Dalawang lingo na ang lumipas mula ng makabalik si Daniel mula sa pagbisita niya kay Mara sa probinsya. Abala siya ngayon sa paghahabol ng aralin pati na rin sa pagpuno ng mga araw na kaniyang niliban sa kaniyang part-time job. Nais niyang maging sapat ang kaniyang kita upang masuportahan ng maayos si Mara kapag nakarating na ito sa prague.
Isa din sa dahilan kung bakit nagsusumikap siyang magtrabaho ay nais niyang maipagmalaki siya ni Mara. Aminado na ngayon ang binata na may nararamdaman siya para sa dalaga. Balak niya itong kumbinsihing ditto na manirahan sa Prague o magtrabaho. Nais niya itong makasama ng pangmatagalan.
“why are you alone sitting here?” ani Janet. Isa sa kaniyang mga naging malapit na kaibigan ditto sa paaralan niya sa Prague.
“Oh hi janet.” Ganting bati niya.
“hello dani.” Nakangiti namang balik bati nito. Dani ang naging sikat na palayaw niya sa mga kaklase at kaibigan ditto.
“so tell me why are you alone here? It’s cold.” Dagdag na tanong ni Janet.
“nothing. I am just thinking about something.” Paliwanag ng binata.
“something or someone?” may himig panunuksong sambit ni Janet.
“actualy youre right. It’s someone.” Pagpapakatotoong sagot naman ni Daniel.
“Let me have a guess. It’s Mara right?” hula ni janet sa taong nasa isispan ni Daniel.
Hindi kasi lingid sa mga ito ang kababata niyang si Mara. Madalas niyang ikwento ang matalik na kababata sa mga kainbigan niya rito.
“youre right again janet. Ang guess what she’ll be coming over here soon.” Bakas ang kasabikang wika ni Daniel.
Napatayo si janet at may kagalakang sinabi na natutuwa siya para kay Daniel.
“I am really happy for you danny. You’ve waited for this for so long and I know how excited you are already since our graduation will be coming up. It means Mara will be here soon. Can’t wait to meet her. Bet she is really a nice and fine lady.” Mahabang wika ni janet.
Mababakas sa mukha ni janet ang kagalakan para kay Daniel subalit nasa isip nito ang kaibigan nilang si Lisa. Alam kasi ni Janet ang lihim na pagtingin nito kay Daniel. Subalit sa nakikita niya ay may nararamdaman si Daniel para sa kababata nitong si Mara.
“I’ll better go now dani. I have some errands to do at school. Hope to saee you soon.” Paalam ni Janet kay Daniel.
“take care janet and oh by the way if you happen to see lisa please tell her that I am looking for her since the day I came from my country.I need to give her something I bought from there.” Saad ni Daniel.
“You mean something like the one you bought for me too? Tanong naman ni janet.
“yes. We call that “pasalubong in our country.” Pagbibigay impormasyon ni Daniel kay janet.
“okay will do.” Wika naman ni janet sabay talikod sa binate upang magpatuloy sa kaniyang pupuntahan.
Nagpasya si Daniel na umuwi na rin sapagkat tapos na ang klase niya sa araw na iyon. Sa umaga nagtatrabaho si Daniel habang pagkatapos ng tanghalian naman siya pumapasok sa paaralan. Ayaw sana siyang payagan ng kaniyang mga magulang na magtrabaho subalit naging mapilit si Daniel.
Para kasi kay Daniel ay iba pa rin kapag sariling pera ang kinikita at ginagastos. Nag-ipon si Daniel simula pa malamang ng unang araw niya sa pagtatrabaho. At dahil doon ay naibili niya ng ticket si mara papunta sa Prague. Sa kaniyang pag-uwi sa probinsya at pagsupresa kay mara ay tinulungan naman siya ng kaniyang mga ,magulang sa mga gastusin.
Ganunpaman ay proud sa sarili sa Daniel dahil una sa lahat ay nakaya niyang mamuhay at makibagay sa Prague, pangalawa ay malapit na niyang makamit ang katuparan ng knaiyang mga pangarap, pangatlo ay naibili niya ng mg regalo at plane ticket si Mara, Pang huli ay matutupad na niya ang pangako niya sa kaniyang kababata bukod pa sa makakasama niya ito ng matagal sa Prague. Iang buwang mamamalagi ditto ang kababata at gagamitin niya ang mga panahong iyon upang mapasaya ito at makumbinsi na manirahan na kasama siya ditto sa prague.
Naglalakad pauwi si Daniel ng makasalubong niya si Lisa.
“Lisa!”pagtawag niya ditto ng nakangiti.
Alam niyang Nakita siya ni lisa subalit nagktaka si Daniel kung bakit nilagpasan lamang siya ito. Animo’y nagkinwaring abala ito sa pakikipag-usap sa kasama nitong babae.
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Daniel ang kaibigan. Hindi niya alam kung may nagawa siyang mali ditto. Napansin niyang simula noong bumalik siya sa Prague ay hindi na ito gaanong namamansin at nagpapakita sa kaniya.
Nalulungkot siya si Daniel sa nangyayari sa kanila ni lisa. Hindi niya mawari kung ano ang nagawa niyang mali ditto upang tratuhin siya ng dalaga na parang wala silang pinagsamahan bilang kaibigan.
Nagpatuloy na lamang sa oaglalakad ang binata. Nang makarating sa bahay ay agad niyang hinanap ang kaniyang mga magulang. Ng hindi Makita ay nagpasya na lamang siyang pumasok sa kaniyang silid. Malamang ay lumabas na naman ang mga ito upang mag-date.
Simula kasi noong nagpunta sila ng Prague ay tila naging mga teenegers ang kaniyang mga magulang. Naibigan na rin ng mga ito ang Prague. Naalala niyang sinabi sa kaniya ng kaniang ina na may romantikong awra ang bansa. Natutuwa siya sapagkat naging madali para sa kaniyang mga magulang ang paninirahan ditto.
Abala si Daniel na si Daniel sa kaniyang pag-aaral ng mapatingin siya s akalendaryo. Dalawang lingo na lamagn at graduation na niya. Hindi malaman ng binate kung excited ba siya sa graduation niya o sa isiping makakasama na niya si Mara . Pakiramdam niya ay mas nananabik siya sa pagdating ng kababata..
“Daniel anak nandito na kami.” Pasigaw na wika ng kaniyang ama.
“Dad! Mommmy!” pasgaw na sagot ni Daniel habang papalabas sa kaniyang silid.
“Gutom na ba ang dan-dan naming?” tanong ng kaniyang ina.
“si mommy naman eh. Binate na po ak dan dan pa din tawag niyo sa akin. Si mara nga hindi na ako tinatawag na dandan eh.” Natatawang sambit ni Daniel.
“naku ilang araw na lang kasi ay Graduation mon a. Parang datil ang ay pareho pa naming kayong pinagmamasdan dalawa ni mara na nagaaway dahil noong maliliit pa kayo dahil lamang sa isang laruan pero kapag pinapalabas na sa telebisyon ang paborito niyong programa eh di na kayo mapaghiwalay na dalawa.” Mahabang saad naman ng ina ni Daniel habang nakatingin sa kawalan na tila ba ay nanunumbalik ang alaala sa nakaraan.
“speaking of Mara, kalian ba ang dating ng kababata mo ha Daniel?” tanong ng kaniyang ama.
Tumingin muna si Daniel sa kalendaryo nila habang kumukuha ng inumin.
“Dalawang araw po bago ang graduation ko.” Sagot ni Daniel.
Habang tinutulungan ni danile ang kaniyang ina na maghanda ng hapunan ay napansin ng binate ang biglang pananahimik ng ina. Tila may nais itong sabihin sa kaniya subalit nagaalangan kay kaniya na itong tinanong.
“Mom may nais ka bang sabihin?” tanong niya sa knaiyang ina.
Tila nagulat naman ang kaniang ina subalit hindi ito nagpahalata.
“Tanungin mon a lamang kaya ang iyong ama. May nais kaming sabihin sa iyo subalit hindi naming asabi dahil nangangamba kami nab aka ikaw ay magtampo.” Saad ng kaniyang ina.
