Madelaine's Pov
11pm na at nasa byahe na kami ni Galvie pa uwi ng mansion, ito ang unang beses na may ibang mag hahatid sakin sa mansion. Hindi ko alam kung magkano ang binayad ni Galvie kay Mrs.Alcantara para mapapayag ito sa mga gusto nya. Simula palang kasi noon ay si Finn na ang taga hatid sundo ko.
"Nag enjoy ka ba sa 1st date natin?" Tanong nito habang nakahawak sa kamay ko.
"Oo naman, thank you Galvie, thank you dahil pinaranas mo sakin yung normal na pakikipag date." Nakangiting saad ko dito, hinalikan namin nito ng mabilis ang kamay ko habang patuloy sa pag mamaneho.
"Basta para sayo Madelaine, gusto kong maging memorable sayo ang lahat ang bawat pag sasama natin. Ito palang ang simula, at marami pa akong gustong gawin na kasama ka." Saad nito at bahagyang sinulyapan ako sa pwesto ko.
Shiinggg, grabe na talaga itong si Galvie mag pa kilig. Kung hindi lang ako hawak sa leeg ng mag asawang Alcantara, hindi na mahihirapan pa ng ganito si Galvie.
Ano pa bang hahanapin ko sa isang lalaki, halos na kay Galvie na ata ang lahat. Marami ng dumaang lalaki sakin, at si Galvie lang yung pumasa sa standard ko. Hindi naman mataas ang standard ko, masaya na ako kapag pinaramdam nito sakin na may halaga ako. Si Galvie lang kasi ang nag paramdam nito sakin. Alam kong sobrang bilis nito, pero anong magagawa ko kung yung puso ko na mismo ang binigay dito.
Siguro ganito talaga ang pag ibig pag tinamaan ka. Hindi basihan yung tagal ng pag sasama nyong dalawa para ma buo yung tinatawag na love. Basta kusa nalang itong nararamdaman, kaya sana lang ay totoo lahat ng ito dahil kapag sinaktan ako ni Galvie baka hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayare sa buhay ko.
Ngayon ko lang naramdaman to, ang maging masaya pero hindi din na wawala yung takot at pangamba sa puso ko sa magiging consequence na pag labag ko sa rules ng SSA. Mahirap pigilan ang puso lalo na kapag nakaramdam na ito ng pag mamahal. Kailangan kong mag ingat, hindi dapat ito makarating sa mag asawang Alcantara, tiyak kong kikilos agad sila upang matigil ang namumuong pag titinginan namin ni Galvie sa isat'isa.
Pag dating namin ng mansion ay hindi ko na pinababa ng sasakyan nya si Galvie.
"Thanks Galvie." Nakangiting saad ko dito.
"Kung hindi ako busy bukas, puntahan mo ko sa office ko." Nakangiting saad nito sabay halik sa kanang kamay ko.
"Sige, sabihan mo lang si Mrs.Alcantara at darating ako." Nakangiting saad ko dito. Palabas na ako ng kotse nito ng bigla nitong hatakin ang braso ko pa harap sa kanya. Ang ending ay napapikit nalang ako ng mag lapat ang labi namin sa isa't isa.
"Good night Elaine." Nakangiting saad nito matapos bumitaw sa labi ko.
"Good night din sayo Galvie, ingat sa pag uwi." Nakangiti ding saad ko at bumaba na ng kotse nya. Hinintay ko muna itong umalis bago ako pumasok ng gate, na gulat naman ako ng makita si Finn sa guard house. Tiningnan nito ang suot nyang relo bago tumayo at nag lakad na papuntang mansion, ako naman ay nakasunod lang sa likuran nya. Naalala ko na naman yung nakita ko kaninang umaga, kung tama ako ng hinila may relasyon nga sila ni Mrs.Alcanatara. Shuta, kaya siguro wala syang nagugustuhan sa mga Angels dahil yung matanda ang gusto nya. Mataas pa naman ang tingin ko sa kanya tapos masisira lang dahil sa pakikipag relasyon nya kay Mrs Alcantara.
"Muntik ka ng ma late, mukang nag eenjoy ka dyan sa bagong customer mo." Saad nito kaya napalunok ako.
"Oo nag eenjoy ako na kasama si Mr.Herrera, masama ba yun Finn?" Tanong ko dito kaya natigilan ito sa pag lalakad at tiningnan ako sa mga mata ko.
"Ipapaalala ko lang sayo na hindi kayo pwedeng ma inlove sa customer nyo. Isa pa, hindi mo pa lubos na kilala ang Galvie Herrera na yan. Baka sa huli ay saktan ka lang nya at paasahin, huwag mong kalimutan kung sino ka talaga Madelaine." Saad nito at pinag patuloy na ang pag lalakad nya. Naiwan ako sa labas at napa buntong hininga, alam ko naman kung ano ako at alam ko din kung san ako lulugar. Masama ba ang maging masaya, ngayon ko lang naramdaman to kaya susulitin ko na. Bahala na kung parusahan nila ako, ang mahalaga masunod ko ang sinisigaw ng puso ko. Sa sunod ko na poproblemahin yung mga consequences na ibibigay nila sakin, sa ngayon eenjoyin ko nalang muna ang lahat. Sabi nga nila, enjoy now, iyak later.
**Galvie's Pov**
"Mukang masaya ang anak namin ah, balita ko may nag papasaya na daw sayo?" Saad ni Mom habang nag aalmusal kami.
"Kailan mo ito ipapakilala samin?" Tanong naman ni Dad.
