?" tanong ko na ikinapula ng pisngi ni zandra. Natawa naman ako dahil sa reaction niya. Pabebe!
"Sige, saturn. Alis na kami." pagpapaalam ko kila saturn. Tumingin naman ako sa lalaking katabi niya saka ito inirapan.
Hinila ko na si zandra paalis do'n at dumiretso na sa counter para magbayad. Narinig ko ang pagmumura nito sa akin kaya tiningnan ko na siya.
"Ano ba olivia! Nakakahiya!" singhal ni zandra.
"Anong nakakahiya?" nakakunot noong tanong ko.
"Ba't mo sinabing bumubulong ako? Tanga ka ba?" Si zandra.
My brows furrowed. "Eh? Bumubulong ka naman talaga, at oo tanga ka." pangbabara ko dito at saka lumapit na sa counter.
Pagkatapos naming magbayad ay dumiretso na kami sa paradahan ng tricycle. Tahimik si zandra buong biyahe kaya't inaasar at tina-tanong tanong ko ito kung anong problema. Hindi siya nagsalita hanggang sa makauwi kami kaya't hindi ko na siya pinansin.
Dumiretso na ako sa kusina at nilagay roon ang mga pinamili namin. Nagluto na rin ako ng hapunan, at si zandra naman ay nasa sala lang. Hawak nito ang cellphone niya at mukhang may kinakalikot doon.
Akmang lalapit na sana ako sa kan'ya nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong kinapa sa bulsa ang phone at tiningnan ang nag-text.
Nathan:
Ate.....
:>