Sakto naman ang pagpasok ng am ani Daniel sa kusina.
“Mahal, sinabi ko kay Daniel na may mahalaga tayong sasabihin.” Imporma ng in ani Daniel sa asawa.
“Ag eh kasi Daniel ah..” hindi malaman ng am ani Daniel kung paano nito sasabihin ang nais iparating sa kanilang anak. Napapakamot pa ito ng ulo.
“dad mom spill it.” Wika naman ni Daniel ng nakangiti.
“Anak huwag kang magagalit o magtatampo ha?” saad muli ng kaniyang ina. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito at pangamba.
“Promis whatever it is hindi po ak magtatampo.” Paniniguro naman ni Daniel sa kaniyang mga magulang.
“Mahal sabihin mon a.” utos ng kaniyng ina sa kaniyang ama.
“Daniel baka kasi pumunta muna kami sa Germany ng iyong ina.” Wika ng kaniyang ama.
“Germany? Ano po gagawin niyo doon Dad?” Tanong naman ni Daniel. Nakaniti pa rin sa mga magulang si Daniel.
“Nais sana naming na mamasyal doon. Marami kasi kaming mga kaibigan ditto na nagsasabing maganda ang lugar na iyon.” Wika ng kaniyang ina.
“yun lang pala po eh. Walang kaso [po iyon mom dad. Infact gusto ko po iyon na nakakapamasyal kayo. Huwag niyo po akong alalahanin.” Saad ni Daniel.
“ang kaso anak nakabili na kami ng plane ticket subalit hindi napansin ng iyong ama na mali ang date na nai-book namin.” Saad muli ng am ani Daniel.
“Bakit dad? Anong date po ang nai-book niyo?” takang tanoing ng binate sa ama.
Lumingon muna ang am ani Danie sa kaniyang asawa na tila ba humihingi ng saklolo.
“Nai-book naming anak ay dalawang linggong bakasyon sa Germany. At ang alis naming ay dalawang araw bago ang iyong graduation.” Paliwanag ng in ani Daniel.
Saglit na namayani ang katahimikan sa pamilya. Sa isip ni Daniel ay hindi niya makakasama ang kaniyang magulang sa kaniyang gradation. Isa pa ay hindi makikita ng mga ito si Mara. Subalit nanaig sa binate ang pagkamaunawain iya sa knaiyang mga magulang.
Ngumiti si Daniel bago sumagot sa mga magulang
“Okay lang po iyon mom dad. Kasama ko naman po si Mara” saad ng binate.
“Kita mon a mahal sabi ko sayo eh. Napakamaunawain ng ating anak.” Proud na wika ng kaniyang ama
“ayos lang ba talaga sa iyo anak?” nag-aalala pa ring wika ng in ani Daniel.
“Opo ma. Malaki na po ako. isa pa hindi ko rin balak magtagal sa graduation. Balak ko lang talagang kuhanin ang aking diploma. Mas priyoridad ko ang maipasyal si Mara.” Paliwanang ni Daniel.
Tinitigan ng am ani Daniel ang anak.
“bakit dad?” tanong ng binate ng mapansin ang pagtitig ng ama. Abala ang kaniyang ina sa pagluluto at silang mag-ama ay kawpa nakaupo na sa sala.
“Ikaw ba anak ay may gusto na kay mara?” deretsong tanong ng am ani Daniel.
Namula ang pisngi ng binate at napakamot ng kaniyang batok.
“hindi ko po alam dad.’ Pag amin ni Daniel. “ basta ang alam ko po ay masaya ako sa tueing kasama ko siya.” Dagdag pa nito.
“Pakiramdam ko ay mayroon anak. Ganiyan din ako noong una sa mommy mo. Hindi ko pinagtutuunan ng pansin dahil nais kong matapos muna ng pagaaral. Pero bago pa man ako makatapos ay inamin ko na sa sarili ko na may gusto nga ako sa iyong mommy subalit huli na ang lahat dahil may kasintahan na siya noon. Alam mo bang sisingsisi ako noon pero hindi ako sumuko. Hinintay ko silang maghiwalay after four years.” Natatawang kwento ng kaniyang ama.
Hindi alam ni Daniel ang parting iyon ng pagsasama ng kaniyang mga magulang. Natutuwa siya sa isiping wari ba ay binibigyan siya ng payp ng kaniyang ama. Napatingin si Daniel sa ama ng muli itong magsalita.
“Kaya payo ko sayo anak ay pahalagaan mo kung ang mahahalagang bagasy na nagyayari ngayon sapagkat may tsansang mawala ang mga ito at hindi moa lam kung kalian babalik.” Pangaral ng ama.
“Opo pa. tatandaan ko po.” Sangayon namn ni Daniel sa ama
“bahala ka baka mamaya ay may manligaw kay mara umiyak ka bandang huli.” Pananakot ng ama ni Daniel sa kaniya habang pasimpleng tumatawa.
“Daddy naman eh.” Natatawa ring saad ng binate. “hindi po iyon mangyayari dahil alam kong ako alng ang nais ni Mara.” Confident na sabi ng binate.
“naku sinabi ko din iyan sa aking sarili anak. Noong mga dalaga at binate pa kami ng iyong mommy. Pero nangyari pa rin ang di ko inaasahan. Biglang nagkanobyo ang iyong mommy kaya ayon naghintay tuloy ako sa kaniya ng ilang taon bago naging kami.” Sabi muli ng kaniyang ama.
“Isa pa ay may naikwento sa sulat sa amin ang mga magulang ni Mara. May nanliligaw na yata sa iyong kababata.parang amaro ang pangalan.” Pagbibigay impormasyon ng kaniyang ama.
“Ah opo nabanggit na po sa akin ni Mara. Sinabi po niyang kaibigan lamang ang tuting ni Mara doon kay amaro. Kaya di po ako nagaalala dad.” Wika namn ni Daniel.
“naku anak hindi natin alam kung ano ang pwedeng mga mangyari. Kung kami ang tatanungin ng iyong ina ay mas gusto naming na kayong dalawa ni Mara ang magkatuluyan. Kung pwede nga lang gawin ang arrange marriage bakit hindi?” natatawang muling saad nga kaniyang ama.
Natawa rin si Daniel sa tinuran ng kaniyang ama. Hindi lingid sa kanilang dalawa ni Mara na nais ng kani-kanilang mga magulang na silang dalawa ni Mara ang magkatuluyan. May parte sa binate na ito din ang nais mangyari subaliut ayaw naman niyang kontrolin ang sitwasyon. Gusto niyang maging Malaya si mara sa magging desisyon nito sa buhay.
Kung makakita man si mara ng ibang lalaking mamahalin ay kaniya pa rin itong suusportahan at pa[ahalagagan subalit may kirot na naramdaman ang binate sa isiping iyon. Kaniya itong iwinaksi sa isipan. Malabong mangyaring magkagusto sa iba si Mara saad ng kanying isipan. Naniniwala siyang siya laman ang nanaising makasama ng kababata hanggang sa knilang pagtanda dahil iyon din ang kaniyang nais na mangyari.
Naisip ni Daniel ang mga tinuran ng kaniyang ama kaya dahil ditto ay nagpasya ang binata na magtatapat na siya ng kaniyang nararamdaman sa kababata. Hiintayin lamang niyang matapos ang kaniyang graduation abgo magtapat. Naisip ni Daniel na siguro ay mas mainam kung magtatapat siya sa isang magandang lugar. Lugar na may romantikoing awra kagaya ng sinasabi ng kaniyang mga magulang. Nagdesisyon siyang maghanap ng perfect place sa sabado dahil wala siyang pasok sa paaralan at trabaho. Ililihim muna niya sa kaniyang mga magulang ang gagawing pagtatapat sa dalaga.
Kinakabahan sa isiping magtatapat siya sa kababata. Iniisip ni Daniel kung ano ang magiging reaksyon ng kababata. Sana naman ay makakuha siya ng matamis na oo mula rito.
Napukaw lamang ang malalim na pag-iisip ng binate ng narinig nila ang tawag ng kaniyang ina para kumain ng hapunan.