"Soon dad, sa ngayon kasi kinukuha ko pa ang puso nya." Nakangiting sagot ko dito.
"Kung kailangan mo ng tulong ko Son, huwag kang mahihiyang mag tanong." Pa biro pang saad ni Dad.
"Hindi na po kailangan dad, parang wala ka namang tiwala sakin nyan." Pa biro ko ding sagot dito.
"Masaya kami para sayo anak dahil after 5 years ay binuksan mo na ulit ang puso mo. Excited na tuloy akong makilala ang babaeng bumihag sa puso ng aking Galvie." Kinikilig na saad ni Mom.
Hindi ko alam kong paano ipapaliwanag sa kanila ang sitwasyon ni Elaine, mas mabuti kung ililihim ko nalang muna sa kanila kung ano talaga ang pag katao nito. Ang mahalaga naman dito ay totoo yung intensyon ko sa kanya. Handa akong gawin ang lahat makalaya lang si Elaine sa kamay ng mga Alcantara. Kaya kahit na maging agains samin ang lahat, hindi ko sya bibitawan.
After breakfast ay nag bihis na ako, kahapon kasi sa Crisostomo Village ay nakasalubong ko ang ilan sa mga mga business partners namin sa ibang negosyo ni Dad. Niyaya nila akong mag golf ngayong umaga, nakakahiya naman na tanggihan kaya pumayag na ako.
Pag dating ko sa golf area ay napansin ko kagad ang magagandang dilag na kasama nila, at namumukaan ko ang ilan sa kanila. Napailing nalang ako, talagang walang takot sa mga asawa nila itong matatanda na to.
"O nandito na pala si Mr. Herrera, halika iho at may ipapakilala kami sayo." Saad ni Mr De Verra. Pag lapit ko dito ay inakbayan ako nito, may sinenyasan itong babae kaya lumapit ito samin.
"By the way iho, this is Brielle Alcantara kinuha talaga namin sya para sayo. I hope na mag enjoy ka." Saad nito sakin kaya napangiti nalang ako.
"Pasensya na po Mr De Verra pero may girlfriend na po ako, sumama po ako dito para makipag laro sa inyo, hindi po makipag laro ng apoy." Nakangiting biro ko dito kaya nag tawanan ang mga ito.
"Alam mo iho mashado kang seryoso sa buhay mo, dapat satin nag sasaya lang. Tingnan mo kami, kahit may edad na ay malakas pa din. Hindi lang puro trabaho ang ginawa namin. Kailangan mo din mag enjoy sa buhay, hindi dapat iisang putahe lang ang kinakain mo, dapat pa iba-iba din para hindi ka ma umay." Pa biro pang saad nito.
"Okey na po ako sa hinahain sakin ng partner ko, hindi naman po ako mag sasawa dun dahil the best po ang bawat hinahain sakin nito." Nakangiting sagot ko dito.
"Mukang nakaka intriga yang kasintahan mo iho, kailan mo ba yan ipapakilala sa publiko? Matagal na panahon na din ng huli ka naming na kita na may partner, yan na ba ang pakakasalan mo?" Tanong naman ni Mr. Romero.
"Sa palagay ko po ay sya na." Nakangiting sagot ko dito.
"Kung ganun, kunin mo kaming ninong sa kasal mo." Nakangiting saad naman ni Mr.Balmonte.
after ng dalawang oras namin na pag lalaro ay niyaya ako ng mga ito na kumain sa isang private restaurant kung saan naka VIP room kami. Abala yung matatanda dahil sa pakikipag harutan nila sa mga babae nila, napansin kong nakatingin sakin si Brielle tiyak kong kilala nya si Elaine. Nagulat ako ng bigla itong tumabi sakin.
"Si Madelaine ba ang tinutukoy mong kasintahan mo?" Tanong nito at ipinatong ang kanang kamay nya sa hita ko. Hinayaan ko lang ito sa gusto nyang gawin, ayuko lang syang ma pahiya dahil baka masaktan ko ang damdamin nya.
"Alam mo naman na ibat't ibang lalaki na ang nakatikim kay Madelaine pero gusto mo pa din sya. Bakit hindi mo subukan na tumikim ng iba, baka mag bago pa ang isip mo." Saad nito at agad kong inalis ang kamay nya ng hawakan nya ang maselang bahagi ko.
"Anong kinakatakot mo Mr.Herrera? Huwag mong sabihin na nag papaka loyal ka sa katulad ni Madelaine. Huwag ka ngang mag bulag bulagan dyan, kapag mag kasama kayo, ikaw ang boyfriend nya, pero hindi mo alam na kapag hindi kayo ang mag kasama ay iba ang nag mamay-ari sa kanya." Saad nito kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko gusto ang tabas ng bibig ng babaeng ito, alam kong sa papel lang sila mag kakapatid. Pero matagal na silang mag kakasama sa mansion, kaya bakit ganun nalang kung siraan ng babaeng ito sa harapan ko si Elaine.
"Sorry Brielle, pero kahit na walang Elaine sa buhay ko, hinding hindi kita papatulan dahil mataas ang standard ko pag dating sa babae." Nakangiting saad ko dito kaya tiningnan ako nito ng masama.
"Tingnan lang natin, sa huli ay kakainin mo din ang mga sinabi mo." Nakangiting saad nito at bumalik na sa pwesto nya. Alam kong marami pa akong hindi alam tungkol kay Elaine, pero pilit kong uunawain ang sitwasyon nya dahil sya ang pinili kong mahalin. Kaya dapat maging handa ako sa mga matutuklasan ko tungkol dito.
(One chapter a day po muna tayo dito)