Kabanata 18

1402 Words
Vacant Agad akong nagtipa ng reply sa kapatid. Ngayon lang siya nag-text sa akin kaya nakakapanibago. To Nathan: Anong problema diyan? Kumain na ba kayo? Nathan, magreply ka. Bigla akong napatalon nang mag-ring ang phone ko. Stan calling..... I'll hang up his call. Busy ako sa mga kapatid ko. Wala akong oras sa kan'ya! Tinawagan ko na ang kapatid ko nang hindi ito nakapag-reply agad, at laking gulat ko nang si papa ang sumagot no'n. "Oh anak, napatawag ka?" boses 'yon ni papa. "Pa, gusto ko pong kausapin si oliver at nathan." mariing saad ko. Narinig ko naman sa kabilang linya ang pag-buntong hininga ni papa. "Wait lang, anak. Busy kasi ang mga kapatid mo. May tinatapos silang homework. Si Oliver naman ay ganoon rin. Busy sila." ani na naman nito. "Pakibigay na lang po 'yong cellphone sa kanila, pa! Kakausapin ko lang po ang mga kapatid ko!" bakas na ngayon sa boses ko ang galit. "Sige, anak. Oliver, Nathan, kakausapin raw kayo ng ate niyo." sambit ni papa sa kabilang linya. Agad naman akong nakahinga ng maluwag nang marinig ang boses ng kapatid ko. "Ate? Ba't ka po napatawag?" boses 'yon ni oliver. "Nasa'n ang kuya nathan mo? Kumain na ba kayo?" tanong ko. Tumikhim si oliver sa kabilang linya bago nagsalita. "Si kuya nathan nasa baba po. Kumukuha po ng tubig. Tapos na rin po kaming kumain, ate. Ikaw po ba? Kailan ka po ulit papasyal dito?" "Papasyal ako diyan bukas. Marami lang akong ginagawa ngayon. Miss na miss ko na kayo." mahinang saad ko. Narinig ko ang pagsinghap ni oliver sa kabila. Parang may kung anong tumusok sa puso ko dahil sa narinig. Bakit parang ang sama ng pakiramdam ko? Parang may mali! "Ate, miss na miss ka na rin po namin. Huwag mo po kaming masyadong isipin ni kuya nathan. Okay lang naman po kami dito. At saka ate, lagi mo pong tatandaan na mahal na mahal ka po namin." Pagkatapos ng usapan namin ni oliver sa cellphone ay siya rin namang pag-ring nito agad. Akala ko si nathan 'yon kaso si stan lang pala. "Hello?" bungad ko pagkasagot ng call. "Are you busy? I'm sorry if I disturb you. May katawagan ka kanina habang tinatawagan kita." aniya sa kabilang linya. "Ah, hindi naman ako busy. Tumawag kasi ako sa mga kapatid ko." pagpapaliwanag ko. Teka, ba't ba ako nagpaliwanag?! Wala namang kami, ha! Nanliligaw pa lang siya! "It's okay, I understand. How are they? Have you had your dinner? What time do you want to sleep? " sunod-sunod na tanong ni stan. Hindi naman agad ako nakasagot sa kan'ya dahil mahina ang kalaban. Ang bilis niya naman magsalita, parang nakikipaghabulan sa kabayo! "Okay lang naman raw ang mga kapatid ko. Balak ko rin sana silang puntahan bukas para bisitahin." "I'll come with you tomorrow, then. What time? And have you had your dinner for today? Kanina pa ako nagtatanong, livia." seryosong saad ni stan na siyang nagpanguso sa akin. Hindi ko alam na ganito pala siya ka-kulit. Parang hindi lang sinagot tanong niya, eh! Hindi pa naman ako kumakain kaya sasabihin ko na lang na kumain na ako para hindi siya magalit at mag-alala. "Tapos na akong kumain. Ikaw ba? Wala ka bang ginagawa ngayon?" pag-iiba ko ng usapan. "I'm here at my clinic. May tinatapos lang. Uhm, can you took a picture of yourself? I just want to see you." he said gently. Parang may kung anong kumalabog sa puso ko dahil sa sobrang bilis na nito ngayon kung tumibok. I cleared my throat and pursed my lips. Mag-pi-picture ba talaga ako tas isesend ko sa kan'ya? Hindi pa naman ako nagbibihis! "Pwedeng bukas na lang? Hindi pa kasi ako nagbibihis. Kumain ka muna diyan." ani ko sabay tingin kay zandra. Kanina pa nakakunot ang noo ng babaeng 'to. Ano bang ginagawa niya? "Even so. You're always pretty in my eyes, love. Send me a picture of yours, please? Just one picture and I'll be good here. I won't do anything." malambing saad ni stan sa kabilang linya. My cheeks heated. Kailangan ba talagang mag-send? Hindi ko nga nagawa 'to noon, eh! Baka mamaya dahil dito ay mag-sawa ang lalaki sa akin! Humarap na ako sa salamin dito sa kusina at saka nag-pose pa. "Tapos na. Nagsend na ako. Haggard pa naman ako." bulong ko. I heard him chuckled. "You're very beautiful as f**k, love. Parang gusto na yata kitang anakan agad." "Stan, parang tanga naman!" pbabaeng saad ko na ikinatawa niya. "What's your schedule for tomorrow? Susunduin ko kayo diyan bukas." his voice hoarse. "Kahit hindi na lang, stan. Maaga kasi akong nagigising. Sige na, ba-bye na." pagpapaalam ko dito bago patayin ang call. Nakita ko naman si zandra sa sala na kanina pa nakasimangot. Lumapit ako dito at hinablot ang phone niya. Kanina pa ang babaeng 'to. Ano bang problema niya? "Varione?" basa ko sa search list ng sss niya. Hinahanap niya ba ang kapatid ni saturn o si saturn mismo ang hinahanap niya? "Olivia Marie Santos! Ibigay mo sa akin ang cellphone ko! Binabalaan kita!" pananakot ni zandra nang lumayo ako sa kan'ya. Pilit nitong kinukuha sa akin ang phone niya, pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak dito. I smirked. "Talaga ba, Zandra Veronica Torres?" tinaasan ko 'to ng kilay. "Ano ba 'yan! Amina kasi!" iritadong saad nito nang hindi niya maabot ang phone niya. Liit mo naman, bansot. "Crush mo ang kapatid ni saturn?" natatawang saad ko dito habang tinitingnan ang picture ng kapatid ni saturn. Varione pala, ha? Ba't parang familiar rin ang mukha niya? "Hoy hindi ha! Ang kapal mo! Amina 'yang phone ko! Privacy naman, oy!" naiinis na saad nito. Halos umusok na siya sa galit na mas lalong ikinatuwa ko. Magalit ka lang, beh. Inirapan ko na lamang ito at nagtipa sa search list niya. Friend ko sa sss si saturn dahil ni-add ko siya noon. Matagal na rin 'yon tapos ngayon ko lang naalala na friend ko pala siya! Nang mahanap ko ang acc ni saturn ay agad akong nagtipa ng message sa kan'ya gamit ang account ni zandra. It's bawian time! Zandra Torres: Hi po, pa-accept naman po kuya...hahaxd. Matapos kong makapagtipa ng message ay binigay ko 'yon agad kay zandra saka ngumisi. "Thanks me later, pre. Landi well." ani ko bago siya talikuran at pumasok ng kwarto. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko nang marinig ang pagmumura niya sa akin. "Olivia, gaga ka!" sigaw nito sa sala na ikinatawa ko. Matagal na akong gaga, zandra. Kaya nga magkaibigan tayo, eh, duh! Matapos ang gabing 'yon ay hindi na ako nakatulog nang maayos. Puyat na puyat ako pag-gising ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali! Kung hindi ako ginising ni zandra kanina ay late na kami. Tinawagan ko rin si stan para sunduin kami, at saktong pag-text ko sa kan'ya ay papunta na ito sa amin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at doon na kami sumakay ni zandra. Nagtataka pa ang gaga kung sino 'yong lalaki, pero hindi ko na lang sinabi. Hindi niya ba matandaan si stan? Sabagay si gwen lang yata natandaan niya kasi artista. Nang maihatid kami nito sa school ay agad na kaming bumaba ni zandra. May inabot pa sa 'kin si stan na galing Starbucks. Mukhang binili niya pa 'to bago kami ihatid, ha? Binigay ko kay zandra ang isang paper bag, at sa akin naman ang isa. "Kita na lang tayo mamaya." ani ko dito bago siya iniwan doon. Magkahiwalay kami ng department kaya mauuna na ako. Late na kami tapos ang tagal niya pang maglakad! "Hey, love." isang baritong boses ang narinig ko mula sa likuran. Nilingon ko naman 'yon at hindi na ako nagulat nang makita si stan. Magulo na ang buhok niya ngayon, at mukhang nagulat pa sa pagharap ko. "Ba't? May pasok pa ako." ani ko dito bago siya talikuran. Hindi pa ako nakakahakbang ay naramdaman ko na ang kamay nito sa braso ko. "You didn't eat breakfast. Sa office tayo. Vacant mo ngayon." sambit niya sabay tingin sa relo nito. Naguguluhang binigyan ko ito ng masamang tingin. "Ha? Vacant? Ang aga namang vacant." "Yup. Sa akin ka ngayong oras. Ihahatid kita mamaya sa next subject mo. Ako ang prof niyo do'n." nakangising saad nito na ikinatango ko. Tama ba 'tong ginagawa ko? Sasama ako sa office niya? Pero, hindi ba't prof siya dito? Paano kung matanggal siya dahil sa akin? :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD