Chapter 4: Because I LikeYou

1827 Words
After 1 Week Madelaine's Pov Isang linggo na akong walang booking, nakakapag taka dahil ngayong lang ito nangyare sakin. Goods ito para sakin dahil makakapag pahinga si Kiffy, kinakabahan lang ako dahil baka sermonan ako ni Mrs Alcantara. *Tok*tok* Madali kong binuksan yung pinto at si Finn ang bumungad sakin. "Pinapatawag ka ni Mrs Alcantara sa office nya." Saad nito sakin at tinalikuran na ko. Ito na nga ba yung sinasabi ko, tiyak na pagagalitan na ako nito dahil walang pumasok na income mula sakin. Mukang hindi nya nakuha ang loob niGavin kaya hindi na ito umulit sakin. Nakakalungkot lang dahil yun na siguro ang una at huling booking nya sakin. Ginalingan ko naman yung performance ko, pero mukang hindi ata sya na satisfy. Habang naka sunod ako kay Finn napansin ko yung pinto ni Hazel na hindi nakasarado ng maayos kaya narinig ko ang ingay mula sa loob. Napalunok ako ng marinig itong tumatawa na para bang kinikiliti sya kaya medyo tinalasan ko yung paningin ko para makita kung anong ginagawa nito. Napatabon ako ng bibig ng makitang kaharutan nito si Mr Alcantara. Shuta, may relasyon ba silang dalawa? Sa inaasta kasi ni Hazel parang tuwang tuwa pa ito sa ginagawa sa kanya ng ama amahan namin. Wala sa muka nya ang napipilitan, alam kaya ni Mrs Alcantara ang tungkol dito? Malamang hindi, ang alam nya lang naman ay suma-sideline si ang asawa nya sa Angel pag kailangan nya itong parusahan, yun lang at wala ng iba. "F-finn" Nauutal na tawag ko dito ng humarang ito sa harapan ko at isinarado ang pinto ni Hazel. Mas napalunok ako ng tingnan ako nito ng masama at hawakan ako ng mahigpit sa wrist ko at hinila palayo sa kwarto ni Hazel. "Mag walang kino ka nalang sa mga nakita mo kung ayaw mong maparusahan ni Mr.Alcantara." Saad nito sakin. So ibig sabihin alam nya ang tungkol sa relasyon nung dalawa, kelan pa? Hindi ba natatakot si Hazel na malaman to ni Mrs.Alcanta, tiyak kong mapapat@y sya nito kapag nalaman na nakikipag relasyon sya sa asawa nya. "Pero paano si Hazel, kapag nalaman ni Mrs Alcantara ang tungkol sa relasyon nila, tiyak akong papatay*n sya nito." Pag aalalang sagot ko dito. "It's not your problem, ang problemahin mo ay ang sarili mo. Kung makikialam ka sa problema nila, sa tingin mo ba hindi ka madadamay sa galit ni Mrs.Alcanata. Kaya kung ako sayo manahimik ka nalang at sundin ang gusto nila dahil yun ang mas makakabuti sayo." Saad nito at binitawan na ang kamay ko. Tama naman si Finn, kung mananatili akong walang alam, magiging tahimik ang mundo ko. Ayuko ng maranasan ang pag hihirap sa red room, bawat pananakit nila ay tumatatak ng sobra sa isip ko. Yung tipong hanggang pag tulog ay nadadala ko ito at nagiging isang bangungot. Pag dating namin sa office ni Mrs.Alcantara ay kumatok na si Finn, pag pasok nito ay pumasok na din ako. "Maupo ka iha, may good news ako para sayo." Nakangiting saad nito kaya naupo na ako sa tapat nito. Tiningnan ko naman si Finn na nakatayo lang sa isang tabi. "A-ano po yun?" Kinakabahan na tanong ko dito. "Pumayag na si Mr. Herrera na mag pa Vip sayo. Magiging regular customer mo na sya mula mamayang gabi, nag advance payment na sya para sayo sa loob ng isang buwan." Masayang saad nito at tumayo pa para kamayan ako. "Congrats Madelaine, talagang pinahanga mo ko! Big time itong si Mr. Herrera kaya ma swerte ka at ikaw ang natipuhan nya, wala kang magiging problema dito dahil binata pa sya. Walang asawa na ha-hunting