Madelaine's Pov
Ayukong seryosohin ang sinabi nito na gusto nya ko, ayuko kasi umasa na may mag kakagusto talaga sa katulad ko.
"Thanks sa masarap na foods." Nakangiting saad ko dito after namin kumain. Hindi ko akalain na mararanasan ko yung ganito. Yung casual date sa isang lalaki, kadalasan kasi sa mga customer namin s*x or escort sa isang event ang ginagawa samin. Pero yung ganito na kaming dalawa lang tapos kakain sa ganito ka romantic na place, si Galvie lang ang tanging lalaki na gumawa nito sakin .
"Let's go, may pupuntahan pa tayo." Nakangiting saad nito at inilahad ang kamay nya sakin kaya binigay ko ang kanang kamay ko dito at isinakbit nya sa braso nya. Kung titingnan para kaming sweet couple, expert na ako sa pag papanggap bilang karelasyon ng mga nagiging customer ko. Pero iba si Galvie dahil parang natural lang lahat ng kilos ko at hindi ko na kailangan mag trying hard.
"If you don't mind Madelaine, paano ka napunta sa mag asawang Alcantara?" Tanong nito habang nag lalakad kaming dalawa.
"Call me Elaine nalang." Saad ko dito.
"Sige kung yan ang gusto mo." Nakangiting sagot nito.
"Hindi ko na nakilala ang totoong parents ko dahil baby palang ako ng iwan nila ako sa bahay ampunan. Tapos dumating yung mag asawang Alcantara sa bahay ampunan, 7 years old palang ako nun. Sobrang tuwa ko dahil ako ang napili nilang ampunin. Akala ko kasi mag kakaroon na ako ng normal life, yung may Nanay at Tatay pero nag lahi ang lahat ng yun ng dalhin nila ako sa mansion." Kwento ko dito, tahimik lang ito habang nakikinig.
Ito din ang unang beses na may nag tanong sakin ng tungkol sa personal life ko.
"Ibig bang sabihin nyan hindi nyo ginusto ang ganitong buhay?" Nakakunot noo na tanong nito.
"Sa tingin mo ba Galvie may babaeng gusto ang ganitong buhay? Isipin mo nga, iba't ibang lalaki ang gumagalaw samin para pag kakitaan ng mag asawa? Bata palang kami kinuha na nila ang kalayaan namin." Inis na paliwanag ko dito.
"May magagawa ba ko para makalaya ka sa kamay nila?" Seryosong saad nito kaya natigilan kami sa pag lalakad. Tiningnan ko sya sa mga mata nya, wala akong nakikitang kasinungalingan dito.
"H-hindi ko alam Galvie, pero mas mabuti na yung wala kang gawin dahil baka ikapahamak lang natin pareho ang pakikialam mo sa buhay ko." Saad ko dito, Kilala ko ang mag asawang Alcantara, wala silang sinasanto lalo na kung makakahadlang ito sa mga plano nila.
"Sige kung yan ang gusto mo, handa naman akong gawin ang lahat para sayo." Saad nito kaya napalunok ako.
"Alam mo sinasayang mo lang ang pera at Oras mo sakin. Marami naman dyang ibang babaeng matino, yung wala kang magiging problema, pero ako pa talaga yung na pili mo. Baliw kana talaga." Saad ko dito habang nakangiti.
"Oo, baliw na nga ako sayo. Aanhin ko yung ibang babae kung ikaw yung gusto ko." Saad nito kaya napatingin ako dito. Seryoso ba talaga sya sa mga sinasabi nya na gusto nya ko? Parang ang bilis naman ata nun.
"Marami na ang nag Sabi nyan sakin Galvie, at iisa lang naman ang gusto nila." Saad ko dito kahit ang totoo naman ay sya palang ang kauna-unahang lalaki na nag Sabi ng ganito sakin.
"Ibahin mo ko Elaine, nung nakita kita sa elevator may iba na akong naramdaman sayo. Kaya sorry ka nalang dahil hindi na kita pakakawalan. Kahit ubusin ko ang savings ko para sayo, gagawin ko yun." Seryosong saad nito kaya napangiti nalang ako.
"Yan ang wag na wag mong gagawin. Ang mag asawang Alcantara lang ang nakikinabang sa mga binabayad nyo samin. Hanggat may tumatangkilik samin, hindi matatapos ang pag hirap namin sa kamay ng mag asawa." Paliwanag ko dito.
"Hayaan mo, simula ngayon ako nalang ang magiging customer mo. Wala ng ibang makakagalaw sayo kundi ako lang." Saad nito sabay pisil ng mahina sa pisnge ko.
"Thank you Galvie." Saad ko dito sabay halik sa pisnge nya. Medyo na gulat ito sa ginawa ko pero ngumiti din agad ito sakin.
-
Sa pag lalakad namin sa Crisostomo Village ay nadaanan namin ang isang store na puno ng mga stuff toys. Nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Galvie papasok sa loob nito. Sobrang na mangha ako dahil sa iba't ibang sizes and itsura ng mga stuff toys nila. Ahabang aliw na aliw ako sa pag tingin ay hindi ko napansin na wala na pala sa tabi ko si Galvie. Aalis na sana ako sa pwesto ko para hanapin ito ng biglang may lumapit sakin na may yakap yakap na human size teddy bear na kulay brown.
"Give me a hug."
Napangiti pa ako dahil sa pag ipit ng boses nito. Alam kong si Galvie ang lalaki sa likod ng malaking teddy bear na to. Lumapit ako dito at niyakap nga ito.
"This is my first gift to you, yakapin mo lang to kapag na mimiss mo ko." Saad nito kaya na tawa ako.
"Puro ka talaga kalokohan." Saad ko dito pero deep in side ay kinikilig ako.
"Ipapadeliver ko nalang ito sa inyo, may iba ka pa bang gusto bukod sakin?" Tanong nito kaya hindi ko na napigilan ang sarili na tumawa.
"Ang corny mo sa part na yan, okey na ko dyan, buti sana kung pwede din kitang i-uwi ng mansion." Saad ko dito kaya mapatitig ito sakin.
"I-ibig bang sabihin nyan gusto mo din akong i-take home?" Seryosong saad nito.
"Ako lang yung pwede mong i-take home dito, pero may expiration date." Pa birong saad ko dito kaya napangiti nalang ito.
"What if kung bilhin nalang kita, papayag ka ba?" Tanong nito sakin na ikinagulat ko.
"Sinasayang mo lang ang pera mo Galvie. Kung bibili ka ng isang ari-arian, dapat yung worth it." Saad ko dito at bahagyang ngumiti.
"Para sakin malaki ang value mo, kaya kahit gaano ka pa kamahal, bilhin kita maging akin ka lang." seryosong saad nito habang nakatingin sa mga mata ko.
Hindi na ako nakaimik dahil sa sinabi nito. Yung puro ko sobrang lakas ng kabog, alam kong mali na mag ka gusto ako sa katulad ni Galvie. Malayo ang agwat namin sa buhay, kahihiyan lang ang magiging dala ko sa kanya.
-
Pag labas namin ng store-
"Mr Herrera, it's nice to see you here!" Saad ng isang may edad na lalaki kay Galvie. Hindi ito nag iisa dahil madami-dami sila. Agad ko namang napansin si Mr. De Verra, mabuti nalang at abala ito sa pakikipag usap sa mga kasama nya kaya agad akong bumalik sa loob ng store para tumango.
Shuta naman, sa dami-daming lugar dito pa talaga kami mag kikita ng matandang yan. Ayuko lang na mapahiya si Galvie ng dahil sakin. Ayukong bumaba ang tingin nila kag Galvie na pumapatol ito sa katulad ko.
After nilang mag batian ay lumabas na ako ng store, dali-dali ko namang hinila si Galvie paalis.
"Bakit parang may tinataguan ka, may kilala ka ba sa kanila?" Tanong nito pero agad akong umiling.
"Wala, may tiningnan lang ako sa loob ng store." Pag sisinungaling ko dito.
"Sigurado ka, bakit pinag papawisan ka?" Tanong nito habang nakataas ang isang kilay nya.
"Mainit lang talaga, san pa ba tayo pupunta?" Pag iiba ko ng usapan.
Kinuha nito ang kamay ko at pinag holding hands nya. Napalunok ako at napatingin sa kamay naming dalawa. Proud to be itong nag lakad habang hawak ang kamay ko. Napangiti ako dahil sa ginawa nito, pakiramdam ko tuloy ay Meron akong romantikong boyfriend.
-
Dinala ako nito sa cinema, buong akala ko ay magiging boring ang moment na to para saming dalawa, pero hindi pala. Siguro talagang nag eenjoy lang ako na kasama ko sya kaya hindi ako nakakaramdam ng pagka-inip dito. Simula ng pumasok kami sa cinema hanggang sa pag labas namin ay magka hawak kamay kami nito. Pumunta naman kami sa ice cream shop, habang omoorder ito ay hindi ko maiwasang hindi sya titigan kahit nakatalikod ito sakin.
Kahit papano pala ay love din ako ni Lord dahil pinaranas nya sakin yung ganitong moment. Hindi naman ako nag e-expect ng higit pa dito, masaya na ako na maranasan ito sa katulad ni Galvie.
-
"Nag enjoy ka ba?" Nakangiting tanong nito habang hinihintay ang order namin.
"Oo naman, nag enjoy ako ng sobra dahil first time ko ang lahat ng ito." Nakangiting sagot ko dito.
"Mabuti naman kung ganun, para kahit na hindi ako ang nakauna sayo, marami pa din akong na gawang magaganda na puro first time mo." Nakangiting saad nito kaya napangiti na din ako.
Kapag pinag patuloy ni Galvie ang ganito, sya na ang magiging first love ko. Hindi naman kasi sya mahirap mahalin, Chossy pa ba ako sa katulad nya, ma swerte na nga ako sa lagay kong ito dahil binigyan pansin nya ang katulad ko.
-
Pag dating ng ice cream namin ay isang bowl ito na may ibat-ibang flavors and toppings. Pag kuha ko ng spoon ko ay agad na may naka ambang kutsara na may lamang ice cream sa harapan ko.
Napalunok ako bago isubo ang ice cream ni Galvie. Sa sobrang laki nito ay medyo nahirapan ako sa pag lunok.
"Teka lang." Saad nito at hinawakan ang jaw ko. Napalunok ako dahil sobrang lapit ng muka nito sakin.
"Sayang kasi kung pupunasan mo lang." Saad nito sabay lick sa gilid ng labi ko. Nanglaki ang mata ko dahil sa ginawa nito.
"Masarap pala yung ice cream nila dito." Saad nito at umayos na ito ng upo. Hindi ako maka get over sa ginawa nito. Napansin ko ang ibang customer na nakatingin samin, karamihan sa kanila ay kinikilig dahil sa ginawang pag punas ni Galvie sa kumalay na ice cream sa gilid ng labi ko.
Shuta, sinadya nya talaga yun para maka score sakin. Parang gusto ko nalang gawin ay mag iwan ng ice cream sa labi sa tuwing kakain para unli lick sa labi!
Hoy, ang landi mo sa part na yan Madelaine! Napangiti nalang ako dahil sa iniisip ko. Behave girl, ikalma mo lang ang sarili at baka ma turn off sayo si Galvie.