sayo tulad ni Adeline." Saad nito at bumalik na ng upuan nya. "A-Ano na po palang balita kay Adeline?" Tanong ko dito. Simula kasi nung araw na parusahan ito ng mag asawa ay hindi na namin ito nakita sa mansion. "Pinadala ko muna sya sa vacation Island namin sa Mindoro, tuloy pa din naman ang pakikipag transaction ni Mayor samin. Mukang hindi lang bayarang babae ang tingin nya kay Adeline kaya sa tingin ko ay hindi mapuputol ng basta basta ang ugnayan natin sa kanya." Saad nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman ay okey na si Adeline, nag aalala ako dito dahil baka kung ano na naman ang gawin sa kanya ng mag asawa. Sana lang ay tuparin ng Mayor Monterde na yan ang pangako nya sa kapatid ko. "Finn, ihatid mo mamayang 7pm si Madelaine sa Crisostomo's Village, doon sila mag kikita ni Mr.Herrera." Saad ni Mrs Alcantara dito.Tumango naman si Finn bilang sagot dito. "Sige na Madelaine pwede kanang bumalik sa silid mo para mag asikaso. Make sure na mapapasaya mo ulit ngayong gabi si Mr.Herrera." Nakangiting saad nito. "Opo, hindi po kayo mapapahiya ng dahil sakin." Sagot ko dito at tumayo na para umalis. Nag katinginan naman kami ni Finn bago ako lumabas ng pinto. Bago ko isara ang pinto ay nahagip ng mata ko si Mrs.Alcantara na lumapit kay Finn ay isinakbit nito ang dalawang kamay nya sa shoulder ni Finn. Napakunot ang noo ko, hindi naman ako bulag para hindi mapansin na may kakaiba sa kanila. Ano yun, may relasyon din silang dalawa? Shuta, malala na talaga ang utak ng mga tao dito sa mansion. Ano pa bang inaasahan ko, kami ngang mga adopted daughters nila ay ginawa nilang babaeng bayaran. What more silang mag asawa, tiyak na mas malala pa sila samin. Paano kaya pag nag kaalaman na sila ng mga baho nila, tiyak kong malaking gulo ito. Pag nangyare yun, may chance na kaming makalaya sa kamay ng mag asawa. **Galvie's Pov** Naging busy ako nitong mga nag daang araw kaya hindi ko na balikan si Madelaine. Ni hindi ko manlang ito naihatid sa kanila, nakapag usap sana kami bago kami mag hiwalay. Mabuti nalang at tumawag sakin si Mrs.Alcantara. Kinamusta ako nito regarding sa naging session namin ni Madelaine, tinapat ko naman sya na nag enjoy ako dito. Mabuti nalang at nag offer din ito sakin ng contract para kay Madelaine. Malinaw ang naging usapan namin na exclusive lang si Madelaine para sakin sa loob ng isang buwan. Umabot ng 1.5M ang naging price nito, hindi naman naging problema sakin yun dahil masosolo ko si Madelaine sa loob ng isang buwan na walang ibang ka hati. "Bihis na bihis ka ata kapatid, at mukang masayang masaya ka today? May nangyare ba?" Tanong ng kapatid kong si Glads. Agad naman akong nakipag beso dito kasunod ang pag pisil sa pisnge ng 1 year old nyang anak na si Maecy. "Hindi ako na inform ni mom and dad na pupunta kayo, pasensya na at hindi ako makaka join sa family dinner natin ngayong gabi." Saad ko dito sabay tingin sa relo ko. "Okey lang Bro, mukang importante yung lakad mo kaya unahin mo na yun. May mga susunod na araw pa naman, sige na at baka nasa meeting place nyo na yung ka date mo. Good luck bro, next time ipakilala mo na yan samin ah." Nakangiting saad nito at may pag tapik pa sa balikat ko. Hindi na ako umimik at humalik nalang ako sa pisnge ni Maecy bago umalis. Pag sakay ko ng kotse ko ay agad kong tiningnan sa rare mirror ang ayos ko. Excited na akong makita si Madelaine, wala naman akong balak na makipag jugjugan sa kanya ngayon. Gusto ko syang i-date para naman mas makilala namin ang isat-isa. Sabi nga nila, kung gusto mong makuha ang puso ng isang babae, mag effort ka at mag paka romantiko. Sa sitwasyon kasi namin ni Madelaine, nauna na yung s*x, hindi naman kasi casual yung naging pag kikita namin. Parang dinaan nalang sa mabilisan ang lahat, kaya alam kong wala itong kadating-dating sa kanya. Ayukong isipin nya na katulad lang ako ng ibang mga lalaking naging customer nya na s*x lang ang habol sa kanya. Sa nangyare saming dalawa, yun na siguro ng pinakang masarap na naging karanasan ko. Nung unang beses ko palang sya nakita, may ibang naramdaman na talaga ako sa kanya kaya ayuko ng mag sayang pa ng Oras. Minsan ko lang ito maramdaman kaya ipag lalaban ko ito. Pag dating ko sa Crisostomo Village ay dumiretso na ako sa restaurant kung saan ako nag pa reserve ng VIP room. Maraming activities na pwedeng gawin dito sa Crisostomo Village kaya ito ang napili ko para hindi ma boring si Madelaine. Pag pasok ko ng VIP room naupo na ako, muli kong tiningnan ang relo ko at saktong 7 na. Maya-maya pa ay bumukas na yung pinto hudyat na may papasok kaya tumayo ako para salubungin ito. Pero bago pa ako humakbang ay na freeze na ako sa kinatatayuan ko. Sino bang hindi mapapatulala sa magandang babae na ito. "K-kanina ka pa ba, sorry kung na late ako." Nahihiyang saad nito kaya nilapitan ko na sya at kinuha ang kanang kamay nito at hinalikan. Napansin kong nagulat sya sa ginawa kong pag halik sa kamay nya. "Handa akong mag hintay kahit na ilang oras ka pang ma late, binibini." Saad ko dito, napangiti naman ito napansin ko din ang biglang pamumula ng pisnge nya. Inalalayan ko na ito hanggang sa pag upo sa silya nya. Lumapit na yung waiter samin para ibigay yung menu nila. Habang namimili si Madelaine ng order nya, hindi ko maiwasan na hindi ito sulyapan. Sa sobrang Ganda nya, para syang nag liliwanag sa paningin ko. Yung kutis kasi nito parang labanos sa puti tapos napaka kinis pa. "Galvie, okey ka lang?" Tanong nito kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko namalayan na nasa gilid ko na Pala yung waiter para kunin yung order ko. "May iba ka pa bang gustong orderen?" Tanong ko dito para hindi obvious na napahiya ako. Umiling naman ito kaya binaling ko na yung atensyon ko dun sa waiter. "Ganun nalang din yung order ko sa kanya, then 1 bottle of wine, yung first class nyo." Nakangiting saad ko dito. "Copy Sir." Saad nito at umalis na ng silid. Habang hinihintay namin yung food namin hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapatitig dito. "Bakit dito mo napili na pumunta?" Nakakunot noo na tanong nito sakin. "Ayaw mo ba dito, sabihin mo lang kung san mo gustong pumunta para makapag change loc agad tayo, mahaba pa naman ang oras." Pag papanic na sagot ko dito. Agad naman itong umiling at ngumiti. "No, okey lang sakin, gusto ko lang malaman kung bakit dito mo napili." Saad nito at tiningnan ang paligid. "Perfect place kasi ito para sa nag di-date na gusto ng privacy." Nakangiting sagot ko dito kaya napakunot ang noo nya. "Tapatin mo nga ako Galvie, anong dahilan bakit ginagawa mo to sakin?" Seryosong tanong nito sakin kaya nginitian ko to. "Because I like you." Diretsong sagot ko dito. Napailing ito pero maya maya pa ay nasilayan ko na ulit ang ngiti sa kanyang labi. "Siraulo." Nakangiting saad nito habang nakatingin sa mga mata ko. Sira na talaga siguro ang ulo ko dahil sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD